Chapter 1

2281 Words
Chapter 1 Carli’s POV Madaling araw na pala. Nakatulog ako dahil sa pagod na natamo ko dulot ng mahabang biyahe. Umahon ako mula sa pagkakahiga. Huminga ako nang malalim matapos maalala kung nasaan ako. Nasa loob pala ako ng isang kubo. Natigil ang mga sulyap ko sa isang lalaki na nakatihaya sa ibabaw ng maliit na katre na para sa isang katao lamang. I just realized that he looks like the man I love. Kaya pala nang kinilatis ko ang hitsura niya at pangangatawan niya kanina ay kumirot ang puso ko, may naramdaman din akong pangungulila kanina. Tipid akong ngumiti habang nakatingin sa maamong mukha ng lalaki. Ang tahimik niyang tingnan kapag natutulog. Kaso, ang ingay-ingay niyang lalaki kapag mulat na mulat ang diwa niya. Ngayon nga lang ako naka-encounter ng lalaking tulad niya; madaldal. Iniwas ko bigla ang titig ko nang nakita kong siyang umahon. Gusto kong matawa dahil pulang-pula ang mga mata niya at halata sa kaniya na hindi pa tuluyang nagigising ang diwa niya. “B-Bakit gising ka pa, señorita? May kailangan ka ba?” nag-aalala niyang tanong. Tumikhim ako bago ko binalik sa kaniya ang titig ko. Umiling lang ako nang walang kaemo-emosyon. “B-Baka may balak kang gawin sa akin, ha!? H-Hindi mo ako puwedeng galawin, s-señorita. Hindi ko maaaring ipagkatiwala ang p*********i ko sa isang taong ngayon ko lang nakita. P-Para po sa babaeng papakasalan ko lang ihahandog ang aking hotdog!” Malagkit ko siyang inirapan. Totoo nga ang sabi ni Aling Bebang, ang lalaking ito ay punong-puno ng kalyo pagdating sa pagkatao niya. Ang kapal talaga ng mukha niya para pagbintangan ako sa bagay na iyon. “Hindi ako baliw,” sabi ko bago ako tumayo. Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Sana palagi na lang siyang tulog nang sa ganoon ay malimutan niya panandalian ang kahambugan na namayani sa kaniyang pagkatao. Lalabas na sana ako pero naalala kong pagsabihan ang hambog na ito upang magising siya sa katotohanan na hindi lahat ng babae ay makukuha niya sa kahambugan niya. “Hindi ko rin ipagkakatiwala ang expensive and limited edition kong monay para sa isang caballero na sobrang hambog at makapal ang kalyo sa mukha!” Tumayo siya at lumapit siya sa akin. Halos magka-dikit na kami. Ayaw ko mang bawiin ang matalim kong titig ay wala akong magawa dahil tinulak ako ng hiya ko upang yumuko na lang matapos kong malanghap ang amoy ng hininga niya. “Señorita, saan banda sa mukha ko ang may kalyo?” nang-aasar na tanong nito sa akin. “Yapusin mo nga upang malaman ko kung saan banda,” utos niya pa. Kahit na gusto ko siyang barahin ay pinili kong manahimik na lang. Pakiramdam ko kasi ay magmumukha akong unhygienic kapag nagsalita ako. Nakakahiya sa amoy ng bibig niya na parang amoy ng bibig ng sanggol. Mabuti pa siya dahil amoy matamis na candy ang bibig niya kahit ganitong oras na. Tumalikod na lamang ako sa kaniya at hinila ang pinto upang magkaroon ito ng siwang na pagkakasyahan ng aking katawan. Nang makalabas ako ay muli ko siyang inirapan. Umangat ang dulo ng kaniyang mga labi kaya ay mas nainis ako. Umupo ako sa silyang yari sa kawayan. Nakadikit ang silya sa dingding na yari rin sa parehong materyal kaya, sumandal ako rito. Tumingala ako sa langit upang hagilapin ang iilang palamuting nakalatag sa taas. Bilang na bilang ko ang mga bituin na tumitipid sa kutitap. Napagod ako kakatingala kaya ay binato ko sa ibaba ang aking mga sulyap. Niyakap ko ang aking sarili dahil sa sobrang lamig ng simoy ng hangin. It's 3 in the morning and the air blows cold that made my bones ached. Nagawa kong ngumiti habang pinagmamasdan ang hacienda ng pamilya namin. Ang lapad nito! Hindi ko tuloy maiwasang tanungin ang sarili ko; ano kaya ang nangyari kung hindi ko sinuway sina Mama at Papa at kung hindi ako sumama kay Andrew? Napahinga ako nang malalim dahil sa mga naiisip ko. Matigas ang puso ko at desidido ito sa gusto niya. Heart wants what it wants, ika nga. Kaya siguro hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Andrew dahil siya lang ang gusto at nilalaman ng puso ko. Masaya naman kami ni Andrew. Kaso, nalulong siya sa bisyo at droga kaya niya ako sinasaktan. Dahil sa kaniyang mga kaibigan na bago niya lang nakilala ay natuto siyang magsinungaling sa akin. Lihim niya rin akong niloloko noon. Akala ko ay kaibigan niya lang ang babaeng palagi niyang kausap sa smartphone niya. Little did I know, habang nagsasama kami ay ginawa niyang kabit ang babaeng iyon. Matagal-tagal pa nga bago ko nalaman ang totoo. Memoryado ko pa ang nangyari sa gabing iyon. Galing ako sa paghahanap ng trabaho nang maratnan ko sila sa tahanan namin. Umunat ako sa labas ng gate at tiningala ang bahay. Akala ko ay walang tao dahil naka-patay ang lahat ng mga ilaw. Tumalima ako at inabot ang susi kung saan namin ito tinatago kapag umaalis kami ng bahay. Laking pagtataka ang naramdaman ko nang ikutin ko ang doorknob at tinulak ang pinto paloob ng bahay. Hindi ito naka-lock. Kinapa ko ang switch at agad na ini-on ang ilaw. Walang tao sa sala pero ang gulo nito. Kahit pagod na pagod ako ay pinulot ko ang mga kalat sa sahig. Napukol ang titig ko sa isang kuwintas na pamilyar sa akin. May blue heart itong pendant. Sinimulan na akong kabahan. Lumunok ako at piniga ang matigas na bagay sa gitna ng aking palad. “D-Damn, Andrew! Kaya pala hindi ka maiwan-iwan ng asawa mo! Oooooh, Andrew! Ganiyan nga Andrew, isagad mo p-pa,” hiyaw ng isang babae mula sa kung saang bahagi ng bahay. Paisa-isang pumatak ang mga luha ko habang wala sa sarili kong hinanap ang ingay ng hiyawan ni Andrew at ng kaniyang babae. “G-Ganiyan ba, ha? Ang sarap k-ko ba, Yanice? Ang sarap ko b-ba, ha?” Napakapit ako sa gilid ng pintuan ng kuwarto namin ni Andrew. Nakatihaya ang babae habang si Andrew ay nakatayo sa dulo ng kama. The pain traveled from my throat and goes to all my veins. Bawat sulok na parte ng katawan ko ay masakit. Pumikit ako upang mapigilan ko ang mga luha ko pero walang magawa ang pagpikit ko marahil mas dominante ang mga luhang nahugot mula sa kaibuturan ng aking puso. He's on top of the woman he told me not to worry about. Hindi ko na kinuwestyon ang pagkakaibigan nila dahil ang sabi niya'y parang kapatid niya na ang babae. Sinaktan ako ni Andrew. Sinaktan ako ng lalaking pinili ko. Iniwan ko ang matiwasay kong buhay para sa kaniya. Ang mga pangako niya ay napako lamang. Habang wala pala ako ay may iba na siyang kinikiyudan. Nasa kusina na ako at ginayak ang dispenser namin. Tumimpla ako ng mainit na kape at piniling kumape habang naging background music ang ungol ng asawa ko at ng kaniyang babae. “Mababaliw ako sa t-taba at laki ng ahas mo, Andrew! Aaaaah aaaaah!” “Ang dulas-dulas ng k-kuweba mo, Yanice! Aaaah aaaah aaah! Ulit-ulitin natin habang w-wala si Carli rito sa bahay,” anang asawa ko kaya ay mas sumidhi pa ang sakit na namayani sa puso ko. Nabingi ako sa ungulang naririnig ko. Rinig na rinig ko pa ang salpukan ng kanilang mga hita hanggang sa halos maulol silang pareho dahil sa sensasyong dumaloy sa laman nila. “Ipuputok ko na, Yanice! Pupunuin ko ang tangke mo, Yanice! Oooh aaaah aaaah aaaaah!” “D-Don’t stop, Andrew! Aaaaaah aaaah aaaah!” Habang nagsasaya sila at pinapaligaya ang isa’t isa ay nasa kusina ako, sumisimsim ng kape habang pinupunit ng kanilang kataksilan ang puso kong walang alam gawin kun’di mahalin si Andrew at pagkatiwalaan ang babae niya. Napakapa na lang ako sa aking pisngi nang maramdaman na may malamig na bagay ang gumuhit pababa rito. Umiiyak na naman ako. Kahit matagal na iyon ay hindi ko malimut-limot ang sakit na patuloy lang sa pagmumulto sa akin. Ang mga alaala ng nakaraan ay patuloy lang na sinasampal sa akin na isa akong tanga sa pag-ibig. Gayunpaman ay mahal ko pa rin si Andrew at hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya mamahalin. Isang pamilyar na amoy ang nalanghap ko. Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng upuan at nakita ko ang lalaking nakatayo na may hawak na dalawang tasa ng kape. Gumayak siya papunta sa tabi ko. Nakangiti niyang inabot sa akin ang tasa kaya ay tinanggap ko ito. Sinilip ko muna ang laman ng tasa bago ko pinukol sa lalaking tumabi sa akin ang titig ko. Kamukha niya talaga si Andrew kahit na saang anggulo ko siya titigan. “Huwag mo akong masyadong titigan. Mamaya niyan ay hindi mo na magawang tumitig sa iba. Guwapo pa naman ako at nakakaakit,” aniya bago sumimsim ng kape. Pumikit ako at bumuga ng hangin. Hinubad ko ang ponytail sa pulsuhan ko at tinali ko agad ang buhok na parang buntot ng kabayo. Hinayaan ko lang na bumagsak ang ilang hibla ng buhok sa noo ko bilang silbing bangs ko. “Alam mo ba kung bakit ako palaging nakatitig sa iyo?” bigla kong sabi. “Dahil tipo mo ako, ano?" kumpyansang sabi niya. “Huwag ka na kasing mag-deny, señorita. Marami naman talaga ang nagkakagusto sa akin—” “Tinititigan kita dahil may naaalala lang ako,” seryuso na putol ko sa linya niya. Seryuso siyang tumitig sa akin. Nawala ang ngiti niya dahil sa tugon ko. “Ubusin mo na lang ang kape mo para makauwi na tayo. Nakakatakot ka namang pakitaan ng husay sa pamimingwit, señorita,” sabi niya. “Para ka kasing nagmula sa mundo ng mga seryusong tao,” aniya bago patuloy na sumimsim sa kaniyang kape. Hindi ko namalayan na isang oras ang natapos bago kami tumuloy sa hacienda. Malapit lang naman talaga ang distansiya mula sa sentro patungo sa hacienda kapag sasakyan ang gamit. Sa bukid kami dumaan dahil nga ay gabi na nang dumating ako kahapon sa Tierra de Antacio. Sumisipol ang caballero habang lumalakbay na kami patungo sa hacienda. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa gate ng hacienda. “Sino iyan?” “Rozo; Ang Guwapong Caballero!” pagpapakilala niya. Binuksan ng guwardiya ang gate kaya ay pinatakbo na ng caballero papasok sa hacienda ang kabayo niya. Napakapit ako sa kaniya nang mahigpit dahil sa mabilis na pagtakbo ng kabayo niya. Pinatigil niya ang kabayo niya nang makarating na kami sa tapat ng mansion. Napangiti ako kaya ay agad akong bumaba. Sabi ng caballero ay maagang magigising sina Mama at Papa ngayon dahil pupunta sila sa bayan kaya ay nasasabik akong tumungo sa tapat ng mataas at malapad na pinto ng aming mansion. Kumatok ako nang kumatok kaya ay agad akong pinagbuksan ng mga katulong namin. “Sino–?” “Mama! Papa!” naiiyak kong sabi. Halos sabay na tumayo ang mga magulang ko nang makita nila ako. Unang lumapit sa akin ang aking Mama. Nanginginig ang mga labi ni Mama habang inaabot ng mga kamay niya ang aking pisngi. Tumulo ang mga luha niya at agad na dumaloy ang mga ito sa ibabaw ng kaniyang pisngi. “Aena Carlisse! Aena Carlisse!” umiiyak na sabi ni Mama. Hindi na ako nag-atubili pa. Yumakap ako kay Mama nang mahigpit. Tulad niya ay umiiyak na rin ako. “Mama! I’m sorry! Mama,” wika ko. Ang dami kong gustong sabihin subalit hindi ko na masabi-sabi ang mga ito marahil nadala na ako ng emosyon ko. Alam ko rin na higit pa sa mga salita ang mahigpit at mula sa pusong yakap na ginawad ko kay Mama. “Aena Carlisse ko! Nandito ka na ulit! Don’t you ever do that to me again, anak,” sabi ni Mama. Tumango lang ako nang tumango. A hand was laid atop of my arm. Inangat ko ang aking titig at nakita ko ang basang mukha ni Papa. Kumalas ako sa pagyayakapan namin ni Mama at si Papa naman ang niyakap ko. I failed to treasure the love he gave me. Binigo ko siya at mas pinili pa si Andrew kaysa kaniya. I did hurt him. “Aena Carlisse, now that you’re here, do not ever leave us again,” sabi ni Papa. Tumango lang ako nang tumango. “Papa, I miss you!” iyak ko. Nakipagyakapan si Mama sa amin ni Papa. Binuhos namin ang pagkasabik sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga yakap. Matapos ang nakakaantig na kaganapan ay napatingin ako sa lalaking nakatayo sa tapat ng pinto mula sa loob ng mansion. “Maraming salamat,” sabi ko. “Rozo, simula ngayon ay ikaw na ang inaatasan kong maging personal na bantay ng Señorita Aena Carlisse mo! Do everything to keep her safe,” sabi ni Papa. Napatingin ako kay Papa. Ibig-sabihin no’n ay lagi kong makakasama ang caballerong ito. Binaling ko sa nakangiting binata ang aking titig. “Papa, naman, malapit na akong lumampas sa kalendaryo. Kailangan ko pa ba ng bantay?” Ginulo ni Papa ang buhok ko kaya ay nakita ko paano natawa ang caballero. Sinamaan ko siya ng titig kaya ay natigilan siya sa ginawa niyang paghahagikgik. “Masusunod po, Don Lauro!” tugon niya kay Papa. “Ako na po ang magiging bantay ni señorita. Sinisiguro ko po ang kaligtasan niya kahit na laban pa po sa mga mababangis na hayop sa paligid ng hacienda,” sabi niya patingin sa akin. “Pinagkakatiwala na namin sa iyo ang anak namin, Rozo. She was once departed from us, ayaw na naming maulit pa iyon. Guard her,” sabi naman ni Mama. “Kahit buhay ko’y aking ipapalit para sa kaligtasan ni señorita,” sabi pa ng caballero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD