Epilogue

733 Words
Ilang buwan na ang lumipas mula ng makalabas ang binata sa hospital kahit may mga konting ilangan dahil sa mga anak nila agad din namang naayos ng araw araw na silang magkakasama. "Waaah papa ang ganda!"tili ni Kacey ng makita ang maliit na robot na umiikot ikot sa harap niya. "Cade!tingnan mo ang ganda!"tili ng dalaga ng makitang papasok ang binata kasunod ang kakambal. "Rade masyado mo namang iniispoild yang anak mo."pailing iling na komento ng dalaga ng makita ang mga laruan ni Kacey na si Rade mismo ang gumawa. "Iloveyou papa!mama!"humahagikhik na sambit ni Kacey habang nasa harap niya ang isang recording teddy bear. "Iloveyou papa!mama!"panggagaya nv robot na kinailing ng dalaga habang nakangiti at lumapit sa mag aama niya. "Princess hayaan mo na ako tiyaka gawa ko naman yan hindi naman ako gumagast---." "Rade wag ako narinig ko kayo nina Pierce kagabi worth of 50 million ang nilalabas mo para sa mga laruang ginagawa mo sa mga batang yan."putol ng dalaga na kinakamot sa pisngi ni Rade habang nakaupo sa lap niya si Kacey na pabalik balik ang tingin sa mga magulang. "Hi ma,pa."napatingin ang dalawa sa dalawang binatang pumasok. "Hindi ka umuwi Kace saan ka galing?"tanong ng ni Almira ng halikan siya sa pisngi at si Kacey ni Kace. "Nagpaalam naman ako kay papa nasa lab niya lang ako naastigan kasi ako sa mga robot niya dun kaya naglar---" "Mag ama talaga kayo if i know ibang laro ang tinutukoy mo."putol ng ina na kinatingin ng mag ama sa isat isa bago parehong yumakap sa dalaga na pinipigilang mapangiti. Almira Sullivan's POV; Sa dami ng nangyari hindi ko na maalala kung ilang beses ako nagtanong sa diyos kung bakit kailangan kong danasin ang ganito. Bakit sarili kong pamilya ang kailangang sumira ng buhay ko? Bakit kailangan naming maghiwalay ni Rade ang taong kaisa isang pinahalagahan ang tulad ko? Bakit kailangang mamatay ng mga anak ko? Bakit kailangan kong danasin ang mga ganitong bagay? Ilang beses ko na ding sinisi ang diyos sa mga nangyayari sakin...kung anong plano niya wala akong ka idea idea nabulag ako sa sariling mundo. Hanggang sa nakita ko ulit si Rade pagkatapos ng ilang taong kalbaryo ko nakabalik ako sa kaisa isang taong tinuring kong buhay at liwanag ko. Binuo niya ulit ako na sa ilang taong pamamalagi ko sa labas hindi ko nagawa para sa sarili ko. Binalik niya ang mga anak namin at tinapos niya ang kalbaryo ko ng isang araw lang Ginagawa niyang posible ang imposible katulad ng makuntento ako sa mga bagay na katulad ng kumpletong pamilya simple pero masaya. Sa kabila ng mga pinagdaanan ko sa pamilya ko at sa labas ng mundo hindi ko inaakala na makakarecover ako ng ganito na parang walang nangyari. "Hey."napatingin ako ng lumuhod sa harap ko si Rade kung saan nakaupo ako sa gilid ng kama. 3rd Person's POV; "Kanina ka pa Rade?"tanong ng dalaga ng halikan ng binata ang likod ng palad ng dalaga. "Kanina pa ako nakatayo sa harap mo pero mukhang malalim ang iniisip mo kaya di mo ako napapansin."sagot ng binata habang nakatingin sa mga mata ng dalaga. "Bakit ka ganyan makatingin pangit na ba ako sa paningin mo kay---." "Pft ano nanaman yang iniisip mo?"tanong ng binata bago ibaba ang hawak nitong black card sa ibabaw ng table at tanggalin ang suot na salamin ng dalaga. "Teka bakit mo tinatang---." "Iloveyou Almira."putol ni Rade bago halikan ang tungki ng ilong ng dalaga na kinapula ng pisngi ni Almira. "Ano ba naman Rade h-hindi na tayo mga highschool student p-para umasta ka ng ganyan."nauutal na sambit ng dalaga na kinatawa ng mahina ng binata. "Pero mahal pa din kita kaya tama lang siguro na manlambing ako ng ganito diba?"balewalang tanong ng binata bago yakapin ang bewang ng dalaga na mas lalong kinainit ng pisngi ng dalaga. Kahit hindi gaanong makita ng dalaga ang mukha ng binata kitang kita nito ang pagkislap ng mga berdeng mata ng binata na kinangiti ng dalaga. "Almira naikwento ko na sayo yung tungkol samin diba?"tanong ni Rade na kinatingin ng dalaga. "Aalis kana ba?"tanong ni Almira bago haplusin ang pisngi ng binata. "May nakarating ng invitation at ano...napagusapan namin na---." "Shhh di mo na kailangan magexplain."putol ni Almira bago pisilin ng mahina ang matangos na ilong ni Rade. "Hihintayin ka namin ng mga anak mo."nakangiting sambit ng dalaga bagi yumuko at halikan sa labi ang binata.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD