“Mom, please hayaan ny’o na lamang po ako sa gusto ko. Alam n’yo naman na ito na lamang ang tanging kasiyahan ko hindi ba? Ang maka-akyat sa iba’t-ibang bundok at makatuklas ng mga natatanging likas na ganda ng mga kabundukan dito sa Pilipinas.” pakiusap ni Charles sa inang kausap niya sa telepono.
Mula sa bahay bakasyunan nila ay nag-aya ang kanyang mga pinsan na magtungo sila sa bundok na hindi pa daw na-aakyat ng kahit sino dahil pinaniniwalaan daw na kuta ng mga bandido.
Pero tumanggi siyang sumama sa mga ito dahil may iba siyang plano. Kapag nagso-soul searching siya, mga bundok ang trip niyang puntahan at mag-isa lamang siya.
Mas naa-appreciate niya ang ganda ng kalikasan kapag mag-isa lamang siya, iyong walang ingay, wala siyang kasamang ibang tao, iyong bang siya lang talaga yung makakakita ng magandang tanawin at makakarinig ng napakagandang musika ng mga ibon.
Ang mga huni kasi ng ibon para sa kanya ay musika pati na ang mga lagaslas ng sapa na kanyang nadadaanan ay para sa kanya, iyon ang pinakamagandang musika sa kanyang pandinig.
Maging ang hampas ng hangin sa mga dahon ng naglalaking puno at maging mga mumunting kaluskos. Hindi ang mga rap music, na kinagigiliwan ng mga kabataan.
Ang mga love songs na mararamdaman mo rin naman talaga ang puso ng mga singer pero iba pa rin talaga yung dating sa kanya ng mga likas na kayamanan ng kalikasan. Walang kapantay ang mga iyon para sa kanya.
“Ano ka bang bata ka, hindi sana ako mag-aalala kung kasma amo ang mga pinsan mo na magtungo doon. Magkakasama sila, hindi mo alam ang panganib ng kabundukan na yan. Bakit ba kailangang mag-isa kapag lumakad, pwede namang sumama ka sa mga pinsan mo pero ang lakas din ng trip mong bata ka dahil mas gusto mo pang mag-isa. Hindi ko na talaga maintindihan kung anong gagawin sayo.” Tila nauubusan ng pasensyang wika sa kanya ng kanyang ina.
“Mommy sa tinagal-tagal ko bang umaakyat sa mga kabundukan hindi mo pa rin ako kilala? Hindi ka pa rin talaga nasasanay sa akin Mom. Huwag ka na mag-alala mag-iingat naman ako eh at saka hindi naman siguro ako gagabihin doon. At kung gabihin man ako, may dala-dala naman akong tent, na maaaring tulugan. May itak din naman ako at may baril kaya kong manatiling ligtas kahit pa abutin ako doon ng magdamag. Tsaka bakit may iniisip ninyo na hindi ako magiging ligtas? Tinitiyak ko sa inyo na kaligtasan ko ang lagi kong inuuna. Kaya huwag na po kayong mag-alala, hayaan ninyo next month uuwi na ako sa atin, titigil na ako ng kahit isang taon sa paglalakbay sa mga kagubatan. Hayaan ninyo lang muna ako ngayon dahil alam ninyo naman kung anong problema ko hindi ba?” Mahabang paliwanag niya sa kanyang mama.
Ayaw kasi talaga siya nitong payagan pero siya itong mapilit at saka ayaw niya talagang sumama sa kanyang mga pinsan. Hindi niya mararamdaman ang sagrado ng mga lugar na pupuntahan nila dahil napakaingay ng mga ito.
Nakakarindi at saka ayaw na ayaw talaga niya na mag-iingay sa bawat lugar na mapupuntahan dahil naniniwala siya na merong mga ligaw na kaluluwa o mga espiritu at mga lamang lupa. O kung anong nilikha ang naninirahan doon kaya dapat igalang.
“Hay naku, ewan ko talagang bata ka hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Sige na mag-iingat ka na lang, tumawag ka sa akin kapag nakababa ka na ng kabundukan ha. At saka pabalikin mo na nga iyong katiwala natin diyan sa bahay bakasyonan. Kung babalik ka dito next month aba eh syempre kailangan nandiyan na yan si Manong. Bakit kasi kailangan mo pang paalisin iyang matanda? Pwede naman sana na hayaan mo siya diyan para may makasama ka. Pati mga pinsan mo daw hindi mo pinapapunta diyan, hay naku Charles, hindi na talaga kita maintindihan na bata ka.” Pumayag na sana pero nasermonan pa talaga siya.
Pinaalis niya kasi si Mang Juancho pero binigyan naman niya ito ng sapat na pera. Iyon bang sweldo nito para sa dalawang buwan ay ibinigay na niya ng advance at dinagdagan pa nga niya ng isang buwan.
Dahil nga pinauwi muna niya ito sa tahanan ng pamilya nito sa kabilang bayan dahil nais nga niyang mag-stay ng dalawang buwan sa bahay bakasyunan ng pamilya niya.
Gusto niya kasi na mag-isa lamang siya sa bahay. Nais kasi niya ng tahimik na buhay, ang kanya namang mga pinsan na makukulit ay talagang pinagbawalan niya na magtungo doon dahil gusto nga niya ng tahimik na paligid.
Ang sanhi ng pananatili niya sa kanilang bahay bakasyunan at dahilan para gusto niya ay tahimik na kapaligiran ay si Camille.
Ang walang hiya niyang girlfriend, ilang araw na lang sana at ikakasal na silang dalawa pero nahuli niya ito na nasa ibabaw mismo ng bestfriend niya. Ang walang hiya at siya pa ang sinisi dahil nawalan siya ng time dito.
Syempre may mga pangangailangan daw ito bilang babae na hindi na niya naibibigay lately. Aaminin naman niya na naging abala talaga siya sa negosyo ng pamilya at syempre sa pagprepara ng kanilang kasal dahil nga gusto niya maging maayos lahat bago ang kasal.
Nais niyang magmukha itong prinsesa at maging bongga ang lahat-lahat kaya kahit na wala itong panahon sa mga ganong bagay ay siya na lamang mismo ang naghandle.
Spoiled kasi ang babae sa mga magulang nito at gano'n din sa kanya kaya hinahayaan na lamang niya itong magliwaliw at magparty at kung saan magtungo dahil after naman nilang maikasal ay nangako itong ititigil na ang lahat ng iyon.
Iyon pala ay sobra-sobra na ang pag-i-enjoy nito dahil kahit na sa kandungan ng ibang lalaki at nagtatampisaw na ito.
Inihahanda na nga sana niya ang honeymoon nila sa Italy pero dahil nga sa nangyari naudlot lahat.
Talagang napakahilig kasi nito sa s*x at iyon pala, dahil halos isang buwan na wala siyang time dito at hindi na niya ito mapagbigyan ay sa ibang lalaki na pala nito binubuhos.
Pero wala naman daw itong balak umatras sa kasal kailangan lang daw nito ay ma-satisfied sa pang araw-araw nitong pangangailangan bilang babae. Kaya naman siya na mismo ang umatras sa kasal hindi niya kailangan ng babaeng ganito.
At iyon nga dahil sa nangyari ay halos dalawang buwan na rin siyang nananatili sa probinsya nila para mag-isip at gumala ng gumala. Bumalik tuloy ang hilig niya na mag-hiking mag-isa dahil parang doon lamang niya natagpuan ang peace of mind na hinahanap niya.
Kaya naman kahit na sobrang nag-aalala ang kanyang mama ay hindi siya nito mapigilan. Heto nga at papunta na naman siya sa nag-iisang bundok na iyon na hindi pa daw nag-aakyat ng kahit na sinong mga hikers.
Pero nag-usap-usap nga ang kanyang mga pinsan at ilang mga kaibigan nito na aakyat doon pero pinauna niya ang mga ito. Ayaw niyang makisama dahil gusto talaga niyang mapag-isa.
Ayaw din kasi niya talaga ng maiingay na mga kasama kaya naman kinabukasan pa siya umakyat.
“Yes po Mom, ako na bahala sige na po baka tanghaliin pa ako sa daan eh.Tawag na lang ako pag-uwi ko bukas or baka makabalik din ako mamayang hapon tatawag na lang ako okay.” Paalam niya sa kanyang ina.
Tsaka minabuti niyang patayin na ang call para hindi na mangulit pa ang kanyang ina.
At pagkuwa'y naglakad na nga siya.
Ilang sandali lamang ay nasa paanan na siya ng bundok na kanyang aakyatin. Kumpleto naman siya ng kanyang kagamitan kaya hindi siya natatakot, meron din siyang dala-dalang baril para in case of emergency.
Lalo pa at maraming nagsasabi na pinamumugaran daw ng mga bandido ang kabundukang iyon, pero hindi naman siya natatakot sa mga katulad ng mga ito.
Sa maraming beses na pag-akyat na rin niya sa iba't ibang kabundukan, sa iba't ibang lugar ay maraming beses na rin siyang naka-encounter ng makasalubong ang mga ito.
Pero karamihan naman eh magagalang naman, at tinatanong lang siya kung ano ang pakay niya sa lugar at sinasabi naman niya sa mga ito na hiker lamang siya.
Sinisiguro niya sa mga ito na wala siyang black agenda sa grupo at ayon, kapag may sobrang nga siyang pagkain ay binibigyan pa niya ang mga ito kaya talagang nagdadala siya ng mga pagkain mula sa kapatagan.
Kaya naman hindi siya napapahamak kapag may mga nai-encounter na ganong mga tao. Tao pa rin naman kasi ang mga ito at pakikisama lang talaga.
Halos isang oras na rin siyang naglalakad sa kabundukan, talagang matarik ang daan ng kabundukan na iyon wala siyang sinusundang daan.
Basta alam niya na paakyat lamang ang kanyang tinatahak. Matataas ang mga damo, nagtataasan din ang mga kahoy at naglalakihan ang mga katawan.
Kaya naman hawak-hawak niya ang kanyang itak dahil sa mga ganong lugar ay hindi maiiwasan ang mga wild animals. Lalo na ang mga ahas at mga kobra pero hindi naman siya natatakot dahil sanay na rin siya sa mga ganun.
Kaya naman tabas dito, tabas diyan ng mga damo ang ginagawa niya para may madaanan lamang siya. Kahit nakakapagod sulit pa rin naman, kakaiba talaga yung kasiyahan niya kapag nakakapag hiking siya na mag-isa.
May mga time din naman na may mga kasama siya sa pag-akyat sa bundok pero ngayon kasing nagkaroon siya ng problema ng kanyang fiance. Mas nais niyang mapag-isa.
Ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano kaya naman mag-isa na lamang siyang umaakyat sa bundok, doon kasi siya nagkakaroon ng piece of mind tsaka hindi na niya naiisip ang sakit ng kataksilan ng kanyang fiancee bago pa ang kanilang kasal.
30 years old na siya, kaya naman gustong-gusto na sana niyang lumagay sa tahimik, isa pa ang mga kapatid nga niya na mas bata pa sa kanya ay may mga anak na. Ang dalawang babaeng mas bata sa kanya, parehas ng dalawa ang anak. At ang nakababatang lalami din sa kanya ay may isa ng anak.
Siya lugod na panganay ang wala pa kaya nag-isip na rin siyang pakasalan si Camille, pero hindi natuloy dahil nga ganun ang nangyari. Balak na sana niyang lumagay sa tahimik kasama ito pero hindi niya ito kayang tanggapin pang muli pagkatapoz ng lahat.
Nagpatuloy lamang siya sa pag-akyat sa bundok, ang dami niyang napagdaanan agad sa loob ng dalawang oras.
Matinding pagod na agad ang kanyang nararamdaman pero kapag nakikita naman niya ang napakagandang paligid, kahit na madamo iyon lalo na iyong mga naglalakihang kahoy. Kakaibang kulay at hugis ng mga ligaw na damo sa paligid, maging ang mga huni ng ibon ay talagang nawawala ang kanyang pagod.
Nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad, matapos ang matarik na daan na puro batohan ay may nadaanan naman siyang batis at minabuti niya na uminom doon ng tubig at lagyan na rin ang lagayan ng kanyang tubig na paubos na.
“Whoaa! Sarap dito!” palatak niya.
Halos limang oras na yata ang walang pahingang paglalakbay kaya natitiyak niya na malapit na rin siguro siya sa pinakang tuktok ng kabundukan. Kaya nagpasya siya na magpahinga na muna sa sapa na iyon at pagmasdan ang falls na nasa unahan niyon.
Nakaka-relax kasi ang tunog ng pagbagsak ng tubig at lalo na kapag pinagmamasdan niya ang bawat pagpatak ng tubig na nagmumula sa itaas.
Kaya naman ang ginawa niya ay nahiga na lamang siya sa malapad na bato na nandoon habang nakadipa ang kanyang dalawang kamay at pinagmamasdan ang mataas na talon sa unahan.
Tsaka panakanaka din na tumitingin siya sa kalawakan ng kalangitan. Halos hindi rin naman siya masikatan ng araw doon dahil naglalakihan ang mga puno.
Ilang sandali pa siyang nanatili sa pagkakahiga doon hanggang sa hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya, marahil sa sobrang pagod kaya hindi niya napansin na nakatulog na pala siya.
Pero naalimpungatan siya ng tila ba nakaramdam siya ng bagay na tumutusok sa kanyang balikat.
Iniisip niya na nananaginip lamang siya pero nagpatuloy iyon at paulit-ulit kaya naman napamulat na siya ng mga mata.
“Huh! Sino kayo?!” Naibulalas na lamang niya ngunit kasunod niyon ang pagtama ng kung anong mabigat na bagay sa kanyang ulo hanggang sa mawalan na siya ng malay tao.
ITUTULOY