Natalia's point of view DALAWANG araw na ako dito sa bahay ni Gray. Nakaupo ako sa silya habang maraming nakakalat na mga gamot ang table sa harapan ko. Ako lang ang gumagamot ng sugat ko at ayoko ng iasa sa kanila. Alam kong maraming ginagawa si Yaya Luz kaya ayoko na s'yang abalahin pa. Medyo okay na ako sa paglalakad, pero ramdam ko pa rin ang sakit. Bigla akong napatingin sa bandang pintuan ng bumukas iyon ng wala man lang kumakatok. Ang hawak kong bumalak ay binaba ko sa table nang makita ko si Edward. Ano na naman ang ginagawa n'ya dito? Nalipat ang tingin ko sa hawak n'yang pagkain. "Seems you haven't eaten your lunch," nakangiti n'yang saad sa akin. Kinuha ko ulit ang bulak at sinimulan kong gamutin ang sugat ko sa binti. "Hindi ka ba sanay kumatok?" walang gana kong tan