AFTER SIX YEARS..
Blag!! Blag!!
Kinakabahang napamulagat ang aking dalawang mata sa kalabog na aking narinig ng hating gabi na 'yon. Matapos iniikot ko, nasa bahay na pala ako ng aking kaibigan nasi Lulu.
Si Lulu ang matalik 'kong kaibigan. Nagsimula ito noong maging mag kaklase kami sa kolehiyo. Ang pagkakaibigan namin dahilan lang sa nakipag sabunutan ito at ako ang umawat dito dahil nasa ilalim na ito ng kaaway. Doon nagsimula ang madalas na naming pagku-kwentuhan at halos araw araw na magkasama sa school.
May pagka madaldal ito, at ito ang nagustuhan ko dito 'yung tipong habang nagku kwento nagkakandamulirat ang dalawang mata at hindi nauubusan ng sasabihin kahit walang kasaysay saysay Mabait si Lulu at hindi madamot, kaya ng makapag disisyon akong maghanap ng trabaho ito kaagad ang hinagilap ko at mabilis naman na nag offer sa akin dahilan nagtatrabaho ito sa malaking kumpanya.
Nangangailangan daw ng mga bagong empliyado ang pinagtatrabahuhan nito. Pero kahit kailangan ko iyon pinag isipan ko parin ng mabuti ang inalok nito, at dahil kailangan ko ng kumilos at kailangan ng pinansyal alhindi rin nagtagal pumayag na 'ko. Madalas 'kong sinusubukan maghanap ng trabaho na mas malapit sa lugar kung nasaan kami ngunit bigo akong makahanap. Ang dahilan hindi daw ako qualified sa hindi ko alam anong dahilan ganoong tapos na ako ng koehiyo.
May kasama ito sa bahay ang ka live in partner nito. May magandang pangangatawan din si Lulu katulad ng akin, pero huwag mo lang titingnan ang kanyang mga mata dahil nakabural ito na parang malalaglag at isama pa nito ang chin na parang nakalimutan yatang tabasin dahil sa haba, pero huwag ka! Dahil may malaking hinaharap ito na tulad ng akin, pero hindi ko inaasahang kung ano ang kinahaba haba ng baba ni Lulu, e' ganoon din pala ang type nito sa isang lalaki. Kaya nga Lulu e, babalu! Isama narin ang ka live in nitong sobrang matsyo! At pag nadikit ka, sigurado matitinik ka sa tulis ng katawan nito. Tsk!
Naitanong ko nga sa sarili ko. Dyusmiyo! Kumakain paba ito? At anong nagustuhan ni Lulu sa lalaking ito? Isang bulate na lang yata ang hindi pumipirma dito. At ang angas pa nito ah, naka shade pa ito kahapon at naka wearing ng white t- tshirt na fit na fit sa katawan nito, tuloy bakat na bakat ang ribs nito. At sa suot nito na may naka sulat na— "lumayo kayo, daan ang matsyo! At 'yung kaibigang ko namang si Lulu, kitang kita ko na kilig na kilig at parang aagawan dahil todo kapit sa baraso ng ka live -in nitong walang laman ang katawan. Hay...
Gusto kong humagalpak ng tawa kahapon, 'nung sinundo nila ako. Pero nanatili na lang akong tumatawa sa loob ng isip ko. Baka kase magbago ang isip nito at hindi ako patuluyin sa bahay nito.
Blag!! Blag!! Blag!!
Hayun na naman ang tunog. Parang sa tansya ko may isinasaldak sa kabilang dingding. Oo nga pala ang kuwartong tinutulugan ko kadikit lamang ng kuwarto ng dalawang iyon. Manipis lang na flywood ang nakaharang sa magkabilang kuwarto, kaya dinig na dinig ko ang ingay na ng gagaling doon at 'di nagtagal ungol naman ni Lulu ang narinig ko.
Dyosmiyo! Scandal naba ito?
Maka ungol kase parang wala ng bukas o katapusan. 'Yung parang ulol na aso dahil alulong ang ginagawa.
Tsk!!
At manakay, pagkatapos ng ungol nagsalita itong si matsyosyulis. Pakiramdam ko tuloy ako ang nahiya sa sarili ko dahil ang narinig 'kong sinabi nito— "Ang alat hinugasan mo?" Bwisit na buhay 'to! Saka napailing ako. Baka inaasinan pa ni Lulu o baka wala lang hugas. OMG!! Tinakpan kona lang ang dalawa kong tenga, gamit ang unang mahaba eksakto tamang tama sa tenga ko at nagkulubot ako ng kumot. Narinig kona naman kasi si Lulu na umaalulong ulit. Ginagarote yata ni matsyo dahil puro saldak ang naririnig ko. Dyosmiyo! Bar ba itong bahay na 'to?
Ilang minuto. Salamat natapos din ang ingay at nagkamatayan na yata ang nasa kabilang kwarto dahil nagsitigilan din ang mga ito. Napahinga ako ng malalim at tinanggal ang pagkakulubot ng kumot sa katawan ko. Ilan taon ba akong nawala sa lugar na ito? At ilang taon na ba si Dave? Anim na taon? Anim na taon na din akong hindi nakakatuntong muli sa lugar na ito at ngayon na lang muli.
Si Dave ngayon ang buhay ko, gagawin ko ang lahat para sumaya ito at maibigay ko ang magpapasaya dito.
Sikretong nanirahan kami ni mama sa Visaya matapos nilang mahanap ako sa pagkakadukot sa akin. Saka namuhay kami ng payapa doon at walang inisip na anu man, pero namatay din si mama ilang buwan lang ng lumipat kami doon. Sobrang lungkot ko. Pinatay na ang daddy ko, kinidnapped at ginahasa pa ako ng dimonyong lalaki! Tila isang malaking bangungot ang nangyare sa buhay ko pero pinilit 'kong bumangot para sa nag iisang kasama ko. Si Dave.
Napabuga ako ng hangin.
Bakit paba kaylangan kong maalala ang mga bagay na iyon? Ito rin ba ang dahilan kung bakit ako naandito ngayon? Diba yun rin naman ang kagustuhan ko ang gumanti? Pero sa paanong paraan? Ano lakas ko? Sigurado ako nabubulok na ang larawan nito sa lupa dahil tiyak ko patay na ito! Bigla galit ang bumalot sa mukha ko ng maalala ko ang mga bagay na naman ang nagyare akin.
Napatitig ako sa madilim na kisame. Buhay pa kaya ang matandang iyon? At unti unti ng sumarado ang aking talukap ng mata. Naramdaman ko rin ang antok at diretsyong nakatulog.
Kahit puyat ako nagawa ko pa rinbmagising ng maaga. Kasabayan ko si Lulu ng bumangon. Napangisi pa ako dahil iika ika itong naglalakad. Tila nabakli na yata ang balakang sa kakasaldak ni feeling matsyo! Este ni Pogi. Naalala ko iyon ang tinawag na pangalan ni Lulu dito at 'yon din ang palayaw nito na sinabi sa akin.
Naks! Pogi!
Kung papayag sila papalitan ko iyon ng Dogi. Malapit din sa salitang Pogi. Sabay napangisi.
Bago ito maupo sa chair nakita kong napahawak pa ito sa balakang. Dyosmiyo anong garote ginawa ni Dogi dito? Saan kumukuha ng lakas ito? Ang tindi lang. At hindi ako nakapagpigil, nagtanong ako habang hawak ko ang bagong timplang kape na nakalagay sa cup.
"Lulu, ilang taon na kayong nagsasama ni Pogi?" At humigop ako ng kape pagka tanong 'non, gusto ko kase 'yung mainit na mainit para mainitan yung sikmura ko pag medyo kase malamig sinisikmura ako.
"Noong isang araw lang." Mabilis nitong sagot sa akin at lalo pang namilog ang mga mata nito ng para bang kinikilig sa sinagot nito. Kamuntik ko ng maibuga ang kapeng hawak ko sa mukha nito dahil bago ako nagtanong umupo muna ako sa harapan nito. Kaya pala tila magdamag nag eendutan itong dalawa na ito dahil kaagad binigay ni Lulu ang sarili, sa Dogi na 'yon! Lakas lang makasira ng araw.
May nagtilansikan na laway sa bibig ko, kung hindi ko naibuga ang kape natuluyang nasamid ako. Mabuti na lang at naitakip ko kaagad ang kamay ko sa bibig ko. At napansin ito ni Lulu kaya nagtanong ito.
"Ok ka lang friend? " May pag aalala sa mukha nito kaya kumorte ang baba nito. 'Yung bang pagbumusangot ito lalong humahaba ang baba, tapos 'yung mata parang malalaglag. Sinagot kona man.
"Wala friend. Congrats! " Ana's ko. Pero kung tutuusin nadidiri ako. Ano ba talaga ginusto ni Lulu sa lalaking 'yon? At simpleng napa iling.
At heto nagising naring ang herodes nasi Dogi. Kung si Lulu e iika ika ng lumabas, itong si Dogi naman kung maglakad parang di mabuhat buhat ang bayag. Napatampal ako ng noo. Ano ng nangyayare sa mundo? Mukha yatang namaga ang ari nito gawa 'nung kagabi o baka hindi humilom sa pagliit dahil nasobrahan. Ang tanong meron ba itong ganon na itinatago?
May dragon din ba ito katulad kay— Napapiksi ako. Saka ibinalik sa Dogi na 'yon ang iniisip ko. Mukhang gagadaliri lang ang meron ito. At itsurang kay baho baho. Napa ngiwi ako ng makatalikod si Lulu nadinig siguro nito ang na bumangon si Dogi at heto biglang tumayo kahit iika ika mahalikan lang si Dogi. Hindi ako na swiswitan sa kanila. Nadidiri ako dahil may panis pang laway sa gilid ng bibig ng payatot na ito. Ah, ewan! Ubusin kona lang itong kape ko. Sabay talikod ko sa dalawang ito.
"Jamila, nadala mo ba 'yung mga papers na kaylangan mo, 'yung mga sinabi ko saiyo? Medyo maselan ang company namin. Lalo na yung CEO. ayaw 'non ng maraming usapan dahil siya ang mag interview saiyo. 'Yung iba kaseng nag aaply, secretary na ang pinapaharap niya. Pero dahil recommend kita 'sya na ang mag interview sa'yo. Galingan mo, ha? Take note! Bawal kiligin. Pero suwerte natin kung aabutan natin siya 'don. Kase kahit recommend kita may time na wala 'syang time. Alam mo bang first time ko siyang kinausap ng dahil sa'yo." nadinig 'kong anas nito ng makaharap sa 'kin. Napangiti ako at nagpasalamat kay Lulu. Pagkatapos 'kong nagpatuloy muli ito nag kwento. "Nakakatakot kase, laging madilim ang mukha. Pero pag ngumiti, aw! Kasing gwapo ni Pogi!"
Weeww! OK na sana ang kuwento nito e, maniniwala na 'ko na gwapo ang boss nito kaso bakit isinama pa ang pangalan ng nobyo nitong walang laman ang katawan. Pero patuloy parin ito sa pagku k'wento.
"At alam mo ba friend, binata pa ito. Kaya nga lang hindi ko alam kung may syota na." At napatingin ito sa akin. Nagulat ako sa pagtitig nito.
"Oh, bakit ganyan tingin mo sa akin? " nagtataka kong tingin dito.
"Alam mo ba friend, marami kaming mga emplyado doon. Marami din nagrerekomenda. Pag ayaw ni Sir. Ayaw! Kahit rekomenda iyan. Pero ikaw sure hindi ka iisnabin 'non." Napatawa ako sa sinabi nito. At kaagad naman sinagot ang sinabi nito.
"Alam ko dahil kahit papaano nakatapos naman ako sa Collage." Wika ko na may pagmamayabang.
"I know.. Matalino ka Jamilla, at maganda pa! Walang lalaking hindi makakapansin ng ganda mo. Parang ako lang, kasing ganda mo. Kaya nga nainlove sa akin si Pogi. " Nawala ang pagngiti sa labi ko. Ganoon ba talaga kalaki ang mata ko? May ganon din ba akong chin, tulad nito? Sa pagkakaalam ko pareho lang kami ng boobs pero sa mukha malabo siguro. Pero ibinalik ko rin 'yon dahil baka mahalata ni Lulu ang ekspresyon ng mukha ko.
"Kailan ba tayo pupunta doon? I mean kailan ako mag a apply sa trabaho mo? "
"Maybe next week friend. Naka leave kasi ako. Nangako kasi akong mag honeymoon kami ni Pogi."
Nadali na! At napakuskos ako sa aking sintido ng palad. Mababaliw yata ako sa bahay na ito, kung magtatagal ako.