Kabanata 3

1606 Words
"Ano ba?! Bitiwan nyo nga ako?!" Galit na singhal ni Charles sa mga kalalakihang matipuno ang pangangatawan. Mukhang mandirigma ang mga ito, may suot-suot pang kwentas na puro ngipin ng iba't-ibang klase ng hayop at ang isa ay may suot-suot pang tila sungay ng ligaw na usa sa ulo nito. May mga pana pang hawak-hawak ang iba at sibat pa nga ang iba na pawang matatalas ang dulo. Mga nakabahag lamang ito parang mga tela iyon na gawa sa kung anong klase ng halaman. Siguro may kakayahang maghabi ang mga taong naninirahan doon dahil parang matibay na tela ang ginawang bahag ng mga kalalakihan. Parang baboy lamang siyang buhat-buhat ng lalaking may pinakamalaking katawan. Mukhang matibay na mangangaso dahil isang kamay lang nga ang pinangpipigil nito sa kanya. Kahit na nagpupumiglas na siya at wala lang dito, iyon nga lang may tali ang kanyang kamay na nakalagay sa kanyang likuran kaya hindi talaga siya makapagpumiglas ng matindi. "Mahabaging Bathala! Ligtas na ang ating Prinsesa!" Narinig niyang bulalas ng isang babaeng maedad na. "Salamat po Mahal na Bathala sa iyong pagpapala!" Masayang banggit pa ng mga ito. Nakadamit ang mga ito ng kulay puti pero parang dirty white ang kulay. Walang kurba ang mga desenyo ng damit ng mga ito malalaki at mahahaba lamang iyon hanggang sa sakong. Mga nakapaa ang karamihan pero ang ilan na mga matatanda ay may sapin sa paa ngunit yari lamang iyon sa tila mga ugat ng kahoy. May napansin siyang babaeng tila nasa likuran ng mga nakatatandang nakikiusyoso sa kanya pero animo tinatakpan iyon sadya ng mga matatanda. Para bang bawal niyang makita ang babaeng iyon pero batid n'yang babae dahil sa nagagandahang bulaklak na nakapatong sa ulo nito na tila ba ginawang flower crown. Pilit niyang tinitingnan ang babae lalo pa at tila ba napakaimportante niyon sa mga taong nandoroon pero nairita siya dahil pinapasok ito ng isang babaeng may katandaan na sa loob ng kubo. Maya-maya ay lumapit ang isang matandang lalaki sa kanya na nakabahag din pero sa katandaan niyon ay kulubot na ang mga balat at halos laylay na. Pero parang malakas pa rin iyon, samantalang ang mga taong nasa kapatagan kapag nasa ganoong edad na. Siguradong nakaratay na pero ito mukhang kayang kaya pa nga nitong sumama sa pangangaso. "Ibaba na ninyo ang dayuhan, kailangan siyang basbasan muna bago siya manatili dito sa ating tribu." wika ng matanda na animo pinuno ng mga nandoroon tumalima naman ang lalaking may karga sa kanya. "Sino ba kayo? Ano bang kailangan ninyo sa akin pagtungo lamang ako dito para mag hiking, para maglibang at makalimutan ang problema ko sa kapatagan. Pero bakit ninyo ako pinapakialaman, hindi ko naman kayo gagambalain. Hindi ako masamang tao kaya pakawalan ninyo na ako Manong. Sige na maawa na kayo sa akin, wala akong pakay na masama dito sa inyong lugar. Napadaan lamang ako at kung nakita ko man ang tribu ninyo na ito ay lalagpasan ko lamang dahil wala naman akong balak na gambalain kayo dahil mas gusto ko nga na mag-isa lamang." Pakiusap niya sa matanda mukhang mabait naman ito kaya baka maawa sa kanya at pakawalan na siya. "Huwag kang matakot amang hindi rin kami masasamang tao. Hindi ka namin sasaktan dito dahil isa kang dayuhan at ikaw ay napakahalagang tao para sa amin. Natitiyak namin na ginabayan ka ng aming Bathala na makarating dito sa aming tribu dahil ikaw ang kasagutan sa aming mga panalangin at kasagutan sa suliranin ng aming mahal na prinsesa. " wika pa ng matanda sabay kuha ng ewan niya kung anong tawag dun pero kulay dilaw iyon na malapit at inilagay sa kanyang noo. Maya-maya ay nagulat siya ng magnikluhod ang mga taong nakapaligid sa kanila. Pwera lamang sa isang babae at isang lalaki na may hawak-hawak na tila tungkod. Pero ang tungkod ay hindi basta-basta dahil kahoy iyon na napapalungpapalamutian ng iba't ibang uri ng bato. At sa pinakanghawakan nion ay may mga kumikinang habang tinatamaan ng sikat ng araw at kung hindi siya nagkakamali ay mga malalaking butil iyon ng ginto. "Ano po bang sinasabi ninyo Manong, hindi ko kayo maintindihan. Ang nais ko lamang ay pakawalan na ninyo ako at ng ako ay makapagpatuloy na sa aking paglalakbay. At tsaka bakit kayo mga nakayuko? Hindi naman ako Diyos para yukuan ninyo." wika niya sa matanda tsaka sinabihan na rin ang mga taong nandoroon na nakayuko sa kanya. Hindi talaga niya maintindihan kung ano ang nangyayari pero minabuti niya na maging magalang pa rin sa mga ito. Hindi niya alam kung anong ugali ang meron ang mga taong nandirito. Baka magalit ang mga ito sa kanya, siguradong hindi siya makakabalik ng buhay sa kanyang pamilya. "Makakaalis ka rin dito amang pero syempre makakaalis ka lamang matapos ang misyon na itinalaga sa iyo ng Bathala. " wika pa ng matanda. Kunot noo naman siyang napatingin dito at napapatanong na sana pero tumalikod ang matanda at humarap naman ito sa babae at lalaki na may kanya-kanyang hawak na tungkod na may ginto. "Mahal na Hari at Mahal na Reyna, maaari bang ipadala na natin ang dayuhan sa silid ng panauhin? Kailangan niyang magpahinga dahil mukhang napagod siya sa paglalakbay. Para matapos niyang magpahinga ay maihanda na ang mga espesyal na pagkain na para lamang sa kanya." wika ng matanda. Lalo siyang naguluhan, ano bang mga sinasabi ng mga taong ito may hari, may reyna at may prinsesa. Ano ba siya nasa isang korean historical drama ba? Pero hindi naman ganoon dahil ang mga taong kaharap niya ay pawang maiitim at yung iba naman ay mapusyaw pero masasabi niyang parang kasing kulay ng lupa ang kulay ng balat. Napansin niya ang isang makisig na binatang matalim ang pagkakatitig sa kanya. Kayumangging kaligatan din ang kulay nito pero mababakas sa mukha ng lalaki na may itsura ito. Iyun nga lang dahil sa ang tingin niya sa kulay ng balat nito ay madudumi at ayaw na ayaw talaga niya ang ganon kaya para sa kanya napaka-pangit ng lalaki. "Sige Apong Alu, kayo na ang bahala sa ating bisita kami ay magtutungo na sa kubo para kausapin ang inyong prinsesa para sa gaganapin ritwal mamayang gabi." wika naman ng babaeng may hawak na tungkod na tinatawag ng mga itong reyna. "Maraming salamat po mahal na Reyna." magalang na pasasalamat ng matanda na tinawag ng reyna na Apong Alu. Pagkway tumalikod na ang mag-asawang hari at reyna. Humarap naman sa kanya ang matanda. "Maaari ninyo na siyang samahan sa kanyang silid." utos naman ng matanda sa mga kalalakihan. "Amang, magpahinga ka muna sa silid at mamaya kapag nakapahinga ka na ay kumain ka para naman may lakas ka." wika nito sa kanya. "Manong, hindi ko ho kailangan ng pahinga. Ang kailangan ko po ay pakawalan ninyo ako dahil kailangan ko pa hong bumalik sa aming bahay. Naghihintay ang aking mama sa tawag ko, siguradong mag-aalala iyon kapag hindi ako nakatawag kaagad. Kung ano ho ang trip ninyo sa buhay, wag nyo na akong idamay pa dahil may mga kailangan din po akong gawin." Wika muli niya sa Apong Alu na tinatawag. "Sige na Amang, sumama ka na sa kanila para makapagpahinga ka. Dahil mamayang gabi may pagpupulong ukol sa misyon mo sa aming tribu kaya dapat paghandaan mo iyon." Wika muli ng matanda sa kanya. "Hindi nyo ho naiintindihan Manong eh. Uuwi na po ako sa amin, at iyang sinasabi ninyong misyon please lang labas po ako diyan!" Naiinis na wika niya ulit sa matanda. Pero hindi na siya nito sinagot pa. Tumalikod na ito, at may lumapit naman sa kanyang dalawang lalaki at akmang hahawakan siya sa braso ngunit nagpumiglas siya. "Apong Alu! Makinig naman ho kayo sa akin! Parang awa ninyo na!" Sigaw niya sa matanda tsaka tangkang susundan niya ito pero hinarangan siya ng kalalakihan. "Magsibalik na kayo sa inyong mga ginagawa, ako na ang bahala sa panauhin." Maawtotidad na wika naman ng makisig na lalaking matalim kung makatitig sa kanya. Sumunod naman ang lahat dito, maging ang mga kalalakihan. Mukhang ito yata ang pinuno ng mga mangangaso maging ang lalaking may buhay sa kanya kanina ay sumunod din dito. Pero sa tingin niya ay mukhang bata pa ito pero napakakisig nito, walang sinabi ang katawan niya ditong batak sa gym. "Ako si Masong, kaibigan ng mahal na Prinsesa. Sumama ka sa akin para makapagpahinga ka na ginoo." Pakilala nito sa kanya. "Bakit ba pinipilit ninyo akong sumama sa inyo? Uuwi na ako sa amin, kaya mabuti pa ay ituro mo na sa akin ang daan pabalik sa pinanggalingan ko." Reklamo pa niya dito. Napansin niyang tumingin ito sa paligid, tila may hinahanap. Siya man ay napatingin din, wala ng kahit isang tao sa kinaroroonan nila. Mukhang may mga ginagawa nga ang mga taong kanina ay nandito at nakikiusyoso sa kanya. Lumapit ang lalaki sa kanya... "ARAAYYYY....ARAYYY KO PO! MASAKITTT, BITAWWW!" panaghoy niya, nagbigla nitong pilipitin ang dalawang kamay niya at higpitan ang pagkakatali niyon sa likuran. "Sumunod ka lamang sa aking nais ginoo at hindi ka masasaktan." Mahina ang boses pero may pagbabanta doon. "Tang*na! Hindi ninyo kailangang manakit! Ano bang klaseng nilalang kayo?!" Singhal niya dito. Pero agad siyang natigilan ng hawakn nito ng mahigpit ang sibat tsaka sinamaan siya nito ng tingin. "S-Saan ba kasi ang silid na sinasabi mo? Tayo na at ng ako ay makapagpahinga na." Mahina ang boses na wika niya dito. Natakot siyang baka gamitin nito ang sibat sa kanya ayaw niyang malagutan ng hininga doon. Kawawa naman ang kanyang Mama at Papa kapag hindi man lang nalaman ng mga ito kung ano ang nangyari sa kanya. Kaya dapat hangga't maaari maging sunod-sunuran na lamang siya sa mga ito. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD