Chapter 2

2183 Words
Chapter 2.. Awtomatikong napanguso ako sa nabanggit ni Lulu. 'Yung isang araw nga lang parang tila isang linggo sa akin. Paano pa kaya kung isang linggong kain tulog lang ang gagawin ko? Hindi ako makapaniwala kaya inulit ko ang narinig ko 'yung bang nanigurado sa sinabi nito. "As in, one week Lulu?! One week?" tumango ito. Napabuga ako ng hininga. At kinagat kagat ang pang ibabaang labi. Wala naman ako magagawa dahil ito ang tutulong sakin para maka pag apply. Saka tumango kahit labag sa kalooban. Anong gagawin ko sa isang linggong naandito? Dapat pala tinapos ko muna ang nakakadiring honeymoon ng dalawang 'to saka ako lumarga. At tiyak may kasunod 'yung nadinig ko nagdaang gabi, tiyak maririnig ko na naman ulit ang tila alulung ni Lulu mamayang gabi. Napaikot mata ako at napasalo ng ulo habang papasok sa aking kuwarto na tinulugan. Pero bago ako tumalikod, may itinanong muna ako dito, dahil hindi yata ako mapapakali kung hindi ko 'yon maitatanong sa kanya. "Lulu. Diba nag ha honeymoon na kayo ni Dogi?" napakunut noo ito at napatanong. "Dogi?" kunot noong tanong nito, nadulas pala ako at nasabi ko pala ang bansag ko sa boyfriend nito. "Ah, sste ni Pogi." mabilis 'kong pagtatama sa sinabi ko. "Yes, Jamilla." Nakangiting sagod nito sa akin at iniismid pa ang labi na iningiti, kaya lalong humaba ang mukha nito. Isama pa ang baba na naghihintay sa sasabihin ko. "Bakit di muna kayo ikasal ni Pogi? Bago honeymoon.. Huwag ka ma oopen, ah? Kahit huwes lang ba freind." suhesyon ko. Alam ko pangingielam na ang ibig 'kong sabihin pero makakabuti naman ito sa kanya. "Ano kase.." At ipinikit pikit pa ang mata na napahinto sa isasagot sa akin na parang iniisip kung ano ang isasagot sa akin, na akala naman nito eh' lumiliit ang sariling mata nito at ika gaganda nito. Pero 'yung totoo nagmumukha lang itong kakaiba sa paningin ko. At napatikhim pa, bago nagsalita muli ito. "Ano kase..' ....Jamilla.." na naman nitong sabi pero 'di matuloy tuloy at nakatingin ako sa kanya na nakauwang ang bibig habang naghihintay sa sasabihin nito. Nababagot na ako sa isasagot nito. "Ano kase-- " utal nito. Hindi ako nakatiis, hindi sinasadyang lumakas ang boses ko pag tuloy sa sinabi nito. "Ano ba kasi?!" agaw ko sa sasabihin nito. "Puro kasi 'yung sinasabi mo Lulu! Ano nga?" Inis 'kong tanong muli dito. At napayuko ito na tila nahihiya. May hiya pa talaga ah! At di rin nagtagal itinaas din ang ulo nito at sinagot ako. "May tatlong asawa kasi si Pogi." Gusto kong himatayin sa harap ni Lulu. 'Yung tipong isang pirma na lang ng bulate at 'yung itsurang 'di malaman kung tao ba o engkanto tapos naka tatlo pang asawa! OMG! May dugong bughaw talagang itong si Dogi, hantakin mong matulis na ang buto at ang baba pati ang karisma matulis din! Sino pa ang ibang mga babaeng pumatol sa mukhang tukmol na lalaki na ito? Kaya mabilis akong tumungo sa tauban ng baso at mabilis din na sinalinan ng tubig at mabilis na nilagok iyon, saka hinarap ko muli ito. "Dont tell me pang apat ka? OMG Lulu!" And i rolling my eyes. "C-cong.grats." ka utal kong sabi at mapaklang nginitian ito, para hindi mahalata ang reaksyon ko kanina, dahil sa pagka gulat ko. Mabilis naman nagsalita ito sa akin. "Oo Jamilla. At alam mo ba sa t'wing yinayakap ako ni Pogi pakiramdam ko nasa langit ako. Ipinaglaban pa nya ako sa tatlong asawa nya." ramdam 'kong kinilig pa ito. At napilitan akong tumango. Hindi ako bitter, pero hindi ko talagang maiwasang ma curious sa Lovestory ng dalawang ito. Nakakadiri man pero natutuwa ako. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkukwentuhan ni Lulu nakarinig kami ng yapak. Si Dogi papalapit sa amin at nanggaling ito sa kuwarto, may bitbit itong bag na nakasabit sa likod nito. Napangisi ako, maglalayas na siguro ang engkanto. Magpapaalam pala kay Lulu, may pupuntahan kuno. Sa pagakakarinig ko, may pupuntahan ito at tatlong araw itong mawawala. Kaya naman itong kaibigan 'kong lalong nagkanda haba ang baba. Pigilan ba naman itong si Dogi dahil kesyo daw paano na daw ang honeymoon nila at pangako nitong kanilang isang linggong honeymoon? At 'di man lang nahiyang dinakma ni Lulu sa harapan ko ang gagabutil na harapn ni Dogi. Wala kasing ka umbok umbok. At sumagot naman si Dogi. Itinapat nito ang bibig sa tenga ng nobya at bumulong. Tila tuloy akong tsismosa na nakatanglaw sa dalawa. Itsurang bumulong pero dinig ko naman! Maghintay na lang daw itong kaibigan 'kong si Lulu at babalik naman daw ito kaagad, dahil pag umuwi daw si Dogi, eh' magdamag daw silang magkakadyutan! Ang laswang pakinggan!At bago pa ito umalis sa aking harapan nakipagtukaan pa si Lulu na halos nagkakabungguan na 'yung matutulis nilang baba kaya unti unti akong humakbang palayo sa dalawa. Pero di'ko sinasadyang madunggol si Dogi kaya bumagsak ang dalawa sa sahig. Langya! Nadunggol lang bumagsak na?! Tsk! Pero hindi tumigil sa pagtukaan ang dalawa, bagkus ikinawit pa ni Lulu ang dalawang hita sa bewang ng lalaking ito. Hay! Parehong manyakis, manyakis na engkanto! Naisipan kong maglakad lakad habang palubog ang araw. Samantalang ang dalawa naandon nagkakadyutan. Ikaw ba namang paalis nasi Dogi humirit pa kay Lulu. Ayun at bago ako lumabas ng bahay nadinig 'kong umaalulung na naman si Lulu sa loob ng kwarto. Hay! Tiyak mapapadali ang kaniyang pag aaply dahil aalis ang nobyo ni Lulu kaya napag pasyahan ko ng ngayon na puntahan ang puntod ng daddy ko. Medyo nababagot na kasi ako saka ito naman ang balak ko, pag naka uwi na'ko dito kung saan talaga ako lumaki at kung saan lugar na nagbigay sa akin ng hirap ng dibdib, ay dadalawin ko ito ng patago. Hindi ako natatakot na madaanan ko ang ibang puntod, na ang iba ay may bagong bulaklak na tansya ko ay mga bagong libing lamang. Nalungkot ako dahil naisip ko ngayon ko lamang ito papasyalan ay wala pa akong dalang kandila o bulaklak para lamang dito. Napangiti ako ng makita ko ng malapit na ako sa ng ama ko. Kahit anim na taon ko ng hindi ito napapasyalan pero alam kong lagi itong malinis kahit walang natatanggap itong bulaklak mula sa amin. At ng makalapit ako naupo ako sa may damo, hindi ko maiwasang mapaluha habang nakatingin sa puntod ng aking ama. "Daddy kamusta kana? Masaya siguro kayo ni mama dahil magkasama na kayo, 'yun nga lang magkalayo kayo ng bahay. Siguro naman sa heaven ay magkasama naman kayo. Masaya ako dahil muli 'kong nakita ang puntod mo. Alam kong delikado na puntahan kita, pero hindi ko kayang hindi ka puntahan dahil naandito na ako muli sa lugar natin. Sobrang miss na po kita dad, Salamat sa lahat." saka napatingin sa kalangitan. "O sya daddy bukas na ako dadalaw sa'yo medyo madilim na po, pupuntahan na lang kita pag may balita na sa papasukan 'kong trabaho sana po gabayan ninyo at makuha, para narin kay Dave. Ikamusta mo na lang ako kay mama.. I miss you dad." bulong kong saad at tumayo ako sa kinauupuan 'kong damo at sabay punas ng luha na pumatak sa aking pisngi ng makatayo ako. Gustuhin ko mang magtagal at magkwento sa daddy ko pero delikado. Hindi ko makakalimutan ang kinuwento ni mama sa akin. At naglakad na ako palayo sa puntod ni daddy. Lumingon muna ako sa bawat gilid ko kung may tao. Malalim na rin ang dilim. Hindi ko alam bakit hindi ko magawang matakot siguro mas nakakatakot kung may liwanag akong dadaanan at may makakakita sa akin. Pero habang naglalakad ako pauwi parang may naramdaman ako na may sumusunod sa akin, lumingon ako pero wala namang tao. Ilang beses ko iyon ginawa ngunit wala akong nakita. Lumakas ang t***k ng dibdib ko at di nag tagal parang tambol na 'tong nag uunahan. Tagak tak ang pawis ko ngunit mahangin naman para maibsan ang init ng gabi na iyon. Segundo lamang nawala iyon maya-maya hayun na naman. Lumingon ulit ako. Pero wala parin akong nakita. Malapit lang kase ang bahay ni Lulu ilang kanto lang papunta sa simenteryo dahilan din kung bakit ito ang naisip ko sa alok nito. Sa takot ko nagtatakbo ako ng mabilis hanggang sa marating ko ang bahay na tinutuluyan ko. Ayoko ng maulit ang nangyare sakin, ayoko ng mangyare yun dahil sa pangalawang pagkakataon ikamamatay ko. Pagpasok ko ng bahay madilim ang kabuuan ng loob sabayan pa ng panginginig ng katawan ko. Takbuhin ko ba naman ang natitirang kanto bago makarating. Tuloy, lawit dila kong binuksan ang ilaw ng sala at diretsyang pumunta ako ng kusina dahil naramdaman ko ang gutom ng aking tiyan at pagkauhaw. Gusto ko sanang gisingin si Lulu tanungin kung kumain na ba ito ng hapunan pero hindi na lamang baka pagod ito. Matapos 'kong kumain nag stay muna ako ng sala at binuksan ang maliit na t.v nasa 14 inches lang 'yon para bumaba na din ang aking kinain. Kung tutuusin kaunti lang ako kumain. Ganito na ako noon at hanggang ngayon. Pero wala sa tv ang toon ko, kundi dahilan sa pagtakbo ko kanina. Sumagi sa isip ko. Alam 'kong hindi ako nagkakamali kanina may sumusunod sa akin. Napabuntong hininga ako. Hindi sinasadyang napatingin ang mata ko sa bintana. Napatda ang dalawa 'kong mata. Napalunok ng sunod-sunod. May lalaking nakatayo sa 'di kalayuan at kahit madilim ang paligid kitang kita ko itong nakatingin ito sa akin. Isang matangkad na lalaki at naka black masquerade ito. Hindi ko makita ng buo ang mukha nito. Kaagad 'kong iwinaksi ang tingin ko. Kakaiba na kase ang nararamdaman ko, takot na parang gusto 'kong lumabas at kausapin ito, pero sa kabilang isip ko huwag ko itong lapitan na baka patayin ako. Kaya mabilis akong nanakbo sa loob kuwarto na tinutulugan ko. At ng malapat ang aking likod sa higaan mabilis akong nagkulubot ng kumot. Pero kahit nagawa 'kong magkulubot nasa isip kopa rin 'yung lalaking nakita ko sa bintana kanina. Hindi kaya? Pero wala namang bonet kundi isang masquerade lamang ang sunot nito sa mukha. Hindi kaya isa sa mga tauhang nagpadukot sa akin at nakita ako sa simenteryo? Bigla kinalibutan ako at bumilis ang t***k ng dibdib. Ilang taon na ang lumipas pero sariwa pa rin sa utak ko ang nangyare sa akin. At kaagad naalala ko ang sinabi ni mama sa akin. Makapangyarihan daw ang naging kalaban ng aking daddy sa isang negosyo at ito rin ang dahilan kung bakit kaagad namatay ang daddy ko. At nalaman na lamang ng aking mama na sangkot pala ang daddy ko sa isang krimen sa pagkawala ng isa sa pinaka mayamang tao sa lugar na ito, at ng mahanap isa na lang itong bangkay. At sabi pa ni mama sa akin marahil ito ang nagpadukot sa akin at pasalamat daw ako at hindi ako pinatay ng mga ito. Pero naniniwala ako sa sinabi ni mama dahil hindi ko makakalimutan ang sinabi ng lalaking matanda sa akin, na ako ang kabayaran ng atraso ni daddy sa kanila. Pero nakakapagtaka, dahilang marami ng taong lumipas. At sa tansya ko patay na 'yung lalaking iyon dahil matanda na ito. Pero pasalamat parin ako dahil pinakawalan parin nila ako. Hindi ako nakatiis bumangon ako at dahan dahang sumilip sa bintana. Ngunit wala na ang lalaking nakaitim at naka masquerade. Pabagsak akong naupo sa sopa. Hindi ko alam kung iyonn ba 'yung sumusunod kanina sa akin o nagmamalikmata lamang ako. Pero malabong malabong malikmata lang 'yon dahil kitang kita ng dalawang mata ko na may nakatayo doon. At di nagtagal naisipan kona lang bumalik sa kwarto ko. Bago ako bumalik ng kwarto pinatay ko muna ang ilaw ng sala at sinilip si Lulu. Napangisi ako. Hanggang sa pagtulog nasasambit pa nito si Dogi dahil nanaginip ito. "Oh, Pogi iasagad mo. Isagad mo.. " Ana's nito na paungol. Kaya dahan dahan kong isinarado ang pinto nito. At pagpasok ko sa kwartong tinutulugan ko, napatras ako. Kahit madilim ang kalooban ng kwarto hindi ako nagkakamali ito ang lalaking nasa labas kanina at bakit ngayon ay nasa loob na ng kuwarto ko? Na ganon kabilis! Kung di ko masyado na aaninag ang mukha nito kanina ngayon nakikita kona. May kamukha ito pero hindi ko matandaan kung sino. Naptingin ako sa katawan nito. Isang matangkad na lalaki at ang mata nyang kulay brown na parang malulusaw ka pag nakipagtitigan ka sa kanya. Na parang isang salita nya lang matutukod ka sa kinatatayuan mo. Gusto kong gumalaw sa kinatatayuan ko pero hindi ko magawa parang wala akong lakas at parang control nito ang buo 'kong katawan. Gusto 'kong sumigaw pero bakit walang boses na lumalabas sa aking bibig? Bakit ang tingin nito'y nagpapahinto sa aking kalooban? Nakita 'kong iginalaw nito ang sariling ulo at bumuka ang bibig nito. "How are you Jamilla Geronimo? " Napalaki ang dalawang mata ko. I'm not mistaken I know that voice. Pero ang alam 'kong nag mamay ari non at isang matandang lalaki dahil nakaharap ko ito at nakasagutan. Gusto 'kong kumibo at magtanong pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga. Pakiramdam ko babagsak ako..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD