1

1203 Words
Prologue Huling gabi ng lamay para sa Ninang Fiona ni Beatriz ngayon. Nagdadalamhati man siya ay kailangan niyang kumilos para asikasuhin ang mga bisita nila. Naroroon naman ang mga kapatid ng kanyang Ninang Fiona at abala sa ginagawang necrological service program para sa kanyang mabuting Ninang. Kahit siya ay shocked sa biglaang pagpanaw nito. Kinse anyos siya ng kupkupin siya nito at ngayon ay 22 years old na siya at graduating sa Marketing course. Tinutulungan siya ng Ninang niya sa mga gastusin niya sa pag-aaral pero ng tumuntong siya ng College ay nag part time job siya sa mga kilalang fast food chains. Ngayon ay sa isang restaurant at gabi ang pasok niya sa nasabing kainan. Ayaw niyang iasa ang lahat sa Ninang niya kung kaya't nagsumikap siyang makapagtrabaho. May mga pamangkin din ang Ninang niya, kaya umiiwas siyang masilip ng mga ito. Imbis na sila ang tulungan, ay siya pang inaanak ang tinutulungan nito na parang tunay na kapamilya. Kanina ay may kumakanta ng mga worship song. Dahil siya ang nagseserve nang pagkain sa mga nagsisidating na bisita ay hindi niya masyado naiintindihan ang nangyayari sa loob. Hindi naman din siya nasabihan na kasali siya sa gagawing program. Alam niya ang kanyang lugar sa mga oras na iyon, sa ngayon ay hindi muna niya iniisip ang susunod na mangyayari. Ang gusto lang niya ay mapagsilbihan niya ang Ninang niya kahit sa pag-aasikaso man lang ng mga bisita nito. Dumating din ang bestfriend niya na si Ris, classmate niya ito simula first year college at kasama din niya sa trabaho. "Bea, kumusta ka na?" malungkot na bati ni Ris sa kaibigan na agad namang yumakap sa kanya para kumuha ng lakas. Ito lang ang nangumusta sa nararamdaman niya sa mga oras na ito. Tahimik na pagtangis lang ang isinagot ni Bea sa tanong ni Ris. Naintindihan naman nito ang nararamdaman ng kaibigan kaya ginantihan din niya ito ng yakap at hinagod ang likuran nito. Alam ni Ris kung gaano kamahal ni Bea ang kanyang Ninang Fiona. Lagi itong pinupuri at ipinagmamalaki ni Bea sa kanya. Kaya nauunawaan niya ang nararamdaman nito ngayon. "Where's Bea?" wika ng isang baritonong boses. Napa-angat ng mukha si Bea at kumalas sa pagkakayakap kay Ris. "Bakit po, Ninong?" tanong dito ni Bea habang pinupunasan ang luha na nagkalat sa mukha nito. "Pumasok ka sa loob at Ikaw na ang susunod na magsasalita." wika nito sa seryosong boses. Sa ilang araw na nakaburol ang Ninang Fiona niya ay lagi rin itong naroon. Gabi-gabing pumupunta at umuuwi ng madaling araw. "Okay po," sagot nito at hinawakan si Ris para sabay na silang pumasok sa loob. Sakto pagpasok niya ay tinawag siya ng emcee ng ginagawang programa para sa kanyang Ninang. "Ang susunod na magsasalita ay si Beatriz Bustamante, ang inaanak ni Ma'am Fiona." pagpapakilala ng emcee kay Bea. Iniabot nito ang mikropono sa dalaga. "Magandang gabi po sa inyong lahat. Anong masasabi ko sa Ninang Fiona ko?" ngumiti ito at sumilip sa coffin na kinahihigaan ng kanyang Ninang na nakangiti. "Si Ninang Fiona po ang tumayo bilang pangalawang magulang ko po. Nag-iisang Ninang ko po siya. Ang kwento po sa akin ni Mama noon, buntis pa lang siya ay lagi siyang kinukumusta ni Ninang Fiona sa tuwing nararaanan si Mama. Malaki na ang tiyan ni Mama at si Ninang naman ay bata pa. 15 pa lang siya noon at estudyante. Minsan sabi ni Ninang kay Mama ay gusto niyang maging Ninang paglumabas daw ang baby at ako po iyon. 15 years old din po ako ng maulilang lubos at si Ninang ang nag-aruga na po sa akin. Mahal na mahal ko po si Ninang at mahal din po niya Ako. Nalulungkot lang po ako dahil hindi po niga sa akin sinabi na may dinadamdam na po pala siya. Ang sakit, paggising ko wala na si Ninang." hindi na nito mapigilan ang mapahagulgol. "Tanong ko, bakit si Ninang pa? Sa dinami - dami ng masamang tao sa mundo. Bakit kung sino pa yung mababait sila pa ang unang kinukuha? Ganoon yata ang buhay, siguro para hindi na nila maranasan ang mga pasakit ng buhay kung meron man. Sa ngayon, babaunin ko ang lahat ng magagandang alaala ni Ninang Fiona. Ang bonding time namin kapag parehas wala kaming pasok." Tumigil ito ng pagsasalita para huminga ng malalim. " Ninang, alam ko naririto ka at nakikinig. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita Ninang. Iyakap mo po ako kanila Mama at Papa. Bantayan po sana ninyo ako. Paalam Ninang Fiona," at humagulgol ito ng todo kaya mabilis itong dinaluhan ng kanyang kaibigan at kasabay pa nitong lumapit si Ninong Hector. " Nakikiramay kami Beatriz. Randan na ramdam namin ang pagmamahal mo sa iyong Ninang." saad ng emcee. Tinawag din nito si Hector pero tumanggi itong magsalita. Makikita din dito ang lungkot at pangungulila sa kanyang nobya. Habang nasa gilid nito si Bea na patuloy na lumuluha. Napapagitnaan nila ito ni Ris na patuloy ang pag-alo sa kaibigan. "Drink this," isang bottled water ang iniabot sa kanya ni Hector. "Thank you po Ninong," wika dito ng dalaga pagka-abot ng tubig. Ininom naman niya agad ito dahil nanunuyo na rin ang kanyang lalamunan sa pag-iyak. Alam niya na mugto na ang kanyang mga mata. Kaya nga inabala din niya ang sarili niya sa pagbibigay ng mga pagkain para kahit papano ay mabaling sa iba ang kanyang atensyon. Kung bakit tinawag pa siya dito sa loob. Nang matapos ang programa ay nagserve muli siya ng pagkain sa mga bisita. May aalis at may dumadating dahil last night na nga. Pati mga kasamahan niya sa trabaho ay nagsidating din. Nauna lang si Ris dahil day off nito ngayon. Kasama sa dumating si Eric ang manliligaw ni Bea, na ilang beses na ring binasted ng dalaga. Para kay Bea ay importante na makatapos muna siya ng pag-aaral bago niya isipin ang pag-ibig. Iyon din ang bilin sa kanya ng kanyang Ninang Fiona. "Condolences Bea," ani Eric sa dalaga. Tumango lang si Bea dito. At ganoon din ang sagot niya sa mga kasamahang nakiramay sa kanya. Ang mga babae naman ay hinayaan niyang yakapin siya. Mabuti nandoon si Ris at ito ang humarap sa mga kasamahan nila. Ito ang nag-asikaso din at siya naman sa iba. Alam naman ng mga ito na kasama niya ang Ninang niya sa bahay at kung gaano sila ka-close. "Bea, natutulog ka pa ba? Lagi kang abala. Pagdating ko abala ka na hanggang sa pag-uwi ko ay abala ka pa rin. Baka naman mapabayaan mo sarili mo, magagalit ang Ninang Fiona mo sa iyo kapag nagpabaya ka." mahabang salita ni Hector sa dalaga. " Nakakatulog naman po ako Ninong kapag wala na pong tao." sagot naman ng dalaga kay Hector. " Okay sige, magpahinga ka na at libing na ng Ninang mo mamaya, baka wala ka nang lakas." dagdag pang paalala nito sa dalaga. "Uuwi na muna ako at mamaya na ako babalik." saad pa nito. " Sige po Ninong, ingat po kayo." sambit naman ng dalaga, habang hinahatid ito ng tanaw. Nahabag din si Bea kay Hector dahil planado na ang lahat. Bakit hindi pa umabot si Ninang na makasal muna silang dalawa? Hindi na matutuloy na magkaron siya ng Ninong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD