3rd Person's POV;
"Kuya hindi ka ba makikipaglaro sakin?"tanong ng batang si Hellion habang nakasampa sa kama ng kapatid habang hawak ang mga robots na kakambal niya mismo ang may gawa.
"Lion kaya mo bang tumalon sa veranda?"tanong ng batang si Hector habang nakatingin sa bintana kung nasan ang ama at mga bisita.
"Hindi ko gusto ang presensya nila."bulong ng binatang si Hector habang nakatingin sa lalaking may kakaibang bigat na presenya at sa likod nito ang napakadaming black in men.
"Kayang kaya kuya noh lagi kayang diyan ako dumadaan pag pinupuntahan k---"
"Tumalon ka diyan pababa pumunta ka ng garden."utos ng batang lalaki bago lingunin ang kapatid na inosenteng nakatingin sakanya na tila nagtataka dahil sa pinagagawa ng kapatid.
"Mag aano ako kuya du---."
"Bili mo ako ng chocolates wag kang papakita kay papa o kahit sa mga bisita siguradong papagalitan tayo ni papa pag nakita ka."putol ng batang lalaki bago kuhanin ang ginawa nitong maliit na laruan sa closet at ibigay yun sa kapatid.
"Wag na wag mong iwawala yan kahit na anong mangyari para pag nawala ka madali kitang mahahanap."bilin ng batang lalaki na si Hector bago itayo ang kapatid.
"Eh kuya hindi ka kumakain ng chocolate diba?ayaw mo ng sweets."react ng kapatid mg itulak tulak siya ng batang lalaki sa veranda ng kwarto.
"Nasearch ko pampatalino daw yun"sagot ng batang lalaki na kinakinanang ng mata ni Hellion.
"Kailangan ko din yun kuya diba?diba?"tanong ng batang lalaki na kinabuga ng hangin ng batang si Hector.
"Oo kailangan mo din kaya damihan mo na."utos ng batang lalaki.
"Aye aye captain!babalik agad ako."excited na sambit ng batang si Hellion bago sumampa sa railing at tumalon pababa na kinangiti ng batang si Hector.
Hindi matalino ang batang si Hellion pero kumpara sa kakambal malakas at may kakaibang kakayahan ang kakambal na hindi karaniwan para sa isang tao.
Napatigil ang batang lalaki ng paglapit niya sa bintana kung nasaan ang bisita at ama nanlamig ang katawan nito at parang napako ito sa kinatatayuan ng makitang binaril ng estrangherong lalaki sa ulo ang ama bago tadtadin ng bala ang mga tauhang nasa likuran ng ama.
"P-papa."bulong batang lalaki ng makitang naliligo sa sariling dugo ang ama kasama ang mga tauhan nito.
---
"Makakalimutan ko ba naman ang taong nilagyan ko ng remembrance sa mukha."ani ng binata na kinadilim ng anyo ng lalaki.
"Kung gugustuhin ko pwede kitang pabagsakin mismo sa kinatatayuan mo...pero dahil sa alam kong kulang pa yun sa ginawa mo sakin hahayaan kong ang anak mo mismo ang tumapos sa buhay mo."nakangising sambit ng lalaki bago gumilid at---.
"Kace."bulong ni Cason ng makita ang pamangkin na may hawak na patalim at sa likod nito ang napakaraming tauhan ng mga Aragon.
"Lets start the kick off."nakangising sambit ng lalaki bago nag gesture sa mga tauhan na kumilos.