08

688 Words
3rd Person's POV; Habang nakatayo ang apat sa pinto ng kwarto kung saan mahimbing na natutulog ang dalaga habang ang binatang si Rade ay nakaluhod sa ibaba ng kama habang hawak ng mahigpit ang kamay na kasintahan. Putlang putla ang dalaga at sobrang payat ang mga labi ay nanunuyo habang nangingitim ang ilalim ng mga mata. Sa unang pagkakataon nakita nilang umiyak ang pinuno sa harap mismo nila habang nakatingin sa dalaga at paulit ulit na humingi ng tawad. Kilala ang binata bilang pinaka maimpluwensya,kinakatakutan at pinakamalupit mapabusiness world o sa organization kung saan sila kabilang pero dahil sa iisang babae nagbago ang pananaw ng apat na binata lalo na ng makita itong lumuhod sa harap ng dalaga. "Naalala ko pa nun nung araw na nawala si Almira at nalaman ang nangyaring akside....dahil sa nangyaring m******e napatay ni Rade ang ina ni Almira at ang daan daang tauhan ni Sullivan kung hindi dumating si Aidan baka pati ang kapatid ni Almira at ang matandang Sullivan napatay na din niya." Ani ni Pierce na kinatingin ng tatlo. "Nabanggit mo samin kaya pumasok sa ganito si Pinuno dahil sa babaeng yan diba?"tanong ng binatang si Zade na kinabuga ng hangin ng binata. "Hindi makakarating si pinuno sa ganito kung hindi dahil sa babaeng yan."ani ni Porter habang nakatingin sa pinuno. "Dahil lang sa isang babae ganito kalayo ang nirating ni pinuno."hindi makapaniwalang komento ng binatang si lincoln. --- "Ahhhhhhhhh!!!" "s**t!" Kasunod ng mga galabog at pagbukas ng pinto ang pagtakbo ng dalaga sa pinakasulok ng kwarto habang umiiyak. "Almir---." "W-Wag po t-tama na po."tumigil sa paghakbang ang binata ng makitang umiiyak ang dalaga at pilit sumisiksik sa pinakasulok ng kwarto. "Rade---." "f**k!"mura ng binata ng tingnan sila ng dalaga na parang mga halimaw na lalapain ang kawawang dalaga. "Shh sweety hindi kita sasaktan wag kang umiy---." Hahakbang ang binata ng mas lalong umiyak ang dalaga habang yakap ang katawan at pilit pinagkakasya ang sarili sa maliit na espasyo ng kwarto. "Kuya andit---."napatingin ang limang lalaki sa pinto ng pumasok ang binatang may kakaibang kulay ang mata habang sa tabi nito ang dalagang nakanurse uniform. "Siya ba yung babae?"tanong ng binatang si Trigger. "Mukhang matinding trauma ang nangyari s---." "Rade!..Rade!tulungan mo ako*sob*."nabato ang binata sa kinatatayuan ng tumakbo ang dalaga at---. "Yah!"napaupo ang binatang si Hellion na nasa likod ng binatang si Trigger ng yakapin siya ng dalaga na dahilan para mapaupo ito sa sahig. "Wtf Hellio---"naputol ang sasabihin ng binatang si Rade ng harangin siya ng dalagang si Levi habang nakatingin sa dalawa. "Hindi mo pwedeng takutin ang patient Kuya Hector mas lalo lang lala ang situation sa ngayon walang tama sa pag iisip ang patient kaya hayaan na muna natin."kalmadong sambit ng dalaga. "Teka teka wag ako hind---"tinakpan ng binatang si Trigger ang bibig ni Hellion ng magsasalita ito habang nakayakap ang dalaga sakanya. "Pakalmahin mo muna siya Kuya Hellion sa paningin niya ikaw si Kuya Hector kaya wala kang choice"ani ng dalaga na kinagitgit ng binatang si Rade habang si Hellion nakangiwi at dahandahang tinapik ang likod ng dalaga na umiiyak. --- "Naiinis ako."madilim ang anyong sambit ng binata habang nakatingin sa kakambal at sa kasintahan na nasa kama. "Chill lang kuya gagaling din si Ate Alm---." "Kailangan namin ng cooperation niyo magkambal dito kuya Hector kaya please lang makicooperate kayo para kay ate."sabat ng dalagang si Levi habang hawak ang log book nito. "Matatagalan ba ang recovery ni Almira Levi?"tanong ni Trigger sa kasintahan na kinatingin ng dalaga. "Honestly hindi ko pa alam."sagot ng dalaga. "Rade*sob*ang anak natin Rade."napatingin ang tatlo sa kama ng magsalita ang dalaga habang nakayakap sa binatang si Hellion ng tumingin ang binata sa pwesto nila nag gesture si Levi na magtanong. "A-Anak natin anong nangya---" "Yung b-baby ko*sob*yung baby ko ."ani ng dalaga na kinalamig ng katawan ng binatang si Rade ng marinig ang sinabi ng kasintahan. "N-Nagkaanak kami."bulong ng binatang si Rade habang parang wala sa sariling nakatingin sa dalagang umiiyak. Napatingin ang lahat sa pinto ng mawasak yun at walang kaano anong lumabas ang binatang si Rade sa kwarto. "Kuya!"sigaw ng binatang si Trigger bago habulin ang palabas ang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD