4

1349 Words
Nagulat ako sa biglang pagpanaw ni Fiona. Mas napaaga sa inaasahan naming buwan. Ang taning sa kanya ay may isang taon pa. Dinala ko ito sa hospital dahil sa iniinda niyang sakit sa kanyang dibdib. Nasa opisina kami ng makaramdam ito ng hindi maganda., Hindi na pinatawagan ni Fiona si Bea dahil nasa school pa ito at pagkatapos ay may pasok pa sa trabaho. Matagal na naming alam na may sakit siya. Lagi njyang idinadaing na masakit ang kanyang likod at masakit ang kanyang kili-kili. Sumailalim siya sa mga series of test at doon namin nalaman ang tunay na kalagayan nito. May breast cancer si Fiona. Pinatago niya ito kay Bea. Ayaw din niyang magpa-opera at mag undergo ng chemotherapy. Ang kapatid ni Fiona ang pinapunta sa hospital para magbantay. Umalis ako ng gabing iyon dahil may importanteng meeting akong kailangan daluhan. Hindi na rin ako nakabalik dahil msayado ng gabi at napagod ako. Kinaumagahan ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Felisa na kapatid ni Fiona na wala na ang aking nobya. Nalungkot ako sa pagkawala nito. Sana pala ay bumalik ako ng hospital kahit pagod ako. Sa tatlong taon na magnobya kami ay naging matalik din kaming magkaibigan nito. At iyon ang mas nagpatatag ng aming samahan. Magka-edaran kami ni Fiona. Nagkakilala kami nito sa work. Isa siya sa magagaling kong tauhan. Maganda si Fiona at habang lumilipas ang panahon ay naging close kami nito. May taglay siyang kabaitan kaya naman nagustuhan ko na rin ito. Paglipas ng ilang buwan ay naging nobya ko siya. Alam ni Fiona ang problema ko at handa siyang tulungan ako. Kaya lang ay nawala na ito agad. In two months time naka-schedule ang aming kasal. Wala na sana akong poproblemahinn kaya lang ay nawala na ito kaya back to zero na uli ako. Balewala na ang lahat dahil wala na rin ito. Sabi ng lolo ko sa kanyang last will and testament ay kailangan makasal ako bago tumuntong sa edad na 38. Kung hindi ito mangyayari ay hindi sa akin mapupunta ang mga ari-arian ng pamilya namin. Si Lola Virginia na lang ang natitira sa akin. Siya na lang ang nagmamahal sa akin. Ang aking Daddy ay namatay ng 20 years old ako. At wala pang isang taon na nawala si Daddy ay sumama naman si Mommy sa ibang lalaki. Sa hiya niya kanila Lolo at Lola ay umalis ito ng bahay. Sumama siya sa lalaki niya na may pamilya rin na sinira. Okay lang na magkaroon ng bagong pag-ibig si Mommy, hindi lang namin matanggap ay ang nakasira siya ng isang pamilya. May maliliit pang anak ang lalaki, kaya sobrang awa ang naramdaman namin sa pamilyang inabandona nito. Simula ng umalis si Mommy ay hindi na ito nagpakita pa. Ilang taon lang ang nakalipas ay namatay na rin si Lolo. At dito ko nalaman ang huli nitong habilin. Matagal na akong hindi nakakauwi sa probinsya dahil madalas nasa hospital din si Fiona. Ang alam ni Bea ay nagbabakasyon kami nito pero hindi niya alam na sa hospital kami nagtutungo. Si Bea ay inaanak ni Fiona. High school palang si Fiona nang kunin siya bilang Ninang ni Bea. Kaya ang tanda nito sa inaanak ay 15 years, tulad sa edad ko. Dahil nobya at kaibigan ko si Fiona ay madalas na akong pumunta sa bahay nila. Doon ko nakilala ang inaanak niyang si Bea. Noong panahon na hindi pa kami engaged ni Fiona ay Sir ang tawag sa akin ni Bea. Ngunit nang malaman niya na ikakasal na kami ay nagbago ang tawag nito sa akin. "Malapit na po pala kayong ikasal ni Ninang Fiona, mababago na po pala ang tawag ko sa inyo, Sir." wika nito na naka ngiti na mas lalong nagpalabas sa magagandang biloy nito sa kanyang mga pisngi. Nagtinginan lang kami ni Fiona nang sabihin ito ni Bea. "Ninong na po ang itatawag ko sa inyo para masanay po ako." dagdag pa nito. "Kahit hindi mo na ako tawaging Ninong. Si Fiona na lang ang tawagin mong Ninang." saad ko dito. Hindi ko talaga gusto na maging ninong niya. Tinanong pa niya ako kung bakit ayaw ko pero hindi ko na nasagot. At siya na ang nagkusa na lagi akong tinatawag na Ninong. Kapag lumalabas kami ni Fiona at nasa bahay lang din si Bea ay isinasama namin itong kumakain at namamasyal sa labas. Masayahin si Bea at mahal niya si Fiona. Kaya naman ganon na lang din ang pagmamahal nito sa kanyang inaanak. Mas lalo nitong ibinuhos ang pagmamahal kay Bea nang malaman niya ang kanyang malubhang kondisyon. Isang malaking sikreto ang tunay niyang karamdaman kay Bea. Ang tunay na pamilya ni Fiona ay naaalala lang siya kapag may mga hihingiin sa kanya. Hindi tulad ni Bea na laging naka-alalay sa kanyang Ninang. Nakita ko ang ugali ng mga kapatid ni Fiona. Napakalayo sa ugali ni Fiona. “Kumusta na kaya si Bea?” napatanong ako sa aking sarili. Ilang araw na akong busy at hindi ko pala ito nasisilip sa kanilang bahay. Dadaan na lang ako mamaya. May isang Linggo na rin ng mailibing si Fiona. Sa sementeryo muna ako pupunta at saka ako dadaan sa bahay nila para kumustahin ito. Nagtungo ako sa sementeryo at may nadatnan pa akong kandila na may sindi at puting bulaklak ng bougainvillea. Si Bea agad ang pumasok sa isipan ko na nagtungo dito. Dahil araw ng Linggo ay wala itong pasok sa trabaho. Ipinatong ko rin ang dala kong bulaklak at sinindihan ko rin ang aking kandila. Tahimik akong nanalangin para sa kaluluwa ni Fiona. Kahit papaano ay magaan kong natanggap ang pagkawala nito. Napaaga lang sa inaasahan namin. Ngayon ay wala na siyang sakit na nararamdaman. Malaya na siya sa karamdaman. Hinintay ko lang na pumangalahati ang kandila at nagpasaya na akong umalis. Dumiretso ako sa bahay ni Fiona para tingnan at kumustahin ang lagay ni Bea. Nag-door bell ako para marinig sa loob na may tao. Sigurado na narito si Bea dahil may ilaw. Nagkasalisi lang kami nito sa sementeryo. May lumabas na isang babae na may edad. “Sino iyan?” tanong nito. Hindi sa akin pamilyar ang boses kaya hinintay ko na sumilip ito. Baka kumuha si Bea ng makakasama sa bahay at mas maganda iyon. At least hindi siya nag-iisa. “Magandang gabi po,” bati ko sa may edad na babae nang sumilip ito. “Magandang gabi naman. Ano pong kailangan nila?” wika nito sa akin. “Ako po si Hector. Kukumustahin ko lang po sana si Bea? Nandyan na po ba siya?” pagpapakilala ko at itinanong ko na dito si Bea. “Ano ho ‘yon? Bea? Wala pong Bea na nakatira dito.” Sagot sa akin ng babae. Pinagmasadan ko pa ang labas at sigurado ako na ito ang bahay nila Fiona at Bea. Halos ituring ko na itong pangalawang bahay tapos magkakamali ako. “Opo si Bea, ang inaanak ni Fiona. Dito po ang bahay nila.” Wika ko sa aking kausap. “Kami na kasi ang nakatira dito. Apat na araw na kaming naninirahan dito. Hindi ko matandaan kung Bea ang kausap namin, ay si Felisa ang kausap namin nang pumunta kami dito at tingnan itong bahay.” Sagot sa akin ng matanda. “Ganon po ba? Alam po ba ninyo kung saan lumipat ang nakatira dito dati?” nagbabakasakali lang ako na may alam ito. Pero nagulat ako na umalis dito si Bea. “Wala ho e. Hindi ko po siya nakilala. Si Felisa lang at ang anak nito ang nandito ng makita naming for rent itong bahay.” Sagot nitong muli sa akin. “Sige po, salamat po. Pasensya na po sa abala.” Paalam ko dito. “Nasaan ka na Bea?” tanong ko sa sarili ko. Nagpasya na rin akong umuwi ng bahay dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Bukas ko na lang ito pupuntahan sa kanyang pinapasukang restaurant. Alam ko iyon dahil doon namin siya sinusundo ni Fiona kapag gabi na kaming nakakauwi. Sana lang ay nasa maayos siyang kalagayan. O di kaya ay baka kanila Felisa na ito tumira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD