6

1409 Words
Pakiramdam ko ay talagang nasa paligid lang si Ninang dahil may sagot na sa aking problema. Totoong nakakahiya dahil hindi ko naman kaano-ano si Ninong Hector pero nandito siya para ako ay matulungan na may matuluyan. Okay dito sa boarding house nila Ris, lalo na kung boarder na talaga ako. Kaya lang ay walang bakante kaya nakiki-share lang ako sa kanyang higaan. Nahihiya na rin ako dahil baka pabigat na ako rito. Wala lang akong ibang choice dahil wala talaga akong makitang malilipatan. Ngayon dumating si Ninong Hector at sa bahay nito ako makikitira pansamantala. Nakakahiya man ay grinab ko na ang offer nito na sa bahay na muna nito ako makituloy. Need kong maka-ipon at ilang buwan na lang ay matatapos na ako sa aking pag-aaral. Pwede na akong mag-full time sa work. At mas malaki na ang kikitain ko sa time na iyon. "Paano Ris, tutuloy na ako. Maraming salamat talaga sa iyo at sa mga kasamahan mo. " wika ko dito. "Ano ka ba? Ang liit na bagay lang niyon. Saka kung sa akin din naman mangyari iyon ay ganoon din di ba ang gagawin mo?" saad sa akin ni Ris. "Syempre naman. Kaibigan kita at para na tayong magkapatid." sagot ko naman sa kanya. "See? Kaya ganon din ako sa iyo. Sige na at baka mainip si Sir." pagtutulak nito sa akin. Dumaan din ako kay Ate Yell para magpaalam dito at magpasalamat din. Hindi na niya pinadagdagan ang bayad ni Ris. "Thank you din po Ate Yell! Alis na po ako." wika ko dito. "Sige Bea, mag-iingat ka lagi" tugon nito sa akin. "Salamat po! Bye sa inyo. See you tomorrow Ris! Thank you Ate Yell." wika ko sa kanila. Hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na si Ninong at kinuha sa akin ang mga maleta ko. "Sir kayo na po bahala sa kaibigan ko." wika ni Ris kay Ninong Hector. "Sige salamat sa into. Salamat sa pagkupkop kay Bea. Mauna na kami." sagot ni Ninong. Pinagbuksan pa ako nito ng pintuan ng kotse at hinintay akong makasakay bago niya inilagay sa compartment ang aking mga maleta. Pagka-upo nito sa driver's seat ay tinanong ako. "Okay na ba lahat? Wala ka bang naiwanan? Tara na?" sunud sunod na tanong ni Ninong na puro tango at iling lang ang sagot ko. "Okay na po ang lahat Ninong." napilitan din akong magsalita dahil naghihintay ito Ninong ng sagot. "Alright then," saka umandar ang sasakyan. Kumaway pa ako kanila Ris at Ate Yell na hinintay rin na makaalis kami ni Ninong. Habang nasa daan ay nagsalita si Ninong. Kinakausap naman ako nito madalas kapag nagpupunta ito sa bahay ni Ninang at kahit kapag nasa labas kami. "Bakit ka umalis sa bahay ng Ninang mo?" tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung may alam na ba si Ninong sa nangyari. Nabanggit ni Ris na nasabi na niya rito ang nangyari. "Pinaalis po ako ni Ate Felisa. Hindi na po ako nakipagtalo dahil nakalagay na po ang mga gamit ko sa maleta. Hindi rin po ako kadugo kaya wala po akong karapatan. Kinupkop ako ni Ninang, at ngayong wala na po siya ay wala na rin po akong dahilan para manirahan pa po sa bahay na iyon. Napagdesisyunan na po ng mga kapatid ni Ninang kaya wala po akong magagawa kundi ang umalis sa bahay ni Ninang." isa lang tinanong ni Ninong pero sinabi ko na ang lahat. Hindi pa rin maalis sa akin na hindi mapaluha dahil naalala ko na nanan ang Ninang ko. " Bakit hindi mo sa akin itinawag?" tanong pa uli ni Ninong. " Wala po akong number ninyo Ninong, saka hindi ko na rin po naisip iyon. Pagod po ako at hindi na rin po ako makapag-isip ng maayos. Si Ris po ang naisip ko na pwede kong puntahan at hindi naman po niya Ako pinabayaan. Yun nga lamang po ay hindi ako pwede na magtagal doon dahil walang bakante. Baka may magsumbong pa po sa may-ari ay mapagalitan si Ris at Ate Yell. Kaya kapag wala po kaming pasok ni Ris ay nag-iikot po kami para humanap ng bakanteng bed space at makalipat po ako." tugon ko dito. " Pasensya ka na talaga Bea, naging busy ako. Hindi man lang kita nasilip sa bahay ninyo. Kanina ko lang nalaman pagkagaling ko sa sementeryo. Ikaw ba ang nagdala ng bulaklak na bougainvillea?" ani Ninong. " Yung white po?" tumango si Ninong. " Opo dumaan po kami ni Ris doob para magtirik ng kandila. May nadaaanan kaming isang abandonadong bahay na ang daming tanim na bougainvillea kaya doon po ako kumuha. Maiintindihan naman po ni Ninang iyon kasi wala po akong budget. Tinitipid ko lang po ang naitabi kong pera noon." Ang daldal ko talaga, lahat sinasabi ko. Ganoon kasi lagi ako kay Ninang kapag magkasama kami. Lahat sinasabi ko, hindi ako nagsisinungalin. Hindi ako nagsisikreto maliban na lang kapag sinabi sa akin na sikreto ang isang bagay. Saka wala naman dapag isikreto sa mga nangyayari sa maghapon. " Nandito na tayo, Bea." wika ni Ninong. Nandito na kami sa kanyang bahay na sobrang laki para sa kanya. Mag-isa lang siya dito at ang kasama lang ay si Ate Yolly. Siya ang kasambahay ni Ninong. Sabi ni Ninang ay may nagpupunta dito para maglinis ng bahay. Si Ate Yolly ay siyang tagaluto at bantay lang dito. Madadaling gawaing bahay lang ang sa kanya. Hindi ko lang alam kung pati laundry ay kay Ate Yolly. "Ako na po Ninong dyan," tukoy ko sa pagbubuhat sa mga maleta ko. "Pumasok ka na sa loob. Ako na bahala sa mga ito. Ate Yolly, pakismaahan na si Bea sa magiging kwarto niya." utos ni Ninong. "Bea, kumusta ka na? Hindi tayo nagkita ng sumilip ako sa Ninang mo. Tara sasamahan kita sa kwarto mo." ani Ate Yolly. Ngumiti lang ako dito na nalulungkot. Humawak ako kay Ate Yolly, close na naman kami nito dahil sa ilang pagpunta namin dito ni Ninang. "Masaya ako Bea ma dito ka na titira. May makakausap na ako. Alam mo naman busy ang aking amo lagi. Kakausapin lang ako niyan kapag may iuutos." saad ni Ate Yolly at tumawa pa ito. Napansin kong lumingon pa ito para siguruhin na wala pa si Ninong sa likuran namin. "Ako din po Ate Yolly. H'wag ka pong mag-alala tutulungan po kita sa pagluluto at sa mga ibang gawain mo po dito." wika ko sa kanya. " Hindi na! Madali lang trabaho ko dito. Pwede siguro sa pagluluto para naman ganahan kumain si Sir. Hindi yata type ang mga luto ko. Pakiramdam ko napipilitan lang siyang kainin ang mga inihahain ko sa kanya. Tama nga! Sa pagluluto tulumgan mo ako. Natatandaan mo yung last time na nagpunta kayo ni Ma'am Fiona dito? Di ba ikaw ang nagluto? Ang daming nakain ni Sir at hindi lang iyon, ipinatago pa niya yung natira at kinabukasan ay iniulam pa niya. Hindi yan nag-uulit ng ulam pero yung kare-kare na niluto mo, nagustuhan niya." kwento ni Ate Yolly. Pagkatapos nitong magsalita ay pumasok na si Ninong dala ang mga maleta ko. " Okay ka na ba dito Bea?" tanong ni Ninong. " Opo Ninong, maraming salamat po. Mag-aabot na lang po ako tuwing sahod ko po. At kapag nakatapos na po ako at may work na saka po ako magbabayad." nahihiyang sambit ko kay Ninong. Habang si Ate Yolly ay hinila ang mga maleta ko sa may closet. " Bakit mo ako babayaran? May sinabi ba akong kailangan mong magbayad?" tanong sa akin ni Ninong kaya nahiya naman akong lalo. "Wala po," sagot ko sa kanya. "Kung iniisip mong magiging pabigat ka dito? Hindi Bea. Malaki itong bahay at dalawa lang kami ni Ate Yolly dito. Lahat ng pera mo at sahod mo ay para sa iyo at kung kulang naman pwede ka sa akin magsabi." wika pa ni Ninong. Parehas ang Ninang at si Ninong. Ganyan din sa akin si Ninang magsalita. " Okay po Ninong. Maraming salamat po." iyon na lang nasabi ko. " Ate Yolly nakapagluto ka na ba?" tanong ni Ninong kay Ate Yolly. " Opo Sir, maghahain na po ako." sagot nito at nagapaalam na lalabas na. " Tara na muna Bea at kumain tayo." Aya ni Ninong.Sumunod naman ako dito papunta sa kusina. Maswerte pa rin ako dahil heto may matitirhan akong muli. Wala akong alam sa personal na buhay ni Ninong. Hindi ko alam bakit mag-isa lamang siya sa bahay na kaylaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD