“You fvcking bastard!” Nagtayuan silang lahat nang agad na sugurin ni Dash ng suntok si Yvo dahilan para mapaupo ito sa sahig. Nanatili akong nakatulala at nanghihinang napaupo. Parang hinigop ang lahat ng lakas na meron ako, parang gusto ko na lang maglaho na parang bula. “Dash!” agad na umawat sina Rash. “Putanginamo! Gago ka!” buong lakas na iwinaksi ni Dash ang pagkakahawak ng Danger Zone sa kanya. Nagkagulo na ang mga tao sa loob ng mansyon. “Anong kasalanan namin sayo?! Bakit mo kami ginagago McKaile?! Tangina!” pulang pula na ang mukha ni Dash dahil sa matinding galit. Muli niyang sinugod ng suntok si Yvo. Inipon ko ang lahat ng lakas ko at pinilit na tumayo. “D-Dash, tama na!” Pero parang wala siyang naririnig at tuluyan ng nagpadala sa galit. “Dash Pierce Farthon!”