"Hindi ba masyadong mabilis? Baka magulat sina Ma'am Shenna." napakunot ang noo ni Dash sa sinabi ko. "Why do you keep on calling her 'Ma'am Shenna'?" tanong nito. "Syempre, amo ko siya eh." sabi ko at kinurot ang pisngi niya. "Hindi mo na siya amo ngayon." sabi naman niya. "Anong hindi amo? Katulong parin ako sa mansyon niyo kaya hindi mo dapat ako binibigyan ng special treatment porket girlfriend mo ko." panenermon ko sa kanya. "Fiancé." pagcorrect niya sakin. "Oo na, fiancé na." natatawang sabi ko. Niyakap niya ko sa leeg habang tinitingnan ko ang ayos ko sa malaking salamin. "Dash..." nilapag ko ang suklay sa table at nilingon siya. Napaiwas ako ng tingin nang mapansin kong wala siyang damit pang itaas. Lantad na lantad ang matipunong katawan niya sa harap ko. "Magbihis ka mu