“HI NIKO!” A sweet smile flashed on Jillian’s face. “Hey!” Ulit niya pa.
Kasalukuyan niyang ene-ensayo kung paano babatiin si Niko kapag nagkita sila mamaya. Huminga siya malalim saka inayos ang hanggang balikat niyang buhok. Hinawi niya ang kabilang side saka inipit sa tainga. Again, she flashed a sweet smile in the mirror.
“Just be natural, Jill. Work professionally, that’s your motto.”
Inayos niya ang suot na dress. Nangunot noo niya ng hindi iyon magustuhan. Tumalikod siya at muling pumili ng damit na nakakalat sa kanyang kama. Hindi siya makapagdecide kung pants and tees or dress ang susuotin niya. She feel so agitated. She bite her nails while looking at her clothes spread in her bed. Ngayon lang siya namoblema ng ganito sa susuotin. Dati naman wala siyang pakialam kung anong damit ang suot niya.
Well, its Niko, duh! He’s the love of my life for the longest time. Aniya sa isipan. Would he prefer if I wear simple or too girly clothes? Napabuga siya ng hangin. Inis niyang bigsak ang hawak na damit at pasalampak na naupo sa kama.
“Jill, nasa baba na si Niko.” It was her mama Tine. Nanlaki ang mga mata niya. Tiningnan niya ang wall clock. He’s thirty minutes early! Mas lalo siyang naging aligaga. Wala pa siya napipiling suotin at wala pa din siyang make up!
“Is there a storm here?” tanong ni mama Lorie niya.
“No storm. Its just her choosing clothes she will wear to impress Niko.” Tugon ni mama Tine niya sa tanong ng mama Lorie niya.
“I’m not trying to impress him,” Mahina niyang sabi. Makahulugang tingin naman ang tinugon sa kanya ng dalawang ginang. “Fine. Yes, I want to impress him but I can’t decide what to wear and what look am I going to show.”
Nakita niyang lumapit ang dalawang ginang sa mga damit niyang nakakalat. Hindi pinansin ng mga ito ang sinabi niya. Muli siyang naupo sa kama.
“Wear clothes that makes you feel more comfortable.” Ani sa kanya ni mama Lorie. Inabot nito sa kanya ang isang pants, fitted off shoulder long sleeves blouse.
“Pick the most comfortable shoes too. Maghapon kayo maglalakad sa Manila at hindi kasing lamig ng klima sa Atlanta ang klima dito. Don’t wear dress. Madami masyadong tao doon.” Sabi naman ng mama Tine niya saka inabot ang white rubber shoes.
Napangiti siya. Maasahan niya talaga sa gano’n ang dalawang mama niya. Tinanggap niya ang mga inabot nito sa kanya. Sinabi pa ng mga ito bago lumabas na simplehan niya lang ang make up dahil mainit nga at baka humulas din. So, she decided to put powder, a little blush on on her cheeks and light red lipstick. Nang matapos ay agad siya bumaba. Nakakahiya kung pag-iintayin niya pa si Niko ng matagal. Nang nasa baba na siya, huminga muna siya ng malalim bago tuluyang lumapit dito.
“Hi!” Nawala lahat ng inensayo ko sa salamin kanina… ugh! “Sorry I made you wait.” She received no response from him. Nakatingin lang ito sa kanya. May mali ba sa suot niya? Kinaway niya ang kamay sa harap nito. “O-okay ka lang?”
“Yeah, sorry. Napa-aga lang ako dahil hinatid ko pa ang mama ko sa mga kaibigan niya.” Ngumiti siya. Good son indeed… “Tara na ba?”
Tumango siya bilang sagot. Nagpaalam na sila sa mama Lorie at mama Tine niya. Grabe kung ibilin siya ng mga ito kay Niko na animo’y hindi na siya babalik.
Sana hindi pa nakakahalata si Niko. Sana talaga kung ‘di, I’m a deat meat…
SA DANGWA, sila unang nagpunta ni Niko para pumili ng bulaklak na gagamitin sa kasal. Napag-usapan nila nina Paola two days ago na outdoor ang magiging reception. Doon kasi iyon idadaos sa malawak na vineyard ng pamilya Dominguez. As per Joaq, that’s her soon-to-wife’s favorite place. Sinabi ng mga ito na dadalhin siya doon sa susunod na linggo para makapag-ocular ang team niya. Kinailangan nila i-park ang sa malapit na mall ang sasakyan kaya ngayon naglalakad silang dalawa. Mayroon siyang kilalang florist doon at iyon ang palagi niyang kinukuha sa tuwing may wedding events siya.
“Ganito ka talaga ka-hands on sa mga event mo?” Napatingin siya kay Niko.
“Only to weddings. Kapag ibang event, hinahayaan ko ang team ko na kumilos.” Tugon niya.
“You’re fond of weddings?”
“Yes since I was a child.”
Pumasok siya sa isang flower shop doon. Tiningnan niya mula sa hawak na clipboard ang checklist na ginawa two days ago. Two days niyang tinutukan ang bookings ng mga food caterers. Isa isa niya din kinausap ang team na incharge sa photo and video. Iyong invitations naman ay i-pi-print lang sa simpleng papel tapos lalagyan na lang ni Paola ng handpainted designs.
Sa guestlists naman, medyo nagulat siya sa dami pero sabi naman ni Paola babawasan pa nila iyon. Paola and Joaq wants there wedding to be more intimate and exclusive to family and friends. Paano ba niya nakuha ang kasal na iyon ni Paola? Right, its because of Paola’s sister in law. Iyon ang first wedding project niya at nagustuhan iyon ng pamilya ni Paola. Kaya ng ikasal ang isa pa nitong kapatid ay siya din kinuha. This was her third wedding event to Sanchez family. And a first to Dominguez… Lihim niya sinipat ang pwesto ni Niko.
Hoping the next wedding will be ours…
Mula nang gabi na ihatid sila nito lalong tumindi ang pagkagusto niya dito. Plus points na sobrang galang pa nito kina mama Lorie at mama Tine niya. Since that day, kinukulit na siya ng dalawang ginang na magpakilala na sa binata. Wala naman daw mawawala kung susubukan niya. She also re-read all the letters from Niko that night. Kaya kahit puyat, all smiles pa din siyang pumasok sa opisina.
“Primrose,” Nadinig niyang sambit ni Niko.
“Hmm?” aniya.
“That’s Paola’s favorite.” Tumango tango siya sa sinabi nito. She did a mental note of that. “Its an outdoor wedding but usually it rains in December.”
“Yes. Mas okay if indoor na lang tapos outdoor ang ambiance. I can make it.”
“I’ll go with your idea. Let’s talk to them later.” Ngumiti siya. Nagpatuloy sila sa pamimili ng bulaklak. Nakausap niya si Gibo – ang may-ari ng flower shop na kinaroroonan nila. Sinigurado naman sa kanya nito na magagawa nito ang Primrose bouquet ni Paola. Nang matapos sila doon, tinungo naman nila ang wedding gown boutique.
“You really know Paola.” Nagulat siya na pati ang klase ng damit na gusto ni Paola ay alam nito. She felt jealous at some point. Pero alam niyang sisterly love lang ang nararamdaman ni Niko para kay Paola.
“I once became her psychologist. At ako na yata ang pambansang third wheel ng dalawa na iyan.” Natawa siya. Who would have thought that Niko became Paola and Joaq’s third wheel? Pansin naman niyang close talaga ito sa kapatid. “How did you met them?”
“I fixed Ford and Jake’s wedding.”
“Pao’s brothers?” Tumango siya. “I see. Can I ask something?”
Napatingin siya dito. “What is it?” Kung tatanungin siya nito kung may boyfriend na siya, proud niyang sasabihin na wala. Ito lang naman ang hinihintay niya buong buhay niya. “I hope its not medical related stuff.”
He chuckled. “What’s your dream wedding?”
That’s the first time someone asked about her dreamed wedding. Bata palang siya may ginawa na siyang wedding book. Hindi na nga lang niya kung nasaan na iyon. Thanks to Niko for reminding her to find it. Minsan na siyang naka-witness ng kasal doon. Simula noon, iyon na ang pangarap niya klase ng kasal at mas gagandahan pa niya. May katulad ng garden na iyon dito sa Pilipinas. Ang Marian Orchard sa Batangas. Minsan na siyang nakabisita doon at nang makatapak doon, nasabi niya sa sariling niya na isang araw doon siya ikakasal. Kinunan niya ng larawan buong palibot ng lugar para sa references niya. Gusto niya din na maging intimate iyon at exclusive sa pamilya at kaibigan.
Wala ‘man siyang pamilya na kasing laki ng pamilya ni Niko, nasa tabi pa din niya sina mama Lorie at mama Tine niya. May mga kapatid ang mga ito at hindi lingid sa kaalaman ng mga kamag-anak nito na inampon siya ng dalawa at tinalikuran ang bokasyon. Noong una, nakonsensya siya sa ginawa ng dalawang ina. Pero sinabi sa kanya ng mga ito na ipinagdasal nila siya sa Diyos kaya huwag na siya mag-alala pa.
“Garden wedding. When I was in Atlanta, I used to sneak out and go to the church in the orphanage’s garden.”