09

732 Words
3rd Person's POV "Kuya anong gagaw---." "Uubusin ko ang mga Sullivan."madilim ang anyong sagot ng binata na dahilan para harangin siya ng kapatid. "Hindi mo pwedeng gawin yan Kuya."may diin na sambit ng binatang si Trigger. "Malapit ang mga Sullivan sa pamilya ng mga Aragon oras na gumawa ka ng ingay ng wala sa plano katulad ng ginawa mo dati katapusan---." "Pag hindi ka tumabi ikaw ang papatayin ko Trigger."mas lalong nagdilim ang anyo ng binata ng may humawak sa balikat niya at binalya siya sa sofa ng tatabigin niya ang binatang si Trigger. "Hellion!"susugurin niya ang binatang si Hellion ng---. "Tama na!"sigaw ng dalagang si Levi at ng dalagang si Star bago pumagitna sa dalawa na kinatigil ng tatlong Aragon. "Umayos nga kayong tatlo!lahat na lang ng bagay dinadaan niyo sa dahas!"bulyaw ng dalagang si Levi habang nakatingin sa tatlong binata. "Kuya Hector naiintindihan ko galit ka dahil sa pinagdaanan ni ate Almira pero pag sumugod ka dun at pinatay mo ang buong angkan niya mas dadagdag ka lang sa problema...sobrang hina ni Almira emotionally please wag mo ng dagdagan ang stress niya."dagdag ng dalaga na kinalambot ng ekspresyon ng binata. Rade's POV; "Almira kumain ka."ani ni Hellion habang sinusubuan si Almira na nakatulala. "Rade bakit mo ako iniwan?"tanong ni Almira na kinatigil ko. "Almira."singit ni Levi bago mag gesture kay Hellion na lumabad at tumingin sakin. "Almira anong pakiramdam mo ngayon?"tanong ni Levi na dahilan para tumulo ang luha ni Almira at tahimik na humikbi. "Shhh kung ayaw mo sagutin okay lang."pagpapatahan ni Levi kay Almira. "Magiging ayos din siya."ani ni Trigger bago ako tapikin at lumabas ng kwarto. "Hindi ako sanay ng ganito ka."bulong ko habang nakatingin kay Almira na umiiyak. 3rd Person's POV; "Ano ito?"tanong ng dalaga habang tinitingnan ang hawak nitong box na maliit. "Bakit di mo buksan?"ani ng binata. "Ihh baka kung ano nanamang laman nito katulad ng binigay mo sakin nung isang linggo...may tipaklong."sambit ng dalaga na kinatawa ng mahina ng binata. "Kung alam mo lang ba bulaklak talaga yun."bulong ng binata na kinatingin ng dalaga. "Ha?may sinasab--." "Buksan mo na lang yan."putol ng binata bago umupo sa damuhan at sumandal sa bench na nasa likuran nila ng dalaga. Tuwing pagkatapos ng klase at duty ng binata pumupunta sila sa parke na malapit sa school at tumatambay. "Salamin ba ito?"tanong ng dalaga habang kinakap kapa yun. "Salamin nga."bakas sa boses ng dalaga ang excitement ng tanggalin niya ang luma niyang salamin at isuot ang salamin na binigay ng binata. "Ohmygosh ang linaw."kumurap kurap ang dalaga at tumingin sa paligid hanggang sa mapako ang tingin niya sa binatang nakatinga sa kalangitan na kinatulala ng dalaga. "For the first time nakita kitang matulala sakin."komento ng binata habang nakangising bumaba ng tingin para salubungin ang tingin ng dalaga. "R-Rade."napakurap ang dalaga ba kinataas ng gilid ng labi ng binata. "Haist."napakunot ang noo ng binata ng umiwas ang tingin ng dalaga bago yakapin ang dalawa nitong binti. "Tsk pangit pa din ba ako sa paningin mo para madissapoint ka ng ganya---. "Wala naman ako sinabi."walang ganang sagot ng dalaga na mas lalong kinainis ng binata. "Mas gwapo ka pa kasi sa iniexpect ko."sagot ng dalaga na kinatingin ng binata. "Naiinis ako kasi sobrang gwapo mo."malungkot na sambit ng dalaga na kinakunot ng noo ng binata. "Hindi ba good--" "Hindi tayo bagay."bulong ng dalaga na kinalambot ng ekspresyon ng binata. "Gwapo ka at matalino in future siguradong may mararating ka kahit yata hindi mo gamitin ang talino mo may future ka pa din dahil sa tyura mo..eh ako pangit na nga boba pa."dagdag pa ng dalaga na kinatawa ng mahina ng binata. "Anong nakakatawa?"tila naasar na tanong ng dalaga bago naiinis na lingunin ang binatang nakatingin sakanya. "Lahat ng imposible kaya kong gawing posible Almira."ani ng binata bago tumingin ulit sa langit kung saan naghahalo na ang dilim at liwanag. "Pero ang bagay na posible gagawin kong imposible...hindi ko na kaya."dagdag pa ng binata na kinakunot ng noo ng dalaga. "Hindi ko maintin---." "Mabait ka at totoo sa sarili Almira...kaya posible talagang magustuhan kita lalo na't sa lahat ng taong nakilala ko ikaw lang ang naging totoo sakin...kaya talagang napakaimposibleng basta na lang kita balewalain at kalimutan dahil lang sa sinasabi mong hindi tayo bagay."putol ng binata na kinagat labi ng dalaga para pigilang mapangiti. "Rade."nakangiting sambit ng dalaga habang nakatingin sa maamong mukha ng binata na nakatingin sa kalangitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD