Araw ng Lunes at may pasok ako ngayon. Alas otso ang first subject ko at ang last subject ko naman ay natatapos ng 3 o’clock. Malapit lang din sa school ang aking pinapasukang trabaho. Kaya ako umalis sa isang sikat na fast food chain ay mas malayo ito kaysa sa pinapasukan kong restaurant ngayon. In 10 minutes ay naroon na agada ko.
Maaga akong bumangon para tumulong kay Ate Yolly. Alas singko nang umaga at ganito na ang nakasanayan kong oras ng gising sa umaga. Pagpunta ko ng kusina ay wala pa si Ate Yolly. Medyo kabisado ko na ang lugar na ito dahil minsan nga ay nagluto na kami ni Ate Yolly. Hindi naman ako bisita dito kaya marapat lang na tumulong ako sa mga gawaing bahay. At dahil magaling akong magluto ay dito ako sa kusina.
Tiningnan ko muna kung may tira pang kanin kagabi. May kaunti pa, pwede pang isangag. Pinaghiwa-hiwalay ko muna ang kanin at saka ko isinalin sa isang pinggan para masaingan ko ng bagong kanin ito. Hindi ko alam kung ano ang kinakain ni Ninong sa umaga kaya ang tira ay isasangag ko at magsasaing ako. Naisalang ko na ang sinaing at nagsisimula na rin akong magsangag ng pumasok si Ate Yolly.
“Ang aga mo namang gumising Bea!” wika ni Ate Yolly.
“Good morning Ate. Pinaki-alaman ko na po ang kusina ninyo. Opo maaga po akong gumigising dahil may pasok po ako ng 8 ng umaga.” Saad ko kay Ate Yolly.
“Ay good morning din! Okay lang iyan.” Sagot nito sa akin.
“Ano po bang gusto ni Ninong na kainin sa umaga?”
“Kanin ang lagi kong inihahain sa kanya at tinapay. Hindi ako nagsasangag eh. Ako kumakain ng lamig kasi mas gusto ko ng lamig na kanin tapos daing o kaya tuyo.’” Natatawa nitong sagot.
“Ah okay, Sige papiliin na lang natin si Ninong mamaya kung ano ang gusto niyang kainin.” Saad ko. Tinanong ko pa si Ate Yolly kung ano ang lulutuing ulam? Sabi niya the usual daw na kinakain ng mayayaman sa umaga. Hotdog, Bacon, at Sunny side up na luto ng itlog.
“Ate Yolly, sige gawa tayo ng twist sa itlog. Pwede mo po baa ko bigyan ng bawang, sibuyas at kamatis?” ani ko dito. Kumuha naman si Ate Yolly. Plano ko ay igigisa ko yung tatlo ay kapag naluto na ay ilalagay ko sa scrambled egg. Omelette pero yung tatlo lang ang laman. Mahilig kasi si Ninong sa tatlong iyon, dahil sa bahay ni Ninang Fiona iyon ang ginagawa kong sawsawan at gusto ni Ninong iyon.
Nakaluto na kami at inaayos na namin ang mesa ng pumasok si Ninong.
“Hmm ang sarap ng amoy a!” wika nito.
“Good morning po Ninong! Sandali po at ipagtitimpla ko po kayo ng kape,” bati ko dito. Madalas ko na rin siyang timplahan sa bahay. Hindi naman siya umaangal sa timpla kong kape na mas mapait kaysa sa matamis.
“Si Bea po ang nagluto ng mga iyan. Nagsinangag din po siya, baka magustuhan daw po ninyo. At gumawa po siya ng omellete pero ang palaman po ay bawang, sibuyas at kamatis.” Dinig kong iniisa isa ni Ate Yolly. Ano kaya, ayaw ni Ninong ng mga niluto ko? Tanong ko sa isipan ko habang pabalik ako sa mesa na dala ang kape nito.
Nakita ko na kumukuha na ito ng sinangag. Ipinatong ko sa tabi ng pinggan niya ang kape.
“Ikaw ang nagluto nito?” tanong nito sa akin.
“Opo,” tipid kong sagot dahil kinakabahan ako. Baka ayaw niya at magalit. Syempre iba yung nandito siya sa sarili niyang bahay kaysa nasa bahay siya ni Ninang Fiona.
“Bakit anong oras ka gumising?” tanong pa nito.
“Maagap po kasi akong magising. Dahil ako po nagreready ng pagkain po namin ni Ninang. Saka maaga din po kasi ang pasok ko.” Tugon ko kay Ninong.
“Maupo ka na, paano ka kakain kung nakatayo ka?” Wika pa nito sa akin. Hindi naman siya galit ng sinabi niya iyon. Si Ate Yolly ay nakatayo lang sa may likod ni Ninong. Gusto kong yayain kaya lang ay hindi ko alam ang rules ni Ninong. Katulad kagabi ay hindi namin kasabay si Ate Yolly. Kung pwede lang na si Ate Yolly na lang ang kasabay ko ay mas gugustuhin ko pa.
Sumunod na lang ako kay Ninong. Kakalipat ko lang dito ay baka masabihan pa akong matigas ang ulo. Dahil kaunti lang ang sinangag ay hindi na ako kumuha. Kanin na lang ang pinili ko. Pasimple kong tinitingnan ang kinuha ni Ninong na ulam at iyon yung omelette na ginawa ko.
“Masarap ang omelette na ito. Ngayon lang ako nakakain nito. Ang sarap! Thanks Bea, ikaw daw nagluto ng mga ito sabi ni Ate Yolly. Pati ang sinangag ay masarap.” Saad nito at pasimpleng nginitian ako ni Ate Yolly. Alam ko na gusto ni Ninong ang timpla ko sa kanyang kape, dahil sinabi na niya iyon dati.
“Hmm pati ang kape, perfect! Mapapadami ang kain ko nito.” Wika niya na nakatingin lang naman sa pinggan niya. At muli itong sumubo. Nagustuhan nga niya ang sinangag dahil nag take two pa ito at sinimot na lahat ng nasa serving plate. Natutuwa ako na nagustuhan niya. Sa ganitong bagay man lang ay makabawi ako sa pagkupkop niya sa akin.
Tahimik din akong kumain. Hindi na muling nagsalita si Ninong dahil may binabasa ito habang inuubos na lang ang kanyang kape.
“Sumabay ka na sa akin Bea. Idadaan na kita sa school mo.” wika nito na nasa binabasa ang mga mata.
“Okay po Ninong, salamat po.” Narinig ni Ate Yolly ang sinabi ni Ninong kaya naman nilapitan ako nito para sabihan ako na mag-ayos na ako ng sarili. Siya na lamang daw ang magliligpit.
Wala na akong nagawa kaya tumayo na ako at nagtungo sa kwarto na ginagamit ko. May sariling CR ang kwarto ko kaya nakaligo na ako kanina bago pa ako lumabas at magtungo sa kusina.
Naplantsa ko na rin ang uniform ko kagabi. Nagsabi ako kay Ate Yolly kaya sinamahan niya ako habang namamalantsa ng mga uniform ko. May time pa kami para magchikahan kaya tinanghali siya ng gising.
Naka-ready na ako ng lumabas si Ninong.
“Let’s go Bea, baka malate ka pa sa school mo.” saad niya sa akin. Sumunod naman ako dito. Una niyang binuksan ang pintuan ng kotse kung saan ang pasenger’s seat. Sumakay na ako doon at si Ninong ay umikot para pumunta sa driver’s seat.
Tanging tugtog lang sa radio ang maingay. Walang nagsasalita sa aming dalawa ni Ninong. Para bang nakikiramdam kami pareho.
Pagdating sa may school ay saka lang ako nagsalita para magpasalamat dito.
“Salamat po Ninong.” Wika ko dito at sinara ko na ang pinto. Hinihintay ko muna itong makaalis saka ako papasok ng school. Pero ang tagal na ay hindi pa rin ito umaalis. Ibinaba nito ang bintana at tinawag ako.
“Bakit hindi ka pa pumapasok ng school?” wika nito sa akin.
“Hinihintay ko po na makaalis po kayo muna, saka po ako papasok.” Sagot ko dito.
“Pumasok ka na at pagkapasok mo saka ako aalis.” Wika nito sa akin. Pareho pala kaming naghihintayan nito.
“Okay po Ninong. Thank you po. Ingat po kayo” Sagot ko sa kanya. At pumasok na ako sa eskwelahan. Hindi ko na rin nilingon ito dahil nahiya na ako. Pareho pala kaming naghihintayang dalawa.
Nagkita naman kami ni Ris sa loob ng campus. Classmate ko siya at katrabaho din.
“Kumusta ka sa bago mong tahanan?” bungad nito sa akin.
“Okay naman. Tahimik lang si Ninong. Baka malungkot pa sa pagkawala ni Ninang.” Sagot ko kay Ris. Makwento kasi si Ninong noong buhay pa si Ninang.
“Mabuti naman at okay ka ngayon sa bago mong tahanan. Salamat at may Sir Hector na handa kang tulungan kahit wala na ang Ninang mo.” saad pa ni Ris.
“Oo nga e. Tara na sa room at baka malate pa tayong dalawa.” Aya ko dito at hinila ko na siya sa kanyang braso. Araw-araw kaming magkasama ni Ris hanggang sa trabaho. Magkahiwalay lang kami nito kapag gabi dahil magka-iba ang tinutuluyan namin. Hindi naman kami nagkakasawaang dalawa. Vibes kami sa madaming bagay.