“Ina, hindi po ba talaga maaaring dumito na lamang ako sa ating tribu? Bakit kailangan pang ako ay ipakasal sa taga-patag o kaya ay dayo sa ating tribu? Nais ko pong dito magparami ng ating lahi, kaya maaari naman po akong mag-asawa na lamang ng ating mga ka-tribu. Na andiyan naman po si Masong, isa po siyang makisig na binata at siya naman po ay aking kaibigan. Kaya maaari naman po na siya na lamang ang aking maging kabiyak. Ako po ay malapit ng mag-dalampung taong gulang, kapag po walang naligaw sa ating dayo ako po ay papatawan ng kamatayan. Bilang panganay na anak ninyo at bilang prinsesa ng ating tribu bakit kailangan kong pagdusahan ang mga nakagisnan nating paniniwala. Mismong sa inyong mga kamay ako ay malalagutan ng hininga, iyon po ba talaga ang nais ng ating Mahal na Bathala?” Hindi nakatiis na sabat ni Ellerie sa pag-uusap ng mga matatanda sa kanilang tribu.
May pagpupulong kasing nagaganap ang mga may katungkulan sa kanilang tribu, kasama ang hari at reyna na kanyang ina at ama. Kaharap siya sa pagpupulong na iyon kahit na matatanda ang mga nandoon dahil siya ang paksa ng pagpupulong na iyon.
Pakiramdam niya sa bawat araw na darating ay unti-unti siyang nalalagutan ng hininga dahil natitiyak niya na pagtapak niya ng ika-dalawampu. Kapag walang tagapatag na nangahas na umakyat sa kanilang tribu.
O kahit naligaw man lang sa tribu nila, halimbawa umakyat lamang ng bundok na mapalapit sa kanilang tribu. Ay tiyak na ang kanyang kamatayan.
Dahil dalawang buwan na lang dalawampung taon na siya, ibig sabihin kapag walang nangahas at walang natagpuan ang kanyang pamilya hanggang doon na lamang ang kanyang buhay iyon kasi ang nakaugalian.
Ang panganay na anak ng hari at reyna kapag naging babae ay kinakailangang umalis ng tribu, At makakaalis lamang ito doon kung pakakasalan ito ng dayuhan, sapilitan man o hindi ito pagsapit ng ika-dalawampu.
Naniniwalaan kasi ang kanilang mga ninuno na malas kapag babae ang maging panganay ng hari at reyna kaya kailangang isakripisyo ang buhay ng prinsesa.
May kwento kasi sa likod ng paniniwalang iyon, at nagpasalin-salin na sa bawat lahi ng kanilang tribu. Ang nangyari kasi noon ang panganay na babaeng anak ng hari at reyna ang naging dahilan kung bakit nalipol ang kanilang mga lahi.
May natira man pero mangilan-ngilan na lang at iyon ang naging daan para magparami ulit ang kanilang lahi. Simula ng pangyayaring iyon ang lahat ng panganay na babae ng itinatalagang hari at reyna ay ipinapaasawa sa mga dayuhan.
O kaya kapag dumating ang takdang panahon at walang dayuhan na nagawi sa kanilang tribu. Pinapatay ng mga ito pero may mga haka haka din na hindi daw talaga pinapatay bagkus ipinapatapon ang mga ito sa kapatagan.
Pero ang kanyang mga magulang mahal na mahal man siya ng mga ito ay tapat ang kanyang ina at ama sa kanilang tungkulin. Kaya natitiyak niya na kapag walang dumating na dayo sa kanilang tribu ay malalagutan siya ng hininga pagpatak ng ikadalawampung taon niya sa mundo.
Pati yun ang ikinakatampo niya sa kanilang paniniwala, batid niya na ang mahal na bathala ay hindi pinapahintulutan ang gano',n ngunit iyon kasi ang paniniwala ng kanilang tribu.
Kaya wala siyang magagawa, kung maaari nga lang na tumakas na lamang siya ay gagawin niya ngunit hindi naman niya matalikuran ang kanyang tungkulin bilang panganay na anak ng hari at reyna.
Ayaw din niyang biguin ang kanilang mga nasasakupan lalo na ang kanyang mga kaibigan dahil kapag ginawa niya iyon natitiyak niya nababalutin ng takot ang buong tribu.
Isa pa naman siya sa magigiting na dalaga sa kanilang tribu, maliit man ang kanyang pangangatawan hindi rin siya gano'n katangkaran pero kaya niyang makipagpambunok sa mga baboy ramo at kung anu mang mababangis na hayop sa kagubatan.
Pero syempre kahit gano'n na maihahalimtulad siya sa isang tigre ay natatakot pa rin siya na walang maligaw na dayo sa kanilang tribu.
Syempre mas natatakot siya sa kamatayang paparating na nagbabanta sa kanyang buhay.
“Prinsesa Ellerie, alam mo naman ang paniniwala ng ating mga ninuno hindi ba? Patawarin nawa ako ni Bathala pero bilang isang ina, syempre ang nanaisin ko ay mabuhay ka at nanaisin ko ay iligtas ka sa kamatayan. At maging ang iyong ama ay gano'n din ang gagawin. Kung kami ay simpleng mga magulang lamang ngunit hindi anak, kami ang tumatayong ina at ama ng lahat ng ating nasasakupan. Maging ikaw na aking prinsesa ay prinsesa din ng lahat at inaasahan ka nila na mapapanatiling payapa ang ating tribu. Mahal kita anak at mahal ka ng lahat dito sa atin ngunit bilang prinsesa alam mo sa iyong sarili na may tungkulin ka rin.” mahabang pahayag ng kanyang ina.
Napabuntong hininga na lamang siya, sa katunayan handa naman talaga niyang gawin ang lahat para sa ikapapayapa ng kanilang tribu at lalo na ang kanilang mga nasasakupan. Pero bilang isang tao at isang dalaga na nangangarap na mamuhay ng normal ay nakakaramdam din siya ng takot.
Ngunit kapag naiisip niya ang kanilang mga katribu, lumalakas ang loob niya lalo na ang kanyang mga kababata na tinitiyak niyang hindi matatahimik kung halimbawang gagawa siya ng paraan para matakasan ang nakatakda.
“Nauunawaan ko po ina, humihingi po ako ng dispensa sa katanungang hindi ko naman dapat po binabaluktot pa lalo na ang paniniwala ng ating lahi. Makakaasa ho kayo at ang ating buong tribu na gagawin ko po ang aking tungkulin kung sakaling walang dumating na dayo. Okahit na sinong tagapatag. Handa ho akong ialay ang aking buhay para sa ating tribu.” Nakangiti ng turan niya sa kanyang ina at maging sa mga matatandang nandoroon at maging ang kanyang ama.
“Hayaan mo aking anak darating din ang dayong nararapat para sa iyo at hihingi natin sa ating bathala na sana ay isang mabuting lalaki tagapatag ang matagpuan natin at sana'y pa kamahalin ka niya. Sana ay binata siya dahil kung meron na siyang asawa ay wala ring saysay iyon. Dahil hindi mo maaaring asawahin ang lalaking dati ng may asawa. Kaya ipagpaumanhin mo anak kung ganito ang mangyayari sa iyong buhay. Batid mo naman kung gaano ka namin kamahal ng iyong ama hindi ba?At batid mo rin kung gaano ka kamahal ng ating mga katribu kaya kung darating man ang panahon na kailangang kitlin ang iyong buhay. Sana'y hindi ka magalit sa amin, sana ay mapatawad mo kami anak.” Malungkot na pahayag ng kanyang inang reyna.
“Huwag na ho kayong malungkot ina, naintindihan ko naman po ang lahat. Ang aking buhay ay iniaalay ko sa ating nasasakupan, sa ating mga katribu kaya ano ba naman ang nag-iisang buhay kapalit ng maraming buhay hindi po ba? Kaya huwag ho kayong malungkot at huwag ho kayong makonsensya dahil ito ay nakatakda sa akin at mismong ang bathala ang nagtakda ng ganitong kapalaran ko.” Nakangiting sagot niya sa kanyang ina.
Ang lahat ng nanduroon sa pagpupulong na iyon ay tumingin sa kanya na may paghanga.
Magsasalita pa sana ang kanyang ina ng biglang magkaingay sa labas.
“Dayo! Isang dayo! Ligtas na ang mahal na Prinsesa! Makakapag-asawa na siya!” Masayang sigaw ng kalalakihang nanggaling sa kagubatan para mangaso.
Kaya naman, mabilis siyang lumabas sa kubo na kanilang pinagpupulungan. At agad na napaawang ang kanyang labi ng makita ang mga kalalakihang nanggaling sa kagubatan para mangaso. Na may dala-dala ang mga itong isang lalaki na mukhang dayo sa kanilang tribu.
“Mahal na Bathala, ito na ba ang sagot sa aming dalangin?” maluha-luhang bigkas niya sabay angat ng dalawa niyang palad at taimtim na nanalangin.
ITUTULOY