"Bakit Darren uso pa ba iyon sa 'yo ang salitang respeto? Hindi ba pumasok sa isip mo? Na pinatulan niya si daddy dahil sinaktan mo siya? Hindi ba pumasok sa isip mo na baka sinadiya niyang dito sila kumain dahil nandito tayo? Sa tingin mo ba ay coincedence lang kung bakit nagkita-kita tayo rito? Bakit sa dinami-daming restaurant rito sa mundo bakit dito sila kumakain?" "Shut up Monic! Bakit ba napakarumi ng utak mo? Hindi ganoong klaseng babae si Sam, halika na nga umuwi na tayo, panira ka ng araw ko!" galit na turan ko sa kaniya kumunot ang noo niya at tinaas niya ang kaniyang kilay. "Oh. . . I smell something fishy. Magselos na ba ako Darren?" "Monic, ano ba ang pinagsasabi mo?" "Darren, akala mo ba hindi ko alam na nagseselos ka? Umayos ka Darren kung ayaw mong gawin kong calam