15

614 Words
3rd Person's POV; "London bridge is falling down...falling down London bridge is falling down... my first Lady."kanta ng batang si Hellion habang nakatingin sa mansyong nasusunog habang nasa loob ang kakambal at sa harap niya ang walang buhay na ama na may tama ng bala sa noo. "Tulungan niyo kuya ko."bulong ng nakatulalang bata na si Hellion. "Rade!"napabalikwas ng bangon ang binata ng gisingin siya ng dalaga. Pawisan ito at namumutla habang hinahabol ang hininga. "Rade bakit?"tanong ng dalaga ng mabilis nitong damputin ang phone sa study table ng kwarto nila at magdial ng cellphone number. "Kuya Luther si Hell---." "[Nawawala si Hellion,Hector kasalukuyan na namin siyang hinahanap ni Lucy.]"putol ng binata sa kabilang linya na kinatigil ng binata. "Nasaan si Star?lagi yung kasunod ni Star."tanong ng binata na kinatagal bago sumagot ang binatang si Luther. "[P-Patay na si Star...tinangkang patayin ni Star si Hellion...hindi ko alam ang nangyari pero mukhang si Hellion din ang pumatay kay Star.]"sagot ng binatang si Luther na kinatigil sandali ng binata bago ibaba ang phone ng namatay na ang tawag. "Hellion." --- "Kacey!"sigaw ng binatang si Kace ng makarating siya sa mansyon kung saan niya dinala ang kakambal na babae. "Kace--."naputol ang sasabihin ng binata ng pag bukas ng pinto bumungad sakanya ang binatang nakaupo sa sandalan ng sofa habang nakangising nakatingin sakanya. "Andito na ang isa."ani ng binata habang may hawak na beer. "Kuya!!!"napatingin ang binata sa gitna ng sala ng---. "Pakawalan niyo ang kapatid---." "Chill ka lang bata."nakangising putol ng lalaking walang pang itaas na may number 8 sa dibdib. "Kuya!"sigaw ng dalaga ng lilingunin ito ng binata ng sipain nito ang tuhod ni Kace na dahilan para mapaupo ito sa upuan na hinila ng lalaki. "Masyado kang mainit."ani nito bago malademonyong ngumiti at tutukan ng patalim ang mukha ni Kace. "Wag mo ng subukang lumaban kung ayaw mong gawin naming hapunan itong chix mong kakambal."ani ng lalaking nasa gilid ng lamesa kung saan nakahiga at nakatali ang kapatid na pilit kumakawala sa tali. "Wag na wag niyong hahawakan ang kapatid ko."may diing sambit ng binata habang madilim ang anyong nakatingin sa lalaking inaamoy amoy ang leeg ng kapatid. "Hindi mapagkakailang isa ka ngang Aragon."komento ng lalaking nakaupo sa sandalan ng sofa bago inumin ang hawak nitong alak. "Ano ba talagang kailangan niyo?"malamig na tanong ng binata habang madilim ang anyong pinako ang paningin niya sa lalaking nasa harapan niya. "Sainyo wala...pero sa ama mo meron."nakangising sambit nito bago madiing hawakan ang panga nito. "Patay na ang papa ko kaya wag niyo kaming idamag sa mga kalokohan niyo!"naiinis na sigaw ng binata sa lalaking nasa harapan niya na dahilan para magdilim ang anyo nito at---. "Kuya!"sigaw ng dalaga ng makitang suntukin ng lalaki ang kakambal na dahilan para mapaluhod ito sa sahig at umubo ng dugo. "Walang sino man ang pwedeng sumigaw sakin bata."ani ng lalaki bago mahigpit na hinawakan ang buhok ng binata at iangat. "Bitawan niyo kuya ko!"naiiyak na sambit ng dalaga ng makitang nasasaktan ang kakambal. "Awww kahit umiiyak ang ganda mo pa din."komento ng lalaking may number 7 sa mukha bago ilapit ang mukha sa dalaga na kinahilig ng dalaga pakaliwa na dahilan para humalakhak ang lalaki ng makitang takot na takot ang dalaga. "Stay away from her seven."utos ng lalaking nasa sandalan ng sofa habang nakatingin sa lalaking nakaluhod. "At bak---." Naputol ang sasabihin niya ng makita ang hawak ng binatang si Kace na patalim. "Wala akong pakialam sa gagawin niyo sakin...pero oras na hawakan niyo ni dulo ng buhok ng kapatid ko itaga niyo ito sa bato uubusin ko kayo."walang emosyong sambit ng binatang si Kace bago iangat ang tingin sa lalaking nasa tabi ng kapatid na umiiyak sa takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD