"IBIG MONG sabihin hindi mo inabutan yung President ng kompanya?!" Nababakas sa mukha nito ang dismaya. Tumango tango lang ako. At naupo ito sa upuan at napabusangot, kaya lalong humaba ang baba nito at isama pa mata nitong tila luluwa. Sa t'wing ganon ang itsura ni Lulu hindi ko maiwasang titigan ito para kasing gusto kong saluhin ang mga mata nito pakiramdam ko kasi tila babagsak na.
Nauna na akong umuwi ng bahay hindi kona rin hinintay makauwi si Lulu dahilang sabi nito sa akin ay mauna na akong umuwi dahil gagabihin ito kasi natambakan ito ng trabaho. Pero bigla akong napangiti. At eto namang si Lulu lalong namilog ang mata sa kahulugan ng pag ngiti ko.
"Surprise! Natanggap na ako Lulu! Kahit wala yung Presidente ng kumapanya na interview ako! Heto't mag uumpisa na ako sa trabaho!." Pagulat kong sabi dito at maluwang ang pagkakangiti ko sa labi ko. At sumungaw ang ngiti nito sa labi.
"Talaga?! Congratulats Jamilla! Pero sayang hindi mo naabutan yung President. Nakita mo sana kung gaano sya ka gwapo! Pero OK narin dahil may trabaho kana." May kilig sa tono nito. At sabay yakap sa akin.
"Pero sino yung nakasabay ko sa elevator Lulu?" Napatanong siya dahil may kung anong tumulak sa kaniya sa isipinin n iyon. Nakita kong napakunot noo ito.
"Edi, empliyado! Sino paba? Lahat naman ng sumasakay sa elevator E mga empliyado dito sa kumpanya. " paliwanag nito.
Pero napaawang ang labi ko at kinuwento ko ang di'ko sinasadyang pagpindot ng letter V. Dahil natipilok ako. At kulang na lang malaglag ang mata nito sa pagka gulat dahil sa sinabi ko.
"That's true Jamilla?" Lumabas sa bibig nito. Mukhang hindi makapaniwala sa tinuran ko.
"Oo, katunayan nga Lulu may nakasabay ako. Akalain mong sya lang ang umisnab.. " sabay nguso ko na tinuturo ang malaking dibdib.
"Ang mga empliyado gustong gusto sumakay don at pati ako! Pero ikaw lang na mag aaply nagawa munang maka sakay doon sa unang araw mo pa lang na punta doon! Ano nakilala moba?" At iniayos pa nito ang pagkakaupo, na parang may gustong malaman sa naikwento ko.
"Ngek! Nakilala?" Ulit ko. "Paano ko makikilala e ngayon lang ako nagpunta sa kumpanya nyo. Saka mukhang suplado! Hindi man lang marunong ngumiti." At napangiti ako dahil naalala ko ang paghingi ko ng tissue ngunit sariling panyo nito ang iniiabot sa akin.
Napa-isip si Lulu sa ikinuwento ko. At di rin nagtagal nagsalita ito.
"Swerte mo talaga Jamilla, dahil madalang lang magpakita yang magpinsan na 'yan."
"Magpinsan. Sino" tanong kong sabay kunot noo.
"Dalawa lang ang pagpipilian kung sino ang nakita mo Jamilla. Kung hindi si Sir Marco ang nakita mo, baka yung CEO Si Sir Von. Magpinsan si Sir Von at si Sir Marco, kaya pareho ang ugali. Si Sir Marco madalang din yan magpunta dito pag naandyan lang si Sir Von." At napaluwang ang ngiti pero patuloy parin sa pagkukwento.
"Mahahalatang nasa office ang Presidente ng kumapanya pag naandyan sila. Ewan koba, mukhang mga hindi naghihiwalay. Ang alam ko may mga grupo 'yan, pero hindi ko alam kung ano ang pangalan." Dagdag pa nito.
"Sila? Pero.. Sino yung Rex Balejo?" Seryosong tanong ko. Naging interesado din.
Nakita kong nanlaki lalo ang mata ni Lulu sa pagkatanong ko. Napatayo ito sa kinauupuan at lumapit sa akin. At tumayo sa kinauupuan ko na ang mukha ay nasa ilalim ng ulo ko. Kaya tiningala ko ito ng magtanong sa akin.
"Huwag mong sabihing nakita mo rin yung ex-husband ko?! " Kinikilig na tanong nito sa akin at napa ikot pa ang mata. Gawain na nya yun, ang iikot ang mata pag natapos magtanong o magsalita na akala nya naman ay gumaganda sya.
Nakalimutan kong nasa uluhan ko ito. Napatayo ako. Hindi sinasadya sa pagtayo ko, nadunggol ko ang baba nito. Ayun at putok ang labi nito.
Mabilis na napatutop ito ng bibig.
"Ay! Sori naman friend!" At mabilis akong kumuha ng towel at binasa ito para sa ganon idampi sa bibig nito. "Ginulat mo naman kasi ako! Akalain ko bang ex mo pala si Rex. Sino ba kasi yun at nandoon sa kumpanya n'yo? " Nakiayon na lang ako sa sinabi nito kahit alam kong di naman totoo para huwag magalit dahil dumudugo ang bibig nito habang dinadampian ko ng towel. Halatang asar ito at iniagaw sa akin nito ang towel saka ito na ang nagdampi sa sariling nguso.
"Hindi ko ex yun! Pinagnanasaan ko lang. " asik na wika nito. At dinampian muna ng towel muli ang nguso bago nagsalita. "Si Sir Rex, anak ng madrasta nya. Ingat ka playboy yun!" Naalala ko kaya pala malagkit ang tingin nito sa akin hindi pala sa mukha ko kundi sa hinaharap ko. Pero itsura naman mabait. At napalabi ako.
"E bakit naandoon? "
"Pumapasyal lang yun! Ang gwapo n'ya diba? Pero mas gwapo si Sir. Von doon. Di lang marunong ngumiti! Saka sa pag kakaalam ko hindi yata nagpapansinan yung dalawa na 'yun. Hindi ko alam kung bakit. " At ibinaba na nito ang towel dahil huminto na ang pagdudugo ng nguso nito.
"Wow Lulu ah! Ang dami mong alam." Ana's ko. Pero parang nahihiwagaan ako sa mga la!aking napag uusapan namin ni Lulu.
"Teka, paano kayo nagkakilala ni Sir. Rex? " At napatitig ito sa akin.
Napangisi muna ako bago sagutin ang tanong nito. "Napatipilok ako. Tapos tinulungan nya akong makatayo. "
"Ay!! Hawak kamay talaga?! Langhiya! Tagal ko pinangarap mahawakan yun tapos ikaw walang kahirap hirap mong nahaplos. Dapat dinakma muna yung harapan! " Sabay tawa nito.
Gagong tong si Lulu igagaya pa ako sa ginagawa nya kay Dogi. Pero totoo guwapo talaga ang binata at halatadong babaero, pero hindi maalis sa isip ko at napapa isip ako kung sino ba yung lalaking nakasama ko sa loob ng elevator. Ang Presidente ba ng kumpanya o ang pinsan nito? Hindi ko napigilang magtanong muli kay Lulu.
"Lulu, diba ang sabi mo hindi marunong ngumiti talaga ang mag pinsan? Bakit naman sa anong dahilan?" Ang dating nagiging imbestigador ako.
Tumingin muna ito sa akin ng masama at iniliit ng kaunti ang mata bago nagsalita. Napahawak ako sa sariling batuk ko. Kinilabutan kasi ako sa ginawang tingin sa akin ni Lulu. Hindi sa isasagot nito kundi sa mukha nito! Kaya umiwas na lang ako ng tingin. Mukha kasing manananggal ang itsura nito. Dugo na lang ang kulang sa bibig nito para kumpleto na!
Dapat pala hindi kuna binigyan ng towel ito para nakumpleto ang kulang sa mukha nito. Ewan ko sayo Lulu! Kung ngayon lang kita nakilala at ginawa mo sa akin yan sa harap ko, e baka tinakbuhan na kita! At nadinig kong nagsalita na ito kaya binalik ko ang pagkakatingin ko dito
"Huwag mong sasabihin ako nag kwento kung sakaling may magtanong, pero friend kalat ito sa kumpanya." Pabulong pa nitong kwento, na akala mo namay marami kaming nakikinig sa sinasabi nya. " Si Sir. Von simula noong namatay ang kanyang ina nagbago na yan ng ugali. Hindi ko alam kung ano ang ikinamatay ng ina niya. Si Sir. Marco naman kaylan lang yan. Masiyahin yan. Ngumingiti pag may nasasalubong na tao. Pero ang balita parang may nabuntis yata na babae! At kaylangan daw panagutan. Ang OA lang friend, dapat pala nag pa rape ako kay Sir. Marco para kami ang nagkatuluyan!" At napahagakgak pa ito sa tinuran. Napa buga ako ng hininga. Sa twing magkukwento ito lagi idinadagdag nito ang sarili.
Napaisip ako. Gusto ko talaga masiguro kung sino ang nakasabay ko sa elevator. Kaya muling nagtanong ako.
"Siguro naman Lulu ngayong nakapasok na ako sa kumpanya, makikita ko rin yang President na sinasabi mo. Tingnan natin kung di rin sya mapatingin sa hinaharap ko. "
Tumawa ito muli ito, "Jamilla ayaw non sa malaki ang hinaharap! Kasi hindi naman tumitingin sa hinaharap ko yun. " Nakalimutan ko malaki pala ang boobs ni Lulu isama na ang mata nito. Gusto kong tumawa. Dahil sa sinabi nito. Pero tumango tango ako dito at manakay nagsalita.
"Masyado ka daw kasing maganda, at baka pag tumitig daw sya sayo Lulu, e maakit sya sa kagandahan mo. Alam muna kakaiba ang ganda mo... Kay pang Dogi ka lang daw. Este kay Pogi daw yan nakalaan. " At pigil tawa ko sa sinabi ko. Napakurap kurap pa ito ng mata sa akin.
"Kaya gusto kita Jamilla e, alam mong maganda ako. Di tulad ng iba inggit na inggit sa kagandahan ko. " Napahawi pa ito ng buhok at iniipit sa kanang tenga nito.
Ang ending, nakipag apir na lang ako. Wala na kasi akong masabi. Yun lang kasiyahan ni Lulu ang sabihan sya ng maganda kahit di totoo.
At nagpaalam na ako dito, dahil balak kong pumunta ng simenteryo. Tumango ito. At nagbilin na mag iingat ako. Niyakap ko lang ito at saka umalis na ako.
Madilim na ang kalangitan pero eto parin ako. Pangako ko kasi kay daddy pag natanggap ako sa trabaho ay papasyalan ko ito. At heto nga ako, nakaupo sa damo at kinakausap ko ito habang binubunot ang maliliit na damo na tumutubo sa puntod nito.
Mag iisang oras na akong nakaupo doon at kinakausap ang puntod ng aking daddy. Sinadya ko talaga magtagal dahil alam kong magiging busy na ako pag nagsimula akong magtrabaho. Naikwento ko rin sa kanya ang kumpanyang pinasukan ko at mabilis ding natanggap.
Sa huli bago ko naisipang umuwi kinuwento ko rin ulit si Dave. Ilang araw ko na din itong hindi nakikita kaya mis na mis kona ito ng sobra, ang kakulitan nito isama na ang paglalambing nito sa akin. Madalas akong tumatawag para kausapin ito pero mas maganda parin yung nakikita ko ito at nakakasama pero wala akong magawa dahil kaylangan kong kumayod.
Nang makatayo ako pinagpag ko ang aking puwitan. Tumingin sa kalangitan. Tansya ko sigurong walang nakakakita sa akin dahil madilim na ang kalangitan.
"Dad, papasyal po ako pag may time ako. I miss you so much dad." Huling sabi ko bago ako tumalikod.
Kahit natatakot. Heto dadaanan kona naman yung lugar kung saan ko naramdaman na may sumusunod sa akin nung nakaraan, na una kong punta dito. Kung pwede nga lang na di ako dadaan dito at may daanang iba, di sana ginawa kona!
Binilisan kona lamang ang lakad ko. Malalaking hakbang ang pinakawalan ko. Halos patakbong lakad na ang hakbang ko. At di nagtagal may naramdaman na naman akong sumusunod sa akin. Ngunit kada lingon ko wala namang tao.
Nanginginig man ang dalawang tuhod dinoble ko ang bilis ng paa ko. At isama pa ang aking dibdib na bumibilis din ang t***k ng puso ko. Ginawa kong yumuko habang naglalakad para walang makakita ng mukha ko at sige parin ako sa paglalakad. Mahaba kasi ang iskinita na yon at madilim. Isang hakbang kopa'y bumunggo ako sa isang pader.
Pader?!..
Walang pader sa gitna ng daan! Napatingala ako. Kahit madilim nakikita ko ang mukha nito. Isang matangkad na lalaki may kalakihan ang katawan. Nakangisi ito sa akin na tansyay ko'y isang adik. Nanginig ako sa takot. At mabilis akong pumaliko ng takbo pero mabilis din akong nahawakan nito sa baraso.
"Saan ka pupunta miss? " bulalas nito sa akin. At napahagod ng tingin sa akin dibdib. Kahit madilim maaninag nito ang katawan ko.
"Bitawan mo 'ko!" Nang hawakan ako. Parang bumalik sa ala-ala ko ang nangyari ng may dumukot sa akin. Kaya napaluha na ako habang nagpupumiglas sa pagkakahawak nito. Pero hindi umobra ang ginawa ko dahil malakas ito at malaki rin ang katawan kaya isang tulak lang sa akin tiyak matatangay na ako nito.
"Titikman muna kita bago kita pakawalan. Mukhang ang sarap mo miss." At napakagat pa sa ibabang labi sabay kabig nito ng yakap sakin. Kaya napasandal ako sa katawan nito. Pero pilit parin akong lumalaban dito. Akma na akong hahalikan nito ng biglang may baritonong boses akong narinig na nagmula sa likod nito.
"Let her go, if you do not want to lose your breath."
Napa angat ako ng ulo. Isang lalaki na katangkaran at nababakas din ang kagandahan ng katawan nito. Nakasuot ito ng black T-shirt at bakas sa damit nito ang matitipuno nitong dibdib. At di maitatangging parang kakambal nito si Adonis dahil sa kagwapuhan. Ang mata nitong tila manglulusaw at ilong nitong nababagay sa labi. Pero parang nakita kona ito. Hindi ko lang matandaan.
Si Superman!
Na ngayon ay hawak na nito sa leeg ang lalaking may tangka sa akin. Napatda sa kinatatyuan ang lalaking nakayakap sa akin ng makita ang mukha ng tumulong sa akin. At unti unting dumadaus-us ang kamay nito sa pagka alis. At sa wakas na nakaalis ako sa pagkakayakap nito.
Nakita kong binitawan ito ng lalaking tumulong sa akin. Nakita kong takot ang pumalit sa mukha ng lalaking may tangka sa akin na para bang nakakita ng isang demonyo kaya nanakbo papalayo ito sa amin, kung tutuusin mag sing laki lamang ng katawan ang dalawa.
Nilapitan ko ang lalaking tumulong sa akin. At nagpasalamat ako. Pero walang sagot akong nadinig dito. Madilim ang mukha nito. Parang hindi yata bukal dito ang pagtulong sa akin na parang balak yata ako sakmalin o ano.
Weew! Isnab ang beauty ko sayo! Pasalamat ka gwapo ka!
Pero kahit di ako sinagot nito, sinubukan kopa rin kausapin ito dahil papatalikod na ito sa akin.
"M-maraming s-salamat s-sayo. A-anong p-pangalan mo?" Kandautal kong tanong. At napahinto ito sa paglalakad ng marinig ang tanong ko.
"I'am Von Salazar." Malamig na sagot sa akin.
Gusto kong ulitin ang isinagot nito sa akin, kung tama ba ang pagkakarinig ko. Dahil narinig kona ang pangalan yun. Oo ang pangalan yun ay nabanggit na ni Lulu sa akin! Ito ang Presidente ng kumpanyang inaplayan ko.
Ito si.. Sir Von! S-si Sir Von Salazar?!