MAY BUMAKAS NA PAGKAGULAT sa mukha ni Jillian nang mabungaran niya ang isang bugkos pinaghalong pink at red roses na nakalagay sa crystal vase at nakapatong sa ibabaw ng kanyang working table kinabukasan. Nilibot niya ang kanyang tingin para hanapin ang janitor ng department nilang si mang Jorge. Nakita niya ito mga limang cubicle ang layo sa kanya. Kinawayan niya at naglakad naman palapit sa kanya ang matandang janitor. Ngumiti pa ito sa kanya at binati siya nang masiglang good morning. Pinasok niya doon si mang Jorge at ang dalawang anak nito ay scholar sa ilalim ng foundation ng mama Lorie at mama Tine niya. Kung gaano siya katagal sa Cashemere Events gano’n din ito katagal doon naninilbihan bilang janitor. Wala naman sila problema sa matanda. Maayos ang trabaho at walang reklamo ang i