“Anong niluluto mo?” napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Dash.
“A-Ano, sinigang.” nauutal na sabi ko.
Hindi ko pa rin makalimutan ang pagtanggap niya sa regalo ko kagabi. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon.
“M-Maluluto na 'to, gusto mo bang kumain?” tanong ko at nilingon siya.
“Oo.” sagot lang niya.
Agad ko ng pinatay ang kalan nang maluto na ang sinigang. Nagsandok ako ng kanin sa plato at pinaghainan si Dash. Nilagay ko ang sinigang sa mangkok at nilagay rin sa mesa.
Sinabawan na niya ang kanin niya at kumuha ng ulam. Pigil ang paghinga ko nang tinikman na niya ang luto ko.
Dapat tinikman ko muna ang sinigang, pano kung hindi masarap 'yon? Pano kung nasobrahan pala sa asim o nakulangan?
“Not bad.” komento ni Dash. Napasimangot ako.
“Not bad?” nakasimangot na tanong ko.
“Marunong kana talaga magluto, yung sinigang mo kasi dati...” napangiwi si Dash.
Namula ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. Naalala niya pa 'yon?!
“Ano bang gusto mong kainin? Ipagluluto kita.” tanong ko kay Dash.
Busy siya sa pagbabasa ng mga libro. Nandito siya sa bahay ko ngayon at nag-aaral. Ewan ko ba kung bakit dito pa siya nagbabasa sa bahay ko.
“Sinigang.” simpleng sagot niya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa libro.
“Sinigang?” parang medyo mahirap 'yon ah.
Agad akong nagtungo sa kusina. Pinanood ko si Melody magluto ng sinigang isang beses. Medyo naaalala ko pa naman kung pano niya niluto 'yon.
Agad ko ng hinanda ang mga kailangan sa pagluluto.
Kailangan masarap 'to. Si Dash ang kakain nito eh. Wala naman kasi akong galing sa pagluluto. Mahilig ako magbake, pero hindi ako masyadong magaling magluto.
Natigilan ako nang may matipunong mga braso na yumakap sa baywang ko mula sa likod. Isinandal naman niya ang baba niya sa balikat ko.
“Mukhang masarap.” sabi niya at hinigpitan ang pagyakap sakin.
“Malapit ng maluto 'to.” sabi ko.
Hindi siya sumagot, nanatili lang siyang nakayakap sakin.
“Favorite mo ba ang sinigang?” tanong ko sa kanya. Naramdaman kong tumango siya.
“Paborito namin ni Yelo ang sinigang na niluluto ni Mama.” sagot niya. Napangiti ako.
“Ganon ba? Teka, tapos kana ba magbasa? Ituloy mo na ang pagbabasa mo, dadalhan na lang kita don kapag naluto na.”
“Hihintayin na kitang matapos.” sabi niya at dinampian ng halik ang pisngi ko. Napakagat ako sa labi ko dahil sa kilig.
“Ang harot mo.” nakasimangot na sabi ko.
“Sayo lang ako haharot.” bulong niya sa tainga ko na nagpasinghap sakin.
Gulat na napaharap ako sa kanya at hinampas siya sa braso.
“Grabe ka.” natawa siya sa reaksyon ko.
“Bakit? Anong masama sa sinabi ko?” natatawang tanong niya.
“N-Nakakakilig eh.” sabi ko na lang at muling hinarap ang niluluto ko.
Agad ko ng pinatay ang kalan at nilagay sa mangkok ang niluto kong sinigang. Naglagay ako ng kanin sa plato at nilagay 'yon sa mesa kasama ng sinigang.
“Ayan luto na.” sabi ko at inabot sa kanya ang kutsara't tinidor.
Teka, hindi ko pala siya natikman! Baka may kulang akong nailagay.
Kaso huli na, natikman na niya ang sinigang na niluto ko.
Natigilan ako nang mapangiwi siya. Kinabahan ako. Matabang ba yung luto ko?!
“Bakit? Matabang ba?” tanong ko sa kanya.
“Hindi...” nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.
“...pero sobrang alat. Sigurado ka bang sinigang 'to?” nang-aasar na tanong niya sakin.
Kinuha ko ang kutsara mula sa kanya at tinikman ang niluto ko. Napangiwi rin ako.
Hindi lang siya basta maalat, sobrang alat! Diba dapat maasim ang sinigang? Bakit yung sinigang ko maalat?
“Sobrang alat nga. Uulitin ko na lang.” nakasimangot na sabi ko.
Kinuha ko ang mangkok, natigilan ako nang kunin niya ulit ang mangkok mula sakin.
“Akin na 'to.” sabi niya at sinimulang sabawan ang kanin niya.
“Wag mo ng kainin, ang alat talaga.” nakangusong sabi ko.
“Kaya kong tiisin ang alat ng sinigang na 'to, basta may panghimagas ako mamaya pagkatapos.” sabi niya at ngumisi sakin.
Anong panghimagas ba ang gusto niya?
Natigilan ako nang kagatin niya ang ibabang labi niya at bumaba ang tingin niya sa labi ko. Napasinghap ako.
“Baliw ka!”
“K-Kinain mo naman, inubos mo pa nga eh.” nakatungong sabi ko.
“Pinagtyagaan ko lang.” sabi niya habang kumakain.
Kinuha ko ang plato niya.
“Wag mong kainin 'to.” nakasimangot na sabi ko.
Kinuha niya ulit sakin ang plato niya.
“I'm hungry. Wala ka bang puso?” natigilan ako sa sinabi niya.
“May puso ako, kung wala edi sana patay na ko ngayon.” naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko.
Tumayo siya at lumapit sakin. Napalunok ako nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
“Pinipilosopo mo ko.” nakangising tanong niya.
“H-Hindi naman po Sir Dash.” sabi ko at nginitian siya ng matamis.
“Don't smile at me like that.” sabi niya habang nakatitig sakin.
Agad akong lumayo sa kanya at tumakbo.
Grabe, parang sasabog ang puso ko.
***
“You mean, medyo okay na kayo ni Sir Dash?” tanong ni Tristan.
“Siguro, parang gano'n na nga.” sabi ko at uminom ng tubig.
Papunta na kami ngayon sa tambayan naming garden.
“Alam niya naman siguro yung pinagdaanan mo five years ago diba? Bakit parang nagpapakiramdaman pa kayong dalawa?” tanong niya at ini-shoot ang plastic bottle sa basurahan.
“Syempre, malay mo ako lang pala yung nagmamahal saming dalawa. Baka hindi na pala niya ko mahal kagaya ng pagmamahal ko sa kanya.” paliwanag ko.
“Sa tingin ko mahal ka pa ni Sir Dash. Magtiwala ka sakin, malakas ang pakiramdam ko sa mga ganyan.” pagmamayabang niya. Hinampas ko ang braso niya.
“Wag na, baka madisappoint lang ako at saka isa pa, nakakahiya rin kay Ma'am Shenna.” sabi ko at napabuntong hininga.
Natigilan ako nang akbayan niya ko.
“Ate, makakaya mo yan. Magtiwala ka sa pag-ibig.” sabi nito at nagtaas baba pa ng kilay.
Natigilan kami pareho pagpunta namin sa garden.
“Si Sir Dash.” bulong ni Tristan sakin.
Nakaupo si Dash sa may bench at salubong ang kilay na nakatingin samin. Agad kong tinanggal ang pagkakaakbay ni Tristan sakin.
“Ah, may pupuntahan lang ako Lovely.” sabi ni Tristan at nginitian ako saka umalis na.
“A-Anong ginagawa mo dito Dash-- este Sir Dash?” nakalimutan kong nasa school pala kami.
“Wala, nagpahangin lang.” sabi niya at agad napaiwas ng tingin.
Nag-aalangang umupo ako sa tabi niya. Napatingin ako sa paligid. Gusto ko ang lugar na 'to lalo kapag si Dash ang kasama ko.
“Why are you always with him? Wala ka bang ibang kaibigan?” bakas ang pagkainis sa boses niya.
“Wala. Saka masaya kasing kasama at kakwentuhan si Tristan, siya lang yung nakakaintindi sakin bukod kay Melody.” sabi ko habang pinaglalaruan ang mga kuko ko.
“Baka magtampo si Melody niyan, dapat isa lang ang best friend mo.” sabi nito habang nakatingin sa mga halaman.
“Ayaw mo nga dati kay Melody eh.” natigilan siya sa sinabi ko.
“Hindi ako sasabay sayo mamaya. Pupunta kami sa mall ni Melody.” excited na sabi ko.
Namimiss ko na kasi si Melody, minsan na lang kami magkaroon ng moment dahil laging nakabuntot ang boyfriend niyang si Rash.
“Si Melody na naman?” nakakunot noong tanong ni Dash.
Nandito kami ni Dash sa may garden. Dito kami laging napunta kapag walang klase kasi wala laging tao dito.
“Bakit?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
“You're always with her, is she a lesbian?” halata ang pagkainis sa boses niya. Hinampas ko siya sa braso.
“Hindi siya lesbian noh! Mahal na mahal niya kaya si Rash.” sabi ko sa kanya. Napaismid lang siya.
“Bakit ba kasi lagi kayong magkasama?” natawa ako sa pagmamaktol niya.
“Pati ba naman si Melody pinagseselosan mo?” natatawang sabi ko. Napaiwas siya ng tingin sakin.
“Of course not.” pagtanggi niya.
Niyakap ko siya sa baywang at hinalikan siya ng mabilis sa pisngi.
“Wag ka ng magselos kay Melody, minsan na nga lang kami magkasama ulit dahil laging pa-epal si Rash.” paglalambing ko sa kanya.
Hinila niya ko paupo sa kandungan niya at niyakap ako. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
“Gusto ko ding maging pa-epal sa inyo ni Melody.” natigilan ako sa sinabi niya.
“Subukan mo, babatukan kita.” pananakot ko sa kanya.
Tumunghay siya at tinitigan ako sa mga mata. Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa asul niyang mga mata.
“Babatukan mo ko? Talaga?” tanong niya.
“O-Oo, babatukan talaga kita.” sabi ko at pilit na tinapangan ang boses ko.
Napasinghap ako nang dampian niya ng magaan na halik ang labi ko. Tinitigan niya ko sa mga mata ko.
“I want you mine, mine alone.” seryosong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
“Oo na po.” nakangiting sabi ko.
Muli niyang siniil ng halik ang labi ko.
***
“Lovely, pasensya na. Bigla kasing nagkasakit si Rash, nagtaka nga ako eh. Ayos pa naman siya kanina.” sabi ni Melody.
“Okay lang, sige na puntahan mo na ang bebe Rash mo.” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Sige, babawi na lang ako sayo bukas. Bye!” paalam niya at umalis na.
“Let's go.” sabi ni Dash at bigla akong hinila papuntang kotse niya.
“Nakakapagtaka...” bulong ko.
Pinaandar na ni Dash ang kotse niya.
“Anong nakakapagtaka?” tanong ni Dash.
“Ang ayos ayos pa ni Rash kanina eh. Nakikipaglokohan pa siya sa Danger Zone. Bakit bigla siyang nagkasakit?” tanong ko at nilingon si Dash. Napakibit balikat siya.
“Ewan.” tanging sagot lang niya. Naningkit ang mga mata ko.
“May hindi talaga tama eh.” napapailing na sabi ko.
“You're just thinking too much, saan mo gustong pumunta? Tayo na lang ang magdate.” pag-iwas nito sa topic.
“Nakipagsabwatan ka kay Rash noh?!” tanong ko.
“Of course not, I'm not childish like him.” pagtanggi nito.
“Weh?!” tanong ko sa kanya.
“Wala akong alam sa sinasabi mo?” pagtanggi pa niya.
“Weh? Talaga? Mamatay man si Rash?” nakataas kilay na tanong ko.
“Oo, mamatay man si Rash.” sabi nito habang diretso pa ring nakatingin sa kalsada.
“Mamatay ka man?” pangungulit ko.
“Oo, mamatay man ako.” ah gano'n pala.
“Mamatay man ako?” tanong ko.
Agad siyang napapreno at napatingin sakin.
“Okay, medyo nakipagsabwatan nga ako kay Rash, pero siya ang nag-isip no'n.” paliwanag niya.
Hinampas ko siya sa braso. Loko loko talaga 'to!
“Ang isip bata niyong dalawa ni Rash!” napapailing na sabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at dinampian 'yon ng halik. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.
“Sorry na. Gusto ko lagi kitang kasama.”
Bwisit naman, alam niya kasing marupok ako pagdating sa kanya.
“Nakakainis ka.” nakasimangot na sabi ko.
Napangiti siya sa sinabi ko.
“I'm kinda selfish you know.”
“Dati lang 'yon, I was young and immature that time.” pagdadahilan niya.
“Sobrang immature.” dagdag ko pa. Napakamot siya sa kilay niya.
Natigilan ako at napatingin sa itim na bag na lagi niyang dala. Napasinghap ako nang makita ko ang keychain na niregalo ko sa kanya na nakasabit sa zipper ng bag niya.
“Y-Yung keychain...” sabi ko at tinuro ang keychain na nakasabit sa bag niya.
Namula ang tainga niya at napaiwas ng tingin sakin.
“Regalo mo 'to sakin, kaya ginamit ko.” napangiti ako sa sinabi niya.
Natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam ang sasabihin o io-open na topic at mukhang ganon rin siya.
“Wala ka bang klase? Patambay tambay ka lang rito.” panenermon niya.
“Wala naman akong klase ngayon.” sabi ko. Totoo naman, hindi ako nagc-cutting kahit noon pa. Siya lang naman yung bad influence sakin dati.
“Is that so? Sige, mauna na ko.” sabi niya at tumayo na mula sa pagkakaupo.
“Study hard and achieve your dreams Lovely.” sabi nito at nginitian ako. Wala sa sariling napatango na lang ako.
Nakatulala pa rin ako nang makaalis na siya.
“Ay kabayo!” nagulat ako nang biglang may umakbay sakin.
“Ang hina naman pala ni Sir Dash.” napapailing na sabi ni Tristan. Binatukan ko siya.
“Tumigil ka nga dyan.”
Napatingin ako sa papalayong bulto ni Dash. Wala sa sariling napangiti ako.
Ni hindi man lang nabawasan ang nararamdaman ko para sa kanya, nadagdagan pa yata.
***
“Ano pa bang hinihintay niyo ni Dash? Bakit nagpapakiramdaman pa kayo?!” naiinis na tamong ni Melody.
Nakain kami ngayon sa isang fast food chain dito sa may mall. Namiss niya raw ako eh.
“Baka naman kasi hindi na niya ko mahal. Malay mo kaibigan na lang talaga ang turing niya sakin.” nakasimangot na sabi ko.
Sarkastikong natawa siya sa sinabi ko.
“Kaibigan? Hinintay niya ng limang taon ang kaibigan niya? Wow, ang galing.” napapailing na sabi niya at uminom ng coke.
“Ayokong umasa Melody, mahirap na.” sabi ko na lang.
“Ewan ko ba kasi diyan kay Dash kung bakit ang dami pang ek-ek sa buhay. Halata namang mahal ka pa rin niya. Bakit pa siya naghe-hesitate? Ano bang tumakbo sa isip ng isang 'yon?” pinitik ko ang noo ni Melody.
“Hayaan mo na si Dash.” sabi ko na lang.
“Bakit kasi kay Tito Prince nagmana si Dash? Ang hirap niya basahin.” wala talagang balak tumigil si Melody eh.
“Bakit kailangan mo kong basahin? Hindi ako libro.”
Parehas kaming nasamid ni Melody sa pamilyar na boses na 'yon.
“H-Hindi 'yon ang ibig kong sabihin Dash.” sabi ni Melody at pilit na ngumiti.
“Whatever. Asikasuhin mo na lang yung asawa mo. May sakit siya.” natigilan ako sa sinabi ni Dash.
“May sakit si Rash? Ayos pa siya kanina ah.” nakakunot noong sabi ni Melody.
“Basta, puntahan mo na siya. Ako ng bahala kay Lovely.” sabi ni Dash. Naningkit ang mga mata ni Melody.
“Alam mo, kung gusto mo lang masolo si Lovely sabihin mo na lang. Kung ano anong alibi pa ang sinasabi mo dyan eh.” masungit na sabi ni Melody.
Hindi sumagot si Dash, malamig na tiningnan niya si Melody.
“Eto na nga eh, aalis na.” sabi ni Melody at agad na kinuha ang bag niya.
“Next time na lang ulit Lovely, may paepal kasi.” sabi ni Melody at inirapan si Dash.
“Sige.” nakangiting sabi ko.
“Bye!” agad na rin siyang umalis.
Nagulat ako nang hawakan ako ni Dash sa braso at hinila ako patayo.
“Teka, saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita. Lumabas lang kami ng fast food chain.
“Anong pwede kong iregalo kay Snow?” natigilan ako sa tanong niya.
“Bakit?” matagal pa ang birthday ni Snow eh.
“Nanalo siya sa ballet dancing contest, at nanghihingi siya ng regalo sakin.” tila problemadong sabi niya.
“Hindi ko alam eh.” sabi ko at napakamot sa batok ko.
“She's suddenly demanding for a fvcking gift, damn it.” naiinis na sabi niya.
“Halika, tutulungan kitang maghanap.” sabi ko sa kanya.
Nagtingin tingin kami ng mga pwedeng iregalo kay Snow.
“Damit kaya?” tanong ko kay Dash.
“Sobrang dami niyang damit.” sabi naman niya.
Okay, ekis ang mga damit.
Napatigil kami sa tapat ng jewelry store.
“Eh kung alahas kaya?” tanong ko at napalingon sa kanya.
“Malulula ka sa dami ng alahas ng spoiled brat na 'yon.” nakangiwing sabi niya.
Okay, ekis ulit ang mga alahas.
“Parang ibang regalo yata ang gusto ni Snow.” sabi ko. Napatingin siya sakin.
“Ano 'yon?” tanong niya.
“Gusto niya ng regalo na may effort.” sabi ko.
Napaisip kaming dalawa. Anong klaseng regalo kaya ang gusto ni Snow?
Natigilan ako nang iangat ni Dash ang bag niya at ipinakita sakin ang keychain na regalo ko sa kanya.
“How about a cute keychain like this? Snow loves cute things.” suhestiyon niya.
“Ha?”
Cute daw yung keychain na ginawa ko! Nakakakilig!
“Teach me how to make a keychain like this.”
Seryoso ba siya?
***
“Damn, this is frustrating.” natawa ako sa reaksyon ni Dash.
Nandito kami sa kwarto ko habang tinuturuan ko siyang gumawa ng keychain.
Nagtatahi siya ngayon ng maliit na snow flake. Mano mano ko siyang tinuturuan ngayon.
“Kaya mo yan, para kay Snow. Siguradong matutuwa siya kapag yan ang niregalo mo sa kanya.” sabi ko at tinapik ang balikat niya. Napabuntong hininga na lang siya.
“Fine.” tila napipilitang sabi niya. Napangiti ako.
“Galingan mo para hindi na si Sir Ridge ang the best na kuya para sa kanya.” pagmotivate ko sa kanya.
“Pano ka natutong gumawa ng mga ganito?” tanong niya.
“Wala, libangan lang tapos habang tumatagal, nasasanay na kong gumawa ng mga ganito.” sabi ko habang nagtatahi rin ng keychain na snow flake. Sinusundan ni Dash ang ginagawa ko.
“Matatapos na ko.” tila excited na sabi ni Dash. Napangiti ako.
Lumalabas ang cute side niya. Ang cute cute!
“I know you're thinking that I'm cute.” sabi ni Dash at tumingin sakin.
“Ha? Pano mo nalaman?” pang-aasar ko pa sa kanya.
“I'm not cute--- fvck.” nabitawan niya ang tinatahi niya.
“Ayan, natusok ka ng karayom.” hinawakan ko ang kamay niya.
Natusok ang hintuturo niya ng karayom.
“It's okay, malayo sa bituka yan.” sabi niya at napaiwas ng tingin sakin.
Naramdaman kong napapitlag siya nang sipsipin ko ang dulo ng daliri niya na may dugo.
“W-What the hell are you doing?” tila hindi makapaniwalang sabi niya.
“Yan, okay na.” sabi ko at dahan dahang pinunasan ng tela ang daliri niya.
Natigilan ako nang mapansin kong nakatulala pa rin siya sakin.
Pakiramdam ko nag-akyatan ang dugo ko sa mukha nang marealize ko ang ginawa ko.
Sinipsip ko ang daliri niya!
“Did you just s-suck my finger?” tila lutang pa rin siya sa nangyari.
“S-Sorry, dumudugo kasi eh.” ngayon ako nakaramdam ng hiya.
“Ginawa mo rin ba 'to kay Tristan o sa kahit na sinong lalaki?” seryosong tanong niya.
“Hindi ah, sayo ko lang ginawa yan saka sa sarili ko.” sabi ko at napalunok.
“That's good.”
Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Kitang kita ko kung pano siya napalunok.
“The way you suck my finger--- damn. You're a fvcking tease.”
Napasinghap na lang ako nang marahas niya kong ihiga sa kama at agad siyang pumatong sakin.
“D-Dash...” nauutal na sabi ko.
“This is your punishment for sexily sucking my precious finger.” tila paos na sabi nito.
Hindi na ko nakapalag nang siilin niya ng malalim at mainit na halik ang labi ko.