Natalia's point of view "ANONG balak mong gawin?" tanong ni Gray sa akin. Nauna akong naglakad sa kan'ya papunta sa madilim na lugar. Maganda ang gabi kaya maliwanag ang buwan. Matagal ko ng hindi napupuntan si Jonny, Mama at Papa. "Dito mo ba ako papatayin?" tanong n'ya pa sa akin. Umupo ako sa damuhan at tinignan ang bilog na buwan sa kalangitan. Malakas ang hangin dito kaya masarap tumambay. "Ano bang lugar ito?" tanong na naman ng lalaking kasama ko. Mayroon akong kasalanan sa kan'ya. Pinagsisihan ko ang hindi pagtulong sa kan'ya, pero hindi naman deserve ng kapatid ko ang pabayaan lang ng ganoon. Nilapag ni Gray sa damuhan ang ten can ng beer at mayroon rin kaming binili na pagkain. Ayokong makakitang tao ngayon. "Bakit pakiramdam ko ay bigla kang bumait sa akin? Inaya mo pa