14

680 Words
Almira Sullivan's POV; Ilang minuto na akong nakatayo dito sa likuran ni Rade pero ni hindi man lang ito lumingon sa lalim ng iniisip niya hindi man lang niya ako napapansin. Base din sa pagkakapit niya sa railing at galaw ng balikat mukhang natetense siya. "Rade."bulong ko bago siya yakapin mula sa likod na kinakalna niya bahagya na kinangiti ko. "Ganun pa rin ang epekto ko sayo."bulong ko bago lumusot sa pagitan ng mga braso niya at yakapin siya na kinalambot ng ekspresyon niya bago bahagya akong yakapin ng mahigpit. Dahil sa kapre siyang nilalang tumingala ako para mapagmasdan ang mga berde niyang mata na gustong gusto ko. "Pano mo naman nasabi na ganun pa din ang epekto mo sakin?naisip mo bang mag nagbago kaya nasabi mo yun?"tanong niya na kinatango ko. "Ilang years din tayong hindi nagkasama tapos ang daming nangy---." "Sa dami ng nangyari at sa tagal nating hindi nagkita...mas lalo kitang minahal Almira."putol niya bago haplusin ang pisngi ko. "Hindi ko iniexpect na ganito kalayo ang mararating ko dahil lang sa paghahanap ko sayo...kinailangan ko ng malaking pera at impluwensya para lang mahalughog kita sa buong mundo."ani niya na kinalaki ng mata ko. "A-Ano?"bulong ko na kinabuga niya ng hangin bago tumingin sa malaking buwan na nasa kalangitan. "Sa loob ng 15 years at nalaman kong nawawala ka nagsimula ulit ako...dahil nalaman kong nakasurvive ka kailangan lang kitang hanapin akala ko magiging madali lang pero hindi...kinailangan ko ng malaking pera at impluwensya para lang makita ka lalo na ng malaman kong nangibang bansa ang angkan mo sinundan ko sila at pinuntahan lahat ng ospital kung saan ka man maaring makapunta."sagot niya na kinalamig ng katawan ko. "Iniisip ko nun tinatago ka lang nila sakin hindi ako naniwala pero lumipas ang mga buwan at taon wala akong nakitang Almira kinailangan kong gamitin ang talino ko para lang kumita ng pera lahat ng illegal transaction pinasok ko para makakuha ng malaking pera para sa paghahanap sayo."dagdag niya na kinatulo ng luha ko. "Inikot ko ang buong mundo para sayo...hanggang sa bumalik ulit ako ng pilipinas para sa isang misyon."ani niya bago ako tingnan at ngumiti. Mga ngiting ninais ko makita ulit pagkatapos ng ilang taon naming hindi pagkikita. "Na hindi ko iniexpect na makikita din kita dito."bulong niya bago haplusin ang pisngi ko. "Ang kaisa isang bagay na hindi ko hiniling pero binigay sakin."dagdag niya na kinahikbi ko hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa sobrang saya. "N-Nakabalik na ako."bulong ko na kinangiti niya bago yumuko at siilin ako ng halik. "At hinding hindi ko na bibitawan at iwawala pa."ani niya ng maghiwalay ang labi namin at halikan ako sa noo bago ako yakapin ng mahigpit. Kung may lugar man sa mundong ito na maituturing kong tahanan...sa pagitan na yun ng mga braso ng kaisa isang lalaking tinuring akong mundo at kayamanan. --- "Rade."bulong ko habang nakahiga sa dibdib ni Rade at tinitrace ang koronang nasa kanang bahagi ng dibdib ni Rade at sa loob nito ang tattoo na number 8. "Sinabi mo sakin na number ito para sainyong magkakapatid pero hindi mo sinabi kung ilan kayong magkakapatid."ani ko na kinatingin niya sakin. "Nakita mo na yung dalawa sakanil--." "Tatlo lang ba kayo?"tanong ko na kinatawa niya ng mahina bago haplusin ang buhok ko. "12 kami."ani niya na kinabangon ko. "12?pano?mukhang magkaka age--." "Iba iba ang ina namin pero iisa ang ama...kami lang lang ni Hellion yung tunay na magkapatid."sagot niya na kinakunot ng noo ko lalo ng makita ko ang pagkadisgusto sa mukha nito. Mukhang ayaw niyang pag usapan yun kaya imbis magtanong pa humiga na lang ulit ako sa dibdib niya at niyakap siya ng mahigpit. Naikwento sakin ni Rade na kambal niya yung Hellion pero wala siyang sinabi tungkol sa ama at ina niya. "Rade gusto ko ng makita ang mga anak natin."bulong ko. "Your wish is my command princess kukunin ko na sila...kahit hindi ko alam kung pano."sagot ni Rade na parang nangaasar pa na kinasimangot ko. "Hindi ako uuwi ng hindi ko sila kasama."bulong niya na kinangiti ko bago siya mas yakapin ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD