Lovely Viana Lopez~~~
"Kamusta ang pag-aaral mo Lovely?" tanong ni Ma'am Shenna habang nakain sila ng hapunan.
"A-Ayos naman po." nakatungong sagot ko.
Nilagyan ko ng tubig ang baso nila ni Sir Prince.
"By the way, makikita mo si Dash do'n. Magtuturo siya ng minor subjects since kinukulang ang mga professor." nakangiting sabi ni Ma'am Shenna.
Napalunok ako. Bakit kailangan niya pang magturo sa Farthon University? Hindi ba siya busy sa trabaho?
"Oh Dash, sakto ang uwi mo. Kumain kana." mas lalo akong kinabahan.
Tumayo ako sa gilid kahilera ng mga katulong na kagaya ko.
"How's your day?" tanong ni Sir Prince sa anak.
"Tiring, as usual." sabi na lang ni Sir Dash at umupo.
"Sigurado ka bang gusto mong magturo sa Farthon University? Mas lalo kang mapapagod." sabi ni Ma'am Shenna.
"Gusto ko pong magturo sa Farthon University, gustong gusto ko."
Napalunok ako nang ibaling niya ang tingin sakin. Agad akong napaiwas ng tingin.
Napatingin ako sa pitsel na wala ng laman. Agad akong lumapit at kinuha 'yon.
"L-Lalagyan ko lang po ng tubig 'to." nakatungong sabi ko.
Agad akong nagtungo sa kusina. Para akong nakahinga ng maluwag nang makalayo ako kay Dash kahit papano. Kinakabahan ako lagi sa presensya niya.
Binuksan ko ang ref at nilagyan ng tubig ang pitsel.
Natigilan ako nang may kumuha ng beer sa ref mula sa likuran ko. Agad kong sinara ang ref at napatingin sa kanya.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa pitsel. Ang lapit lapit niya sakin, nanginginig ang mga tuhod ko.
Akmang aalis na ko pero agad niyang nahawakan ang braso ko.
"S-Sir Dash..." pinipilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sakin.
"We're living on the same fvcking roof Lovely, you can't avoid me forever." malamig na sabi nito at binitawan ang braso ko.
"B-Bakit mo ba ginagawa 'to?" nakatungong tanong ko.
Umupo siya sa table at binuksan ang beer na hawak niya.
"I don't know but..." walang emosyon na sabi nito.
"...seeing you nervous and uneasy excites me."
Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pag-angat ng isang sulok ng labi niya.
"That uniform looks good on you, I never thought of that before." insulto ang dating sakin ng sinabi niya.
Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Kailangan kong magtiis, malaki ang utang na loob ko kay Ma'am Shenna.
"Mauna na po ako Sir Dash."
Dali dali akong umalis ng kusina para makalayo sa kanya.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko titiisin ang ginagawa ni Sir Dash.
***
"Pinapahirapan ka na naman ba ni Dash?! Sasapukin ko na talaga 'yon eh." naiinis na sabi ni Melody sa kabilang linya.
Kaibigan ko si Melody, asawa siya ni Rash, ang kakambal ni Sir Dash.
"Wag mo na kong intindihin. Baka pati ako pagselosan na ni Rash eh." natatawang sabi ko.
May pagkaseloso kasi ang asawa niya.
"Bakit naman hindi kita iintindihin? Lukaret ka talaga." sabi nito.
"Alam mo, kailangan kong tiisin lahat 'to. Pinapaaral ako ni Ma'am Shenna, nakikitira ako sa kanila at sinuswelduhan pa. Wala akong karapatan magreklamo." sabi ko at humiga.
"Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako kay Dash. Limang taon ka niyang hinintay, wala siyang naging girlfriend sa loob ng limang taon kaya naisip ko na talagang hinihintay ka niya. Pero bakit ganito yung ginagawa niya? Naguguluhan na ko."
Natahimik ako sa sinabi ni Melody.
"Baka naman may girlfriend na siya, hindi mo lang alam." sabi ko at napabuntong hininga.
Hindi ko masisisi si Dash kung hindi siya makakapaghintay, umalis ako ng walang pasabi. Basta ko na lang siya iniwan.
"Hindi eh, imposible talagang may girlfriend siya. Kasi kung meron, malalaman agad 'yon ni Eion saka---"
"Ano ba yan Melody? Maghapon na kayong magkausap ni Lovely. Dapat siya na lang yung pinakasalan mo eh!"
Nagpigil ako ng tawa sa sinabi ni Rash sa kabilang linya.
"Bye na, pinagseselosan na talaga ako ng asawa mo." natatawang sabi ko.
"Hay sige na nga. Bye Lovely! Uupakan ko lang si Rash." agad na niyang pinatay ang tawag.
Napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa pinto ng maliit kong kwarto. Lunes na bukas, may pasok na.
Nilapag ko ang cellphone ko sa bedside table. Humiga na ko at napatitig sa kisame.
Pano kaya kung sinabi ko kay Dash ang tungkol sa sitwasyon ko five years ago? Pa'no kaya kung nakapagpaalam ako sa kanya dati? Siguro hindi ganito ang pagtrato niya sakin ngayon.
Mayaman ang pamilya ko dati. Madami silang business sa iba't ibang bansa. Wala akong ibang iniisip ng mga panahong 'yon kundi inis sa mga magulang ko dahil wala na silang oras sakin.
Pero sunod sunod na ang kamalasang nangyari sa buhay namin nung inatake si Daddy. Napabayaan ang kompanya, naloko pa kami ng pinagkakatiwalaan ni Daddy.
Napilitan akong pumunta sa US ng mga panahong 'yon dahil nag-aalala ako sa kanila. Hindi na ko nakapagpaalam kay Melody at kay Dash.
Mas lalong nasira ang buhay namin nang mamatay si Daddy dahil sa sakit. Si Mommy naman ay dinala sa mental hospital dahil hindi na niya kinaya ang problema.
Ako na lang yung natira, ako na lang mag-isa ng mga panahong 'yon. Kinailangan kong tumigil sa pag-aaral dahil wala na kaming pera. Walang wala na talaga.
Pinatira ako ng Tita ko sa kanila. Nagtrabaho ako bilang katulong nila. Mahirap nung una, sobrang hirap lalo na at laki ako sa mayamang pamilya.
Nag-ipon ako ng pera, apat na taon akong nagtiis para makaipon ng pera pauwi dito sa Pilipinas.
Hindi madali ang pinagdaanan ko. Akala ko magiging madali na ang lahat para sakin pag nakauwi na ko dito sa Pilipinas pero hindi pa rin pala.
Para akong naliligaw ng mga panahong 'yon, hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung sino ang pupuntahan ko.
Pagod na pagod na ko ng mga panahong 'yon. Hindi ko na alam ang gagawin, wala na kong pera at nagugutom na ko. Hindi ko na talaga alam.
Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa mansyon nina Dash.
"M-Ma'am Shenna..." siguro hindi na niya ko naaalala. Pero kailangan ko talaga ng tulong niya ngayon.
"I-Ikaw si Lovely diba?" tanong niya. Natigilan ako, naaalala niya ko.
"Opo." napatingin siya sa maletang hawak ko.
"Pumasok ka." agad niya kong iginiya papasok sa kanila.
Umupo kami sa may couch.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Anong nangyari sayo?" tanong nito. Napatungo ako sa tanong niya.
"M-Mahabang kwento po. P-Pero nagpunta po ako dito kasi kailangan ko po talaga ng tulong niyo." sabi ko at napahigpit ang hawak ko sa maleta ko.
"Paano ako makakatulong sayo?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.
Napatingin ako sa mga katulong na naglilinis ng bahay. Sa apat na taon kong pagiging katulong sa poder ng Tita ko, masasabi kong nasanay na ko sa trabahong 'yon.
"K-Kailangan niyo pa po ba ng katulong?" tanong ko sa kanya. Natigilan siya.
"Kailangang kailangan ko lang po talaga ng pera at ng matutuluyan, pumayag po sana kayo na maging katulong ako dito."
Si Ma'am Shenna ang isa sa pinakamabait na taong nakilala ko. Naikwento ko sa kanya ang nangyari sakin.
Naisip niya na dapat kong ituloy ang pag-aaral ko. Hiyang hiya ako no'n, masyado na siyang madaming naitulong sakin. Sobra sobra na kung pag-aaralin niya pa ko. Pero talagang pinilit niya ko na mag-aral ulit.
Sa totoo lang hindi ko na alam kung pa'no mababayaran ang lahat ng kabutihang nagawa sakin ni Ma'am Shenna.
Pero may isa akong pangako sa isip ko dahil sa mga naitulong ni Ma'am Shenna sakin.
Kung ano mang nararamdaman ko para kay Dash, dapat ko ng isantabi.
Nakakahiya kay Ma'am Shenna kapag nalaman niyang mahal ko si Dash.
Kailangan kong iwasan si Dash sa abot ng makakaya ko.
***
"Lovely!" napalingon ako sa tumawag sakin.
"Tristan." nakangiting bati ko sa kanya.
Kaklase ko si Tristan. Mas bata siya sakin ng dalawang taon pero kahit gano'n komportable pa rin ako sa kanya, mabait kasi siya.
"Ang aga mo ngayon ah." sabi niya at umupo sa tabi ko.
"Oo eh." sabi ko na lang at tumingin tingin sa paligid.
Maaga lang naman ako pumasok para hindi ko makita si Dash.
"Kamusta ang pagtatrabaho sa mga Farthon?" tanong niya.
"Ayos lang naman, mabait sila lalo na si Ma'am Shenna." nakangiting sabi ko.
"Gano'n ba? Basta kung may kailangan ka sabihin mo rin sakin, baka makatulong ako. Diba magkaibigan na tayo?" tanong nito. Napatango ako.
"Oo naman, salamat Tristan."
"Sige, mauna na ko Lovely. May pupuntahan lang ako." pagpapaalam nito.
"Sige, kita na lang tayo sa klase."
Napabuntong hininga ako nang makaalis na siya.
Nandito ako ngayon sa garden ng Farthon University. Ang dami kong alaala sa lugar na 'to.
Dito kami laging natambay ni Melody dati, at dito rin ako unang kinausap ni Dash...
"Ang tagal naman ni Melody." sabi ko at napatingin sa relo ko.
Natigilan ako nang makita ko sina Dash na naglalakad sa di kalayuan.
Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Kailan ko kaya siya makakausap? Hanggang pangarap na lang ba talaga?
"Bwisit ka Dash Pierce Farthon!" naiinis na sigaw ko nang makalayo na sila.
Dito lang kami nakakapaglabas ng sama ng loob ni Melody sa garden na 'to kasi laging walang tao. Minsan para kaming tanga na nasigaw kapag nandito kami.
"I love you Dash Pierce Farthon!"
Kahit nakakabwisit siya eh gustong gusto ko pa rin siya. Malakas ang tama ko sa supladong 'yon.
"You love me?"
Natigilan ako sa nagsalita. Yung boses na 'yon, hindi ako pwedeng magkamali.
Agad akong lumingon sa likod ko at gano'n na lang ang gulat ko.
"D-Dash."
Ang bilis ng t***k ng puso ko, sobrang kinakabahan ako ngayon.
Tanga tanga ka talaga Lovely!
"A-Ah ano, nagkamali ka lang ng pagkarinig. Sabi ko 'I love you Nash Aguas'."
Gusto kong pukpukin ang sarili ko. Anong klaseng palusot 'yon?
"What's your name?" natigilan ako sa tanong niya.
Paparusahan niya ba ako dahil sa pag-I love you ko sa kanya? Masama bang magmahal?
"T-Totoo yung sinabi ko, Nash Aguas talaga yung sinabi ko, hindi Dash." napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
Natigilan ako nang tingnan niya ang ID ko. Napasinghap ako nang magkalapit ang mga mukha namin.
"Lovely..." napalunok ako nang banggitin niya ang pangalan ko.
"...your name suits you." bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya.
Gusto ko ng magtitili sa kilig!
"Lovely." muli niyang pagbanggit sa pangalan ko.
"B-Bakit?" tanong ko habang nakatitig sa asul niyang mga mata.
"Do you believe in love at first sight?" seryosong tanong niya habang nakatitig sakin.
"O-Oo." syempre naman. Na-love at first sight kaya ako sayo.
"Hmm, I'm now starting to believe it too." napalunok ako sa sinabi niya.
"Bakit naman?" tanong ko.
"...'cause I think I just fell in love at first sight to someone Lovely."
Ano? Wala na talaga akong pag-asa kay Dash.
"B-Bakit mo sinasabi sakin yan?" tanong ko at napaiwas ng tingin sa kanya.
"Because she's too beautiful that I can't take it anymore."
Ah gano'n? Edi magsama sila ng babaeng 'yon. Bwisit naman.
"Nakakainis ka!" natigilan siya sa sinabi ko.
"Oo na! 'I love you Dash Pierce Farthon' yung sinabi ko kanina! Oo na gusto kita, pero grabe ka naman. Pinangalandakan mo talaga sakin na na-love at first sight ka sa ibang babae. Ang sakit no'n para sakin ah! Dahil diyan hindi na kita gusto! Ayaw na kitang magustuhan!" sabi ko at inirapan siya.
Nagpigil siya ng ngiti. Napakagat siya sa ibabang labi niya.
Oo na! Siya na ang gwapo!
"Lovely." napalingon ako sa kanya.
"Bakit?" inilahad niya ang kamay niya. Napakunot ang noo ko.
"Can I have your number?" natigilan ako sa tanong niya.
OMG!
Mapait na napangiti ako nang maalala ko ang tagpong 'yon. Isa 'yon sa pinakamasasayang araw sa buhay ko. Napansin ako ng taong mahal ko, sobrang saya ko no'n.
Mabilis kong pinahid ang luhang kumawala sa mga mata ko.
Kailangan ko na ring ibaon sa limot ang mga alaalang 'yon, hindi maganda ang magiging dulot no'n para sakin.
Napabuntong hininga ako at tiningnan ang oras sa cellphone ko. Magsisimula na pala ang klase.
Kinuha ko ang bag ko at umalis na ng garden. Siguro dapat iwasan ko na ang pagtambay sa garden na 'yon. Lalo ko lang maiisip si Dash.
"Lovely!" bungad sakin ni Xiara pagpasok ko sa room.
"Bakit?" tanong ko na lang at umupo sa upuan ko.
Sisirain na naman ng mga 'to ang araw ko. Nakakainis.
May gusto kasi siya kay Tristan, pinagseselosan niya kong maigi kahit ilang ulit ko ng sinasabi na magkaibigan lang kami ni Tristan.
"Totoo bang 27 years old kana?" tanong nito.
Natahimik ang buong klase na para bang hinihintay ang sagot ko.
"Oo, 27 na ko." tipid na sagot ko.
"OMG, 27 kana pala. Eew." nakataas kilay na sabi niya.
"Oo, 27 na ko pero bakit mas mukha kang matanda kaysa sakin?"
Anong akala niya? Magpapatalo ako sa katulad niyang makitid ang utak. Saka di hamak naman na mas maganda ako sa kanya ng sampung paligo.
"Ohhh!" nagreact ang mga kaklase ko.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko at sinalpak ang earphones sa tainga ko.
***
"Balita ko supalpal na naman daw si Xiara sayo. Ang astig talaga." napangiti ako sa sinabi ni Tristan.
"Magpapatalo ba ako sa kanya, duh!" natawa siya sa sinabi ko.
Nandito kami sa garden at natambay. Siya lang ang lagi kong kasama, wala naman akong masyadong kaibigan dito.
"Saka ano namang masama kung 27 kana? Walang pinipiling edad ang pag-aaral." napatango ako sa sinabi niya.
"Nga pala, bakit hindi ka pa nagraduate hanggang ngayon? 25 kana diba?" tanong ko sa kanya.
"Four years kasi ako sa ospital." nagulat ako sa sinabi niya.
"Four years? Bakit? Nagkasakit ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Coma." tanging sagot niya. Napasinghap ako.
"Four years kang coma? Bakit?" grabe. Ang tindi naman ng pinagdaanan niya.
"Naaksidente ako, lagi ko kasing tinatakas yung kotse ng kuya ko. Tapos ayun, naaksidente ako. Nagising na lang ako four years na pala ang nakakalipas. Parang kahapon lang ako naaksidente." sabi niya at mapait na napangiti.
"Kaya nga hindi ako makasakay ng kotse eh, na-trauma yata ako." napatango ako sa sinabi niya.
"Kawawa ka naman pala." sabi ko at tinapik ang balikat niya.
"Hindi naman." natatawang sabi niya at ginulo ang buhok ko.
"Wait!" napatingin ako sa cellphone ko.
"Hala! Late na tayo sa klase Tristan!" nagulat rin siya sa sinabi ko.
Dali dali kong kinuha ang bag ko. Gano'n rin ang ginawa ni Tristan.
Dali dali kaming tumakbo.
"Ang bagal mo!" hinawakan ni Tristan ang kamay ko at mabilis na tumakbo.
Grabe, runner ba 'to si Tristan?
Hinihingal na nakarating kami sa room. Napatingin samin ang mga kaklase namin.
"You're late." nanlaki ang mga mata ko sa pamilyar na boses na 'yon.
Dash?!
"Sorry Sir." sabi ni Tristan.
Inayos ni Dash ang salamin niya. Bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Tristan na magkahawak. Agad akong bumitiw.
"S-Sorry po Sir." nakatungong sabi ko.
"Go back to your sit." malamig na sabi niya at muling binaling ang tingin sa libro.
Napalunok ako, sabi na nga ba at mangyayari 'to. Anong gagawin ko?
"Ang gwapo ni Sir Dash, Farthon talaga siya." bulong ng isa kong kaklase.
"Oo nga eh, gaganahan ako pumasok kapag siya ang prof." sabi naman ng katabi niya.
"Anong tingin mo kay Sir Dash?" bulong ni Tristan sakin.
"M-Mukha siyang tao." sabi ko na lang.
"Hindi ba katulad niya ang mga type mo?" tanong pa niya. Agad akong napailing.
"H-Hindi noh." sabi ko na lang at napaiwas ng tingin.
"Buti naman." bulong niya.
"Ha?" tanong ko.
"W-Wala." sabi nito at umiling.
Napatingin ako kay Dash. Napasinghap ako nang mapansing nakatingin siya sakin.
Natigilan ako nang nagvibrate ang phone ko.
From: Sir Dash
You prefer younger ones now?
Napakunot ang noo ko at napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko.
Ano na naman bang gusto niya?
***
"Class dismissed."
Agad na nagtayuan ang mga kaklase ko. Nagmamadaling kinuha ko rin ang bag ko. Kailangan ko siyang iwasan.
"Ms. Lopez." napapikit ako ng mariin nang tawagin ako ni Sir Dash.
"Mauna kana Tristan." ngumiti lang siya at tumango saka umalis na.
Kami na lang ni Sir Dash ang naiwan sa room. Napaiwas ako ng tingin.
"B-Bakit po Sir?"
Tumayo siya at tinanggal ang salamin niya. Natigilan ako nang lumapit siya sa pinto at isinara 'yon.
"Tristan pala ang pangalan niya." malamig na sabi niya at lumapit sakin.
Nanginginig ang mga tuhod na umatras ako. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman kong pinto na ang nasa likod ko.
Itinuon niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ng mukha ko at tinitigan ako sa mga mata.
"You really know how to piss me off Lovely." inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko.
Napasinghap ako nang maramdaman kong inaamoy niya ang leeg ko.
"Sir Dash..." hindi ako makagalaw, ni hindi ko siya maitulak.
"This whole thing really excites me." bulong niya sa tainga ko.
"L-Lumayo ka sakin!" buong lakas ko siya itinutulak pero balewala.
"Shh..." pagpapatahimik niya sakin.
Natigilan ako nang makarinig ako ng mga nadaang estudyante. Napalunok ako.
"You don't want us to be caught right? Behave." seryosong sabi niya.
Huminga ako ng malalim at napapikit ng mariin.
"I really like it when you're weak and helpless like this."
Nanghihina na ang mga tuhod ko. Parang anytime matutumba na ko.
"You're my maid and my student at the same time. It's exciting right?" nakangising tanong niya.
Si Dash, malaki ang pinagbago niya. Ibang iba na siya ngayon.