3

1151 Words
"Ris may naghahanap sa iyo sa baba!" wika ng isang kasamahan niya dito sa boarding house. Nagtataka man si Ris na may maghahanap sa kanya sa ganitong oras ay bumaba rin siya para mapagsino ang dumating. Ang laking gulat niya ng makita ang kaibigan na hindi pa nakkapagpalit ng damit simula kahapon at ngayon ay may bitbit pang mga maleta. "Among nangyari sa 'yo? Bakit may dala kang mga maleta?" pagkatanong nito ay yumakap si Bea na walang sagot na nasabi. HInayaan lang ni Ris na umiyak ng umiyak si Bea. At nang kalmado na ito ay saka niya iginiya paakyat sa kanilang kwarto. “Pwede bang dito muna ako o may bakante pa ba dito?” tanong ni Bea sa kaibigan habang sumisinghot pa ito. “Sige kausapin natin mamaya ang aking land lady, baka tulog pa si Ate Yell.” Sagot dito ni Ris. “Sa ngayon magpahinga ka muna, mahiga ka muna sa kama ko habang nireready ko ang pagkain natin. Sabay na tayong kumain. Kapag okay ka na saka mo sabihin sa akin ang lahat.” Saad pa ni Ris dito. Natuwa naman si Bea nang marinig na maghahanda ito ng breakfast dahil wala pa siyang kain simula kahapon. Hindi pa niya nasasabi kay Ris pero heto at parang alam nito na gutom ang kanyang kaibigan. “Thank you Ris!” niyakap niya ito ng mahigpit. “Paano kung wala ka?” dagdag pa nito at muli na namang umiyak ito ng umiyak. “Tahan na, magpahinga ka muna at mamaya babalikan kita para makakain na tayo. Mukhang kagabi ka pa walang kain.” Ulit sa kanya ng kaibigan kaya tumahan na siya at sinunod na lang ang sinabi ni Ris na mahiga muna siya. Pagod na pagod ang kanyang katawan pati na rin ang kanyang isipan. Hindi niya naisip na mangyayayri ang mga bagay na ito, pero heto na ngayon at ito ang reyalidad. Wala na ang Ninang Fiona niya, hindi na niya muling masisilayan ang mga ngiti nito. Wala na rin siyang matatawag na pamilya, mabuti may kaibigan pa siya sa katauhan ni Ris at wala na rin siyang tirahan, sana lang ay may bakante pa dito dahil kung wala ay mas malaking problema. BUmalik si Ris para yayain na si Bea na kumain. Pinakain niya ang kaibigan dahil kailangan nito ng lakas at dahil gutom ito ay halos maubis nito ang niluto ni Ris. Masaya si Ris na nakakain ang kanyang kaibigan. Baka maloca ito sa dami ng problema, dagdagan pa ng malipasan ng gutom. “Pasensya ka na Ris at talagang nagutom ako. Breakfast ang huling kain ko kahapon at pag-uwi ko kagabi ay hindi ko na nagawa pang kumain dahil galit na sa akin si Ate Fely. Pinapalayas na ako kagabi pa lang pagdating ko galing sa sementeryo. Naki-usap lang ako na kung pwede makitulog pa ako ng isang gabi sa bahay ni Ninang. Pumayag siya at gusto niya bago siya magising ay wala na ako don. Kaya lang napasaraap ang tulog ko marahil sa puyat ng mga nakaraang araw at tinanghali ako ng gising. Siya pa ang gumising sa akin at galit nag alit dahil nandoon pa ako sa bahay ni Ninang.” Dahil nagkaron na ito ng lakas ay nagawa na nitong magkwento sa kaibigan. Nilubos na rin muna nito ang pagkakataon at nakiligo na rin ito habang hinihintay ang land lady nila Ris. “Ate Yell, may bakante pa po ba dito? Wala po kasing matutuluyan ang bestfriend ko. Kailangan po niya ng matutuluyan.” Wika ni Ris dito. “Ris pasensya at walang available na bed sa ngayon dito.” Sagot naman ng land lady kay Ris habang tahimik lang si Bea na nakikinig sa dalawa. “Pwede po bang dumito po muna siya? Please Ate Yell kahit share po muna kami sa higaan ko. Magdadagdag na lang po ako ng bayad para lang may matuluyan po si Bea. Ang ganda po ng kaibigan ko baka mapaano po siya kapag nagpakalat kalat siya sa lansangan.” Pangungumbinsi ni Ris, alam naman din niya na mabait si Ate Yell at hindi siya kaya nitong hindian. Totoong maganda si Bea. Ang buhok nitong may pagka natural na wavy ay bumagay sa maliit nitong mukha. Mabibilog na mata ng tulad ng sa manika na may makapal na eye lashes. Perfect na shape ng kilay na akala mo ay pinapaayos sa parlor, matangos na ilong at kissable lips na sadyang mapupula. Sa taas nitong 5’ 5” ay mapagkakamalan mo itong modelo. Hindi siya mapayat at hindi rin mapayat. Sakto ang kanyang pangangatawan sa kanyang taas. Perfect ang kurbada ng katawan nito. Malapad ang balakang nito na may matatambok na pang-upo at sakto ang laki ng hinaharap nito. Kaya kung mabibihisan ito ay mapagkakamalan na artista o medelo. Kahit ganoon ang hitsura nito ay parang wala lang sa kanya. Pinagmasdan ni Yell si Bea, sinusuri nito ang dalaga bago muling nagsalita. “Okay sige, pansamantala mo siyang patuluyin dito. Pero kailangan din niyang maghanap ng ibang matutuluyan dahil baka masilip ng iba. Sa ngayon ay papayagan kong magtabi kayo sa higaan mo.” wika ni Yell sa dalawa. Hindi nila mapigilan ang matuwa at nagyakap pa ang magkaibigan. “Maraming salamat po sa inyong pagpayag Ate Yell. Sige po maghahanap po ako ng ibang matutuluyan pero sa ngayon po ay masaya ako na pinayagan po ninyo ako,” naiiyak pang wika ni Bea. Kahit papaano ay mapapahinga pa niya ang kanyang isipan. Kahit sa araw lang ito. Madami pa naman siyang pwedeng mapagtanungan kapag pumasok na siya bukas. Nakapagpaalam siya sa boss niya na hindi muna siya makakapasok sa restaurant at dahil Linggo ay wala din siyang pasok sa school. Pahinga lang muna ang maghapon niya ngayon. “Okay sige, maiwan ko na kayo at may gagawin pa ako. Condolence nga pala Bea.” Saad ni Yell kay Bea. Tumango lang si Bea, at muling nagpasalamat dito. Naiwan silang dalawa ni Ris sa sala ng boarding house. Dahil Linggo karamihan sa mga boarders ay may mga lakad. Kaya tahimik at tamang tama para makapagpahinga rin si Bea. Ilang araw itong puyat at dahil may pasok na ito bukas kaya kailangan nito ng pahinga. Pinatulog ni Ris ang kaibigan niya. Nakakain na ito at nakaligo na rin. Siya naman ay maglalaba muna, gusto din niya na makatulog ito ng ayos. Ito lang din ang pahinga nito sa pag-iyak. Bakit kay Bea pa, napakabuti nitong tao. Silang dalawa lang talaga ang mag bestfriends, sa school at sa work. Kilalang kilala na nila ang isa’t isa. Tunay na magkapatid na ang turingan ng dalawa. Tahimik na pinagmasdan ni Ris ang kaibigan na panatag na ang paghinga. Senyales na masarap na ang tulog nito. Maingat siyang lumabas ng kwarto at nagtungo na sa laundry area ng boarding house. Kailangan makapagpahinga ni Bea dahil sa ilang gabing puyat nito, at idagdag pa ang problema na kinakaharap ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD