I woke up early today.
Excited na 'ko kung ano magiging resulta ng pag apply ko kaya hindi ako masyadong nakatulog, isama na rin ang ilang araw kong pag iisip sa lalaking nakita ko sa loob ng kuwartong tinutulugan ko at kung sino ba 'yon? Kung nanaginip lang ba ako ng gabi na iyon. Dahil ng magising ako nakahiga na ako sa kama ko.
Hindi na mahalaga kung ipapa alam ko pa ba iyon kay Lulu dahil alam kong tatawanan lang ako non at di rin maniniwala.
Hindi ko din ipinagdamot ang nangyare sakin noon, naikwento ko din about yung dinukot ako ng bonet gang at nasabi ko ring matanda ang nagpadukot sa akin pero di ko nabanggit na pinagsamantahan ako nito. Dahil ayoko ng maungkat lahat ng bangungot na nangyare sa buhay ko. Tiyak kung nabubuhay pa ang matanda na iyon, pinagbabayaran na nito sa lupa ang pinag gagawa nito sa akin.
"Hoy! Ang lalim ng iniisip mo, ah!" Nagulat ako sa boses ni Lulu. Hindi ko pala namalayang naka upo na ito sa harapan ng kainan at saka naka palumbaba sa kaniya na at tinititigan ako.
"Wala naman Lulu, halika na at kumain na tayo." saka tumayo ako para sandukin ang niluto kong friedrice at langgonisa, inilapag ko iyon sa lamesa.
"Aba! Mukhang masarap ang fried rice mo friend!" hindi na nakapag hintay ito, kumuha na ito ng kutsara at mabilis na isinalok ang niluto kong fried rice at inilagay nito sariling pinggan.
Naalala ko tuloy si Dave paborito niya ito lalo na kung lalagyan ko pa ng hotdog. Masayang masaya na ito pag ganon na ang almusal namin. Napabuntong hininga ako. Hindi man lang naranasan ni Dave ang magandang buhay na naranasan ko noong kabataan ko. Hindi ko man lang maibigay ang magandang buhay dito. Lumungkot ang mukha ko.
Nung mawala ang daddy ko naisipan ni mama na ibinenta na lahat ang aming ari-arian dito. Wala kaming tinira ni kahit ano, ultimo bahay na kinalikihan at lupang tinitirikan ng bahay namin ay ibinenta rin ni mama. Ito daw ang daan para mamuhay kami ng tahimik sa malayo at gamitin ang pera para sa panibagong negosyo. Pero naubos din ang lahat yun dahil nagkasakit si mama.
Naisipan kong mag apply ng trabaho ng sa ganon makatulong, ngunit sa dami ng inaplayan ko wala man lang tumanggap sa akin. Bumagsak ako sa paglalabada pero hindi iyon sapat sa amin ni Dave. Mabuti na lang may mabait na tumutulong samin. Inampon kami ni Dave non simulang mamatay si mama. Si tiya Purita at tiyo Carding. Hindi ko man sila kadugo ngunit daig pa ang anak ang turing sa amin ni Dave. Kaya ayaw man bumalik sa lugar na ito, dito parin pala ang bagsak ko. Ang lugar na isinumpa ko.
"Hoy! Tulala kananaman Jamilla! Halika na't kumain na tayo. Huwag kang masyadong mag iisip dahil tiyak matatangap ka. Ikaw pa! " Pagpapalakas ng loob ni Lulu sa akin at saka ngumiti.
"Salamat Lulu. " Namutawi sa bibig ko. Hinawakan ko ang kamay nito bilang pagpapa salamat.
"Naku tigilan mo ang drama Jamilla ah. Hindi bagay satin dalawa." At umisnab pa ito sa akin. Natawa na lang ako saka nakisabay ng kain.
***
LAHAT NG makasalubong namin na empliyado nag gu- good morning ako at ang iba naman ngini ngitian ko. Imbes na gantihan ako ng iba ng ngiti isang malagkit na tingin ang ipinupukol ng iba sa akin pababa sa dibdib ko. Formal naman ang suot ko. Pero hindi maiiwasang bumakat ang dibdib ko sa suot 'kong bestida na hanggang tuhod. Hindi ko naman sinasadyang biyayaan ako ng ganoon na hinaharap at may 2 inches na takong ang gamit kong sapatos na kulay itim.
Kung titingnan hindi ako mukhang mag a apply lamang kundi isang bos sa kumpanya ang awra ko. Yun kase ang sabi ni Lulu na isuot ko. Aminado naman ako na kapansin pansin ang ganda ko dahil hindi maitatangging sexy ako at sa ayos ko din ngayon.
Ako yung tipong hindi marunong mag make up. Basta pulbos lang at dampi ng kaunting lipstick ok na. Pero ang ginawa ni Lulu sa akin lalong pinalantik nito ang pilikmata ko, maging ang kilay ko at inayos pa nito. At kinapalan nito ng lipstick na kulay rosas kaya tuloy tila puso ang labi ko at dinampian ng kaunting makeup ang mukha ko. Kaya tuloy yung ibang nakakasalubong ko taas baba akong tinitingnan at matapos diretsyo sa hinaharap ko.
Naupo ako sa desk ni Lulu. Dahil may pupuntahan daw muna ito sandali. Habang naka upo ako nakikita ko ang ibang empleyado na may kanya-kaniyang ginawa. May nakikita din akong lakad doon lakad dito. Yung iba pa nga nagmamadali para magpapirma at tansya kong may hinahabol silang isang taong kaimportante importante. Na parang bilang ang pag punta dito dahil sa mga natataranta ito at nagmamadali. Sa inip ko, napatayo ako at naglakad lakad para makita ang kabuuan ng kumpanya. Malaki ang kumpanya na pinagtatrabahuahn ni Lulu, saka nilinga linga ang bawat dadaanan habang dala ko ang shoulder bag naka sabit sa balikat ko, at ang papers na hawak ko inilagay ko sa harapan ng dibdib ko habang salo ng kamay ko at patuloy parin sa paglakad lakad.
Hanggang sa hindi ko na alam kung saan ba itong napuntahan ko?. Tansya ko malawak talaga ang kumapanya na ito dahil mukhang maliligaw yata ako mabuti na lang dala dala ko ang selpon ko ano mang oras na mangyare matatawagan ko si Lulu. Hindi ako nagkakamali mukhang mayaman talaga ang nag mamay-ari nito dahil isa sa malakas sa pilipinas at mabili ay ang sigarilyo, iba't ibang sigarilyo ang naka display doon bawat sulok at ang iba mamahaling sigarilyo ang nakikita ko.
"Awts!!" Sabay lupagi ko sa sahig. Napatipalok ako. Napangiwi ang mukha ko dahil sa sakit. Dahil busy ang iba hindi ako napansin ng mga ito habang pilit tumatayo at napangiwi sa sakit habang nakahawak sa paa ko.
"Aray naman, huwag kang mamaga. Kailangan ko ng trabaho." Saad niyang bulong sa sarili. Akma na siyang tatayo pero may isang palad na humawak sa baraso ko. At nakangiti ito nung lingunin ko.
"Hello.. Do you need my help? " Tanong nito. At tinulungan akong makatayo. Sa tansya ko mukhang nagtatrabaho din ito dito. Sa hula ko lang.
May maamong mukha ito. Guwapo pero mukhang matinik sa babae dahil parang malulusaw ako sa titig nito at di ako nagkakamali hindi rin nito napigilan sumulyap sa harapan ko.
Tinitigan ko din ito, kahit hindi ko kilala nginitian ko ito ng makatayo ako saka dahan dahan namang tinanggal nito ang kamay sa baraso ko.
"Thank you sir." Anas ko.
And he nodded. At gumalaw pa ang labi nito. At di nagtagal nagtanong ito.
"Bago ka lang ba dito?"
Sinagot ko ito ng tango at ginawa ko din nagsalita. "Nag aapply pa lang po. Pero kasama ko yung kaibigan ko, nagtatrabaho siya dito. Nabanggit kase niya sa akin na nangangailangan daw ng mga aplikante kaya nag try ako. " nakangiti kong paliwanag.
At nakita kong lumuwang ang pagkakangiti nito sa labi. At nagsalita din maya-maya. "Good.. By the way I'm Rex. Rex Balejo. Nice to meet you?" inilahad nito ang kamay at naghihintay na abutin ko at sabihin ang pangalan ko dahil itinaas nito ang kanang kilay na parang nagtatanong sa akin. Madali kona man naintindihan iyon.
"Jamilla Geronimo sir. " Wika ko ganon kabilis na magkadaong palad na kami ng binatang nasa harapan ko. At ako na ang bumitaw dahil ramdam ko ang init ng palad nito.
"So was the President of the company you talked about it? " Lalong guma gwapo ito pag nagsasalita. Mukhang hindi ito suplado at mukhang mabait ito. At ano ito dito?
"Hindi pa eh. " Sagot ko. Pero gusto kong tanungin kung ano ito dito sa kompanyang ito. Na baka makatulong ito sa akin pero nahihiya akong magtanong. Nadinig ko ang selpon ko na mayroong tumatawag kaya nagpaalam muna akong sasagutin ko muna yun dahil si Lulu ang nasa kabilan linya. Kaya tumalikod muna ako sa binatang gwapo na ito. At tumango na naman ito sa akin.
"Nasaan kana? " bungad na tanong nito. Sa boses nito parang kanina pa ito naghahanap sa akin. Pero hindi ko masabi kung nasaan ako. Kaya tumingin ako sa gilid ko at magtanong sa binata ngunit wala na ito. Kaya naglakad lakad ako para magtanong.
At ng makapagtanong ako sinabi ko nasa malapit ako ng iscalator at nasa first floor sinabi ko ring masakit ang paa ko dahil sa pagka tipalok ko. At huwag daw ako aalis at pupuntahan daw ako nito kung nasaan ako.
Malayo pa lamang si Lulu nakangiti na ito sa akin. Na ang akala ko'y magagalit ito dahil sa ginawa kong walang paalam sa kanya.
"Kanina pa kita hinahanap! Pumunta ka ng 16the floor. Nandoon yung opisina ng Presidente, bilisan mo! Dahil hindi nagtatagal ang puwit non, dito! Swerte mo dahil nandito sya! Oo nga pala.. Huwag na huwag mong kalilimutan Jamilla. Huwag mong gagamitin ang elevator na may nakalagay na V. Dahil sa Presedente lang yon. Ang gamitin mo E. As in elevator. OK? Dali at para maabutan mo! " Sabay tulak pa sa akin.
Pero nagtataka ako kung saan ang daan dahil malawak ang kumpanya kaya nagtanong muli ako. Pero may halong kaba ang nasa dibdib ko. Dahil first time kong makakaharap ang isang mayamang at kilalang tao. Sanay ako sa mga interview pero bakit dito kinakabahan ako marahil siguro Presidente ang makakaharap ko.
"Diretsyuhin mo yun. " Sabay turo ni Lulu sa akin. "Kumaliwa ka, tapos diretsyo ulit. Tapos kumaliwa ka ulit. May pinto kang makikita may naka sign naman na elevator. Then pumasok ka. Then ayun na yun at pasukan mo. Yung pinagbilin ko. Push letter E. As in Elevator. Ok? " Tumango tango ako, kahit nalito ako sa diniscrive nito.
Hinawakan ko ito sa kamay dahil sasabihin kong may nakilala ako pero itinulak na ako nito dahil para abutan ko daw ang Presidente ng kumpanya.
Patakbo kong nilakad ang itinuro sa akin ni Lulu kung nasaan ang ba ang elevator na sinasabi nito, "Diretsyo.. Kaliwa, tapos diretsyo tapos kaliwa. Eto naba yun? " at tiningnan ko ang pinto ng elevator kung eto ba yun habang nasa harap ako. Isang letter V at E.
Huminga ako ng malalim bago pumindot. Dahil isang hakbang na lamang ang lapit ko sa elevator kaya humakbang na ako para pindutin ang botton letter E dahil yun ang kabilibilinan ni Lulu.
"E! At huwag V."
Napaupo at napangiwi, dahil sa mabilis kong pagkakaupo dahil natipilok na naman ako. Sa kakamadali ko dumulas ang kamay ko. Pero sigurado akong Letter E ang napindot ko dahil doon nakatutok ang kamay ko nung akmang pipindutin ko yun. Panigurado yun. Malas ko lang dahil dalawang paa kona ang masakit ngayon.
Akma akong tatayo ng bumukas ang elevator at walang lingong iika ika akong pumasok sa loob.
Napalibot ang dalawang mata ko. Parang pang isahan lang yata ang elevator na ito at paanong nangyayayareng nagkakasya ang mga empliyado kung magkakasabay sabay ang mga ito doon?
Pero teka may kasabay yata ako dahil huminto ang elevator saka may pumasok.
"Lintik ang empleyado naka shade! Ang swabe." saka napangiti ngunit napalitan iyon ng asar dahil
nasisikipan ako kaya nagsalita ako, "Paki dusog naman po." At tinulak kopa ito ng kaunti dahil madidikit ang katawan ko dito at mukhang sa likod nito madidikit ang hinaharap ko.
Pipipindutin ko sana ang 16th ngunit naka ilaw na ito, marahil mag aaply din siguro ito. Tiningala ko ang lalaking ayaw man lang ako tapunan ng tingin dahil nakatalikod na ito sa akin, nakasuot ito ng puting tshirt na panloob at may patong na black na syeleko. At ang pang ibaba nito naman ay itim na slacks saka tinernuhan naman ng long nose shoes. Idagdag pa nito ang tansya kong pabangong tila mamahalin. Nagtataka ako, isang simpleng empliyado lang pero kung maka asta ng suot ay parang bos na dito sa kumpanya.
Yabang mo men!
Ginawa ko namang itakip ang papers na dala ko sa hinaharap ko, kasi kanina pa pinagpepestahan ng tingin ang nakakakita sa akin baka pag humarap ito sa akin doon din tumingin. Lakas loob akong nagtanong sa kasama ko sa loob ng elevator, kahit ba hindi ako tinapunan ng lingon nito.
"Kuya may interview ka rin po ba? Sana matanggap po tayo." Pero walang sagot akong narinig mula dito. Pero nakatingin parin ako sa likod nito.
Suplado ang puta!
"Kuya ang angas ng dating natin ah, anong a aplyan mo? " Pangungulit ko, ewan ko bakit naitanong ko yun?
Pero wala parin itong sagot sa tanong ko pero nakita kong luminga ito ng kaunti, mabuti na lang at mabilis kong naitakip ang papers ko mula ilalim ng ilong hanggang gitna ng hinaharap ko. Seryoso ang mukha nito na parang gusto akong sakmalin at kainin. Napatikhim ako na baka seryoso lang ang lalaking ito. Gwapo pa naman sana pero mukha namang suplado.
Pero sa dinami dami ng oras bakit nasisinga pa ako. Maaga kasi akong naligo ayun nasipon ako kaya kahit nadudunggol kona ang pwit nitong matambok, kalkal parin ako ng kalkal sa bag ko ng tissue. At ng mahanap mabilis akong suminga.
E ano naman ngayon kung naririnig nya? Same lang naman kaming nag aaply or anu naman kung empliyado sya dito? Ang sabi ni Lulu lahat daw ng gagamit sa letter e, e emplayado lang daw. Kaya bakit ako mahihiya! At nakita ko itong pumindot ng numero.
Napaisip ako.
Dadalawa lang kami dito, ibig sabihin sya yung pumindot ng 16th, e bakit ngayon pumindot na naman sya ng bagong numero?
Pansin ko din ang mukha nitong madilim, nababakas na para bang may galit. Kase pasimple ko itong sinisilip.
Akma akong huhugot ng tissue pero wala na pala itong laman ang maliit kong box na may lamang tissue. Ramdam ko kasing tutulo na yung sipon ko. Hindi puwedeng madungisan ang suot ko dahil interview ko ngayon kaya lakas loob akong kinalabit ito.
"Boy pakisuyo naman, may tissue kaba? Ubos na kasi ang tissue ko, puwedeng pahingi naman. Sinisipon kasi ako." Kumibot ang mukha nito pero di parin ako nililingon. At hinihintay kong abutan ako nito ng tissue. Pero hindi ko parin tinatanggal ang takip ng papers sa ilalim ng ilong ko dahil malapit nasa labi ang sipon ko at tansya ko babagsak na sa damit ko. Mahirap na baka makita nito ang sipon ko na onse na, nakakahiya!
Ramdam ko ang paghinga ng malalim nito. At di nagtagal dumukot ito sa bulsa at inaabot sa akin.
Ting!!
Sya namang bukas ng elevator at lumabas ito. Akma akong magpapa salamat dahil sa tissue na iniabot sa akin pero mabilis itong lumabas na hindi parin ako tinatapunan ng tingin.
At ng matapos ko masingahan ang tissue ngayon ko lang napansin na panyo pala yon. Napangisi pa ako sabay bukas ng elevator.
Napatingin ako sa elevator ng makalabas ako.
Hindi ito elevator ng empleyado, kundi letter V ang napasukan ko!