From: Sir Dash
Good morning.
Napangiti ako sa text message ni Dash sakin. Nabuo yata ang araw ko sa simpleng text galing sa kanya.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Feeling ko mas gumanda ako ngayon kaysa nung mga nakaraang linggo.
Muling nagvibrate ang cellphone ko.
From: Sir Dash
Handa kana ba pumasok? Ihahatid na kita sa school.
Kinikilig na napakagat ako sa ibabang labi ko. Agad akong nagtype ng irereply sa kanya.
To: Sir Dash
Wag na, mamaya pa ang klase mo. Baka makaabala pa ko.
Kahit na gustong gusto ko siyang makasama bawat oras ng buhay ko, hindi naman pwede. Baka may kailangan pa siyang gawin.
Sinukbit ko ang bag ko at agad na lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina.
“Magandang umaga Lovely.” nakangiting bati ni Manang Lorena.
“Magandang umaga rin po.” magalang na pagbati ko.
Agad niya kong inabutan ng sandwich na nakalagay sa plastic.
“Oh kainin mo yan, baka gutumin ka.” napangiti ako sa sinabi ni Manang Lorena.
Para ko na talaga siyang nanay, at parang kapatid ko na rin sina Karen. Para na rin akong may pamilya dito sa mansyon.
“Salamat po.” nakangiting sabi ko.
“Si Manang Lorena, may favoritism talaga. Ako hindi niyo pinapabaunan ng sandwich.” nakangusong sabi ni Jane.
“Bakit naman kita papabaunan pa, eh sandamakmak ang kinakain mo bago pumasok.” natawa kami sa sinabi ni Manang Lorena.
Nagvibrate ang phone ko. Agad kong tiningnan kung sino ang nagtext.
From: Sir Dash
I'm waiting outside. Ihahatid kita sa school.
Napabuntong hininga ako. Ang kulit talaga ng lalaking 'to.
“Ehem! I'm waiting outside. Ihahatid kita sa school. OMG!”
Agad kong tinakpan ang phone ko at tiningnan ng masama si Karen. Wala talagang kadala dala ang babaeng 'to.
“Bilisan mo na, hinihintay kana ni Sir Prince Charming sa labas!” panunukso pa sakin ni Lea.
“Tumigil nga kayo, isasabay na niya ko tutal pupunta rin naman siya sa school.” pagdadahilan ko.
“Mamayang hapon pa ang klase ni Sir Dash teh.” pagsingit ni Anna.
Napaiwas ako ng tingin. Mahina talaga ako sa pag-iisip ng palusot.
“M-Malay mo may gagawin siya sa---” agad ng pinutol ni Karen ang sasabihin ko.
“Stop na! Lumabas kana, hinihintay kana ni Sir Dash. Baka mainip 'yon.” sabi ni Karen.
Napanguso na lang ako at lumabas na rin ng mansyon. Nakangitinging binati ako ng guard.
“Magandang umaga Lovely.” pagbati ni Kuya Lemuel.
“Magandang umaga po.” nakangiting bati ko rin.
Pinagbuksan niya ko ng gate. Agad akong lumabas, bumungad sakin si Dash na prenteng nakasandal sa itim na kotse niya.
Tiningnan ko siya ng masama. Napangisi lang siya sakin.
“Mahahalata tayo niyan eh. May pahatid hatid ka pa.” nakasimangot na sabi ko kahit kinikilig ako deep inside.
Dinampian niya ng halik ang labi ko bago ako pinagbuksan ng pinto sa kotse. Kinikilig na napakagat ako sa ibabang labi ko at sumakay na sa kotse niya. Agad na rin siyang umupo sa driver seat.
“May dapat ba tayong itago?” tanong niya at sinimulan ng paandarin ang kotse.
Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sinabi niya. Oo nga noh, wala naman kaming dapat itago. Hindi naman kami magkarelasyon.
“W-Wala naman, baka kung anong isipin nila tungkol satin.” napatungo ako at pinaglaruan ang mga kuko ko.
Natigilan ako nang kunin niya ang isang kamay ko at hinawakan 'yon. Gulat na napatingin ako sa kanya.
“Hayaan mo silang mag-isip ng mag-isip. Totoo naman ang iniisip nila tungkol satin.” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“A-Ano ba ang iniisip nila tungkol satin?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at saglit akong binalingan ng tingin. Dinampian niya ng halik ang likod ng palad ko.
Natigilan ako nang mapansin kong hindi sa university ang daang tinatahak namin. Naningkit ang mga mata ko at tiningnan siya.
“Saan mo ko dadalhin? Kikidnapin mo ko noh?” tanong ko. Natawa siya sa sinabi ko.
Willing naman akong magpakidnap sa kanya. Pero mukhang hindi na k********g ang tawag don.
“I think your imagination is going too far.” natatawang sabi niya. Napaismid ako.
“Ewan ko sayo.” bulong ko na lang.
“Stop acting cute, baka kidnapin talaga kita.” pananakot niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
“Tss. Sinong tinakot mo?” hindi mo na ko kailangang pilitin na sumama sayo, dahil kusa akong sasama kahit saan pa yan.
“Teka, baka ma-late na ko.” tiningnan ko ang oras sa phone ko.
7:30 am na, 30 minutes na lang magsisimula na ang first class ko.
“Hayaan mo, wag ka ng pumasok.” sabi nito habang patuloy pa rin sa pagd-drive.
“Hindi pwede! Nakakahiya kapag nalaman ni Ma'am Shenna, sa school na tayo.” sabi ko at tumingin sa kanya.
“Wala si Prof Gian.” tipid na sagot nito. Napakunot ang noo ko.
“Paano mo naman nalaman?” nakataas kilay na tanong ko.
Kinuha niya ang phone niya at inabot sakin. May ipinakita siya sakin na text message.
From: f*****g moron
Naayos ko na Dash. By the way, you're fvcking welcome fvcktard!
Napakunot ang noo ko. Anong ibig sabihin ng text message na 'to?
“Galing kay Eion yan.”
Ah. Naiintindihan ko na. Puro kalokohan talaga ang mga 'to, parang mga teenager.
Sinilip ko ang contacts niya. Lihim akong napangiti, puro mura ang pangalan ng mga kaibigan niya sa contacts niya.
Fucking idiot, stupid ass-hole, fvcktard, fvcking noob at iba pa. Grabe talaga.
Naagaw ng isang pangalan ang atensyon ko.
Nicola
Pasimple kong binalingan ng tingin si Dash na busy sa pagmamaneho. Agad kong tiningnan ang text messages nila ni Chiara.
Grabe, 11,346 na ang text messages nila sa isa't isa. Mukhang hindi nagbubura ng text messages si Dash.
Binasa ko ang mga text sa kanya ni Nicola, yung iba last last year pa, kaya pala ang dami...
Hoy Dash!
Sunduin mo ko blue eyed monster!
Nagluto ako ng carbonara, dadalhan kita sa office mo.
Dash Pierce!
Pierce!
Damn Chiara Nicola, wag na wag mong mababanggit ang second name ko!
Ikaw din, ayoko nga sabi sa second name ko eh! Iinisin pa kita lalo. Pierce! Pierce! Pierce!
Nicola, isa. Susugurin kita sa unit mo.
Go on Pierce. Blue eyed monster!
Stop it curly b***h, Nicola.
Nang-aasar ka? Hindi kita dadalhan ng carbonara, akala mo dyan.
Go on, kay Hillary na lang ako magpapaluto ng carbonara. Nicola.
Ah ganon? Sige, kay Hillary kana. Pierce.
Joke lang, selos ka kaagad. Chi, baby Chi. Okay na?
Mapait akong napangiti. Ilang taon na silang magkakilala. Imposibleng hindi sila magkagusto sa isa't isa.
Napakunot ang noo ko nang mapansin kong may text message rin galing kay Dash?
Tinetext niya ang sarili niya? Praning ba 'to si Dash?
Pasimple kong tiningnan si Dash. Hindi naman siguro niya mapapansin kung babasahin ko 'to noh?
July 12, 20**
I met the most beautiful woman in my eyes, and it's you. You're lovely, just like your name.
December 3, 20**
Iniwan mo na ko, but I will wait for you. I promise, I will wait for you no matter what.
December 3, 20**
It's been a year, marami ng nagbago. But my feelings for you didn't, it's still the same, kahit wala ka pa rin sa tabi ko.
December 3, 20**
It's been two years love. By the way, Chiara confessed her feelings, Chiara loves me. Kaya bumalik kana, come back to me. Please.
December 3, 20**
It's been three years, but I still love you. I'm fvcked up right?
December 3, 20**
It's been four years, hinintay kita ng apat na taon! Paano mo nagawa sakin 'to? Bakit mo ko sinaktan ng ganito?
December 31, 20**
It's been five years, nandito kana. But why am I doing this?
Yung huling text niya ay three months ago lang. March pa lang ngayon.
Hindi ko naintindihan ang dalawang huling text niya. Anong ibig niyang sabihin sa mga 'yon?
“We're here.”
Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita. Dali dali kong pinindot ang back. Nanginginig ang mga kamay ko.
“I-Ito na yung phone mo.” nauutal na sabi ko. Agad naman niyang kinuha 'yon.
Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako. Para sakin ang lahat ng text messages na sinesend niya sa sarili niya. Pero hindi ko maintindihan ang huling dalawang message.
Napapitlag ako nang maramdaman kong binuksan niya ang pinto ng kotse.
“Let's go.” sabi nito at inilahad ang kamay. Nakangiting tinanggap ko 'yon.
Saka ko na iisipin ang ibig sabihin ng message na 'yon.
Natigilan ako nang mapatingin ako sa lugar na pinagdalhan niya sakin.
Wala sa sariling napatakip ako sa bibig ko habang maluha luha ang mga mata.
“D-Dash...” naiiyak ako. Grabe.
“Surprise.” mahinang sabi niya at pinahid ang mga luhang nadaloy sa pisngi ko.
Ang dati naming bahay. Hindi pala nagiba ang bahay namin dati.
“Binili ko ang bahay na 'to at ipinangalan ko sayo.” napasinghap ako sa sinabi niya.
Agad ko siyang nilingon. Hindi ako makapaniwala.
“B-Bakit mo ginawa 'yon?” tanong ko sa kanya habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha ko.
“I don't know.” tipid na sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko.
“Baliw ka! N-Nagsayang ka pa ng pera!” sabi ko at sinuntok ang dibdib niya.
Halo halo ang nararamdaman ko. Pero hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon, mas nangingibabaw ang saya.
“Ang daming alaala sa bahay na 'to Dash, salamat. Salamat talaga.” sabi ko habang nakasubsob sa matipunong dibdib niya.
“Anything. Anything for my love.” sabi nito at hinaplos ang buhok ko.
Tumunghay ako at tiningnan siya.
“Pwede ba tayong pumasok?” tanong ko sa kanya. Natawa siya.
“Of course.” nakangiting sabi nito.
Hinawakan ko siya sa kamay at hinila siya papasok sa bahay namin. Excited na binuksan ko ang gate.
“Namiss ko ang bahay na 'to Dash. Sobrang namiss ko.” napangiti siya sa sinabi ko.
“I know.”
Napaawang ang labi ko pagpasok namin sa loob. May mga gamit pa rin, at mukhang regular na nalilinis ang bahay na 'to.
Binuksan ko ang pinto sa kwarto ko dati. Napangiti ako.
Nandito pa rin ang kama ko at yung ibang mga gamit.
“Kailan mo pa binili ang bahay na 'to?” tanong ko at binalingan ng tingin si Dash na nasa likuran ko lang.
“Five years ago.” napasinghap ako sa sinabi niya.
“F-Five years ago?” tila hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango lang siya sakin.
Dali dali akong lumabas ng kwarto.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Dash pero hindi ko pinansin.
Dumiretso ako sa likod bahay at ganon na lang ang gulat ko. Nandoon pa rin ang puno ng mangga!
“Hindi ko pinaputol ang punong yan, kayo ng Papa mo ang nagtanim ng punong yan diba?” tanong ni Dash at lumapit sakin.
Naiiyak na hinarap ko siya. Namumula na siguro ang mata, ilong at pisngi ko ngayon.
“Paano ko mababayaran ang lahat ng 'to?” natawa siya sa tanong ko.
“You don't need to pay for it, just stay by my side.” seryosong sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko.
Napatango ako at niyakap siya. Kahit mukhang nagulat siya sa ginawa ko ay niyakap na niya rin ako pabalik.
“Salamat talaga Dash. Promise, babayaran ko 'to kapag kaya ko na.” naiiyak na sabi ko.
Hindi ko maipaliwanag ang emosyon na nararamdman ko ngayon. Halo halo eh.
“I said you don't have to pay for it. Ang kulit.” napangiti ako sa sinabi niya.
“Eh! Nakakahiya.” nakangusong sabi ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at dinampian ng halik ang nakangusong labi ko.
“Umayos ka Lovely Viana, baka kidnapin talaga kita.” napangiti ako sa sinabi niya.
“Hindi naman ako papalag eh.”
Nagtaka ako nang matahimik siya sa sinabi ko. Natawa ako nang mapansin kong pulang pula na ang magkabilang tainga niya.
“Hanggang ngayon, ang dali mo pa ring pakiligin. Para kang babae.” pang-aasar ko sa kanya. Napasimangot siya.
“Madali akong kiligin pero kaya kitang pasigawin sa ibabaw ng kama gamit lang ang dila at dali---” agad kong tinakpan ang bastos niyang bibig.
“Mukha ka lang disenteng tao pero napakabastos ng bibig mo.” sabi ko at pinitik ang malambot niyang labi.
“Sayo lang ako bastos.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Hinampas ko ang matipunong braso niya.
“Weh?” tanong ko at pinaningkitan siya ng mata.
“Oo, mamatay man yung aso ng kapitbahay namin.” nakangising sabi niya.
Loko loko talaga 'to.
***
“Bakit kaya wala si Prof Gian kanina?” tanong ni Tristan sakin.
“E-Ewan ko.” sabi ko at agad na napaiwas ng tingin.
“Akala ko alam mo since wala ka rin kanina.” napalunok ako sa sinabi niya.
“P-Paano ko malalaman? Hindi naman kami magkapitbahay ni Prof Gian.” sabi ko na lang.
“Ahh, siguro si Sir Dash may alam. Tanungin mo kaya siya.” nakangising sabi niya. Inirapan ko siya at sinuntok sa braso.
“Nakakainis ka kamo.” natawa siya sa sinabi ko.
“Ang dali mo talagang basahin, Ate.” pang-iinis niya. Tiningnan ko siya ng masama.
“Babatukan kita.” pananakot ko sa kanya.
Umupo kami sa my bench nang makarating na kami sa garden.
“Anong oras na?” tanong niya sakin. Napataas ang isang kilay ko.
“May relo ka naman eh.” sabi ko at tinuro ag wristwatch niya.
“Oo nga noh.” natatawang sabi niya at napakamot sa batok niya.
“Engot ka talaga.” sabi ko at napaismid.
“May one hour and thirty minutes pa bago ang susunod nating klase. Gala muna tayo.” pagyaya niya.
“Wag na, baka ma-late pa tayo.” sabi ko at umiling pa.
“Ano naman kung malate tayo? Si Sir Dash naman ang magtuturo eh.” nakangising sabi niya. Binatukan ko siya.
“Ano naman kung si Sir Dash? Ibig sabihin pwede na tayo magpalate? Baliw ka talaga.”
Minsan may saltik din ang batang 'to eh. Pasalamat siya cute siya at nakokopyaan ko pa minsan.
“Hindi magagalit 'yon kapag na-late tayo. Hindi 'yon magagalit sayo.” sabi nito.
Hindi na ko nakapalag nang hilahin niya ko.
***
Nandito kami sa may ice cream parlor. Nilibre ako ni Tristan na dapat lang dahil hinila niya ko dito.
“Ang sarap ng chocolate ice cream.” sabi ko habang tinatapik tapik pa ang tiyan ko.
Favorite ni Dash ang chocolate ice cream, hindi naman talaga ako gaanong mahilig do'n dati kaso naimpluwensyahan niya ko kaya paborito ko na rin 'yon.
Tapos na kaming kumain at palakad lakad na lang kami sa park. Wala kaming magawa eh.
“Ilibre mo rin ako, lagi na lang ako yung nanlilibre sayo eh.” sabi ni Tristan at pinitik ang noo ko.
“Dapat lang ikaw ang manlibre sating dalawa. Mayaman ka naman eh, mahirap lang ako. Ibili mo pa ko no'n.” hinila ko siya papunta sa bilihan ng cotton candy.
“Grabe talaga.” narinig kong bulong niya.
“Kuya dalawang cotton candy nga po, kulay pink.” nakangiting sabi ko sa tindero.
“Ayoko ng kulay pink.” nakasimangot na sabi nito.
“Ano naman kung ayaw mo ng kulay pink? Hindi naman kita bibigyan eh.” sabi ko at kinuha ang dalawang cotton candy mula kay Manong.
“Wow, ang tindi mo talaga ate.” pang-aasar pa niya at binayaran na ang cotton candy.
“Sabi na nga ba at magkapatid kayo eh, magkamukhang magkamukha kayo.” nakangiting sabi ni Manong.
Natatawang nagkatinginan kami ni Tristan. Napagkamalan na naman kami na magkapatid, lagi na lang.
“Hindi po kami magkapatid.” natatawang sabi ni Tristan.
“Magkaklase lang po kami.” dagdag ko pa.
“Hindi talaga kayo magkapatid? Magkamukhang magkamukha talaga kayo.” pakikisali naman ng isang tindera na malapit samin.
“Hindi po talaga.” nakangiting sabi ni Tristan.
Naglakad na kami pabalik sa school. Ako naman ay patuloy sa pagkain ng cotton candy.
“Bakit kaya lagi tayong napagkakamalan na magkapatid? Ang pangit mo kaya.” napakunot ang noo ko sa sinabi ni Tristan.
“Ang kapal mo. Ako nga ang dapat na nagsasabi niyan eh.” sabi ko na lang.
Kahit ako nagtataka rin naman. Pati iba naming kaklase eh napagkakamalan kaming magkapatid.
“Magpicture tayo.” sabi nito at kinuha ang phone niya.
Kahit nagtataka ako sumama na rin ako sa picture.
“Now let's see...” sabi nito at tiningnan ang picture namin.
“M-Magkamukha nga tayo.” gulat na sabi ko habang nakatitig sa picture namin.
“Pano nangyari 'yon?” sabi ni Tristan at kinagat ang kuko niya.
Nung una kong nakita si Tristan, napansin ko kaagad na medyo hawig ko siya pero hindi ko na lang pinansin 'yon.
Pero ngayon ko lang nalaman na talagang magkamukha kami.
“This is weird, right?” tanong ni Tristan sakin. Wala sa sariling napatango ako.
Natigilan ako nang magvibrate ang phone ko. Nagtext si Dash sakin.
From: Sir Dash
Where are you? Are you with Tristan?
Napakunot ang noo ko sa text niya. Agad akong nagtype para magreply.
To: Sir Dash
Papunta na kami sa school.
Agad rin siyang nagreply.
From: Sir Dash
Sa garden kayo dumiretso. Isama mo si Tristan.
“Tristan.”
Natigilan si Tristan sa pagtitig sa phone niya. Napatikhim siya at agad na itinago ang phone niya.
Ipinakita ko kay Tristan ang text message ni Dash sakin. Napakunot ang noo niya.
“Bakit daw?” nagtatakang tanong niya. Napakibit balikat ako.
“Hindi ko alam.”
***
“Dash.” agad na napalingon samin si Dash nang makarating na kami ni Tristan sa garden ng school.
Napakunot ang noo ko nang mapansin ko na katabi niya si Eion na tutok na tutok sa laptop nito.
“May problema ba?” tanong ko at lumapit sa kanila.
“Bakit kailangan pa ko dito?” tanong ni Tristan at napakamot sa kilay niya.
“May kailangan kayong malaman...” seryosong sabi ni Eion habang nakatingin samin ni Tristan.
“Ano 'yon?” tanong ko.
“Kayong dalawa...” napataas ang kilay ko. Pabitin pa eh.
“Magpinsan kayo.”