CHAPTER 4

1075 Words
MARSHALL's POV Pano na ‘to? Ano nang gagawin ko? Mag pakamatay na lang kaya ako para matapos na rin ‘tong paghihirap na ‘to? How can I survive with this life? Namatay ‘yung magulang ko nung eight years old ako, namatay ‘yung nag iisang taong nag aalaga sa’kin nung fourteen ako at ‘yun ay ang lola ko. Tapos ganito pa ‘yung mangyayari sa’kin ngayon? naging halimaw ako sa isang kagat lang ng bampirang babae na ‘yun? Ano bang kasalanan ko para magkaganito ang buhay ko? Ang daming tanong na hindi ko masagot. Isang linggo na rin nakakalipas nung nangyari kay Fiolee ‘yun. Pero ni kahit isang beses ‘di siya pumalyang daanan ako sa bahay. Hindi niya ko tinatawag pero alam kong siya ang nag iiwanan ng pagkain sa pintuan ko. Mga pagkain na parang dumaan lang sa bibig ko pero ‘di ko nararamdaman na busog ako. Gutom na gutom pa rin ako, iba kasi ang hanap ng katawan ko. Dugo. Dugo na ang gusto ko. *Tok Tok* May tao sa labas, sino kaya ‘yun? hindi ko na aamoy na si Fiolee ‘yun. iba ang amoy ng isang ‘to. Pero nakakasigurado ako ‘di siya tao. "Alam kong alam mo na, na hindi ako normal bata, Kaya papasukin mo na ko d’yan kung ayaw mong sipain ko ‘tong pintuan mo.” agad akong lumapit sa pinto, tama isa rin siyang bampira. Ano naman kaya ang balak niya sa’kin? “Sino ka ba?" “Papasukin mo ko d’yan tayo sa loob mag usap.” kaya binuksan ko ang pinto saka tumambad sa’kin ang isang lalaking nakaitim na coat, may sumblero at shades. Mukha siyang butler kesa sa mukhang bampira kung susuriin. “Magandang umaga sayo Marshall, ako si James isa sa mga kauri mo. Naparito ako para pag-usapan ang isang bagay.” saka niya nilapag ang sumblero niya sa lamesa at hinubad niya rin ang coat niya. Nakatingin lang ako sa kaniya at nakikinig. “Si miss Reiz ay namatay dahil sa pagkagat niya sayo.” tinutukoy niya ba ay ‘yung babaeng bampira na ‘yun? namatay siya dahil sa’kin? mabuti naman tsk! "Kung alam mo lang, si Ms. Reiz ay isa sa pinakamayaman at kilalang bampira sa uri namin. Pero naging hindi siya maingat at nagpadala sa nais ng laman niya. .” pagpapatuloy niya, may kinuha siya sa bulsa niya. “Araw-araw siya na patay ng mga tao kaya na hahalata ng mga otoridad ang sunod-sunod na pagpatay, kaya naman nanganganib ang lahi namin ngayon.” inilipag niya ‘yung bagay na kinuha niya sa bulsa niya. Kumpol ng mga susi iyon. "Nang namatay siya nag iwan siya ng habilin at pagsisi saming angkan at ang habilin na ‘yun ay ang hanapin ka.” Na gulat ako sa sinabi niya, pano pa ko na tandaan ng babaeng ‘yun? isa pa kilala niya ako? papaano? Lalong gumugulo ang isip ko ngayon, asar! "Bakit niya naman ako pinapahanap? anong kailangan niya? hindi pa ba sapat sa kaniyang sirain ang buhay ko? Nakikita mo naman ngayon ‘di ba? Hirap akong maging katulad niyo! sino bang tanggap ang maging isang halimaw ha? Sabihin mo!”  nang gigil na ko at naihampas ko ang kamay ko sa lamesa. “Alam ko, pero hindi naman siya ang dahilan ba’t ka naging bampira, dahil matagal kanang isa samin. " “HA?” halo-halo na sa isip ko ang mga sinasabi niya. Naguguluhan ako parang sasabog ang ulo ko sa mga pinagsasabi ng matandang ‘to. “Pansin mo kung isa kang normal na tao tingin mo mabubuhay ka pa pagkatapos ka niyang kagatin?” napayuko ako, ayaw ko nang maring ang mga sinasabi niya. “Ikaw si Marshal Perez, anak nila Mailene Perez at Jazon Perez. Namatay ang tatay mo dahil na rin sa pagsuway niya sa lahi namin. Nag ahal siya ng mortal na si Mailene, ang papa mo ang mismong pumatay sa mama mo dahil sa nawala siya sa sarili. Ilang araw niyang tiniis ang hindi uminum ng dugo dahil gusto niyang mabuhay ng normal katulad sa mama mo at sayo. Pinilit niyang kalimutan ang pinagmulan niya kaya nang ‘di niya na kinaya mismong asawa niya ang na patay niya, dahil na rin sa depresyon nagpakamatay siya. Nasa isang field trip ka nun kasama ang lola mo tanda mo pa?” Ikinuwento niya lahat ng pangyayari. Mga pangyayari na ‘di ko alam at kahit minsan walang nagpaalam sa’kin. Alam din ba ‘to nila lola? nila tita at ng iba pa? bakit sabi nila namatay sa aksidente ang mga magulang ko? bakit wala akong alam tungkol dito? Bakit? Hindi ko na pansin na umiiyak na pala ako. Nilapitan niya ko at tinapik ang balikat ko. “Ako si James Perez Lolo mo Marshall.” napaangat ang ulo ko sa huling sinabi niya. Nagulat ako ng nginitian niya ko at niyakap na parang nagpapahiwatig na tahan na may karamay kana ngayon. Sa ginawa niya lalo akong na iyak at inilabas ko lahat ng nasa puso ko. Lahat ng galit na naipon dito, lahat-lahat. “Tahan na apo, simula ngayon sasama ka na sa’kin. Maninirahan tayo ng maayos wag ka mag alala magiging ayos din ang lahat. ‘tong mga susi na ‘to ay iniwan ng tita mo Riez mo lahat ng yaman niya ay ibibigay niya daw sa pamangkin niya.” pinunasan ko ang mga luha ko at humiwalay sa lolo ko. Oo tama mas mabuting tawagin ko na siyang lolo ngayon. "Po? si Reiz ang tita ko? pano? at saka bakit niya ko kinagat kung alam niyang pamangkin niya ko at ikamamatay niya ‘yun?” nagsisimula na naman akong maguluhan. “Nung nakita ka niya, kinagulat niya rin iyon. Hindi niya alam na doon pa kayo magtatagpo, dahil matagal niya nagplano na gisingin ang pagiging bampira mo.” tinapik niya ang ulo ko "Ang tita at papa mo ay sobrang mahal na mahal ang isat-isa kaya naman ng nakita ka daw niya na alala niya ang bunso niyang kapatid. Kaya kahit alam niyang ikamamatay niya ay kinagat ka niya para lang magising ang pagiging bampira mo.” ‘di ko na alam ang ire-react ko sa mga nalaman ko. “Wag kana magtanong Marshall, ginawa ng tita mo ‘yun para matanggap mo kung ano ka talaga at para ‘di ka matulad sa landas na tinahak ng papa mo.” tumayo siya isinuot ulit ang coat niya. "Sayo na ‘yang mga susi na ‘yan, kunin mo na ang mga mahahalagang bagay sa bahay na ‘to at aalis na tayo. Iintayin kita sa labas apo,”  sabi niya saka lumabas ng bahay. Hindi pa rin pumapasok sa utak ko ‘yung mga nalaman ko. Pero ano pang magagawa ko? Andito na ko sa siteasyon na ‘to, Wala na ko sa mundo ko dati. Wala na. TO BE CONTINUED 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD