"Ellerie, ano ang iyong plano ngayong may dayuhan ng naligaw sa ating tribu? Mukha ngang hindi ka talaga pinapabayaan ang ating Bathala dahil nagbibilang na lamang tayo ng araw ay mapapatawan ka na ng kamatayan. Pero heto at may naligaw na dayuhan sa ating tribu. Mukhang dininig ang ating panalangin para hindi ka mapahamak anak. Ngunit ang masakit lamang sa iyong pagpapakasal sa dayuhan na iyon. Matapos ang kasal ay hindi ka na rin namin makikita pang muli dahil sasama ka na sa kanya sa kapatagan, katulad ng mga naunang mga prinsesang katulad mo rin ang kapalaran. Kahit isa sa kanila ay wala na kaming nabalitaan kung ano ang nangyari. Ito lang ang ibibilhin ko sa iyo anak, mabuhay ka. Kahit anong mangyari at kahit anong lugar ang mapuntahan mo pilitin mong mabuhay, hindi para sa aming pamilya mo kundi para sa sarili mo. At kung ito man ang huli nating pagkikita palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita anak, mahal na mahal ka namin na ng iyong ama pati na ng iyong mga kapatid. At nais ko ring magpasalamat sa pagmamahal mo sa amin, sa mga sakripisyo mong ginawa para sa amin at sa buong nasasakupan natin." madamdaming pahayag ng Inang Reyna, na kanyang ina.
Bagama't pinapakita na matatag sa lahat ngunit alam niya na mababaw ang luha nito pagdating sa kanilang pamilya nito. Kaya kahit anong pigil nito na hindi maluha,
Alam niyang napakabuti nitong ina at nasasaktan ito sa paghihiwalay nila. Pero maging siya ay nasasaktan din at kung maaaring lamang ay ayaw niyang iwan ang kanyang pamilya at ang kanyang mga ka-tribu.
Pero iyon ang tungkulin niya bilang prinsesa. Malas lang niya dahil siya ang unang ipinanganak pero kung pangalawa lamang siya tapos ang unang naging panganay na anak ng kanyang ina at ama ay isang prinsipe.
Hindi siyang mapapa-alis sa kanilang tribu o kaya hindi niya kailangang magpakasal sa dayuhan para lamang makaligtas.
Pero wala, gano'n talaga ito na ang kanyang kapalaran at nakatadhana talaga itong mangyari siya ang naging panganay at ito ang kanyang tungkulin bilang panganay na anak na babae.
At gaya nga ng sinabi ng mahal niyang ina, hindi lamang naman para sa kanyang pamilya iyon, kundi gagawin iyon dahil para iyon sa lahat para sa ikapapanatag ng kalooban ng mga ito.
Inaamin niya na natatakot din siya sa kamatayan, takot na takot siya na mismong ang kanyang mga magulang ang maghahatol sa kanya. Pero kung sakaling wala naman dumating na dayo ay handa na niyang tanggapin ang kanyang kapalaran alang-alang sa kanyang pamilya at sa buong nasasakupan nila sa tribu.
Pero dahil nga sa hindi naman pala siya pinabayaan ng Bathala, pinadalhan siya ng isang lalaking sa tingin naman niya ay binata pa. Mamaya kakausapin ng kanyang mga magulang ang dayuhan at doon malalaman kung talaga bang maaari niya itong maging kabiyak.
Kaya ngayon ay hindi pa talaga lubusang ligtas siya pero malaking pasasalamat pa rin niya na may dumating na dayo at saka naniniwala siya na hindi hahayaan ng Mahal na Bathala na makapunta ito sa kanilang tribu kung hindi ito nararapat para sa kanya.
Iyon nga lang matapos ang kasalan ay kailangan niyang sumama dito, doon talaga siya natatakot ang mamuhay na mag-isa sa kapatagan at sabihin man na may asawang siya ngunit hindi niya alam ang ugali ng lalaki. At hindi niya alam kung ituturing ba talaga siya nitong asawa at mamahalin ba siya nito.
Pero kahit na anong mangyari gaya nga ng bilin ang kanyang ina, kailangan niyang mabuhay sa kapatagan kailangan niyang mabuhay para sa kanyang pamilya at para rin sa kanyang sarili.
Sa nakikita naman niyang itsura ng lalaki kanina, mukha naman itong mabait at mukha namang maginoo lalo pa at magalang naman itong makipag-usap kay Apong Alu kanina.
Sana nga lang ay matanggap agad siya nito bilang asawa pero kung hindi, pagsisilbihan niya ito at ibibigay ang lahat ng nais nito para lamang matanggap din siya nito kalaunan.
Susubukan na lamang niya na ipadama niya ang pagmamahal dito para hindi siya nito kasuklaman at sa huli ay magustuhan na rin siya ng kanyang magiging asawa.
"Ako'y nagpapasalamat din sa iyo anak dahil naging mabuti kang anak sa amin ng iyong ina at naging mabuti kang prinsesa sa lahat ng iyong nasasakupan hinding hindi ka namin makakalimutan anak. Hanggang sa kamatayan lalo pa at napakarami din ng naiambag mo dito sa ating tribu. Mamayang gabi ay ikakasal ka na sa dayuhan na iyon tamang-tama kasi nakabilugan ng buwan mamaya, kaya agad-agad na naitakda ang inyong kasal. Pero bago iyon syempre kakausapin na namin ang lalaking makakaisang dibdib mo. Huwag kang mag-alala dahil habang buhay ka naming aalalahanin, hinding-hindi ka mawawala sa aming isipan. Lalo na syempre iyong mga kapatid at iyong mga kaibigan kaya naman dapat lamang na magpaalam ka ng maayos sa kanila. Baka bukas, baba ka na ng kapatagan kasama ang iyong asawa." wika naman ng kanyang ama sa seryosong boses.
Gano'n lamang ito magsalita pero alam niya na sa kaibuturan ng puso ng kanyang ama ay hindi matatawaran ang sakit na mawalay siya dito dahil ito man ang kanilang hari at itinuturing nilang pinakamatapang.
Bilang anak nito ay alam niya na napakalambot din ang puso ng kanyang ama para sa kanya. At marahil kung hindi ito hari ay kanina pa ito nagpakita ng kahinaan sa kanya at iyon ay ang pagluha.
Pero kahit hindi naman ito lumuluha ngayon, batid niya na nasasaktan ito dahil ilang oras na lamang ay mawawalay na siya ng tuluyan sa piling ng mga ito.
"Huwag ho kayong mag-alala ama ina dahil kahit saan po ako mapuntang lugar ay alam ninyo naman po ang aking kakayahan. Kaya ko pong mamuhay doon na mag-isa, habang inaalala ko ang masasayang mga sandaling ipinagkaloob sa akin ng Bathala kasama kayo. Kaya ama, ina, nais ko rin po magpasalamat sa lahat ng pagmamahal at pag-aalaga ninyo sa akin. S-Salamat po dahil hindi kayo sumuko sa pagdarasal sa mahal na bathala para ako ay hindi tuluyang kitlan ng buhay. Lagi ninyo rin pong pakatatandaan na kahit ito na ang huling pagkikita natin dito sa kabundukan ay m-mahal na mahal ko po kayo at pakamamahalin ko pa kayo hanggang sa dumating ang araw na magkakasama-sama na tayo sa paraiso ng mahal na Bathala." Madamdaming pahayag niya sa kanyang Ina at Ama.
Nais niyang itago ang kanyang kahinaan sa mga ito pero hindi niya magawa. Lumalabas talaga ang kanyang luha.
"Tama anak, malaki ang tiwala namin ng iyong ina na magagawa mong mamuhay sa kapatagan, sa lugar ng iyong asawa. Dito nga sa kabundukan ay nabuhay ka kahit na napakahirap ng pamumuhay dito, doon pa kaya? Iyon nga lang kakaiba ang mga taong makakasalumuha mo doon, kaya dapat matuto kang makibagay. Basta kung paano ka nabuhay dito sa ating tribu ay ganun din ang gawin mo sa lugar na iyong patutunguhan. Malay mo pagkaloob ng mahal na Bathala na sa darating na panahon ay magkita-kita pa ulit tayo dito sa tribu kaya sana kahit anong pagsubok ang harapin mo sa lugar na iyon ay huwag kang panghinaan ng loob." Dagdag pa ulit ng kanyang Ama.
"M-Makakaasa po kayo ama gagawin ko po ang lahat para pakisamahan ang mga taong makakasalamuha ko doon at susubukan ko po na mamuhay ng tahimik at payapa na lamang sa lugar kung saan nakatira ang aking magiging asawa. Kaya huwag na po kayong mag-alala ni ina kayang-kaya ko po doon." wika niya sa kanyang ama.
Para mawala na ang pag-aalala ng mga ito sa kanya dahil kahit naman malalayo na siya sa mga ito, at siguradong matatagalan bago maging payapa ulit ang puso at isipan ng kanyang ina at ama.
Kahit pa sabihing paniniwala na iyon, magulang pa rin niya ang mga ito. Mag-aalala pa rin ang mga ito sa kanya.
Kailangan pa ring sundin ang patakaran para sa ikatatahimik ng lahat. At sa ikapapayapa nila.
Ngunit kung maaari lamang sana at pahihintulutan na sana kahit isang beses sa loob ng isang tao ay madalaw niya ito. Kahit papaano sana ay mapapanatag ang kanyang kalooban, pero hindi pwede.
Para bang isang salot ang katulad niyang babaeng panganay ng hari at reyna dahil pakiramdam niya ay itinapon siya ng kanilang tribu. Kahit naman hindi gano'n para sa iba pero para sa kanya ganon ang ibigsabihin niyon.
Siguro matindi ang galit ng mga ninuno nila sa naunang prinsesang babae na naging panganay ng reyna at hari noong panahong unang mangyari ang trahedya sa kanilang tribu.
Na dahil doon nagpasalin-salin na, bilang isang myembro ng namumuno sa kanilang tribu, medyo taliwas ang kanyang paniniwala sa gano'n pero ang matatanda at maging kanyang mga magulang ay hindi mababali ang paniniwala ng mga ito.
"Sige na anak, magtungo ka kay Apong Alu, kailangan naming mapag-usapan ang detalye ng iyong kasal mamayang kabilugan ng buwan. At ikaw naman, magpaalam ka na sa iyong mga kaibigan. Dahil bukas aalis ka na, matapos ang iyong kasal." Wika pa ng kanyang Ama.
"Sige po Ama, Ina, aalis na po ako para puntahan si Apong Alu at mga kaibigan ko po." Paalam niya sa mga ito.
Sabay tayo mula sa pagkakaupo at bahagyang yumukod bilang pamamaalam.
Tumango lamang ang mga ito, iyon lang at lumabas na siya ng kubo.
ITUTULOY