Ngayon na ang libing ni Ninang Fiona. Hindi ko alintana ang puyat ng nakaraang mga gabi sa tindi ng kalungkutan na nadarama ko sa mga oras na ito. Mabuti nandito pa rin ang aking bestfriend na si Ris para umalalay sa akin.
Mababait naman ang pamilya ni Ninang Fiona, wala naman sila sa akin na ipinakitang pangit lalo na ng buhay pa si Ninang. Pero hindi maalis sa akin na makaramdam na hindi ako parte ng pamilya nila. Para sa kanila ay tulad lang ako ng mga kaibigan at kakilala ni Ninang. Hindi ko na iniisip iyon. Ang atensyon ko ay na kay Ninang lamang at hanggang ngayon na lang namin masisilayan ang katawang lupa nito. Kapag natakpan na ito ng lupa ay pawang mga alaala na lamang ang aming babalikan.
Naglakad kami ni Ris, kasunod ng pinagsakyan kay Ninang Fiona. Walang tigil ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Ramdam na ramdam ko na ang lungkot. Mamaya pag-uwi ay wala na si Ninang Fiona sa bahay. Ako na lamang mag-isa ang maiiwan doon, iyon ay kung uuwi na ang mga kapatid ni Ninang Fiona.
Si Ninong Hector ay nakasunod habang nakasakay sa kanyang sasakyan. Pagdating namin sa sementeryo ay mas lalong tumitindi ang lungkot at hinagpis na nararamdaman ko. Ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ko ang magandang mukha ni Ninang Fiona.
Oras na para sa huling pamamaalam bago tuluyan takpan ito. Nakasalamin si Ninong kaya hindi kita kung ito ba ay lumuluha. Pero kita ang lungkot nito sa kanyang mukha. Matagal nakatayo si Ninong sa tabi ni Ninang Fiona. Two months na lang sana ang hihintayin at makakasal na sana sila. Sana pala ay inagapan nila para nakasal pa si Ninang Fiona kay Ninong Hector. E di sana ay magiging totoong Ninong ko ito.
Natakpan na si Ninang Fiona at halos lahat ay nagsi-alis na kahit ang mga kapatid ni Ninang. Wala ni isa na nagtanong sa akin kung uuwi na rin ba Ako? Mabuti talaga at narito si Ris at hindi ako iniiwan. Kasama ko ito kanina pa at ito rin ang umaalalay sa akin.
Papagabi na at akala ko ay kami na lang ni Ris ang naririto, nang biglang may magsalita mula sa aming likuran.
“Wala pa ba kayong plano na umuwi?” tanong nito sa aming dalawa.. Napapitlag pa kami sa bigla nitong pagsasalita. Si Ninong Hector ang nagsalita.
“Nandyan pa po pala kayo Ninong,” sagot ko sa kanya nang makabawi sa pagkagulat.
“Uuwi na ba kayong dalawa at isasabay ko na kayo. Kailangan mo ng magpahinga Bea, ilang araw ka nang walang tulog at pahinga. Magagalit ang Ninang Fiona mo kapag pinabayaan mo ang sarili mo.” wika nito sa amin lalo na sa akin.
“Sige po Ninong, sasabay na po kami ni Ris.” Sagot ko dito. Tumayo muna ako at mas lumapit sa pinaglibingan kay Ninang at nagpaalam ako dito.
“Ninang uuwi na po muna kami. Dadalaw na lang po akong muli sa iyo.” Usal ko dito. Naniniwala ako na naririnig pa ako ni Ninang.
“Tara na at kumakalat na ang dilim.” Aya muli ni Ninong. Lumakad na kami ni Ris. Nakasunod kami kay Ninong. Pinagbuksan pa kami nito ng pintuan pero magka-iba kami ng uupuan ni Ris. Ako sa unahan pina-upo ni Ninong. Sabagay hindi naman namin siya driver. At si Ris ay sa likuran. Doon ang pwesto ko at si Ninang dito sa inuupuan ko ngayon. Naalala ko na naman si Ninang kaya napa-iyak na naman ako.
Hindi naman ako pinapagalitan ni Ninong dahil tahimik lang akong lumuluha. Parang may gripo ang aking mata sa lakas maglabas ng luha.
Naunang bumaba si Ris at nagpasalamat ako rito.
“Salamat Ris, pahinga ka na rin at puyat ka rin kagabi.” Sabi ko dito bago siya bumaba pagatpat sa kanilang bahay.
“Salamat po Sir Hector. Magpahinga ka Bea at baka bigla na lang bumagsak ang katawan mo.” saad ni Ris sa amin bago bumaba. Nakita kong tumango si Ninong ng magpasalamat sa kanya si Bea.
Pagdating sa bahay ni Ninang ay hindi na bumaba si Ninong. Tutuloy na rin daw siya para makapagpahinga.
“Sige po Ninong, salamat po sa paghahatid. Ingat po kayo,” wika ko dito.
“Salamat Bea, ikaw din ay magpahinga na.” bilin pa nito sa akin bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan nito.
Pagdating ko ng bahay ni Ninang ay nasa labas na ng kwarto ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito.
“Mabuti at umuwi ka na Bea. Kanina ka pa namin hinihintay kaya sa inip ko ay inilagay ko na sa maleta ang mga gamit mo. Wala na si Ate at kaming mga kapatid ang may Karapatan sa bahay na ito. Ngayon pwede ka ng umalis dito. Nandyan na lahat ng gamit mo. Para hindi mo naman sabihin na wala kaming konsensya ay tingnan mo sa kwarto kung may gamit ka pa. Pero huwag kang mag-iingay dahil tulog ang anak ko.” Ani ate Fely kapatid na buns oni Ninang. Nasa early 30’s lang ito. Ito ang pinaka-mahilig kumabig sa mga kapatid ni Ninang.
“Ano pang hinihintay mo dyan? Pumasok ka na kung may gamit ka pa at kunin mo.” ulit nito pero hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Saan ako tutuloy sa mga oras na ito?
“Ate Fely, wala po akong matutuluyan. Baka pwede pa rin po ako dito kahit dito nalang po ako sa sala matulog. Huwag lang po ninyo ako paalisin.” Paki-usap ko pa dito.Mas nadoble ang sakit na naramdaman ko sa tumambad na problema pagbalik ko dito sa bahay ni Ninang Fiona.
“I’m sorry Bea, napagkasunduan na naming magkakapatid ang gagawin sa bahay na ito. At nagkataon na ikaw ang pinaka – apektado. Pwede ka namang manatili dito pero kailangan mong rentahan ito. Iyon ay kung kaya ng budget mo.” saad nito sa akin. Hindi basta basta ang upa dito kung papaupahan nila. Malaki ang bahay na ito kaya nga may sarili akong room dito.
“Ate Fely, kahit hanggang ngayong gabi ay patulugin po muna ninyo ako dito. Wala po akomg matutuluyan at mahirap po humanap ng bed spacer ngayong oras. Bukas po ng umaga ay agad din po ako aalis,” naki-usap na ako dito at nagpaawa rin.
“Okay sige, baka sabihin mo ay wala akong konsensya. Sige dito ka sa sofa matulog ngayong gabi pero bukas ng umaga pagkagising ko ay sana wala ka na rito sa bahay na ito.” Pagkasabi nito ay tinalikuran na ako nito at dumiretso sa kwarto ni Ninang. Doon siguro ito matutulog kasama ang kanyang asawa.
Iginilid ko ang aking mga gamit na nakalagay na sa maleta. Hindi ko na nagawang magbihis at pasalampak na akong nahiga sa sofa. Nagugutom man ako ay hindi na ako nagtangkang kumain baka pabayaran pa sa akin ni Ate Fely.
May naipon akong pera pero hindi ito sapat para makaupa ako ng isang bahay. Pwede pa kung bed space lang. Mabuti may trabaho ako at ngayon kailangan kong magsinop. Si Ris ay nagbebed space lang din.
Hindi ako ready sag anito. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang kapatid ni Ninang. Sana magbago pa ang isip nito. Umaasa ako na bukas ay magkaroon ng pagbabago. Nakatulugan ko na ang pag-iisip kasama nang gutom ako at kulang na sa tulog. Napasarap ang tulog ko at hindi ko narinig ang alarm ko. Ang bunganga ni Ate Fely ang gumising sa akin.
“Nandito ka pa rin? Di ba sabi ko ay dapat paggising ko ay wala ka na? Bakit nandito ka pa rin? Pinayagan na kitang matulog, pero kung iniisip mo na magbabago pa ang aking pasya ay nagkakamali ka. Sige bangon na at makakaalis ka na.” wika nito sa akin.
Wala na akong choice. Hindi ako umiyak sa harapan nito lalo na at sabi niya ay buo na ang pasya niya. Isa na lang ang pwede kong gawin ang umalis na dito sa bahay ni Ninang. For seven years, ito ang naging tahanan ko. Madami kaming memories ni Ninang dito. At hanggang dito na lang ang mga alaalang iyon.
Kasabay ng paglisan ni Ninang ay lilisanin ko na rin ang aming naging tahanan. Sana lang ay iguide pa rin ako ni Ninang kahit wala na ito.
Bitbit ko ang mga maleta ko at sumakay na ako ng tricycle para magpahatid kung saan nakatira si Ris.