16

514 Words
3rd Person's POV; "Dito dinala ni Kace si Kacey?"tanong ni Rade pagbaba nila ng speed boat. "Malayo ito sa mga tao kay---." "Teka."bulong ng binata ng makaramdam siya ng ibat ibang presensya galing kung saan. "Kinikilabutan ako."komento ni Pierce habang tumitingin sa paligid. "Nung isang araw ko pa kayo inaantay."napatingin ang binata sa lalaking walang pang itaas na naglalakad palapit sa pwesto niya habang nakangisi. "Visue."walang emosyong bulong ng binata ng makita ang lalaki. "Matagal din tayong hindi nagkita...naalala mo pa ako?"nakangising tanong ng lalaki---. "Sino ba naman ang makakalimot sa putanginang pumatay sa ama ko?"ani nito habang madilim ang anyong nakatingin sa lalaki na nakangisi. --- "Kuya sabi ni Mama anak daw tayo ng demonyo...demonyo ba papa natin?"inosenteng tanong ng batang si Hellion habang pinagpapatong patong ang mga cards na nasa box. "Wag mo na lang alalahanin ang sinasabi ni Mama Hellion."sagot ng kapatid habang nilalabas ang mga card na pinagpapatong patong ng kapatid. "Hindi ba tayo love ni Mama?tuwing pumupunta kasi tayo sakanya nagagalit siya."tanong ulit ng bata na kinatingin ng batang si Hector. "Hindi marunong pumatay ang pagmamahal Lion."sagot ng batang si Hector na kinawala sa focus na batang si Hellion para bumagsak ang castle niyang gawa sa card. "Ibig sabihin ba nun kuya hindi tayo love ni mama?kaya gusto niya tayong patayin?"tanong ng batang si Hellion na---. "Lion hindi totoo yan mahal kayo ng mama niyo."napatingin ang dalawang bata sa lalaking lumapit sa pwesto nila bago guluhin ang buhok ng dalawang bata. "Si hector na matalino at seryoso,si Lion na inosente at may malaking puso...sino ba namang babae hindi magmamahal sainyong dalawa?"tanong ng lalaki bago haplusin ang buhok ng dalawang anak. "Mahal kayo ng mama niyo...mahal ko kayo...kaya wag niyong isipin yan okay?"ani ng lalaki habang nakatingin sa dalawang anak na nakangiti sakanya. "Wait papa!may kukunin lang po ako sa labas yung mga robots ko."nagmamadaling sambit ni Hellion bago tumakbo palabas na kinailing ng lalaki bago umupo sa harap ng anak na si Hector. "Bakit ganyan ka makatingin Kid?"tanong ng lalaki ng makita kung pano makatingin ang batang lalaki. "Anak mo ba kami papa?"tanong ng batang lalaki na kinatigil ng lalaki hanggang sa kauna'y ngumiti ito at ginulo ang buhok na anak na lalaki. "Pareho tayong gwapo duda ka ba dun?"natatawang sambit ng lalaki na kinahiti ng batang si Hector. "Boss."napatingin ang dalawa sa lalaking lumapit sa pwesto nila. "Papa bakit?"tanong ng batang si Hector ng may ibulong sa ama ang tauhan at tingnan siya ng ama. "May bisita lang si papa labasin mo si Hellion tapos tumaas muna kayo...wag kayong baba hanggat hindi ko sinas---." "Papa!"napatingin ang batang si Hector sa kakambal ng tumatakbo itong lumapit habang hawak ang isang box. "Kuya laro--" "Tumaas na kayo sa taas kayo maglaro wag dito."putol ng ama nila bago itayo ang anak na si Hector at itulak tulak pataas ng hagdan. "Wag kayong baba."bilin ng ama at tingnan ang batang si Hector. "Wag na wag mong pababayaan ang kapatid mo Hector."bulong ng ama bago tumalikod at lumabas ng mansyon kasunod ang ilang tauhan habang ang iba namay naiwan sa loob ng mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD