13

654 Words
Rade's POV; Napangiti ako ng makitang tutok na tutok si Almira habang nagkukwento si Cason tungkol kay Kacey sa anak naming babae. 'Ang anak namin.' Ang sarap ulit ulitin. "Mahilig si Kacey sa matatamis pero ayaw niya ng chocolate...takot din siya sa height pero tuwang tuwa na nakakakita ng puno kaya ginawan siya ni Kace ng duyan sa mansyon."ani ni Cason na kinahagikhik ni Almira. "Mahilig ako sa matamis pero like ko ng chocolate si Rade ang ayaw ng chocolate nakakasuka daw ang sobrang tamis...takot ako sa height pero si Rade ang mahilig mangatyat ng puno."ani ni Almira na kinatawa ko ng mahina. Tama siya dahil pakiramdam ko pag nasa taas ako gumagaan ang loob ko komportable ako ang pakiramdam ko walang ibang tao dun ako lang. "Si Kace naman ang walang takot sa mataas na lugar...to the point na tumatalon siya sa building ar tumatakbo pababa."napatingin ako kay Cason ng sabihin niya yun na kinatingin niya din sakin. "Pati na din ang ugali ni Rade at characteristic nakuha lahat ni Kace kaya---." "Ibig sabihin matapang din siya katulad ni Rade?"natutuwang sambit ni Almira na kinangiti ng peke ni Cason. "Parang ganun na nga."makahulugang sambit ni Cason na kinailing ko. "Sweet at malambing si Kacey at sobrang...ganda."ani ni Cason base sa expression nito may gusto itong sabihin pa. Habang nagkukwentuhan ang dalawa lumabas muna ako sandali para icheck ang mga tauhan ko na nagkalat sa buong mansyon. "Yo pinuno!"napaangat ako ng tingin sa bubong ng mansyon ng makita ko si---. "Pierce tsk."nagsalute siya na kinailing ko. --- "May mga hindi ka sinabi kay Almira."ani ko ng makita ko si Cason sa kusina na nakatingin sa basong nasa harapan niya. "Iba ang ganda ni Kacey Rade."bulong ni Cason na kinatingin ko. "Kaya tinatago siya ni Kace."dagdag ni Cason. "Ano bang ganda ang sinasabi m---." "Baka kasi tawanan mo ako pag sinabi kong parang may sumpa ang gandang meron si Kacey yung tipong mababaliw ka pag tinitigan mo siya."putol ni Cason sa sinasabi ko. "May gusto ka ba sa an---." "Wala ah!"mabilis na sagot ko habang naiinis na tiningnan ko. "Si Clade ang nagsabi nun sakin. "Dagdag niya na kinaismid ko. "Ano bang kabaliwan yang sinasabi mo?"naiinis na sagot ko na kinabuga ng hangin ni Cason. "Tsk sabi na nga ba."naiinis na sambit ni Cason bago may kunin na kung ano sa bulsa niya at iabot yun sakin. "Ano---."naputol ang sasabihin ko ng makita ko ang picture ni---. "Mama."bulong ko ng makita kong kamukhang kamukha ni Mama ang nasa picture ang pinagkaiba lang may berde itong mga mata tulad ko at namana ang buhok nito kay Almira na may pagkadark brown. "Tinangka na siyang gahasain ni papa at ng ilan pang tauhang laging nakakakita kay Kacey...kaya nung nine or ten years old pa lang ito pinalabas ni Kace na patay na ang kakambal niya kinulong niya sa isang isla ang kapatid niya kasama ang pinagkakatiwalaan nitong kaibigan."dagdag ni Cason na kinapikit ko ng madiin. 3rd Person's POV; "Mam---." "Wag kayong lumapit sakin!anak kayo ng demonyo!hindi ko kayo anak!!!"sigaw ng dalafa sa dalawang bata habang nagpapasag na hawak ng dalawang nurse. "Amelia!ano bang sinasabi mo?anak natin ang---" "Henry!makinig ka hindi mo sila anak!Henry mga anak sila ng demonyo!"sigaw ng dalaga ng makitang yakapin ni Henry ang dalawang anak na lalaki. "Mama anak mo po kami."umiiyak na sambit ng isa dalawang batang lalaki lalapit ito sa ina ng---. "Hellion!"sigaw ng kapatid nito ng babatuhin ng dalaga ng vase ang anak. "Amelia tama na!!!"sigaw ng binata bago harangan ang kambal na parehong takot na takot na nakatingin sa ina. "Nababaliw kana Amelia."bulong ng asawa nito bago hawakan ang kambal at lumabas ng kwarto. "Henry!makinig ka!anak sila ng demonyo lumayo ka sakanila!papatayin ka niya!Henry!!!"sigaw ng dalaga habang umiiyak hahabulin nito ang mag aama ng kusa na lang nagsara ang pinto. "Henry!makinig ka!"nagwawalang sambit ng dalaga habang tinturukan siya ng pampakalma ng nga nurse at hawak ng ilang nurse na lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD