Samantala.
Panay ang silip ni Charles sa maliit na bintana ng silid na iyon na pinagdalhan sa kanya ng makisig na lalaking iyon na nagpakilala sa kanyang Masong.
Ang hindi niya maintindihan bakit kailangan pa niyang magpahinga doon hindi naman siya napapagod, tsaka kinuha lamang siya basta ng mga ito kanina sa may sapa nakapahinga na nga siya doon. Nakatulog na nga siya'tlahat tapos ngayon magpapahinga na naman siya.
May masama siyang kutob kung ano ang mangyayari mamaya at bakit kailangan siyang kausapin ang hari at reyna. Para saan at ano ang misyon na sinasabi ni Apong alu.
Kinakabahan talaga siya pero wala naman siyang magagawa at natatakot din siya na baka hindi na siya makabalik ng buhay sa kanyang pamilya kapag nagmatigas siya at mangatuwiran pa sa mga ito.
Pero ang lalaking nagdala sa kanya sa kubo na iyon ay nasa may pinakampintuan ng kubo kaya hindi siya makakatakas kahit pa naisin niya.
Isa pa talagang palaging masama ang tingin sa kanya natatakot siya kung bakit ganun ang tingin nito para bang may galit sa mga mata nito patungkol sa kanya.
Pero kung totoo man ang sinasabi ni Apong Alu na makakabalik siya sa kapatagan kapag natapos na ang kanyang misyon ay kahit papaano gumagaan ang kanyang loob.
Siguro naman kakayanin niya ang misyon na sinasabi ng matanda. Siguro mas mainam na sakyan na lamang niya ang mga kalokohan ng mga ito. Natatawa nga lang siya kasi may hari, may reyna, at may prinsesa pang tinatawag akala mo eh nasa loob siya ng isang libro o kaya'y isang pelikula na panahon pa ni kupong kupong.
Ang nakakainis lang bakit nauna ng umakyat ang kanyang mga pinsan sa kabundukang ito pero sa tingin niya ay nakaligtas naman ang mga ito dahil kung halimbawang nadakip din ang kanyang mga pinsan ng tribu, siguradong makikita niya doon.
Hindi naman kalakihan ang tribu parang mabibilang nga lang ang mga tao doon hindi pa siguro hihigit sa limampo ang mga tao doon.
“Masong, paano na iyan ngayon siguradong kapag natapos ang kanilang kasal, lilisanin na tayo ni Ellerie. Mamimiss ko siya ng husto at saka hindi ba't may tinatago kang pagtangi sa kanya? Papaano na lamang ang iyong damdamin lalo na at masasaksihan mo pa ang kanilang pag-iisang dibdib? Hanggang ngayon hindi mo pa rin naipagtatapat kay Ellerie ang iyong nararamdaman para sa kanya. Marahil matapos ang kanilang kasal, aalis na sila dito at hinding hindi na muli natin siya makikita kaya siguro mas mainam na maipagtapat mo man lang sa kanya ang nilalaman ng iyong puso.” Narinig niya ang wika ng isang babae mukhang may kausap ang masong na iyon kaya ang ginawa niya ay sinilip niya muli ito sa bintana.
Isang babaeng siguro ay kasing edad lamang nito ang kausap, maitim iyon medyo kulot ang buhok pero hindi katulad ng mga matatandang mga babaeng nakaharap niya kanina.
Ang mga kasuotan ng mga iyon ay dirty white na mahabang damit at malalaki pero itong babaeng ito ay hapit sa katawan at labas ang tiyan tsaka maiksi rin ang suot-suot nitong tila tinahi na palda.
Pero katulad ng mga lalaki at babaeng nakaharap niya kaninang matatanda ay maitim din ang babae kaya kahit na maganda ang katawan nito at sexy ay wala siyang pakialam dahil maitim ito at nakakadiring tingnan.
Pero nagtataka siya sa pinag-uusapan ng mga ito, mukhang seryoso at tungkol iyon sa pag-ibig. Mukhang may lihim na nagugustuhan ang Masong na iyon pero uso din pala ang torpe sa mga katutubo. May mga gano'n din palang senaryo katulad ng mga nangyayari sa kapatagan.
Na curious tuloy siya kung sino ang babaeng sinasabi ng mga ito, sa nakikita niyang lungkot sa mga mata ni Masong ay halatang inlove na inlove talaga ito sa babae.
Kaya naman lalo siya na curious kung sino ang babaeng minamahal ng lalaki dahil kahit na napakakisig nito ay kitang-kita na ang kahinaan lamang pala nito ay isang babae.
“Alam mo naman kung ano ang nakatakdang mangyari sa mga susuway sa ipinag-uutos ng sa batas natin hindi ba. Kilala mo naman si Elleri, hinding hindi iyon sisira sa ipinangako niya sa kanyang mga magulang at sa ating mga nasasakupan. Mas mahalaga pa nga tayo kaysa sa sarili niyang buhay hindi ba, lalo na tayong mga kaibigan niya kaya yung nararamdaman ko kay tama lang na itago ko na lamang iyon. Mas mapapanatag ang aking kalooban kung maililihim ko iyon habang buhay. Alam ko naman sa umpisa pa lamang na wala ng patutunguhan ang pag-ibig kung ito sa kanya. Alam naman natin yung dalawa hindi ba, maging ang ating mga kaibigan ay alam iyon kaya dapat tanggapin ko na lamang.” Mahabang pahayag ni Masong sa babaeng kausap.
Handang ibuwis ang buhay ng babae para lamang sa mga magulang nito at kaibigan? Isang katangiang gusto niya sa isang babae. Lalo tuloy siyang nanabik na makilala ang babaeng sinasabi nito.
“Ngunit sa gagawin mong iyan ay lalo mo lamang pasasakitan ng iyong sarili. Maaatim mo ba na matapos ang kanyang kasal kinabukasan hindi na natin siya makikita pa habang buhay? At ano buong buhay mo na lamang itatago sa iyong dibdib ang iyong nararamdaman? Kahit na hindi kayo magkakatuluyan na dalawa nararapat lamang na sabihin mo sa kanya, para naman gumaan gaan iyang nasa dibdib mo. Alam ko, na mahal na mahal mo si Ellerie, at alam ko na maraming beses mo ng hinangad na siya ay iyong magiging kabiyak. Ngunit iyon nga lang kaibigan lamang ang turing sa iyo ng ating kaibigan na iyon dahil na rin siguro sa alam na niya ang kanyang kapalaran. Kaya hindi na siya maaaring umibig pa ng kalahi natin. Pero alam ko na napakabuti mo, narinig ko nga na sinabi niya na maaari naman daw sana na ikaw na lamang ang kanyang maging asawa. Ikaw na lamang ang kanyang maging kabiyak dahil magkaibigan naman kayo. Kaya maaari na ikaw ang kanyang maging asawa at matikas daw ang iyong pangatawan, at siguradong ituturing mo siya ng mabuti kaya lang dahil sa batid naman natin kung ano ang totoong kapalaran niya. Wala ring nangyari kahit nakiusap pa siya sa mahal na Reyna." Mahabang pahayag pa ng babae kaya lalo siya na curious parang pamilyar sa kanyang sinasabing Ellerie pero hindi naman niya matandaan kung saan niya narinig.
Pero lalo siyang nagtaka dahil sa mga topic ng dalawang ito ay para bang may katungkulan din ang babae na iyon. Parang napaka-importante din ng babae para sa mga ito.
Kaibigan ng mga ito ngunit ang lalim ng samahan. Ngayon niya napagtanto na malalim din pala ang mga katutubo, hindi basta basta ang mga ito magmahal. Pero mas na curious siya sa sinasabing tungkulin ng babaeng iniibig nito.
“Alam ko nasabi lamang niya iyon dahil natatakot siyang mamatay, alam mo naman kung ano ang pataw sa kanya hindi ba? Kaya nga iyon din ang iniisip ko noon, nag-aalala din talaga ako sa kanya ng husto. Pero pasalamat na lang nga tayo sa mahal na bathala dahil sinagot niya ang ating mga panalangin. Okey lang na hindi natin siya makasama basta alam natin na nandito pa rin siya sa mundo. Hindi katulad kung napatawan siya ng kamatayan, nakakapanghinayang ang isang katulad niya alam mo naman kung ano ang mga tungkuling ginawa niya dito. Kung gaano niya ipinakita na karapat dapat siya sa kanyang titulo ngunit iyon nga, dumating na ang takdang panahon na kailangan na niyang ikasal. ang aking hangad na lamang ngayon ay ang mapabuti siya, ang mahalin siya ng kanyang mapapangasawa at pakisamahan ng maayos iyon na lamang ang tanging paraan para matulungan ko siya dahil matapos ang kasal. Alam mo naman na wala na tayong pagkakataon pang makita at makasama siya kaya marahil ang pagmamahal ko sa kanya ay mas mainam ng itago ko na lamang kaysa maguluhan pa siya lalo na ngayon at ikakasal na siya." Mahabang pahayag ulit ni Masong.
Nakakadagdag p*********i ang paninindigan nito. Idagdag pa ang matipunong pangangatawan nito. Ngunit maitim nga lang ito kaya doon ito sablay, pero kung maputi lamang ang lalaki. Papasa itong artista ng isang sikat na tv station.
Nakaramdam siya ng pagkahabag sa lalaki para bang nagkakaparehas ang kanilang kwentong dalawa. Iyon nga lang ang babae mahal nito ay nakatakdang ipakasal sa ibang lalaki. Samantalang ang kanya namang babaeng minamahal na pinag-alayan ng kanyang puso at inalok na magpakasal ay mismong ito ang lumuko sa kanya dahil isa itong taksil.
“Kahit pa gano'n kung hindi lamang ganito kalupit ang pamahiin natin dito sa tribu, kung hindi lamang sana siya naging panganay na anak hindi mangyayari ang lahat ng ito. Pero siguro naman ngayon na ikakasal na siya ay magiging maayos na rin ang lahat lalo na sa ating tribu. Kaya doon na lamang tayo magpasalamat sa kanya at ipagdasal na lamang natin siya sa araw-araw kahit na hindi na natin siya makakasama. Iniisip ko pa lang na mawawala na siya sa atin, naiiyak na ako sana hindi na natin siya naging kaibigan para hindi sana ganito kahirap. Tsaka naaawa din ako sayo, alam naman kasi ng ating mga kaibigan kung gaano mo siya kamahal. Pero ikaw naman kasi kung noon mo pa sana ipinagtapat sa kanya baka ikinatuwa pa iyan ni Ellerie. Alam mo naman na mahal na mahal ka ng tao na yun, kaya hindi talaga ako naniniwala na hindi kayo maaaring magsamang dalawa.” Wika pa ng babae hindi pa rin napapansin ng mga ito na nakikinig siya sa usapan ng dalawa.
“Hindi Totoo iyan Adiya, mahal lamang ako ni Ellerie dahil sa magkaibigan kami at gano'n ka rin mahal ka niya dahil kaibigan ka niya. Syempre hindi naman ako manhid alam ko naman na bilang kaibigan lamang ang turing niya sa akin. At alam mo naman kung ano ang saloobin ni Ellerie, at tanggap ko iyon gano'n ko siya kamahal. Pero iyon nga hindi na yata mangyayari na maipagtapat ko sa kanya ang aking nararamdaman.” Malungkot na pahayag ulit ng lalaki.
Ngunit may napapansin din siya sa babaeng kausap nito, sa tingin niya ay kaibigan din ito ng babaeng nagugustuhan ng lalaki mukhang may gusto din ang babaeng kausap nito kay Masong. Kita-kita sa mga mata ng babae kung gaano ito nasasaktan sa tuwing babanggitin ni Masong ang pangalan ng babaeng iniibig nito.
Natawa na lamang siya dahil kunyari concern pero iyon pala deep inside nasasaktan na dahil may pagmamahal din ito sa lalaki. kahit sa mga katutubo at sa kabundukan ay uso din pala ang ganong setup. Iyong inlove sa bestfriend.
“Wala ka lamang tiwala sa sarili mo at sa tingin mo ba mahal niya o mamahalin ni Ellerie iyong dayuhan na iyon? Kahit maikasal sila at manirahan si Ellerie sa kapatagan ay hinding-hindi tayo makakalimutan ng ating kaibigan lalo na ikaw.” Narinig pa niyang wika ng dalaga na ikina-awang ng kanyang labi.
“Anong ikakasal? At sino?Ano ang ibig sabihin ng babaeng ito?” Naguguluhang tanong niya sa kanyang sarili.
“Nanang Adiya, pinapatawag ka po ng mahal na prinsesa parang nais ka po niyang makausap.” Narinig niyang wika ng isang bata sa mga ito tsaka sumilip siya pero nakita niya na naglalakad na palayo ang dalagang kausap ni Masong, kasabay ang isang bata.
Gusto niyang tanungin ang lalaki, gusto niyang klaruhin dito ang narinig pero natatakot naman siya lalo pa at napansin yata nito na nakasilip siya sa may bintana. Kaya ngayon, matalim ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
ITUTULOY