Chapter 4

3281 Words
“Tristan, naranasan mo na bang magkagusto o magmahal ng isang tao?” tanong ko sa kanya habang nakain kami ng sandwich dito sa ma garden. “Oo naman, madami nga sila eh. Yung Mama ko, yung Papa ko, yung---” tiningnan ko siya ng masama. “Joke lang, syempre naranasan ko ring magmahal.” sabi niya at uminon ng tubig. “Eh kamusta? Ano ng nangyari sa inyong dalawa?” napakibit balikat siya. “Wala, hindi naman naging kami eh.” “Hala! Bakit? Hindi kaba umamin sa kanya?” tanong ko. Nacurious ako. “Umamin, ilang beses pa. Pero iba yung mahal niya eh. Wala naman akong magagawa.” sabi niya na lang. “Sino ba siya? Sabihin mo sakin kung sino, baka kilala ko.” umiling siya. “Wag na, hindi na mahalaga 'yon. Saka hindi ko na siya mahal ngayon, five years na rin ang nakalipas. May iba na kong gusto.” sabi niya at binalingan ako ng tingin. “Sino 'yon?” tanong ko sa kanya. “Wag na, hindi rin naman ako magugustuhan no'n.” sabi niya at napakamot sa batok niya. “Pa'no mo naman nasabi yan? Malay mo may pag-asa ka. Sino ba kasi 'yon? Baka kilala ko, ilalakad kita.” sabi ko at nagtaas baba ng kilay. “Ang kulit mo ate.” naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. “Tinawag mo na naman akong ate ha!” hinampas ko sa kanya ang notebook ko. Ayoko na tinatawag akong ate, hindi naman nagkakalayo ang edad namin. “Ikaw, mahal mo pa rin siya?” seryosong tanong niya sakin. “Hmm, oo naman. Pero pinipigilan ko ang damdamin ko sa abot ng makakaya ko, pero nahihirapan ako eh. Nasa iisang bubong lang kami nakatira.” sabi ko at napabuntong hininga. “Mahirap nga yan, saka hindi naman napipigilan ang pagmamahal.” napatango ako sa sinabi niya. “Pero sa sitwasyon ko, kailangan ko talagang pigilin.” tinapik tapik niya ang balikat ko. “Pero Lovely, paano kung may ibang lalaki na magmahal sayo? Bibigyan mo ba siya ng chance?” tanong niya sakin. “Ewan ko, pero ayoko kasing magpaasa ng tao lalo na kung may mahal pa kong iba. Unfair sa part niya.” “Ah, tama naman 'yon.” sabi na lang niya at napaiwas ng tingin. “Punta na tayong room, baka malate pa tayo.” sabi ko at inilagay ang mga gamit ko sa bag. Nagtungo na kami sa room. Wala pa si Dash, buti naman. Umupo na kami ni Tristan sa upuan namin at nagkwentuhan na lang. Maya maya dumating na rin si Dash. Tumahimik ang buong klase. “Feeling ko mababa ang grade ko kay Sir Dash.” bulong ni Tristan sakin. “Bakit? Matalino ka naman eh.” matalino talaga si Tristan, kaya nga madalas ko siyang kopyaan eh. “Halata namang pinagseselosan niya ko.” natatawang sabi niya. “Bakit naman siya magseselos? Hindi na niya ko mahal noh.” sabi ko at nilabas na lang ang notebook ko. Natigilan ako nang magvibrate ang phone ko. From: Sir Dash Sumabay kana sakin umuwi. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa kanya. Nakaupo siya habang nakatingin sa phone niya. To: Sir Dash Bakit hindi ka nagtuturo? Anong klase kang professor? From: Sir Dash Hindi ka talaga nakikinig, sabi ko basahin niyo muna ang libro niyo. Napairap ako. Bakit ba nakikipagtext lang siya imbis na magturo? From: Sir Dash Basta sabay na tayong umuwi. Hindi na ko nagreply. Tinago ko na lang ang phone ko at sinumulang magbasa ng libro. Napatingin ako sa kanya. Saktong nakatingin rin siya sakin. Agad akong napaiwas ng tingin. *** Napasinghap ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila papuntang car park. Napatingin ako sa paligid, baka may makakita na naman samin. Pinasakay na niya ko sa kotse. Napabuntong hininga na lang ako. “Sir Dash, hindi pwede na lagi tayong magsabay pauwi. Paano kung may makakita satin dito?” Hindi niya ko sinagot. Pinaandar niya ang sasakyan. Natigilan ako nang tumugtog ang kantang paborito ko. “You're just too good to be true, can't take my eyes off you...” Halatang natigilan rin si Dash. Napatikhim ako at tumingin na lang sa bintana. Bakit ba ngayon pa pinatugtog yan? “Wow! Pinapatugtog yung paborito kong kanta. Lakasan mo!” sabi ko at napapakanta pa. “You're just too good to be true, can't my eyes off you.” natigilan ako nang kumanta siya. “Wow, ang ganda ng boses mo.” kinikilig na sabi ko. Ang lamig ng boses niya, ang sarap pakinggan ng paulit ulit. “Mamaya irerecord kita na kumakanta, tapos papakinggan ko araw araw.” kinikilig na sabi ko. “Wag araw araw, baka magsawa ka.” seryosong sabi niya. “Kapag ikaw, hindi ako nagsasawa.” Natigilan ako nang bigla niyang itigil ang sasakyan. Napatulala siya sa kalsada. Namumula ang tainga niya ngayon. Anong problema niya? “Anong sabi mo?” tanong niya at nilingon ako. “Hindi ako nagsasawa sayo Dash Pierce Farthon. Gano'n kitang kamahal.” sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya. “W-Wag mo kong binibiro ng ganyan Lovely.” nauutal na sabi niya. “Kaya paborito ko ang kantang 'to dahil sayo. Dati kasi hanggang titig lang ako sayo, sinong mag-aakala na magiging malapit tayo? Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako tuwing naiisip ko.” sabi ko at nahihiyang ngumiti sa kanya. Nakatitig siya sa mga mata ko. Napalunok ako at napaiwas ng tingin. “Paboritong kanta ko na rin 'to simula ngayon.” sabi niya at bahagyang ngumiti sakin. “You're just too perfect to be true that I can't take my eyes off you Lovely.” seryosong sabi nito habang nakatitig sakin. Pakiramdam ko namumula na ang magkabilang pisngi ko ngayon. “Can I kiss you?” tanong niya habang nakatingin sa labi ko. “S-Seryoso ka ba?” gulat na tanong ko. Napapitlag na lang ako nang dampian niya ng halik ang noo ko, ang ilong ko at ang labi ko. “What have you done to me Lovely?” tanong nito at tinitigan ang mga mata ko. “Ewan ko sayo.” sabi ko at hinampas siya sa dibdib. Kinikilig ako! Nagising ako nang maramdaman kong may nahaplos sa pisngi ko. “You're crying.” Idinilat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na nagsalita. Nakatitig sakin si Dash. Agad akong napaiwas ng tingin at pinahid ang mga luha ko. “S-Sorry nakatulog ako.” sabi ko habang todo iwas ng tingin sa kanya. Natigilan ako nang mapansin kong medyo madilim na. “Bakit hindi mo ko ginising? Ginabi tuloy tayo, teka. Nasaan tayo?” tanong ko. “Hindi na kita ginising, you look tired.” sabi nito at napaiwas ng tingin. “Umuwi na tayo, baka mag-alala sila do'n.” napatango na lang siya at pinaandar na ang kotse. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa bintana. Hangga't may mga alaala kami, mahihirapan ako magmove on sa kanya. Pasimple akong tumingin sa kanya. Hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa mga kinikilos niya, bakit ba kami ganitong dalawa? Bakit ang gulo gulo naming dalawa? “We're here.” sabi niya at agad na bumaba ng kotse. Napaiwas ako ng tingin nang pagbuksan niya ko ng pinto ng kotse. “S-Salamat.” sabi ko na lang at tipid na ngumiti sa kanya. “Lovely...” napalingon ako sa kanya. “Bakit?” “Regaluhan mo ko bukas.” napakunot ang noo ko. “Ha? Bakit?” napaiwas siya ng tingin sakin. “Nothing.” nauna na siyang maglakad. Ano bang ibig niyang sabihin do'n? Pumasok na kami sa mansyon. Napatingin samin ang mga katulong, napalunok ako. “Lovely, bakit ginabi ka?” nag-aalalang tanong ni Manang Lorena. “M-Marami lang po akong ginawa sa school.” sabi ko at nagmano sa kanya. Napatingin sina Karen kay Dash. Napatikhim naman si Dash at pumunta na sa kwarto niya. “Magbibihis muna ko. Tutulungan ko kayo diyan.” sabi ko at dali daling pumunta sa kwarto ko. Nilagay ko na sa table ang bag at hinubad ang sapatos ko. Umupo ako sa kama at napatitig sa kawalan. Bakit ang tao, ang bilis ma-in love pero ang tagal makamove on? Napabuntong hininga na lang ako at kumuha ng damit saka dumiretso sa cr para magshower. Agad na kong lumabas ng kwarto at pinuntahan sina Manang Lorena lara tumulong. “Kamusta naman ang araw mo?” tanong ni Manang Lorena. “Ayos lang po, nakakapagod ng konti.” sabi ko at ngumiti sa kanya. “Lovely, anong feeling na makasabay si Sir Dash sa kotse araw araw? Nakakakilig ba?” tanong ni Jane. Kinurot ko ang pisngi niya. “Ikaw talaga, kung ano anong pinagsasasabi mo.” natatawang sabi ko. Napasimangot siya. “Nga pala, bukas daw ang birthday nina Sir Dash at Sir Rash sabi ni Ma'am Shenna. Maghahanda sila ng kaunting handaan bukas, ayaw kasi nina Sir Dash at Sir Rash ng magarbong party.” natigilan ako sa sinabi ni Karen. “Regaluhan mo ko bukas.” Kaya pala gusto niyang regaluhan ko siya, birthday niya pala bukas? Bakit nakalimutan ko 'yon? “Busy tayo niyan bukas panigurado. Buti na lang wala kang pasok bukas Lovely.” sabi ni Anna. Tipid na napangiti na lang ako at tumango. Anong ireregalo ko sa kanya? Pagkatapos naming magawa ang lahat ng trabaho namin ay agad na kong dumiretso sa kwarto ko. Napatitig ako sa kawalan. Ano bang pwede kong iregalo sa kanya? Wala naman akong malaking pera eh. Nagpagulong gulong ako sa kama. Ano ba kasing ireregalo ko sa kanya? Ang hirap mag-isip. Napatingin ako sa bag ko. Napangiti ako nang makita ko ang mga keychain na nakasabit do'n, mga keychain yo'n na ginawa ko mag-isa. Kung ano anong abubot ang ginagawa ko lalo na kapag naboboring ako. Tama! Gagawan ko siya ng keychain! *** “Ano kayang ireregalo ni Ma'am Chiara kay Sir Dash?” natigilan ako sa sinabi ni Karen. “Syempre siguradong bongga ang ireregalo ni Ma'am Chiara kay Sir Dash. Taon taon naman eh.” sabi ni Jane. Himigpit ang hawak ko sa walis. Dapat ko pa bang ibigay sa kanya ang regalo ko? “Ladies, sumabay na kayo samin kumain mamaya. Birthday ng kambal ko kaya makiki-celebrate kayo samin. Okay?” nakangiting sabi ni Ma'am Shenna. “Opo Ma'am!” masiglang sagot ng mga katulong. Napalunok ako. “Sige, magready na kayo. Pupunta na sila maya maya.” excited na sabi ni Ma'am Shenna. “P-Pupunta lang po ako sa kwarto ko. Saglit lang po ako.” sabi ko. Tumango naman sila. “Go lang.” sabi nina Karen. Tipid na ngumiti ako at dumiretso na sa kwarto ko. Napabuntong hininga ako at binuksan ang drawer ko. Kinuha ko ang maliit na box at binuksan 'yon. Wala akong lakas ng loob na ibigay ang regalong 'to kay Dash. Siguradong walang wala 'to sa ireregalo ni Chiara. Gumawa ako ng maliit na teddy bear na keychain kagabi, maliit lang 'yon at kasya sa palad. Nakasimangot ang teddy bear keychain na ginawa ko dahil lagi ring nakasimangot si Dash. May maliit na pangalan naman ni Dash sa tiyan ng maliit na teddy bear. Napabuntong hininga ako. Nakakahiyang iregalo 'to sa kanya. Natigilan ako nang may kumatok sa kwarto ko. “Lovely, andyan na sila.” Dali dali kong nilagay sa maliit na box ang keychain at agad na ibinalik sa drawer ko. Lumabas na ko ng kwarto ko at nagtungo sa dining area. “Lovely!” nakangiting bati ni Melody sakin. Tipid na ngumiti lang ako at umupo na sa tabi nina Manang Lorena. “Happy birthday magkakambal na panget!” bati nila pagdating ni Dash. “Oy, si Dash lang yung panget.” sabi ni Sir Rash. “Yeah, whatever.” masungit na sabi ni Dash at umupo na lang sa tabi ni Chiara. Natigilan ako nang mapatingin siya sakin. Agad akong napaiwas ng tingin. Nagsimula na kaming kumain. Nagkwentuhan naman ang Danger Zone habang nakain. “Ang tanda mo na Dash.” panunukso ni Sir Rash sa kanya. “Siraulo, magkaedad lang kayo.” sabi naman ni Sir Ridge at binatukan si Rash. “By the way, ito ang regalo namin ni Ice sa inyo.” sabi ni Ma'am Shenna at may iniabot na tig isang box sa kambal “Mamaya niyo na buksan para surprise.” nakangiting sabi ni Ma'am Shenna. “Ah let me guess. It's a car, or a condo unit, or maybe a rest house.” sabi ni Dash. Napasinghap si Ma'am Shenna. “Pano mo nalaman na rest house ang regalo namin?!” tanong ni Ma'am Shenna kay Dash. “They're not stupid Shenna. Paulit ulit lang ang regalo natin sa kanila.” malamig na sabi ni Sir Prince. “Ako espesyal ang regalo ko sa inyo.” sabi ni Tyler at may ibinigay na card sa kanilang dalawa. “Libre kayo sa bar ko sa loob ng ten minutes.” pagmamalaki ni Tyler “Sayo na 'to! Ang kuripot.” pagrereklamo ni Sir Rash. “Joke lang. Libre kayo sa bar ko sa loob ng isang buwan.” sabi ni Tyler at tinapik sa balikat si Sir Rash. “Rash, this is my gift for you.” sabi ni Chiara at inabot ag regalo niya kay Rash. “Wow, ticket papuntang Korea. Thank you Chia.” sabi ni Sir Rash. “Alam kong gustong gusto ni Melody sa Korea. Pumunta kayong dalawa do'n.” nakangiting sabi ni Chiara. “Thank you.” sabi naman ni Melody at ngumiti ng plastik kay Chiara. Kapag ganyan ang ngiti ni Melody, alam kong plastik na ngiti yan. Bruha talaga 'to. “Wala ka bang regalo kay Dash baby Chia?” nakangising tanong ni Calli. “Oo nga. How about me?” tanong ni Dash. Inirapan siya ni Chiara. “Tingnan niyo, kay Ma'am Chiara lumalabas ang makulit na side ni Sir Dash. May pag-asa silang dalawa.” bulong ni Anna samin. Napaiwas na lang ako ng tingin. Gusto ko ng umalis dito. “Syempre meron ka rin. Baka umiyak ka pa diyan.” sabi ni Chiara at inabot ang regalo niya kay Dash. “Wow, yan yung limited edition na relo diba?” sabi ni Ma'am Shenna. Napatungo ako. Kanina ko pa gustong umalis dito at magkulong na lang sa kwarto ko. “Thank you Chi, may pangalan ko pa talaga.” sabi ni Dash at ginulo ang buhok ni Chiara. “Siguro mas mahal pa ang relong 'yon kaysa sa buhay ko.” nakangiwing sabi ni Karen. “Punta lang ako sa kwarto ko, magpapahinga lang ako saglit.” pagpapaalam ko kina Manang Lorena. Agad na kong pumunta sa kwarto ko. Hindi naman nila nahalata na umalis ako, busy sila sa pagk-kwentuhan, buti naman. Kinuha ko ang maliit na box sa drawer ko. Itatapon ko na lang 'to. Lumabas ako at nagtungo sa garden. Napabuntong hininga ako at umupo sa duyan. Tinitigan ko ang maliit na box na hawak ko ngayon. Hindi ko na napigilan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Ano ba 'tong ginagawa ko? Nagbalak talaga akong ibigay sa kanya ang regalong 'to? Grabe, nakakahiya. Natigilan ako nang may maalala ako... “Where's my gift?” tanong ni Dash at inilahad ang kamay niya. “W-Wag na.” sabi ko at napaiwas ng tingin sa kanya. “Akin na.” seryosong sabi niya. Napailing ako. “Wag na nga, nakakahiya.” bulong ko hinigpitan ang hawak ko sa cookies na regalo ko sa kanya. Ako ang nagbake ng mga cookies na 'to na may nakaukit na pangalan niya sa bawat cookies. “Bakit ka ba nahihiya?” masungit na tanong niya. Napasimangot ako. “Niregaluhan ka ni Chiara ng mamahaling neck tie. N-Nakakahiya yung regalo ko.” sabi ko habang pilit na tinatago ang box sa likod ko. “Tayo lang dalawa dito, akin na yang regalo mo.” seryosong sabi niya. Nandito kami sa garden ng mansyon nila. Bakit ba gustong gusto niyang makita ang regalo ko? Balewala naman 'to eh. “Wag na nga sabi.” nakatungong sabi ko. “Ibigay mo na, naiinis na ko Lovely.” seryosong sabi niya. Napalunok ako. “Kahit mainis ka hindi ko ibibigay 'to.” napabuntong hininga siya sa sinabi ko. “Yung regalo mo ang pinakahihintay ko tapos hindi mo pa ibibigay.” tila nagtatampong sabi niya. “Eh nakakahiya kasi...” nakatungong sabi ko. Natigilan ako nang hilahin niya ko papalapit sa kanya. Napasinghap ako nang madali niyang nakuha ang regalo ko. “Dash!” napatakip na lang ako sa mukha ko nang mabuksan niya na ang box. “Sabi ko na ngang wag mo ng kunin eh. Nakakahiya nga.” sabi ko habang nakatakip sa mukha ko. Natigilan ako nang tanggalin niya ang mga kamay kong nakatakip sa mukha ko. Napangiti siya saka tumitig sa mga mata ko. Siniil niya ng malalim na halik ang labi ko. Napakapit na lang ako sa batok niya at tinugon ang halik niya. “I like your gift more than those expensive ones.” sabi niya at tinitigan ako sa mga mata ko. “Pinapasaya mo ko sa mga simpleng bagay na ginagawa mo Lovely.” sabi niya at dinampian ng magaan na halik ang labi ko. “Thank God, I met you.” sabi nito habang hindi maalis ang titig sakin. Ako dapat ang nagsasabi niyan Dash. Thank God, I met you. Nanginginig ang mga kamay na pinahid ko ang mga luha ko. Magkaiba na ang sitwasyon ngayon, hindi na katulad dati kaya wala akong karapatan na magbigay ng regalo sa kanya. Tumayo ako at tinapon sa basurahan ang maliit na box. Bakit pa kasi ako nag-aksaya ng oras na gawin 'yon? Balewala na sa kanya ang regalo ko. Hindi na kami tulad ng dati. “What the hell are you doing Lovely?!” natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Dash. Agad siyang lumapit sa basurahan at kinuha ang regalo ko sa kanya. Bakit niya kinuha sa basurahan 'yon?! Nababaliw na ba siya?! Agad kong kinuha 'yon mula sa kanya. “A-Ano bang ginagawa mo?!” sabi ko at itinago ang maliit na box sa likod ko. “That's mine, that's your gift for me, right?” tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. “Wag mo ng pansinin 'to! Itatapon ko rin naman 'to eh.” sabi ko at napaiwas ng tingin sa kanya. “Bakit mo itatapon ang regalo mo para sakin?!” naiinis na tanong niya. “Hindi na kasi 'to mahalaga! Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nag-aksaya ng oras para gawin 'to! Wag mo ng pansinin 'to, balewala lang 'to!” naiinis na sabi ko habang patuloy sa pagdaloy ang mga luha ko. Napabuntong hininga siya at lumapit sakin. Kinuha niya ang regalo ko sa kanya. Masyado na kong nanghihina, nawalan ako ng lakas para bawiin 'yon sa kanya. Binuksan niya ang maliit na box, kinuha niya ang keychain sa loob. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagngiti niya kahit medyo madilim na. “I like your gift more than those expensive ones.” natigilan ako sa sinabi niya. Ito na naman, nagwawala na naman ang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD