3rd Person's POV;
"Kace!"sigaw ni Rade ng walang kaano anong sinugod siya ng anak ni hindi man lang ito nakikitaan ng pagdadalawang isip na patayin ang sariling ama.
"Kace makinig ka hindi mo sila kailangang sund---f**k!"mura ni Rade ng madaplisan siya ng hawak na patalim ni Kace na dahilan para mapaatras ito ng sunod siyang sipain ng binata.
"Wala kang kwentang ama...dahil sayo naranasan ko ang impyerno...dahil sa kaduwagan mo nabaliw ang mama ko at muntik ng marape ang kakambal ko."walang emosyong sambit ng binatang si Kace habang galit na galit na tiningnan ang ama.
"Kace hindi ko alam...tinago kayo sakin ni Mr.Sullivan ng ilang taon hindi ko alam na may anak---."
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo!"sigaw ng binatang si Kace na kinangisi ng lalaking naaliw na nanonood sa mag ama.
Nagpatuloy ang laban sa isla na ang dating kulay puting buhanginan halos magkulay pula na dahil sa dugo at katawang nagkalat sa buong paligid.
"f**k!"sunod sunod ang mura ni Pierce ng makaramdam na siya ng pagod at sakit sa katawan sa pakikipaglaban sa mga tauhan ng Aragon.
"Pierce!"yumuko ang binatang si Pierce ng batuhin siya ni Cason ng patalim o tamang sabihin ang kalaban na nasa likuran niya.
"Putangina hindi sila babagsak hanggat hindi sila napapatay."mura ni Zade habang hinahabol ang hiningang nakatingin sa ilan pang tauhan ng Aragon na nakatayo.
"Mamatay tayo dito pag hindi pa tayo kumilos."sabat ni Lincoln na hawak ang kanang braso.
"May tama ka pre."komento ni Porter ng makita ang kanang kamay ni Lincoln.
"Kaya pa ito...kumpara sa situation ni Pinuno mas malala pa yung sakanya."ani ni Lincoln bagi tingnan si Kace at Rade na nag lalaban.
"Sariling anak ang gustong pumatay sakanya."dagdag ni Lincoln na kinatahimik ng mga binata.
Rade's POV;
"Tama na ang kalokohang ito."naiinis na sambit ko bago hawakan sa braso si Kace at padapain sa sahig na kinaingit nito.
"Wag kang duwag na hayop ka..bakit natatakot ka ba sakin?"nakangising sambit ko papalag si Kace ng itulak ko ito kina Cason.
"f**k!"rinig kong mura ni Kace ng pagtulungan siya nina Pierce para pigilan.
"Oh nadala na talaga kayo ng ipadala ni Khairo ang ulo ng mga kapatid niyo sa palasyo?"pang aasar ko na kinadilim ng anyo niya.
"Kahit anong gawin niyo hinding hindi kayo magiging kami."may diing sambit ko bago paikutin sa kamay ko ang hawak kong patalim.
"Nag eexist kayo dahil samin...at mananatili lang kayong anino habang nabubuhay kami tandaan niyo yan."dagdag ko na kinatayo niya bago madilim ang anyong naglakad papunta sa pwesto ko.
3rd person's POV;
Habang nagkakagulo ang lahat sa dalampasigan may isang pagsabog na kinatigil ng lahat.
"K-Kacey."bulong ng binatang si Kace ng makitang nagliliyab ang mansyon.
"KACEY!"sigaw ng binata at walang kaano anong binalya ang mga tauhan ng ama at si Cason ng tumakbo ito pabalim sa mansyon.
"Kace!"sunod sunod ang mura ni Cason bago habulin ang pamangkin kasunod ang binatang si Rade na halos mawalan ng kulay ng pumasok ang anak na lalaki sa loob.
"Kace!"sigaw ni Rade ng makalapit sila ng mansyon na nagliliyab halos hindi makagalaw ang binata ng maalala ang nangyari 20 years ago na muntikan na niyang ikamatay ng natrap siya sa nasusunog na mansyon.
"Rade!"sigaw ng limang lalaki ng tumakbo papasok si Rade.
Rade's POV;
Nangako ako kay Almira ibabalik ko ng ligtas ang mga anak namin at kung buhay ko man ang maging kapalit sa mga kasalanan at pagkukulang ko sa pamilya ko wala akong pagsisihan na kahit ano man.
"Kacey!"napaatras ako ng may bumagsak na malaking kahoy s harap ko na kinaubo ko.
"Kacey!"rinig kong sigaw ni Kace sa hindi kalayuan kahit kinakapos sa hininga at walang makita pilit kong hinakbang ang mga paa ko.
"Kuya!!"napalingon ako sa kusina na hindi kalayuan sakin ng may marinig akong boses ng babae na umiiyak.
"Kacey!"sigaw ko na kinatingin niya ng makita kong babagsakan siya ng mga semento.
"f**k!"mura ko bago mabilis na tumakbo at tinakpan ang anak ko ng may mga sementong babagsak pero bago ako matamaan may tumulak samin pagilid ng makitang kong tatama ang ulo ni kacey sa pader mabilis akong umikot at--.
"s**t"mura ko ng tumama ang likod ko sa pader at nay kung anong tumusok sa hita ko.
"Ohmygod!kuya!...manong okay ka la---."
"L-lumabas na k-kayo ni K-Kace sasabog na ang lugar."nanghihinang sambit ko pakiramdam ko nahihilo na ako dahil sa pagtama ng ulo k---.
"Tangina hindi ka pa pwedeng mamatay babawi ka pa samin ni Kacey!"pinilit kong imulat ang mata ko para tingnan kung sino mang bumubuhat sakin.
"K-Kace ilang m-minuto na lang sasabog na ang lugar parepareho tayong masusunog dito pag hindi p-pa kay---."
"Lumaki kaming walang magulang ngayong nahanap na kita at may chance pa na magkaroon kami ng tatay igigive up ko pa ba yun?"putol ni Kace na kinatigil ko hanggang sa---.
"Kuya!"pareho kaming bumagsak ni Kace ng halos wala na kaming madaanan sa dami ng mga kahoy na bumagsak at nag aapoy.
"Kuya...P-papa."napatingin kami pareho ni Kace kay Kacey na umiiyak habang pilit kaming tinatayo.
"Tayo na k-kayo*sob*."naiyukom ko ang kamao ko ng makita kong umiiyak ang anak ko.
"D-Damn."kahit nahihirapan pinilit kong itayo ang sarili ko at walang kaano anong hinugot ang kahoy na nakabaon sa hita ko na kinalaki ng mata ng bunso ko.
"Hindi tayo pwedeng mamatay nangako ako sa mommy niyo na hindi ako uuwi hanggat hindi ko kayo naibabalik."bulong ko bago iabot ang kamay ko kay Kace at hilahin siya patayo.
Kailangan ko makaisip ng paraan n---."
"Ahhh!"tili ni Kacey ng may bumangga sa mansyon na kotse, dahil sa impact may mga nagtalsikang kahoy na dahilan para takpan ni Kace si Kacey at takpan ko naman si Kace na kinaingit ko ng may mga humampas saking nagliliyab na kahoy.
"Papa!"napaluhod ako dahil sa sobrang sakit.
Matagal na din ng makaramdam ako ng ganitong sakit...sakit na ni minsan hindi ko iniexpect na mararamdaman ko ulit.
"Papa!papa!"kahit nanlalabo ang mga mata ko pinilit kong imulat ang mga mata ko para tingnan ang mga anak ko.
Pero ngayon ang sakit na ito...hindi dahil sa kasalanan o dahil sa pagkakamali ko...iba ang sakit na ito.
Dahil ang sakit na ito parte ng pagiging ama ko na kahit hindi ko pa iniisip kusa ng gumagalaw ang katawan ko para protektahan ang mga anak ko.