Chapter 01

1495 Words
MATAMANG pinagmamasdan ni Jillian ang painting na nasa kanyang harapan. Ayon sa gold plated sign sa gilid, Girl in the Rain ang pangalan niyon. It was painted when the painter was only thirteen years old. Katabi noon ang isang painting naman ng lalaki. My love, iyon ang titulong nakasulat sa gold plated sign sa gilid noon. Amusement filled her face as she keeps on reading the history behind the two paintings. Napangiti siya. The painting emits two emotions. One was sadness and another was happiness. Kasalukuyang siyang nasa ikalawang palapag Sanctuary Café and Art Gallery. Doon niya kikitain ang kliyente niya ngayon. She was an event organizer and weddings were her specialties. Na-e-excite siya tuwing may i-o-organized wedding. Nasisiyahan siya kapag may kinakasal. Siguro marahil ay buong buhay niya ay lumaki sa loob ng kumbento at sa pangangalaga ng mga madre sa Atlanta, Georgia. At sa tuwing may kinakasal doon sa Mary Mother of God Church ay na-iimagine niyang siya ang iyong lumakad sa aisle at si Niko ang lalaking nag-aabang sa kanya sa altar. Napangiti siya. Her childhood fascinations grows into a dream she must achieved. Iyon ang rason ng pagbalik at pagtira niyang muli sa Pilipinas. Kasama niya sina Sister Lorie at Sister Celestine na bumalik. She established a home for those children that has been a victim of abuse, tragic incidents and abandoned. Ang dalawang madre ang namamahala doon habang siya nagta-trabaho sa isang event organizing company. Paola Rachelle Sanchez, iyon ang pangalan ng kliyente niya. Napag-alaman niya kanina lang na ito pala ay isa sa may-ari nang kinaroroonan niyang café. “Jillian Claire Smith?” Tanong na nagpalingon sa kanya. Bumungad sa kanya ang isang magandang babae na may bibit na baby. Sa tantya niya nasa isang taon na iyong bata. Maganda at namumula ang mga pisngi. “Hi, I’m Jillian Claire Smith of Cashmere Events.” Pakilala niya saka nilahad ang kamay dito. “Sorry, late ako. Kanina ka pa ba?” Umiling siya. “Okay let’s go to my office. Papunta na yung fiancee ko kasama ang kapatid niya.” Sabi nito saka sabay silang naglakad papunta sa opisina nito. “Ang cozy ng ambiance nitong business mo.” Aniya. Napansin niyang nakatingin sa kanya ang karga nitong bata. “What’s her name?” “Jeanne Keira Dominguez.” Sandali siyang natigilan nang madinig ang apelyido ng bata. Dominguez… hindi kaya. “Dapat last year pa kami dapat magpapakasal kaso naunang dumating si Keira kaya na-postponed.” Tumango tango siya dito. Binukas nito ang pintuan at pinapasok siya sa loob. Maging sa opisina nito ramdam pa din ang pagka-cozy. “This is an old house turned into a café and art gallery. Dati sa third floor ako nakatira pero in-extend ko na doon ang gallery ko. I moved in sa bahay ng tatay ni Keira.” “I see. Want me to hold Keira for a while.” Aniya kay Paola. Nakita niya kasi wala itong mapaglapagan sa anak. “Okay lang ba?” tanong nito na sinagot naman niya ng tango. “Hindi naman mapili sa tao itong bata na ‘to. Mana sa tatay.” Binigay nito sa kanya ang bata. Ngumiti ang bata nang kalungin na niya. “See? She likes you na agad.” “She looks like a doll.” “Yeah. Madami nga nagsasabi. Akala nila pinaglihi ko sa manika iyan.” Naalala niya dito ang manika niyang si Nicolette. Muling ngumiti sa kanya ang batang babae. She heard a loud giggles when she talked to Keira. Tila naiintindihan nito ang sinabi niya. “Ganyan siya kapag comfortable siya sa may kalong sa kanya.” Dagdag pa na sabi ni Paola. Maganda si Paola. Maputi ang kutis, mahaba at kulot sa dulo ang buhok. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi pati pisngi. Unang tingin aakalain mo na mataray pero hindi pala. Dito namana ni Keira ang ganda at sigurado siyang gwapo ang ama nito. Gwapo naman talaga ang mga Dominguez. Pero sana hindi si Niko ang ama ni Keira. Aniya sa isipan. Iniwan muna siya pansamantala ni Paola doon kasama si Keira para kumuha ng merienda nila. Abala kasi ang mga staff nito sa ibaba kaya hindi magawang mag-utos. Kampante naman si Paola na ipahawak sa kanya si Keira. Patuloy lang niyang kinausap ito hanggang may pumasok na dalawang lalaki sa opisina nito. “Hi! You must be Jillian Smith, right?” Tumayo siya bitbit si Keira. “Atty. Joaquin Dominguez.” Pakilala nila saka nakipagkamay dito. Kinuha nito si Keira sa kanya. “This is my brother, Dr. Niko Dominguez,” Pakilala naman nito sa kasama. Her lips parted. Is he the Niko I’ve knew? Tanong niya sa isipan. “Hi. Call me Niko. Masyadong mahaba ang buong pangalan ko at matanda pakinggan.” Ani sa kanya ni Niko saka nakipagkamay sa kanya. “Gusto ko nga mga pangalan niyo.” Sabat ni Paola na kapapasok lang. May bitbit itong merienda na para sa apat na tao. Sa likod nito ang isang staff na may dalang kiddie high chair. Nakita niyang inutusan iyon ni Paola na ilagay malapit sa sofa. “Not everyone is like you, Pao.” Tugon ni Niko dito. “Jillian, this my fiancee, Joaq.” Napahinga siya nang maluwang ng ang may kalong kay Keira ang ituro nitong kasintahan. Si Niko ang tatayong best man sa kasal ng mga ito at kaya ito narooon para personal siyang tulungan sa pagdedesisyon lalo na’t sobrang abala ng ikakasal sa trabaho at pag-aalaga sa anak. That’s why they’re hired her. “JILL, I hope you can manage our wedding well.” Iyon ang mga salitang binitiwan sa kanya ni Paola matapos nila pag-usapan ang mga gusto nito para sa kasal niya. Everything she said awhile ago was approved by the husband-to-be. Si Paola na yata ang pinaka-spoiled na bride na hahawakan niya. She was given five months to plan for everything. Hindi ideal na time frame ngunit kakayanin niya maibigay lang ang dreamed wedding nito. “Kuya Niko, will help you in deciding when we’re busy.” Paninigurado pa nito. Napatingin siya sa gawi ni Niko. She called him kuya meaning mas bata si Paola dito? Tanong niya sa isipan. “No need to worry, Ms. Pao. My team will do our very best to give you your dreamed wedding.” Aniya dito saka isa isang niligpit ang mga gamit. Habang ginagawa iyon, hindi sinadya na mahulog ang notebook niya na may logo ng Emory University. Yes, she did tried taking medicine course but she end up choosing her passion. Pinulot iyon ni Niko at tiningnan. “You’re a med student in Emory University?” tanong nito sa kanya. “Supposedly, yes.” Tugon niya dito. Hindi ito muling nagtanong sa kanya. Nakipag-usap na ito sa magkasintahan habang siya patuloy sa pag-imis ng gamit niya. Kinuha niya mula sa bag ang sticky note at sinulat doon na kailangan niya gumawa ng checklist para wala siya malimutan na kahit maliit na detalye. Dinikit niya ito sa laptop saka sinara. Nang maayos na ang mga gamit, lumapit sa tatlo para magpaalam. “I need to go.” Paalam niya. “Aalis na din si kuya Niko. If you want, pwede kayo magsabay na dalawa.” Suhestyon ni Paola. Sinang-ayunan naman iyon ni Joaq. Napatingin siya sa gawi ni Niko. If he’s not willing pwede naman ako magpalusot na nagmamadali na ako. Pero sana pumayag siya. Aniya sa isipan. “Fine with me.” Sagot ni Niko. Napasigaw siya ng yes sa isipan. Hindi niya pinahalatang kinikilig siya. Muli siyang nagpaalam kina Joaq at Paola. Gano’n din si Niko. Magkasabay silang bumaba at lumabas sa Sanctuary Café amd Art Gallery. Diretso nilang tinungo ang pwesto ng kinaroroonan ng sasakyan nito. Akala niya simpleng pick up lang pero hindi. Isa iyong bagong edisyon ng sports car. It’s a blue 2019 Porsche Boxster. Feeling niya ang haba haba ng buhok niya nang pagbuksan siya nito ng pintuan. Nang makasakay siya, umikot na ito papunta sa driver seat. “Saan kita ihahatid?” tanong nito sa kanya. May pinindot ito para marahan na sumara ang convertible top ng sasakyan nito. “Nearest bus stop na lang.” sagot niya. “You’re heading to your office, right? Sa tingin ko mas okay na ihatid na kita doon.” “Huwag na nakakahiya.” Sambit niya. “No. Its okay.” Ngumiti ito saka in-start ang sasakyan. Hindi na siya nakatanggi pa sa alok nito sa kanya. Panay mabilis na pagtibok ng puso niya kahit na ang laki ng agawat nila sa isa’t isa. Its his smell that made her heart beats fast. Pakiramdam niya sobrang lakas niya kay Lord kaya siya binibiyayaan ng ganitong klase ng blessings. “You’re name kinda familiar to me.” Anito habang ang focus ay nasa daan. Of course it sounds familiar to you. How could you forget it? Aniya sa isipan. “There’s a lot of Jillian in the world. Both of my names kinda common.” Tugon niya dito. Her was special for it derives from her late parents name. “Maybe you’re right. Its been a long time since I heard a thing from that girl who’s name same as yours.” Nanlaki ang mga mata niya. Totoo ba ang nadinig niya? He remember her!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD