Wala pa rin akong nahahanap na malilipatan na tama lang sa budget ko. Mas kailangan kong magtipid ngayon dahil sa ginagawa kong pagcocompute ay mahihirapan akong pagkasyahin ang kita ko. Mura dito sa boarding house ni Ris, kayasa sa mga nakita namin nito.
Maghapon kaming naghanap na dalawa ng possible kong malipatan. Nang wala na talaga ay niyaya ko muna si Ris na dumalaw sa puntod ni Ninang Fiona. Bumili lang ako ng isang kandila at ng may madaanan kaming bulaklak na halos humalik na sa lupa sa dami ng bulaklak ay kumuha na lang ako para may madala ako kay Ninang. Abandonado naman ang bahay kaya sigurado ako na walang may-ari.
Wala akong budget para pambili ng bulaklak kaya practical lang ako. Ang mahalaga naman ay naalala ko si Ninang Fiona. At hindi rin madali na makalimutan ang lahat ng ipinakita nitong pagmamahal para sa akin. Namimiss mo na siya kaya hindi rin maiwasan na naiiyak pa rin ako kapag naaalala siya. Alam ko naman na naka-alalay pa rin ito sa akin. Sana lang ay hindi muna ako paalisin ni Ate Yell sa boarding house nila.
Nakakabawas din ng lungkot dahil nandyan lagi si Ris at naka-alalaly sa nararamdaman ko.
Naalala ko si Ninong Hector habang inaalala ko rin si Ninang. Kumusta na kaya siya? Baka nilulunod ang sarili niya sa alak. Lagi silang magkasama ni Ninang noong nabubuhay pa ito.
Hapon na at baka pagod na si Ris. Hindi lang ito makapagreklamo sa akin pero pagod na ito.
“Ris, tara na. Uwi na tayo para makapagpahinga na tayo. Maghapon na tayo dito sa labas. Pasensya ka na at pati ikaw ay nadadamay sa kinakaharap kong problema.” Wika ko dito habang tumatayo ako sa pagkaka-upo ko dito sa lapag. Sinapinan ko lang ng plastic.
“Ano ka ba at naging magkaibigan pa tayo kung hindi kita dadamayan? Saka ako naman ang nagprisinta na sumama sa iyo kaya huwag kang humingi dyan ng pasensya. Basta nandito lang ako palagi.” Saad nito sa akin. Napaiyak naman ako dito. Napakabait at napaka-sweet pa.
“Thank you Ris! Thank you dahil nandyan ka nang kailangan ko ng masasandalan. Ayaw kong magreklamo kay God dahil sa kabila ng nangyayari ay ipinapakita naman nito sa akin na may mga tao pa na mabubuti at isa ka don pati na rin ang mga kasamahan mo sa boarding house.” Wika ko dito. Totoo iyon dahil kung salbahe ang mga tao roon sa boarding house ay baka first day pa lang ay evicted na ako. Syempre biglang sumikip sa area nila dahil sa akin. Pati privacy nila nabawasan ko.
Sana ay makakita na ako sa susunod at hindi ko alam kung kailan ako papaalisin ni Ate Yell.
Nagsimula na kaming maglakad ni Ris palabas ng sementeryo. Gusto ko sanang sumilip sa bahay ni Ninang Fiona pero hindi na lang. Baka makita ako ni ate Felisa ay kung ano pa ang sabihin nito sa akin. Ayaw ko muna makarinig ng di maganda. Masyado nang masakit ang nararamdaman ko. Kaya nga hindi na ako nangulit dahil wala naman akong Karapatan doon dahil hindi ako kadugo. Kahit sino naman ay pwedeng maging Ninang.
= = = = = = = = = = = = = = = = = = =
“Nasaan kaya si Bea?” paulit ulit kong tanong sa aking isipan. Kung wala na siya sa bahay ni Fiona ay saan siya ngayon tumutuloy? Nagtatrabaho nga siya pero maliit lang ang kit anito dahil part time lang ang trabaho. Kung doon niya lahat kukunin ay kulang pa ang kita niya para sa pang-araw araw na gastusin.
Sabi ko kanina ay bukas ko na lang ito pupuntahan sa kanyang trabaho, pero heto ako at hindi mapalagay sa kakaisip ng sitwasyon ni Bea. Wala akong numero nito. Ang pwede ko lang puntahan ay ang pinapasukan nito at ang lugar kung saan namin ibinaba ang kanyang kaibigan na si Ris.
Tama! Baka nga nandoon ito. Nakaramdam ako ng relief sa isiping kasama nito ang kanyang kaibigan. Wala ng patumpik tumpik pa at sumakay akong muli sa aking kotse at pupuntahan ko ang tinutuluyan ni Ris and bestfriend ni Bea.
Hindi ko pwedeng pabayaan si Bea dahil lagi itong ibinibilin ni Fiona. Naging busy lang talaga ako nitong mga nagdaang araw dahil ilang araw din akong hindi nakapasok sa trabaho.
Nandito na ako sa labas ng tinutuluyan ni Ris. Bumaba ako ng sasakyan at nag-door bell ako.
“Magandang gabi po!” bati ko sa babaeng naka salamin. Sa tantiya ko ay ilang taon lang ang tanda nito sa akin,
“Magandang gabi naman po,” sagot nito sa akin. Mukhang mabait naman ito.
“Ako po si Hector, kakilala ko po si Ris. Nandyan po ba siya?” sinabi ko na ang sadya ko dito.
“Ah oo, nandito siya. Sakto ang dating mo at kakarating lang din niya. Manliligaw ka ba ni Ris?” wika nito sa akin.
“Ah hindi po. Kaibigan po niya ako.” Sagot ko dito.
“Sige, sandali lang at tatawagin ko siya. Pasensya na at hindi ko kayo mapapasok dahil puro babae ang boarders namin dito.” Wika nito sa akin. Sa isip ko mabuti naman at puro babae lang sila.
Hindi nagtagal at lumabas muli ito at kasama na nga si Ris.
“Ayan ang naghahanap sa ‘yo! Doon lang muna ako habang kinakausap mo siya. Mister, maiwan ko po muna kayo ni Ris. Kakilala ka naman daw po niya. Saka may CCTV dito kaya hindi ka makakagawa ng masama.” Saad nito sa akin at sana ay biro lang ang huli niyang tinuran.
“Good evening po Sir!” wika sa akin ni Ris.
“Good evening din Ris. Dumaan kasi ako sa bahay nila Fiona at Bea. Pero iba na ang nakatira roon. Baka naman alam mo kung nasaan na si Bea?” tanong ko dito.
“May nakatira na po sa bahay nila? Grabe ang bilis naman, may umuupa agad!” naiinis nitong wika. Hindi pa nasasagot ang tanong ko pero may reaction ng marinig na may nakatira ng iba sa bahay nila Fiona.
“Oo meron na. At ngayon ay hinahanap ko kung nasaan na si Bea? Alam mo ba kung nasaan siya?” tanong kong muli dito.
“Ano pong sadya ninyo kay Bea, Sir?” ako naman ang tinanong nito. “Pwede ko po bang malaman bakit ninyo hinahanap ang kaibigan ko?” dagdag pa nito.
“Tulad ng sinabi ko kanina ay dadaan sana ako sa bahay nila para kumustahin si Bea. Pero nagulat ako dahil iba na ang nakatira. Ngayon ay hindi ako mapalagay dahil iniisip ko ang sitwasyon ni Bea.” Sinagot ko na ito at hindi ko na inisip kung ano pwede niyang isipin sa sagot ko. Ang importante sa akin ay malaman ko kung nasaan si Bea at kung okay lang bai to.
“Okay po Sir, pasensya na po at madami akong tanong. Alam naman po ninyo na dinaramdam pa rin ng kaibigan ko ang pagkamatay ng kanyang pangalawang magulang. Pagkatapos mamamatayan ay papalayasin pa sa bahay. Malungkot na nga iyong tao tapos ganon pa ang ginawang pagtrato ng kapatid ni Tita Fiona.” Sagot nito sa akin.
“Pinaalis siya ng kapatid ni Fiona?” ulit ko sa sinabi niya.
“Opo Sir, pinaalis siya nung Felisa ang pangalan. Noong gabi pagkahatid po ninyo sa amin. Naka-empake na ang mga gamit ni Bea at pinapaalis na. Pwede siyang tumira kung uupahan daw niya ang bahay. Mga walang puso e,” bakas ko ang frustrations sa boses ni Ris para sa sinapit ng kanyang kaibigan.
“Nandito ba si Bea?” tanong ko dito ng may magsalita.
“Ris nandito ka lang pala? Kanina pa kita hinahanap, bigla kang nawala sa likuran ko.” Ani Bea. Tama si Bea nga at nandito siya kay Ris. :Sinong kausap mo?” tanong pa nito ng makalapit at saka lang ako nakita.
“Ninong?!” parang hindi ito makapaniwala na nakita niya ako.
“Kumusta ka na Bea?” iyon ang isinagot ko sa kanya. Hindi ko gusto na tawagin niya ako ng Ninong dahil hindi ko siya inaanak. Hindi ito sumagot kahit nakalipas na ang ilang sandali. Walang salita na lumabas na mga labi nito.
“Kakadating lang po namin Sir ni Bea, Naghahanap po kasi kami ng matutuluyan niya. Pansamantala po siyang tumutuloy dito. Pero kailangan po namin makahanap ng malilipatan niya habang hindi pa nagrereklamo ang ibang boarders.” Si Ris ang nagsalita. Hindi okay si Bea kaya hindi niya ako sinagot. Obviously, malungkot pa siya. Kaya naman anong kalokohan ko para kumustahin siya at umasa na okay ang lahat.
“Pasensya ka na Bea at hindi kaagad kita napuntahan. Sana pala ay bumaba ako ng sasakyan ng gabing iyon. May nakita na ba kayong malilipatan ni Bea? May nakita na kayong bahay Bea?” hindi ko alam sino ang tatanungin ko sa kanilang dalawa.
“Wala pa nga po Sir, ang hirap pong makahanap ng bakanteg boarding house.” Ani Ris.
“Kung okay lang sa ‘yo Bea ay isasama kita sa bahay ko. Dumoon ka muna habang wala kang makita na malilipatan. May available na kwarto doon at may kasama namang kasambahay. Baka hindi ako patulugin ni Fiona lalo na’t alam ko na ang nangyari sa ‘yo.
“Talaga po Sir? Pwede po doon si Bea?” masaya nitong tanong sa akin at binalingan ang kanyang kaibigan.
“Best, ayan may matitirahan ka na. Mas okay para sa akin na nandoon ka kesa dito. Hindi sa pinapaalis kita pero mas okay na iyon bago pa malaman ng may-ari na sobra sobra ang nakatira dito. Kay Ate Yell walang problema pero sa may-ari, hindi iyon papayag.” Paliwanag ni Ris kay Bea.
“Hindi po ba nakakahiya sa inyo na roon po ako makituloy?” tanong sa akin ni Bea.
“Wala kang dapat ikahiya sa akin Bea. Matagal mo na akong kakilala. May kasama tayo sa bahay at kilala na si Ate Yolly di ba?” sagot ko dito.
“Ris, salamat. Alam ko naman ang sitwasyon mo dito kaya nga gusto kong makahanap ng malilipatan. Siguro ito ang sagot sa problema ko sa ngayon kaya tanggapin ko na ang offer ni Ninong sa akin.” Wika nito sa kaibigan.
“Oo naman ikaw pa ba? Nandito lang ako palagi para sa ‘yo. Kapatid na ang turing ko sa ‘yo at hindi na iba. Tara ayusin na natin ang mga gamit mo.” sagot sa kanya ni Ris.
“Ninong salamat po. Kukunin ko lamang po ang mga gamit ko.” Paalam nito sa akin.
Pumasok muna ako sa aking sasakyan at binuhay ko na ang makina nito para lumamig din ito habang hinihintay ko si Bea.