“Lovely...” Napapitlag ako nang maramdaman kong hinawakan ako ni Dash sa braso. “Nakabili kana ba ng halo halo?” tanong niya. Napatingin ako kay Yvo, nakatungo na siya ngayon. Hindi na nakikita ang mukha niya dahil sa sumbrero niya. “A-Ano, ayoko na ng halo halo.” nauutal na sabi ko. Napakunot ang noo ni Dash. “Sigurado ka? Kanina mo pa gusto ng halo halo ah.” nagtatakang sabi ni Dash. “Ito po halo halo, libre na para sa inyo.” Muling nagtayuan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang boses niya. Napakapit ako sa braso ni Dash. “H-Hindi na po kuya.” nauutal na sabi ko at agad kong hinila si Dash palayo doon. Hindi na lang kumontra si Dash kahit mukhang nagtataka siya. Muli ko siyang binalingan ng tingin. Napalunok ako nang tanggalin niya ang sumbrero niya, hindi nakatakas sa pan