NAPATINGIN SI JILLIAN sa fresh pink and red roses na nakapatong sa kanyang table. Nang dumating iyon kaninang umaga, agad iyong nilagay ni mang Jorge sa flower vase. Mula nang ipayahag ni Niko sa kanya na gusto siya nito, wala na humpay ang padala nito ng bulaklak sa opisina niya at maging sa bahay. Nag-concede na din sina Teo at Lance dahil ayon sa kanila wala sila panama sa isang Julio Nikolas Dominguez. Binukas niya ang drawer niya at nilabas doon ang mga love notes na natanggap niya galing sa binata. There were total of ten love notes she already got for almost a month. Sa tuwing nakakadama siya ng stress, iyon ang palagi niyang binabalikan. Kahit mga simpleng notes lang iyon ay nakakapaglagay pa din iyon ng ngiti sa mga labi niya. Mag-iisang buwan na din pala silang ‘di nagkikita. Hi