Natalia's point of view DINILAT ko ang mata ko. Nanlalabo iyon, pero unti-unting nagbibigay liwanag sa akin. Isang kulay kulay kalawang na kisame ang una kong nakita. Babangon sana ako ng... "Ahhh!" daing ko ng maramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko. Tinignan ko ang paligid ko kung nasaan ako. Pamilyar ang lugar sa akin. Bigla kong naalala ang nangyari, pero after kong mawalan ng malay ay wala na akong matandaan sa lahat. Hindi ko na rin alam kung paano ako napunta dito. Pinilit kong umupo sa pagkakahiga at nilibot ko mula ang tingin ko. Nakita ko ang litrato ni Gray na naka-display sa loob ng kwarto kaya alam ko na agad kung kanino ito. "Si Gray ang may gawa nito?" taka kong tanong sa sarili ko. May mga lalaking lumalapit sa akin. Hindi kaya tauhan ni Gray iyon? Kahit na masakit