Chapter 2

2910 Words
"Sumabay kana sakin." malamig na sabi ni Dash. Agad akong napailing. "H-Hindi na po Sir Dash." natigilan ako nang hawakan niya ko sa braso. "Sir Dash.." pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak sa braso ko. "Why? Are you afraid that someone might see us?" malamig na tanong niya. Agad akong napaiwas ng tingin. "Well guess what? I don't give a sh*t about it." napatingin ako sa paligid habang hila hila niya ko papuntang car park. Agad niyang binuksan ang pinto ng kotse niya at isinakay ako do'n. Nakahinga ako ng maluwag, mukha namang walang nakakita samin. Wala na kasing masyadong tao. Agad na niyang pinaandar ang makina. Tumingin na lang ako sa bintana. "Lovely..." napalingon ako sa kanya. "B-Bakit?" tanong ko. Napatikhim siya. "Nothing." sabi nito at muling binaling ang tingin sa kalsada. Napatitig ako sa mukha niya. Ang tagal na nung huli kong nahawakan ang gwapong mukha niya. Kahit nagbago na siya, para sakin siya pa rin ang lalaking minahal ko at lalaking mahal ko pa rin hanggang ngayon. "Stop staring at me, I can't concentrate." agad akong napaiwas ng tingin sa sinabi niya. "M-May dumi ka sa mukha." sabi ko at binaling ang tingin sa bintana. "Hanggang ngayon, wala ka pa ring kwenta magpalusot." sabi nito at bahagyang napangiti. Napapikit ako ng mariin. Kailan ba ako matututong magpalusot ng ayos? Natigilan ako ng tumigil ang kotse sa isang restaurant. "Bakit tayo nandito?" tanong ko. Hindi niya ko sinagot, bumaba siya ng kotse. Natigilan ako nang pagbuksan niya ko ng kotse. Nag-aalangang lumabas ako ng kotse. "Nagugutom ako." sabi nito at hinawakan ang braso ko. Natigilan ako nang hilahin niya ko papasok sa restaurant. "P-Pwede bang mauna na kong umuwi? Kasi---" nilingon niya ko. "I said I'm hungry." masungit na sabi nito. "Oo nga, pero bakit kailangan pa kitang panoorin na kumain? Ang halay---" agad niyang pinutol ang sasabihin ko. "Sino bang nagsabi na papanoorin mo kong kumain?" ha? Eh ano bang gagawin ko? "You'll eat with me." hindi na ko nakapalag nang hilahin niya ko paupo. "H-Hindi naman ako gutom eh." natigilan kami pareho nang tumunog ang tiyan ko. "Yeah. You're not hungry." sarkastikong sabi nito. Napaiwas na lang ako ng tingin. Tinawag na niya ang waiter. "Anong gusto mo?" tanong nito. Napatikhim ako. "Kung ano yung sayo." sabi ko na lang habang patingin tingin sa paligid. Um-order na siya. Napabuntong hininga na lang ako. Ano bang trip ni Dash sa buhay? "Bakit mo ba ko dinala dito? Baka kung ano pang isipin ni Ma'am Shenna. Saka pano kapag may nakakita satin na kaklase ko?" sabi ko habang tinatakpan ang mukha ko ng bag. Kinuha ni Dash ang bag ko. Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang mga kamay ko. Natigilan ako nang hawakan niya ang mga kamay ko. "What the hell is your problem Lovely?" malamig na tanong niya. Napalunok ako dahil sa malamig na titig niya sakin. "You're not like that before, you don't care about what others think about you." nakakunot noong sabi niya. Napatungo ako. "M-Madaming nagbago." sabi ko at kinuha ang bag ko mula sa kanya. Dumating na ang order namin. Tahimik na kumain lang kami. "Dash!" natigilan ako nang may tumawag kay Dash. "Chi." tumayo si Dash at sinalubong ng yakap si Chiara Napaiwas ako ng tingin. Si Chiara Nicola Falcon, anak siya ni Tiger John Falcon. Pinagselosan ko talaga siya dati. Close kasi sila ni Dash kahit ilang ulit ng sinabi ni Dash na best friend niya lang si Chiara hindi ko maiwasang magselos. Maganda si Chiara at matalino rin gaya ng tatay niya. Hindi rin basta basta ang pagiging ma-impluwensyang tao ni Mr. Falcon na tatay niya. "Grabe ka, ang tagal mong walang paramdam ah." sabi ni Chiara at sinuntok pa sa braso si Dash. "Sorry Chi, busy lang talaga ako." sabi ni Dash at kinurot ang pisngi ni Chiara. Nawalan ako ng gana kumain. "Lovely, ikaw ba yan?" nakangiting tanong ni Chiara. Tipid na ngumiti ako sa kanya. "Kaya ka pala busy ah. Tss." sabi ni Chiara at inirapan si Dash. "Selos ka?" nakangising tanong nito. "Wow, bakit ako magseselos? Sipain kita eh." sabi ni Chiara. Napabuntong hininga ako. Agad akong tumayo at kinuha ang bag ko. "Ituloy niyo lang ang pag-uusap, mauna na ko." sabi ko at tipid na ngumiti. Walang lingon na lumabas ako sa restaurant na 'yon. Paano ba mawawala ang nararamdaman ko kay Dash? *** "Lovely, magpahinga kana. Baka may assignment ka pa." sabi ni Lea na katulong rin katulad ko. "Wala akong assignment at ayaw naman kitang iwan na naglilinis dito mag-isa." sabi ko habang tinutulungan siya na linisin ang pool. Naglalaglagan kasi ang mga dahon dito sa pool. "Alam mo nung nagpaulan yata ng ganda at bait, sinalo mo lahat." natawa ako sa sinabi niya. "Hindi naman, grabe ka." Natigilan kami nang tumunog ang cellphone niya. "Saglit lang Lovely, sasagutin ko lang ang tawag ni nanay." ngumiti ako at tumango. "Ako ng bahala dito, magpahinga kana." "Salamat. Sige mauna na ko." Naiwan na kong mag-isa. Tatapusin ko na agad 'to. Natigilan ako nang may maalala ako. Kanina sa restaurant, masyado kayang obvious na nagselos ako? Napabuntong hininga ako. Sana hindi, nakakahiya. Bakit ko ba kasi ginawa 'yon? Dapat hindi ako nagpadala sa selos. Saka dapat ngayon gumagawa na ko ng paraan para makalimutan ang pagmamahal ko sa kanya. "Bakit bigla kang umalis kanina?" natigilan ako nang may biglang nagsalita. Napalingon ako kay Dash. Umupo siya sa upuan habang naninigarilyo. Napaiwas ako ng tingin. "M-May kailangan lang kasi akong gawin." sabi ko habang tuloy sa paglilinis ng pool. "Ano naman 'yon?" tanong niya at muling hinithit ang sigarilyo. "A-Ano" mag-isip ka Lovely! Dapat convincing na ang palusot mo this time. "S-Sinauli ko yung notebook ni Tristan. Kailangan niya 'yon." sana gumana, sana gumana... "What?" nakakunot noong tanong niya. "Sinauli ko yung notebook ni Tristan." pag-ulit ko sa sinabi ko. Hindi ba siya convinced sa palusot ko? "Alam mo kung saan nakatira ang totoy na 'yon?" tanong niya habang magkasalubong ang kilay. Grabe, maka-totoy naman siya kay Tristan. Ang dami kayang nagkakagusto kay Tristan sa school. "Oo, minsan napunta ako sa kanila. Kilala na rin kasi ako ng parents niya. Mababait rin kasi sila saka---" Natigilan ako dahil ang sama ng tingin sakin ni Dash. Bakit? Anong problema niya? Huminga siya ng malalim at inapakan ang sigarilyo. "Damn this." narinig kong bulong niya. Nakatitig lang ako sa kanya, para kasing naiinis siya na ewan. Natigilan ako nang nagkamali ako nang naapakan. "Ahhh!" Dahil sa katangahan ko ayun, nalaglag ako sa pool. Teka, bakit parang ang lalim naman yata nito. Hindi maabot ng paa ko ang lapag. "D-Dash!" pinipilit kong lumangoy kaso hindi ako marunong. "Lovely!" agad na lumusong si Dash sa pool. Agad akong kumapit sa batok niya. Napasinghap ako nang buhatin niya ko, nakaalis kami sa pool habang buhat niya ko. Nanginginig ang mga labi na nakakapit ako sa kanya. Agad siyang kumuha ng towel at ibinalot 'yon sa katawan ko habang buhat niya pa rin ako. Hindi ko na namalayan na nadala niya ko sa kwarto niya. Dahan dahan niya kong iniupo sa kama. Kumuha ulit siya ng towel at pinunasan ang mukha ko. "Pinag-alala mo ko." sabi niya habang pinupunasan ako. Muli niya kong binuhat. Hindi na ko nakapalag, hanggang ngayon nanghihina ako. Dinala niya ko sa banyo. Napakunot ang noo ko. Bakit niya ko dinala dito? "Magshower ka muna. Maghahanda ako ng damit sa kama, lalabas muna ko para makaligo at makapagbihis ka." seryosong sabi niya at lumabas na. Kahit nag-aalangan, nagshower na ko. Pagkatapos nagtapi na ko ng tuwalya at lumabas ng banyo. Wala si Dash sa kwarto. Agad akong nagbihis, baka maabutan pa ko ni Dash. T-shirt ni Dash ang suot ko at short na pambabae na kasya naman sakin. Lumabas na ko ng kwarto ni Dash, tumingin pa ko sa paligid dahil baka may makakita sakin. Nagmamadali akong pumunta sa kwarto ko. Bakit ba kasi nalaglag pa ko sa pool na 'yon? Tila nakahinga naman ako ng maluwag nang makapasok na ko sa kwarto ko. Nakakabaliw ang araw na 'to. "Ay jusmiyo!" nagulat ako nang makita si Dash na nakaupo sa kama ko. "A-Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Nababaliw kana ba?!" agad akong lumapit sa kanya at hinila siya patayo sa kama ko. Muli siyang umupo sa kama ko. Napasinghap ako nang hilahin niya ko pahiga sa kama. "S-Sir Dash!" nagulat ako nang dumagan siya sakin. Hinawakan niya ang mga kamay ko at idiniin 'yon sa kama. Napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya sakin. "You're my maid, you're mine, you're my fvcking property. Wala kang karapatan na sumuway sa gusto ko..." napalunok ako nang bumaba sa labi ko ang tingin niya. "Sinong pinagmamalaki mo? Yung Tristan na 'yon? Ha?" muli niyang tinitigan ang mga mata ko. "Sir Dash, b-bitawan mo ko." napangisi siya. Muling bumaba sa labi ko ang tingin niya. Hinaplos niya ang labi ko. "Don't make me mad Lovely..." napalunok ako sa sinabi niya. "...and I don't really like it when someone's trying to steal what's mine." Pakiramdam ko hindi ko matatagalan ang paraan ng pagtingin niya sakin, nakakakaba. "Simula ng tumungtong ka sa mansyon na 'to, akin kana." "S-Sir Dash..." Napasinghap ako nang dampian niya ng magaan na halik ang labi ko. "Dash..." Siniil niya ng malalim na halik ang labi ko. Sinubukan ko siyang itulak pero idiniin niya lang ang mga kamay ko sa kama. "Dash." Tinitigan niya ang mga mata ko. Bahagya siyang ngumiti. "B-Bakit mo ba 'to ginagawa?" tanong ko at pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya sakin. "As far as I know, nasagot ko na ang tanong na yan." malamig na sabi niya. "Hanggang kailan mo ba ako papahirapan ng ganito?" tanong ko saka tuluyang dumaloy ang luha sa pisngi ko. Pinahid niya ang luha ko. "...hanggang sa magsawa ako. Kaya kailangan mong tiisin ang lahat ng 'to hangga't hindi ako nagsasawa." seryosong sabi niya. Dinampian niya ng magaan na halik ang labi ko. "Goodnight." sabi niya at umalis na sa ibabaw ko. Para naman akong nakahinga ng maluwag. *** "Bakit parang puyat ka?" tanong ni Tristan at inabutan ako ng sandwich. "Madami lang akong iniisip." sabi ko at kinagatan ang sandwich na bigay niya. Saglit kaming natahimik. Madami talaga akong iniisip, at isa si Dash sa nagpapasakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung ano bang pakay niya sakin o ano bang makukuha niya sa ginagawa niyang 'to. "Lovely." napalingon ako kay Tristan. "Bakit?" napatikhim siya bago nagsalita. "Nakita ko kayo ni Sir Dash kahapon sa car park. Parang pinipilit ka niya na sumama sa kanya." natigilan ako sa sinabi niya. "Hindi ba maayos ang pagtrato ni Sir Dash sayo?" nag-aalalang tanong niya. "H-Hindi naman, ano lang, a-ano..." mag-isip ka ng palusot Lovely! "Pwede kang maging honest sakin Lovely. Diba magkaibigan naman tayo." nakangiting sabi niya. Natigilan ako, dapat ko bang sabihin sa kanya ang problema ko? "Itong sasabihin ko, baka hindi ka maniwala..." sabi ko at napalunok. Nakatingin lang siya sakin na para bang hinihintay ang susunod kong sasabihin. "...may something samin ni Dash---I mean ni Sir Dash five years ago." sabi ko habang nakatungo. "Panong may something?" tanong pa niya. "Parang kami na hindi, nag-I-I love you siya, laging natawag o nagtetext, nag-date kami. Pero wala kaming label." nakatingin lang siya sakin. "Ayos kami eh, I love him, he loves me. Pero nakakainis kasi yung mga problema ko eh. Kinailangan kong pumunta sa US. Hindi ako nagpaalam sa kanya, kapag kasi nakita ko siya baka hindi na ko tumuloy. Five years ang nakalipas, I ended up being their maid, pinag-aral ako ni Ma'am Shenna..." "...pero hindi ko alam kung bakit niya ginagawa sakin 'to, hindi ko alam kung bakit niya ko pinapahirapan ng ganito. Naisip ko na baka dahil iniwan ko siya five years ago, hindi ko talaga alam." tinapik niya ang balikat ko. "Alam kong hindi ka naniniwala sa nga sinasabi ko ngayon---"agad niyang pinutol ang sasabihin ko. "Naniniwala ako..." sabi niya at kinurot ang pisngi ko. "...papatayin na niya ko sa tingin kahapon eh." natatawang sabi niya. Napaiwas na lang ako ng tingin. Ano ba talagang problema ni Dash? "But I want to ask you something Lovely." napatingin ako sa kanya. "Ano 'yon?" huminga muna siyang malalim bago nagsalita. "Mahal mo pa ba si Sir Dash?" natigilan ako sa tanong niya. "Sa totoo lang, mahal ko pa rin siya. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya eh." natahimik siya sa sinabi ko. "...pero syempre kailangan ko ng itigil 'to, wala namang patutunguhan eh." sabi ko na lang at tipid na ngumiti. Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako patayo. "Makakalimutan mo rin ang pagmamahal mo sa kanya. Gagawan natin yan ng paraan!" nakangiting sabi niya. "Tama! Magpakasaya tayo!" ginulo niya ang buhok ko. *** ~~~Third Person's POV~~~ "Magpapamisa na ba ako? Pumunta si Dash Pierce Farthon sa bar ko. Damn it." nakangising sabi ni Tyler. "Shut the fvck up idiot." sabi na lang ni Dash at umupo sa tabi ng mga kaibigan.  "Wag niyong inisin ang gagong 'to, mukhang problemado." pang-aasar pa ni Calli. Inabutan ni Tyler si Dash ng basong may alak. Kinuha naman ni Dash 'yon at inisang lagok. "Ano bang problema mo? Baka masolusyonan ko." nakangising sabi ni Eion. Si Eion ang lagi nilang takbuhan kapag may kailangan silang ipahanap o paimbestigahan. Magaling din itong sumagot sa problema. "I want you to kill someone. Name your fvcking price." sabi ni Dash habang mahigpit na nakahawak sa baso. At syempre, hindi libre ang serbisyo ni Eion. "Seryoso ka?" natatawang tanong ni Aldrin. "Kaya kong gawin kahit ano, wag lang pumatay. Baka patayin din ako ng tatay ko." nakangiwing sabi ni Eion. "Pero seryoso ka na may gusto ka talagang ipa-patay?" tanong ni Xavier. "Of course not." sabi ni Dash at muling uminom ng alak. "Wow. Marunong kana palang magbiro Dash." natatawang sabi ni Anthony. Sumandal si Dash sa couch at napapikit. Ang dami niyang iniisip. "Tristan Keano Edwards, give me some informations about him Eion." sabi ni Dash at muling uminom ng alak. Napangisi si Eion at nilabas ang laptop niya. "I want your new car Dash." sabi ni Eion. Hinagis ni Dash ang susi ng kotse kay Eion. "Okay, let's start." Nagtatakang napatingin ang Danger Zone kay Dash. Si Dash ang pinaka-kuripot sa kanila kaya nakakapagtaka na basta na lang nito binigay ang kotse kay Eion. "Tristan Keano Edwards, 25 years old. Anak ni Justin Kean Edwards, isa si Mr. Edwards sa mga shareholders ng IPFC empire..." Napapikit ng mariin si Dash. Shareholder pala sa kompanya nila ang tatay ng Tristan na 'yon. "Naaksidente si Tristan five years ago at na-coma. At base dito, five years siyang coma. Wow. Grabe pala ang pinagdaanan ng Tristan na 'to." komento ni Eion. "Five years in coma? Buti nagising pa siya." sabi naman ni Henrick. "Sayang nga eh, matalino ang Tristan na 'to. Running for summa c*m laude siya five years ago sa Farthon University, naaksidente lang talaga siya." sabi ni Eion habang nakatutok sa laptop niya. "Teka, sa Farthon University rin siya nag-aaral ngayon. Esudyante mo siya Dash ah." napatingin silang lahat kay Dash. "Bakit mo naman pinapaimbistigahan ang estudyante mo Dash?" tanong ni Rainer. "...at kaklase siya ni Lovely." tuloy ni Eion. "Kaya pala ha." nakangising sabi ni Xenon. Tahimik lang si Dash habang nakatingin sa baso niya na may alak. "Dash! Tsk tsk tsk, maling mali yang ginagawa mo." nakangising sabi ni Calli. "Mandy!" tinawag ni Calli ang babae na nakapo sa di kalayuan. Agad itong lumapit sa pwesto nila. "Alam mo Dash, limang taon kanang stuck sa iisang babae. That's frustrating right? Mandy come here." sabi ni Calli. Si Calli ang promotor ng kagaguhan sa kanila. Madalas niyang niyayayang mambabae ang Danger Zone, pero hindi naman siya nambabae. Faithful kasi ang gago kay Bianca. Minsan weird talaga ang lalaking 'yon. Lumapit sa kanila si Mandy. Binalingan ng tingin ni Dash ang Mandy na 'yon. She's beautiful and sexy. "Ayoko ng babaeng pinagsawaan niyo na." masungit na sabi ni Dash. "Anong pinagsawaan? Wala siyang pinatulan samin, ikaw lang ang gusto ni Mandy." sabi ni Calli at tinapik pa sa balikat ang kaibigan. "Woah!" napasigaw sila ng umupo si Mandy sa kandungan ni Dash. Inubos ni Dash ang alak sa baso at hinawakan sa baywang ang babae. Kung ito ang paraan para makalimot siya sa mga bagay na kinaiinisan niya, sige, susubukan niya. "You're much handsome in person." malanding sabi ni Mandy at kumapit sa batok niya. "You fvcking b*tch!" natigilan sila nang may humila sa buhok ni Mandy. "Chiara stop!" agad na pinigilan ni Cloud ang kapatid. "Bakit niyo hinahayaan na may higad na kumandong kay Dash?!" nakapamaywang na sabi ni Chiara. "Baby Chia, kailangan rin mag-enjoy ni Dash paminsan minsan." sabi ni Calli at ipinatong ang paa sa mini table. "Bwisit ka kuya Calli!" naiinis na sabi ni Chiara. Hinila ni Chiara patayo si Dash at inakay ito. "Hindi ako lasing Chi." sabi ni Dash. "Whatever!" sabi na lang ni Chiara at inilabas si Dash sa bar. "Nakakaawa si Chiara." napapailing na sabi ni Calli. "Oo, ang lakas pa rin ng tama ni Dash kay Lovely eh." sabi naman ni Xavier. "Sa tingin niyo papayag si Chiara na magkatuluyan si Dash at Lovely? Syempre hindi papayag 'yon." sabi naman ni Anthony. "Bakit ba spoiled brat ang mga kapatid nating babae?" napapailing na sabi ni Cloud. "Pustahan na lang tayo kung sino ang makakatuluyan ni Dash. Si Lovely pusta ko." nakangising sabi ni Eion. "Game!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD