FIOLEE's POV "Turn your books on page seventy five," nilipat ko 'yung libro ko sa page seventy five. Nakakatamad ang araw ko, araw-araw na lang ganito nangyayari sa'kin. Gigising ng maaga, papasok sa school uuwi sa hapon at magigising na naman sa umaga para pumasok. Halos paikot ikot lang 'yung nangyayari sa'kin eh. Nakasalumbaba akong tumingin sa bintana. Tabi kasi ng bintana ang upuan ko at sa gilid ko naman ay si Marshall. . "Hayss." napabuntong hininga na lang ako, simula kasi ng nangyari sa bahay niya hindi ko na ulit nakita si Marshall. Tatlong linggo na siya hindi na pasok miske mag paramdam 'di niya magawa. Lagi ako na daan sa apartment niya para iwan siya ng pagkain pero 'di man lang niya ako mapagbuksan ng pinto. Alam kong andoon siya dahil kada babalik ako para maglagay ulit