3rd Person's POV;
Napuno ng iyakan ang kwarto kung saan kasalukuyang nakahiga ang binatang si Rade ng magkasama sama ang mag iina.
Hindi magkamayaw ang sayang nararamdaman ni Almira ng makita ang kambal na anak na kahit si Kace na kahit isang beses hindi nagpakita ng kahit anong emosyon todo yakap sa ina na tila ayaw na itong pakawalan pa.
"Ang mga anak ko*sob*ang gagwapo at at ganda niyo*sob*buti na lang talaga nagmana kayo sa ama niyo."natatawang sambit ng dalaga habang naiyak na hinaplos ang pisngi ng dalawang anak.
"Mama hindi niyo na po kami iiwan diba?"umiiyak na tanong ng dalagang si Kacey na kinailing ni Almira.
"Hinding hindi na Kacey andito na kami ng papa niyo hinding hindi namin kayo pababayaan."umiiyak na sagot ng dalaga bago yakapin ang dalawang anak.
"Rade..gumising kana Honey andito na mga anak natin."bulong ng dalaga bago hawakan ang kamay ng walang malay na binata.
"Mama yung katawan ni papa."ani ni Kacey bago haplusin ang mga peklat sa katawan ni Rade kung saan walang benda.
"Aragon."bulong ng binatang si Kace na kinatingin ni Almira.
"Mama isang aragon si Papa diba?"tanong ni Kace na kinakagat labi ng dalaga.
"Kace kasi hindi naman bigdeal yun kung---."
"Ma hindi po ako pinanganak kahapon kilala sa buong mundo ang pamilyang yun."putol ni Kace sa ina.
"Hindi naman talaga big deal yun."ani ng lalaking walang katok katok na pumasok.
May malaking headset ito sa leeg at walang buhay na nakatingin sa lalaking nakahiga sa hospital bed.
"Sino ka?"tanong ng binatang si Kace bago harangan ang kapatid at ina.
"Kace kapatid siya ng papa mo."bulong ni Almira habang nakatingin sa likod ng palad ng binata na may number 4 na tattoo katulad ng sa kasintahan.
"Mga Aragon din ang muntikan ng pumatay samin mama."ani ni Kace bago madilim ang anyong tiningnan ang estrangherong binata na walang buhay na nakatingin sakanilang magiina.
"Kami ang tunay na Aragon."maiksing sambit ni Dark or King Aragon na pang apat sa magkakapatid bago lumapit sa hospital bed kung saan natutulog si Rade.
"Tama pala ang balitang kumakalat na nawawala ang tunay na mga Aragon."balewalang sambit ni Kace habang nakatingin sa kapatid ng ama.
"Saksak sa hita, mga paso sa ibat ibang parte ng katawan,tama sa ulo."ani nito na daig pa ang doctor kung mag impeksyon sa katawan ng ama.
"Manong doctor ka ba?"tanong ni kacey na kinatingin ng binata.
"Hindi."maikling sagot ng binata bago ihead to toe ang dalaga.
"Now alam ko na kung bakit ganun lang makareact sina Luther ng makita ka."out of the blue na dagdag ni Dark bago tingnan ang wrist watch nito.
"Kailangan ko ng umalis meron pa akong ihuhulog s---"
Naputol ang sasabihin nito at pareparehong napatingin sa bintana ng kwarto ni Rade ng may bumagsak dun mula sa rooftop.
"Tumalon na pala."balewalang sambit ni Dark ng marinig ang tiliaan at sigawan mula sa labas ng kwarto ni Rade dahil sa lalaki daw na tumalon sa Rooftop.
---
"Hanapin niyo yung bata bilisan niyo!"sigaw ng binatilyo mula sa labas ng kwarto kung saan nagtatago si Hector na hawak ang laptop at minamanupulate ang mga robot na ginawa niya.
"Ahhh!!"
"Tangina ano ito?!"
Mula sa loob ng bahay kitang kita ng mga tauhan ng mga estrangherong binatilyo ang pag galaw ng maliliit na robot at pagbukas ng mga pinto o sahig na dahilan para sila maaksidente o mabaon.
"Labas na bata."walang buhay na sambit ng bimatilyo bago tingnan ang cctv malapit sa pinto na kinasinghap ng batang lalaki.
"Gusto ko ng laro?...sige maglaro tayo."bulong ng binatilyo bago nakangising bumaba at pumasok sa kusina para---.
"Papa!"sigaw ni Hector ng makitang buksan nito ang gas at naglakad palabas ang binatilyo.
"Okay lang na mawala ka...wala naman kasi sinabi si Dad na dalawa kayong dalhin ko."nakangising sambit ng binatilyo bagi ihagis patalikod ang lighter na dahilan para sumabog at magliyab ang buong mansyon mula sa baba.
"Ahhh!"sigaw ng batang si Hectot ng may magbagsakang kahoy sa harap niya at magliyab ang buong paligid.
Dahil sa takot hindi magawang umiyak ng limang taong si Hector at nanatili na lang nakaupo sa sulok habang nakatulalang nakatingin sa sunog.
"Papa!"nahugot ang hininga ng binatang si Hector ng luminaw ang paningin niya at bumungad sa harap ng binata ang nag aalalang mukha ng mag iina niya.
"Thanks god nagising kana anong nangyari Rade?"tanong ng binata ng makitang namumutla ang kasintahan.
"H-Hindi lang maganda panaginip ko."mahinang sambit ng binata bago tingnan ang mga anak at pasadahan ang mga ito ng tingin.
"Nasaktan ba kayo?"bulong ng binata na kinatinginan ng kambal bago sabay na umiling.