CHAPTER 6

879 Words

MARSHALL's POV "Apo kanina ka pa paikot-ikot d'yan?" hinigop niya 'yung dugo mula sa baso niya. Minsan nandidiri pa rin ako at parang nasusuka pero kailangan kong tanggapin ang kapalaran ko. Dalawang linggo na ata ako andito at pilit na sinasaksak sa utak ko na dito na ko ngayon titira at bagong na ang mundong ginagalawan ko. "Apo nahihilo na ko sayo, pumirme ka nga d'yan." pagbaba niya sa baso niya. Umousok pa 'yun. Ano 'yun hot blood? parang tea lang? Umupo ako gaya ng sabi niya, bakit nga ba ako 'di mapakali? "Apo ano bang iniisip mo?" sabay dekwatro ng upo. "Naiinis kasi ako sa kababata ko, balak ko kasi na ipakilala sila sayo lolo, pumayag siya." nagkamot siya ng ulo. "Eh anong pinaghihimutok ng butche mo d'yan? Pumayag naman pala siya." asar na alala ko na naman 'yung kanina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD