Chapter 5

2073 Words
"Von Salazar?!At anong ginagawa nito sa kalagitnaan ng iskinita?" ulit kong sabi sa binatang kaharap ko. I'm not mistaken for what i heard! Lulu was just talking about this, na ngayon ay kaharap ko'na at hindi lang.. Dahil nakakausap ko pa at napapagmasdan ang mukha. Totoo nga ang mga sinabi sa akin ni Lulu! Dahil parang kakambal nito si Adonis dahil sa ka gwapuhan. Ang bibig nitong na aayon sa mukha at ilong. Ang dalawang mata na kahit madilim nakikita ko kung paano tumingin sa aking mukha. Parang malulusaw ako sa pagkakatitig nito. Saan ba ito nakatingin? Sa mukha ko o sa dibdib ko? Ang katawan nitong bakat n bakat sa suot. Parang ang sarap sumandig sa dibdib nito. Ewan! Hinga lang Jamilla. Hinga lang! At sa madaling salita ito pa ang tumulong sa akin kung paano makaligtas sa lalaking may tangka sa buhay ko. Akalain mong hindi kami magtatagpo sa office nito, kundi dito pala sa madilim na iskinita lamang. Did i dream? Like a man who has a masquerade i saw inside my room. Anong ginagawa ng lalakeng ito dito? Gusto kong magsalita at magtanong pero bakit tila urong ang dila ko? Hindi ko magawang makapagsalita dahil nagsabay ang kaba at hiya sa dibdib ko. Kinakabahan dahil ito ang bos ko o nahihiya dahil dito kami unang nagtagpo na dapat ay sa office nito? Tumalikod ito na hindi man lang nagpaalam sa akin. Tinapunan lang ako ng titig sa mata at saka tumalikod na. Gusto ko itong pigilan ngunit wala akong lakas para tawagin ito. Heto ako ngayon naka awang ang bibig habang humahakbang ito papunta sa kadiliman kung nasaan ang kotse nitong tanaw ko pero 'diko matantiya kung anong kulay. Nagising ako sa agam agam ko ng nagsalita muli ito. Pero di man lang humarap sa akin. "Do not be late tomorrow." Baritonong boses nito at pinagpatuloy na nito ang paglalakad. At nawala na ito sa paningin ko at nakita kona lamang may humarurot na kotse papalayo.. *** "JAMILLA gising!! Tanghali na ano kaba?!" Pupungas pungas ako ng maidilat ko ang dalawang mata ko. At nakita kong papalabas na ng kuwarto si Lulu. Pero hindi rin nagtagal minulagat ko ng todo ang dalawang mata dahil may naalala ako! Saka tumingin ako sa alarm clock sa side table. Balikwas ako ng bangon dahil ngayong araw ang pagsisimula ko sa trabaho. Napangiti ang dulo ng labi ko. "Do not be late tomorrow.. " Hindi ko'na naikwento kay Lulu about sa nangyari kagabi. Tiyak naman na mangungulit ito at hindi titigil kakatanong. Ang masakit pa baka makitabi sa pagtulog ko at yun ang maging topic namin magdamag. Mabilis akong tumungo ng banyo at naligo. At ng matapos nakatapis lang ako ng tuwalya ng lumabas sa banyo mabuti na lang at wala si Dogi kaya nagagawa ko yun. Sa pagkakaalam ko may trabaho na daw ito at lingguhan kung umuwi, dahil kwento ni Lulu sa akin kagabi bago kami matulog. Narinig kong may pumito sa likuran ko. Mabilis kong nilingon ako at akala ko ay si Dogi na, Lulu pala. Naipit kasi sa tuwalya ang boobs ko kaya lalong lumabas ang clivage ko, isama pa ang bewang ko na parang isang sakmal lang ng dalawang malaking kamay. Binalingan ko ito. "Maligo kana rin Lulu." Utos ko dito habang nakaupo ito sa bangkuang plastik na isahan at nakaharap sa lamesa. "Kaliligo ko lang nung isang araw! Dalian mong mag bihis dahil kakain na tayo." Angil nitong sagot sa akin. At nakita ko sa hapag kainan na nakapagluto na pala ito ng alamusal. Nakalimutan ko dalawang beses nga lang pala ito maligo sa isang linggo. At mabuti na lang di kinakapitan ng anghit sa katawan kahit ilang beses lang ito maligo. Pero hindi naman nauubos ang tanong ni Dogi sa t'wing maririnig ko pag makasama ito sa kwarto. Reklamo ni Dogi bakit daw laging maalat. Yun ang epekto ng dalawang beses sa isang lingo. Tinalikuran kona lang si Lulu dahil magbibihis na ako. Dahil mabilis ang oras at ayokong malate sa unang araw ng trabaho ko... *** NAPATDA ang dalawang mata ko ng may makita kami ni Lulu na isang bangkay na papalabas sa loob ng elevator at napapaligiran ng mga taong may hawak sa katawan nito na galing sa loob ng kumpanyang pagsisimulan ko. Dagli dagli kaming umurong ni Lulu para padaanin ang mga taong lalabas dala ang bangkay na di namin alam kung sino.Papasok sana kami sa elevator non ngunit napa urong kami ng makita namin ang hawak ng mga taong buhat ang taong walang buhay. Napahawak ako sa dibdib ko habang may ekspresyon ang mukha at nakabalatay ang takot. Samantalang si Lulu naman nagkakandamukirat ang mata sa takot dahil sa bumungad sa aming dalawa ngayong umaga. Hanggang sa naka alis na ang mga ito sa harapan namin pero ganon parin ang reaksyon namin dalawa. Nagkatinginan kami ni Lulu na parang nagtatanong sa bawat isa pero kapwa wala maisagot. Pero di nagtagal may narinig kaming mga empliyado sa di kalayuan na nag-uusap at nagbubulungan. Kaya mabilis kaming naki isyoso at nagtanong. "Hi, sino yung bangkay at anong nangyari?" Tanong ni Lulu at hinihintay ko naman ang sagot ng pinagtanungan nya. "Pinatay sa loob ng office. Secretary ni Sir. President. Si Miss. Kulambo." Anas ng babaeng kausap ni Lulu. ...Office? Napaisip ako at napasukan ng pag aalala dahil baka may nangyari sa binatang tumulong sa akin. Naandoon kaya ang binata? Kamusta kaya ito? At napa balik ang tingin ko kay Lulu na dati'y nasa babaeng pinagtanungan ni Lulu nung magsalita ito. "Mabuti wala ang presidente 'dun, kundi pati rin sya pinatay. Kawawa naman si Miss. Kulambo." Saad ni Lulu. At lumungkot ang mukha. "Ano kaba! Naadoon yung President! Manaka lang bakit yung secretary yung pinatay?! Siguro wala pang lahi ang may ari nitong kumpanya kaya si Miss Kulambo ang pinagdiskitahan." Diretsyong saad ng babae kay Lulu. Nadagdagan ang kaba ng dibdib ko ng marinig kong naandoon ang Presidente ng mangyari ang krimen. Gusto ko ng magtanong kung ok ba ito, pero pinipilit kong huwag sumagot kaya mataimtim akong nakinig sa usapan ng mga ito. "Naku!! Nakakatakot naman!" Wika pang muli ni Lulu. At napalingon sila ng sabay sabay kaya napalingon din ako. Nagdadatingan kasi ang mga pulis para imbistagahan ang nangyari sa loob ng office. "So, kamusta yung bos natin?" Patuloy ni Lulu. "Ayun, kahit minsan ko lang makita yung bos natin gwapo parin." May kilig sa boses nito. Hindi na ako nakapag pigil kaya nagtanong na ako sa babaeng kausap ni Lulu. "Excuse.. miss nasaan n ngayon ang Presidente ng kumpanya? Ok lang ba sya?" Hindi ko alam bakit naitanong ko yun. O siguro nag aalala ako dahil tinulungan ako nito kagabi. "Mabilis syang tsyinek ng mga pulis na naunang dumating kung may nangyari ba sa kanya. Ok naman daw ang Presidente. Alam mo bang kanina pa yang bangkay na yun. At alam ng ibang empliyado dito na maaga talaga pumapasok si Miss. Kulambo. Kaya ganon din kaaga syang pinatay." "Ay!! Mas ok pala yung tinatanghali na!" Bulalas ni Lulu at napakamot sa ulo. Ramdam ko ang takot nito. Palipat lipat lang ang dalawang mata ko. Hindi rin pala nakakaligtas dito sa kumpanya na may ganitong p*****n na kahit may kabila kabilang body guard na sa labas maging mayaman ka man mapapasok at mapapasok parin ng mga taong walang puso at bigla na lang kikitil ng isang buhay. Paano kung sundan ako ng mga lalaking bonet gang at dito ako patayin? Agarang kinililabutan ako. Pumasok kaagad ito sa isip ko. Kaya tuloy kung ano ano na ang naiisip ko. "Oh, Ok ka lang miss." Napatinngin ako sa kausap ni Lulu. "Ha..." Sagot ko dito. Napansin nito sigurong malalim na nag iniisip ko. "Jamilla, bakit namumutla ka?" Tanong ni Lulu at mabilis na dumukot sa bag ng mineral water at iniabot sa akin. Mahilig ito magdala ng ganon kasi pala inom ito ng tubig. Kinuha ko yon saka mabilis na lumagok ng tubig. "Salamat." Saad ko matapos kong lumagok. "Huwag kang mag isip Jamilla. At huwag kang mag alala dahil safe ka dito, saka ngayon lang ito nangyari sa kumpaanya. Malalaman din natin kung ano ang rason bakit nangyari yon. Malay mo may kinauutangan itong si Miss Kulambo at dito sya sinundan at pinatay." Paliwanag nito. At tumango tango naman ako. Maya maya pa'y may nag announce na galing sa taas ang boses. At alam kong dinig lahat ng emplyado. Pinapauwi umano lahat ng empliyado dahil sa nangyaring krimen. Napahinga ako ng malalim dahil kung itutuloy ko ang pag uumpisa ko ngayon baka hindi ko matrabaho ng maayos ang gagawin kaya tamang umuwi na lang kami at para mapanatag narin ang isip ko. Pero bakit sa isang isip ko gustong kong umuwi na may balita sa Presidente? Napabuga ako ng hininga saka lumakad na kami ni Lulu palabas. Pareho kaming naka upo sa sala ni Lulu. Nakaupo ako sa sofa samantalang si Lulu ay abala sa selpon halatang kinikilig dahil napapangiti. Baka ka text nito si Dogi. Tumayo ako at saka inabot ang selpon at dumiretsyo sa pinto palabas. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Lulu. "Dalawin ko lang si daddy." Sagot ko. "Samahan kita gusto mo?" Prisinta nito. Naisip ko pwede rin para may kasama akong pauwi. Pero naisip ko rin wag na at gusto kong mapag isa. "Salamat, pero ako na lang." Nakangiti kong sabi at nagpaalam na ako sa kanya. Dating gawi. Nakaupo ako sa damuhan at nagbubunot ng damong maliliit. Habang kinakausap ang daddy ko. At naikwento kona rin dito ang nangyari ng umaga. Ilang minuto natahimik ako at hinaplos ang pangalan ng daddy na nkaukit sa puntod nito. "Dad, i miss u so much. Miss kona kayo ni mama. Sana nasa tabi ko parin kayo. Alam nyo namang daddy's girl ako. Hindi ako naniniwala na masamang tao kayo at alam kong biktima lang kayo." Napabubtong hininga ako. Kasabay ng pagpatak ng luha ko. Sabay pahid ng daliri ko at tumayo na sa pagkakaupo. "Paano nyan dad, medyo lumalalim na ang gabi. Kahit nakakatakot sa dinadaanan ko pinipikit kopa ring maging matapang dahil sa n'yo." At napatingin ako sa magkabilang paligid ko. Napayakap ako bigla sa katawan dahil may hanging tumama sa katawan ko. Mukhang uulan kaya nagpasya na akong magpaalam.Tinatanaw kopa ang puntod ni daddy kahit medyo malayo na ako. Heto na naman ako papasok sa iskinitang nakakatakot. Kung may pakpak lang talaga ako at ibang dadaanan hinding hindi na ako dadaan dito. Mas nakakakaba pa itong iskinita na ito kaysa sa mga bagong libing na patay sa simenteryo. Binilisan ko ang paglalakad. Habang nakayuko ako. Ayoko kasing diretsyong tumingin sa dadaanan dahil nagmumuni muni ang mga mata ko. Kaya hakbang na patakbo ang ginagawa ko at malalaking hakbang ang pinapakawalan sa paa ko. Kaunti na lang at makakalabas na ako sa iskinita ng biglang may humawak ng kamay ko. "Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" Agarang sigaw ko. Habang naka pikit ako at kapit ako nito sa baraso. At di nagtagal hinawakan ako nito sa mukha na pilit itinatas ang ulo ko pero lumalabam ako na pilit yinuyuko dahil baka halikan ako. At madiing nakapikit ako. Sa tansya ko nagkalat ang mga manyakis sa iskinita na ito pero yun lang talga ang daan papunta sa puntod ng daddy ko. Walang humpay na iwinawagwag ko ang mukha ko habang pigil parin n'ya ang mukha ko. "Bitawan mo ako! Maawa ka! Huwag mo akong rapin." Humahagulgol n ako. Maya maya'y mukhang naawa ito dahil naramdaman kong binitawan ako nito, pero wala parin akong ligtas dahil nakatayo ito sa harap ko at ni wala akong naririnig na salita na galing dito. Takot man iniiangat ko ang mukha ko. Napahinto ako sa pag iyak. Napatulala sa harapan nito. "Are you okay?" Anas nito. Seryoso ang mukha nito ng nakatitig sa akin. Ang gwapo, kahit hindi nakangiti nakakagutom at nakakatakam parin ito. Bakat na bakat na naman kasi ang abs nito sa damit. Maglulundag naba ako dahil ok lang ito? O maglulundag ako dahil kinikilig ako dahil muli kaming nagkita? At ano na naman ang ginagawa na naman nito dito? Nagising lang ako sa pagkatulala dahil umaagos na pala sa bibig ko ang sipon ko papasok sa loob ng labi ko dahil nakauwang ito. Maalat.. ng matikman ko pero nakatingin parin ako at napangiti. Pero iba ang lumabslas sa bibig ko ng sagutin ko ang tanong nito. "Pa kadyut please...." Habang nakatitig ako sa abs nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD