10

785 Words
Rade's POV; "*sob*ayoko! ayoko!"matapos magising ni Almira mula sa pagkakatulog nagwala na ulit ito kahit pa nasa tabi niya na si Hellion. "Layuan niyo ako!ang anak ko!kailangan ko siyang hanapin ang baby ko!"pinikit ko ng madiin ang mata ko ng makita ko ang ginagawa niyang pagwawala habang hawak siya ni Hellion at Levi. Sa mga araw na ginawa ng diyos gigising na lang ako palagi na atungal at sigaw niya ang naririnig ko minsan bigla na lang siyang nawawala kaya mas minabuti naming ikadena siya sa kama. "Almira ano ng gagawin ko?"bulong ko bago imulat ang mga mata ko at tingnan si Almira na nagsisigaw at nagwawala. "Kuya."tawag ni Trigger ng humakbang ako palapit kay Almira. Mas lalo itong nagwala at nagpapasag ng makita ako. "Kuya wag ka ng--." "Layuan niyo ako! Lumay---." "Sabi ko diba...pag natatakot ka...tawagin mo lang ang pangalan ko."bulong ko bago siya yakapin ng mahigpit. "Bakit kailangan mong sarilinin ang lahat Almira...bakit ka sumuko?"basag na sambit ko habang patuloy ang pagtulo ng luha ko. "Saktan mo ako Almira sipain suntukin mo ako."ani ko bago bahagyang lumayo at tingnan si Almirang nakatulala sakin. "Kung yun lang ang paraan para mawala lahat ng sakit kung kinakailangan patayin mo ako gawin mo kapalit ng nangyari sa anak natin."pagmamakaawang sambit ko bago tumayo at---. "Rade!" "Hector!" "Ohmygod,Kuya." Lumuhod ako sa baba ng kama habang nakayuko. "Patawarin mo ako Almira...Im sorry hindi ko sina--." Naputol ang sasabihin ko ng---. "R-Rade."para akong nabato sa kinaluluhudan ko ng yumakap sakin si Almira ng mahigpit. "R-Rade."pinikit ko ng madiin ang mga mata ko bago siya pabalik na yakapin. "Princess."bulong ko bago siya halikan sa noo na mas kinahagulhol niya. "Takot na takot ako*sob*lahat sila gusto nila akong saktan*sob*"umiiyak na sambit ni Almira ba kinayukom ng kamao ko. "Nasaakin kana ulit Almira...oras na ilayo ka nila ulit sakin...magkakamatayan na kami."bulong ko bago bahagyang lumayo kay Almira at haplusin ang pisngi nito na hilam sa luha. "Andito na ako...hinding hindi na ulit kita iiwan."dagdag ko bago idikit ang noo ko sa noo niya. "Wala ng sino man ang makakalapit o mananakit sayo."ani ko na kinahikbi niya bago---. "Almi---."naputol ang sasabihin ko ng itulak niya ako ng bahagya palayo. "Nawala ako sa sarili Rade*sob*pero*sob*yung diwa ko gising pa din*sob*madumi na ako Rade kung sino sino ang lalaki---."naputol ang sasabihin niya ng hilahin ko siya at halikan sa mga labi. 3rd Person's POV; "Lahat ng mga taong nanamantala o nanakit sayo...lahat sila pagbabayarin ko."bulong ng binata ng maghiwalay ang kanilang mga labi. "Walang sinong mang demonyo ang maaring humawak o gumalaw sa pagmamay ari ko."dagdag ng binata bago madilim ang anyong tinitigan sa mata ang dalaga. "Lintik lang ang walang ganti."nakangising sambit ng binata bago marahang haplusin ang pisngi ng dalaga na nakatingin sa berdeng mga mata ng binata. --- "Ikaw nagluto Rade?"tanong ng dalaga ng ibaba siya ng binata sa sink at makita ang niluluto ng binata. "Favorite mo ito diba?"tanong ng binata na kinatango ng dalaga bago ayusin ang suot nitong salamin na ginawa ng binata para sakanya. "Naalala ko nun sabi mo hindi ka marun---." "Napag aaralan naman yan Almira."putol ng binata bago magtimpla ng gatas. "Rade kaya ko naman hindi mo kailangang gawin ito."bulong ng dalaga na kinatingin ng binata. "Nakikita mo ba ang katawan mo ngayon at tyura mo?"tanong ng binata na kinayuko bahagya ng dalaga. "Tsk."ani ng binata bago ibaba ang hawak nitong gatas at pumagitna sa mga hita ng dalaga bago yakapin ang bewang ng dalaga na kinatingin ng dalagang si Almira. "Kung nasaan man ako ngayon lahat yun dahil sayo Almira."bulong ng binata ng haplusin ng dalaga ng marahan ang pisngi ng binata. "Hindi mo alam kung anong buhay ang meron ako ng nawala ka sakin...pakiramdam ko nun hindi na ako makakabangon pa kaya halos mabaliw na ako nun kahahanap sayo."dagdag pa ng binata habang nakatingala sa maamong mukha ng dalaga. "Nalaman ko nun na naaksidente ka at sinabing nacoma galit na galit ako nun na dumating sa point na muntikan ko ng maubos ang buong angkan mo na dahilan para makulong ako ng tatlong taon."ani ng binata na kinasinghap ng dalaga. "N-Nakulong ka?"tanong ng dalaga na kinabuga ng hangin ng binata. 3rd Person's POV; "Rade!!!"sigaw ng binatang si Aidan ng makita ang nagkalat na tauhan ng mga Sullivan sa paligid na duguan at wala ng buhay. "Demonyo ka!ikaw ang may kasalan--." "Rade!tama na---Rade!"parang nabato ang binatang si Pierce ng magpaputok ng baril ang matandang Sullivan agad siyang binato ng patalim ng binatang si Rade na---. "Mama!" "Ma!" Hinila ng matandang Sullivan ang esposa at pinansalag sa patalim na binato ng binata. Kasabay ng pagbukas ng pinto ang pagbagsak ng Ginang na kinamura ng binatang si Pierce at Aidan ng hulihin ang binatang si Rade.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD