Natalia's point of view "BAKIT, Manager?" taka kong tanong kay Sir Rey. Hindi na muna n'ya ako pinapapasok ngayon dahil mayroon daw gulong nangyari sa bar. Pinihit ko ang doorknob para lumabas ako sa bahay. "Mayroong mga pulis dito na nag-i-imbistiga, may mga customers na nagkainitan at nagkabarilan," paliwanag ni Manager sa akin. "Anak ng!" Hindi ko na narinig pa ang sasabihin ni Manager Rey sa gulat ko kay James. Matalim kong tinignan si James na mukhang nagulat din sa akin. "Sige po, Manager," paalam ko. Pinatay ko na ang phone call at aambahan kong sipain si James dahil sa gulat ko sa kan'ya. "Ano bang ginagawa mo dito?" irita kong tanong sa kan'ya. "Akala ko hindi ka umuwi dahil wala 'yung motor mo," sagot n'ya sa akin. "Salamat sa pag-aalala, pero hindi ko kailangan," mas