Prologue
LAHAT NANG BATA, kasama si Jillian ay naka-abang sa pagbubukas ng gift box na galing pa sa isa sa mga prominenteng pamilya mula sa Pilipinas. Mga anak ng Spanish Diplomat na nakapangasawa ng pinoy na mula din sa pamilya ng mga pulitiko. Taon taon ay iyon ang inaabangan ni Jillian. Doon lang kasi siya nakakatanggap ng regalo at sa partikular na okasyon pa na iyon. Limang taon na siya sa institusyon na iyon sa Atlanta, Georgia. Doon siya dinala ng gobyerno ng Atlanta matapos magkasabay na mamatay sa isang malagim na mass shooting incident ang kanyang mga magulang.
Wala siyang immediate relatives doon dahil ulila na din ang ama niya at solong anak pa. Gano’n din ang ina niya na lumaki din sa bahay ampunan sa Pilipinas kaya hindi siya maibalik doon. Nag-aabang lang siya bawat araw na may isang pamilya na aampon sa kanya at iyon ang palagi niyang hinihiling kay Santa Claus. May dalawang maswerteng bata ang nabibigyan ng regalo galing mismo sa mga anak ng sponsor ng intitusyon. At palagi siyang nabubunot. May partikular na tao din na palaging nagreregalo sa kanya.
Si Julio Nikolas Dominguez.
Limang beses na siyang nakakatatangap ng regalo galing sa lalaki na iyon. Lahat ng mga regalo nito ay tinatago niya sa isang box sa ilalim ng kanyang kama. Kalimitan libro ang regalo sa kanya kaya naman nahihilig na siya ngayon magbasa. Iyon ang dahilan kung bakit sobrang tatas na niya magsalita. Iyon lang din naman ang tanging paraan niya para kahit paano ay maibsan ang lungkot niya. Sa tuwing sasapit ang kaarawan niya naiisip niya ang mga magulang at ang pamamasyal nila sa theme parks, zoo at beach.
“Jillian, come on let’s open your gift.” Tawag sa kanya ng Sister Lorie.
Agad siyang lumapit sa madre at kumandong dito. They both opened the gift from Niko. Ang haba kasi ng pangalan nito kaya naisipan na lang ni Sister Lorie na nickname na lang gamitin. Nagningning ang mata niya nang bumungad sa kanya ang isang manika na ubod ng ganda. Pakiramdam niya para siyang si Princess Sarah at ang manikang iyon ay si Emily. Niyakap niya iyon ng mahigpit. Hindi siya ngayon mag-iisa sa pagtulog. May makakatabi na siya.
“Should we give her a name?” Tanong naman sa kanya ni Sister Celestine. Ito at si Sister Lorie ang personal na nag-aalaga sa kanya. Mga nasa bente lang silang bata doon na may tig-dalawang madre na nag-aalaga. “What about Nicolette? Since its from Niko and you’re so fond of him.”
Tumango tango siya dito saka ngumiti. “Hi Nicolette!” aniya sa manika saka muling niyakap iyon.
SA GARDEN ng Mary Mother of God, naupo si Jillian kasama si Nicolette sa damuhan. Mula nang matanggap niya ang manika na iyon, wala nang araw na hindi niya iyon kasama. Ngayon naisipan niyang sumulat ng isang liham pasasalamat para kay Niko. Sinabi sa kanya ni Sister Lorie na maari nilang ipadala iyon sa staff na nagdala ng mga regalo kahapon. Bukas nakatakdang umalis ang mga iyon. Sinimulan niyang isulat ang liham.
“Is that for Niko?” tanong na nanggaling sa likuran niya. It was Sister Celestine.
“Yes sister,” tugon niya. “I plan to give him a letter every New Year as a thank you gift.” Dagdag pa niyang sabi. If Niko didn’t sent gifts to her, she might loose her only hope to live. Growing up with no family was the hardest. But Niko gives her hope to witness the beauty of life. Dahil maagang pagkawala ng mga magulang niya, nagmatured agad siya. Mas gusto na lang niya mag-aral kaysa maglaro o di kaya magbasa sa kanyang kwarto. Nababahala doon ang sina Sister Lorie at Sister Celestine kaya palagi siyang kinakausap ng mga ito.
“Do you like Niko? He plays an important role in your life now, Jill.”
“When I grow up, I’ll go back to the Philippines and meet him personally and marry him.”
Tumawa ang madre sa sinabi niya. Ginulo nito ang buhok niya. To them it was just a child fascinations but to her it’s a goal. She’ll do everything she can. Study as she can. Then go back to the Philippines and live there with Niko.
“Alright. By that time, Sister Lorie and I will go with you.” Bigla niyang nayakap ito. Ang dalawa na ang tumayong ina niya sa loob ng limang taong pananatili niya doon. She thought at first, they’re just nice because they pitied her. As time goes by, she realized that the two sisters really cared for her. Madalas galing pa sa bulsa ng dalawa ang pinambibili ng mga damit niya. Kapag may oras, nilalabas din siya ng mga ito gaya nang ginagawa ng mga magulang niya noon.
“I will study hard to be a right girl for Niko.” Aniya sa madre. Muli itong tumawa at niyakap siya. Tinulungan siya nitong tapusin ang ginagawa niyang liham at sinamahan pa siya nitong personal na ihatid sa staff ng pamilya ni Niko ang sulat.
Pagbalik niya sa kanyang kwarto, tila binagsakan siya ng langit at lupa nang makitang basa at lasog lasog ang mga librong galing kay Niko. Dinaluhog niya iyon at pinagpag isa isa. Isang grupo ng mga tumatawang bata ang tumayo at inapakan ang mga basang libro.
“Stop it!” asik niya sa mga ito.
“Serve you right, Jillian. You always steal the chance for us to received a special gift from our sponsor.” Patuloy na tinapakan ng mga iyon ang libro saka iniwan siya. Umiiyak niyang pinulot ang mga nabasa libro. Ang iba ay punit na habang ang iba naman bahagya lang nabasa. Some of the kids there hates her because she received so much attention. She tried to be friendly but they always disregard her. Iyon na yata ang pinakamalalang pang-bubully na naranasan niya. Pinahiran niya ang mga luha niya saka pinagpatuloy ang pag-aayos sa mga libro.
NEW YEAR’S EVE CAME, everyone was outside watching fireworks display. Siya, naroon lang sa kwarto niya, nakatanaw sa bintana at pinagmamasdan ang makukulay na fireworks. Sa tabi niya nadoon si Nicolette. Magmula ng insidenteng pangbubully sa kanya ay hindi na siya nakisalamuha pa sa ibang bata sa institusyon. Nalaman nina Sister Lorie at Sister Celestine ang nangyari kaya napagalitan ang mga nanira sa kanyang gamit. Pinatawad niya ang mga iyon pero hindi na sila hinayaan na lumapit sa kanya. Inihiwalay din siya ng kwarto at palagi niya nang nila-lock iyon kapag lalabas siya.
“Jillian…” Napalingon siya sa pagtawag na iyon sa pangalan niya. “You have a letter from Niko.” Nanlaki ang mga mata niya. Agad siya tumayo at lumapit kay Sister Lorie. Inabot nito sa kanya ang sulat at binukas iyon.
“Their staff send it to us yesterday.” Sambit naman ni Sister Celestine.
“Thank you.” Tugon niya.
Gumanda ang new year’s eve niya pagkabasa ng sulat nito sa kanya. Akala niya hindi siya makakatanggap ng reply galing dito. May ngiting gumuhit sa labi niya habang binabasa niya iyon. Pati sina Sister Lorie at Sister Celestine ay nakangiting nakatingin sa kanya. That letter gives her a new hope again to live. Inaya siya nang dalawang madre sa labas para manood ng fireworks display. Kinabukasan, may regalo siyang natanggap at galing iyon kay Niko. It’s a book set of Bible story.
Nadinig niya na napili siyang maging scholar ni Estelle Dominguez ang mama ni Niko na siyang main sponsor ng institusyon nila. It’s a full scholarhip grant from primary school to college. She was given a rights to choose what course she will get when she enter an university. Napuno ng kaligayahan ang puso niya sa blessings na iyon na dumating sa buhay niya. Hindi niya tuloy dama na ang lungkot dulot ng pagiging ulila. Binigyan siya ng pagkakataon na ayusin at buhay niya bilang pagtupad sa kagustuhan ng mga magulang niya para sa kanya.
She wrote another thank you letter to Niko and to his mother. Pinadala niya iyon sa staff ng mga ito na personal na pumupunta sa institusyon nila. Dahil sa bagay na iyon, madami ang mas lalong nainngit at naiinis sa kanya. Ngunit imbis na patulan ay inignora lang niya. Wala na siyang magagawa pa sa bagay na iyon. Ang sabi sa kanya ni Sister Lorie, suklian niya ng kabaitan ang mga inis na binabato sa kanya. At iyon nga ang ginawa niya.
“Mama, papa, is this your gift to me?” sambit niya habang nakatingin sa kalangitan. Sister Celestines said to her that whenever she missed her parents, all she need to do was to looked up the sky. Her parents was now her guardian angels. They both in God’s Kingdom now. “I’ll promise to be a good kid here and make you both proud of me.”
Nagpalipad siya ng lobo at pinagmasdan iyon habang patuloy na umaangat sa kalangitan. May ngiting gumuhit sa mga labi niya. It was true that everything happened for a reason. There’s a reason why God called her parents home early. He sent people who will take care of her while growing up. Sa murang edad niya, tila naiintindihan na niya ang mga bagay. At kung mayroon ‘man hindi niya makuha, alam niyang nandyan sina Sister Lorie at Celestine para gabayan siya habang lumalaki. They were God’s human form of guardian angels to her.